Home / Fantasy / Secret door in the dark forest / Kabanata 8: Lagusan sa isinumpang gubat

Share

Kabanata 8: Lagusan sa isinumpang gubat

Author: Aya Lyka C.
last update Last Updated: 2021-10-17 21:03:28

"Prinsesa may parating." Mabilis na sabi ng fairy sa akin bago siya nagtago.

Natanaw ko kung sino ang parating.

"Ah....mga friends ko lang yan, don't worry." Sabi ko ng nakangiti sa di kalayuan na nakatingin sa parating kung mga kaibigan.

 Nagtatawanan pa sila ng palapit sa kinaroroonan namin. 

"Ano meron at ang saya nyo? Tanong ko agad sa kanila ng mapansin kung nagkakatuwaan sila.

" Ah wala lang nagbibiruan kasi kami." Mahinhin na sabi ni Tin.

Umupo na ang bawat isa.

"Ano meron at nandito kayo lahat? Tanong ko sa kanila.

May mga hawak na gadget ang bawat isa. Kaya di agad nila nasagot ang tanong ko.

"Wala lang, gusto ka lang namin makasama." Sabi naman ni Jack. Seryoso ang pagkakaupo ng tumingin sa akin.

"Oo nga Cal.., tsaka pwede ba kami mag stay muna ngayong gabi dito. Bukas kasi pupuntahan natin yung madilim na kakahuyan. "Sabi naman ni Robert.

"Nakakatakot dun nohhh..tinawag nga yung sinumpang gubat ehh. Huwag na lang kaya tayo tumuloy."  Naiinis na sabi ni Leila.

Nagkatinginan kaming lahat. Napabuntong hininga na lang ako.

"Alam mo Leila, ang arte mo. Wag ka na lang kaya sumama,, basta kami pupunta kami." Nakangiting sabi ni Robert at biglang napatawa ito ng bahagya.

Umalis muna ako saglit para kumuha ng kakainin namin at inomin.

"Excuse me lang guys, kukuha lang ako ng pagkain at maiinom natin." Paalam ko sa kanila.

Nakatingin silang lahat sa akin. Napatayo na rin ako sa kinauupuan ko.

"Ah Cal.,samahan na kita." Sabi ni Jack na may tipid na ngiti.

Bigla namang nag ingay ang

"Ayehhh......."Asar ng mga friend ko sa amin ni jack.

"Sure, para may magdala ng meryenda natin." Napangiti ako.

Hinawakan niya ako sa balikat ngunit tinanggal ko ito at tumingin sa kanya sabay ngiti.

Nasa kusina na kami, nagtatago pa rin sa buhok ko ang munti kong kaibigan. Una ko muna hinanda yung tray at kumuha na rin ako ng lagayan ng sandwitch. Kumuha naman si Jack ng mga baso. Gumawa ako ng sandwitch na may ham and cheeze.

"Ayan ok na, kulang na lang yung inumin." Napangiti ako ng natapos ko na gawin ang sandwitch. Inayos naman ni Jack sa tray yung gawa kong sandwitch. Ilalagay ko ang ang huling gawa ko ng biglang hinawakan ni Jack ang kamay ko. Nagkatinginan kami sa isa't-isa. 

"A..ako na Calle." Sabi niya ng mahinahon. Binigay ko na sa kanya at siya na ang naglagay ng sandwitch sa tray.

Di na ako nakaimik at napaiwas ako bigla.

" Kunin ko lang yung Juice sa ref." Paalam ko sa kanya.

Pagkakuha ko ng juice ay umalis na kami. Hawak -hawak niya ang tray at ako naman sa inumin.

Pagbalik namin ay napansin kong nagbubulungan ang mga kaibigan namin na nag -aantay sa garden.

"Hoy! Anong pinag-uusapan nyo?" panggugulat ni Jack sabay tanong sa kanila ng makalapit na kami.

Nagtawanan silang lahat habang nakatingin sa amin. Napansin kong dalawang upuan ang magkatabi para sa amin.

" Bakit ganito ang ayos ng upuan.?"Tanong ko.

"Kayo ha, may binabalak na naman kayo." Pabiro kung sabi at umupo na ako. Umupo na rin si Jack sa tabi ko.

"Gusto lang namin kayo magkatabi nohhh..dahh.... yun lang naman Calle." Sabi ni Leila na may kaartihan pa. Natawa naman si Tin sa sinabi ni Leila.

"Ok..Ok.. stop na guys at kumain na lang tayo kasi maaga pa tayo bukas." Awat ni Robert.

"Oo nga naman guys kumain na lang tayo. Sabi naman ni Tin. 

Tahimik na ang lahat at kanya kanya na kami kumuha ng pagkain at inumin at nilagay sa harapan namin. Nagpatuloy ang pagkukwentuhan  at asaran. After all ay pumasok na kami sa bahay. Nagtungo na rin ang bawat isa sa guest room at doon ko sila pinatulog. Dalawa ang guest room namin para na rin sa babae at lalaki.   Malaki at malawak ang guest room para sa mga bisita. May chandelier ang bawat isa na talagang masasabing sosyal. Malamig din dun lalo na sa gabi. Malalaki ang bawat bintana na may sliding door at nilagyan ito ng kurtina na kulay puti. Malaki din yung higaan at meron din table sa magkabilang gilid ng higaan. May sarili din itong banyo.

Sinilip ko muna sila kong komportable sila.

"Girls ok lang ba kayo dito." Tanong ko sa kanila pagkabukas ko ng pinto. Humakbang ako ng bahagya papasok.

"Oo naman Calle, ok lang kami dito. Ewan ko lang kay Leila." Sabi ni Tin at napalingon kay Leila.

"Ok lang naman sa akin nohhh...mas bongga pa nga to kesa sa kwarto ko." Sagot ni Leila sabay tingin kay Tin.

Nagpaalam muna ako bago lumabas ng kanilang silid. Pinuntahan ko naman ang mga boys. Pagsilip ko ay nakahiga sila habang nagkukwentuhan.

"Ah guys, ok naman ba kayo dito." Tanong ko sa kanila pagkapasok ko.

"Oo naman, subrang komportable kami sa mansion nyo." Pabiro na sabi ni Robert.

"Goodnight Calle." seryoso na sabi ni Jack.

Nagulat naman nakatingin si Robert kay Jack. 

"Goodnight din guys..." Nginitian ko silang dalawa tsaka tumalikod.

Paglabas ko ay may kunting kilig akong naramdaman. May kunting paghanga kasi ako kay Jack bukod sa gwapo at matipuno ito. Matalino rin siya sa lahat ng bagay.  Nagtungo na ako sa aking silid kung saan naghihintay ang fairy kung kaibigan.

Alas dyes ng umaga kinabukasan ay nag aayos na kami ng mga kaibigan ko. Kunti lang ang dala namin. May snacks at water ang bawat isa na nakalagay sa bawat bag na dala namin. Nagtungo na kami sa madilim na kakahuyan, ang sinumpang gubat.

"Were here guys...." Sigaw ni Robert.

Nagsibabaan muna ang lahat sa sasakyan at naiwan si kuya Roy para magbantay. Sinama namin si kuya Roy para siya ang magmaneho.

"Hoy! Ang ingay mo. Di kaya nakakatuwang pumunta dito." Naiinis na sabi ni Leila.

"Tama na nga yan bangayan nyo. Tara na..." Sabi ni Jack na nauna ng maglakad.

Napangiti lang ako sa kanila at sumunod na rin  ako kay Jack papasok sa gubat.

"Guys parang creepy naman dito." Mahinhin na pagkasabi ni Tin. Matatakutin din si Tin bukod sa mahinhin siya.

"Don't worry Tin, di ka naman namin pababayaan." Nakangiting sabi ko kay Tin sabay akbay sa balikat niya.

Nagsimula na kami maglakad at libutin ang gubat. Nauna sa paglalakad si Jack kasama si Leila. Kami ni Tin ang magkasama at sa likod namin si Robert. Subrang tahimik talaga sa gubat na iyon at tanging ingay lang namin ang maririnig. Sumasayaw sa hangin ang mga puno at maraming mga kompol na dahon na nalalagas sa bawat madaanan namin.

"Jack wait...." Narinig ko sabi ni Leila. Bigla siyang lumapit kay Jack paglingon nito. Humawak pa siya sa makisig na braso nito. Napatingin lang kami sa kanila.

"Ah guys ano ba gagawin natin dito at dito nyo naisipan pumunta?" Tanong ko sa kanila.

"Gusto lang namin malaman kung ano talaga meron sa sinumpang gubat na ito." Sagot naman ni Robert sa tanong ko.

Pinauna ko sila sa paglalakad, pinahawak ko si Tin kay Robert. Nahuli na ako sa paglalakad. Paglingon ko sa kanang bahagi ay may natanaw ako na kung anong bagay. Pinuntahan ko ito at di na nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Patuloy lang sila sa paglalakad at di na nagawang lumingon. Nilapitan ko ang bagay na yun. Para siyang tubig na nakalutang na may kung anong bagay na maliwanag sa loob nun.

"Ano ito?" Pabulong kong tanong na may pagtataka.

Sinubukan ko ilapit ang kamay ko dito. Biglang tumagos sa kung saan ang kamay ko.

"Ito ang tinatawag na lagusan papunta sa kung saan." Sabi ko sa sarili ko.

Tatawagin ko sana ang mga kaibigan ko ngunit nawala na ito sa paningin ko at di ko na sila makita. Pumasok ako sa lagusan para malaman kung ano meron sa loob ng lagusan na yun. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 23: Ang pulang bato

    " Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun. Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid. " Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin. "Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. " I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila. " Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas. " Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert. "Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. "Kay

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 22: Ibon ng kamatayan

    Bago sumikat ang araw ay nagsimula ng magpaalam ang prinsesa at mga kasama nito sa matanda upang di sila madamay o mapahamak dahil sa masamang dulot ng gold queen. "Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sa amin sa inyong munting tahanan. Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. " Pagpapasalamat ng prinsesa sa matanda na katabi naman nito ang dalawang babae na umaalalay sa kanya. "W*....walang anuman, naway gabayan kayo ng nakatataas sa inyong paruruunan. Lalo na ikaw binibini na sadyang nabubukod tangi nawa'y ingatan mo rin ang iyong sarili lalo na sa paparating na kapahamakan." Wika ng matanda sa prinsesa. Nasa bakuran na sila ng bahay at isa-isang nagpaalam sa matanda at sa mga kasama nito. Lumapit si Tin at Robert sa matanda at nagmano ang mga ito. " Lola, aalis na po kami at maraming salamat po sa lahat." Wika ni Tin pagkatapos magmano. Napangiti naman ang matanda. Kasun

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 21: Ang prinsesa at mga mangkukulam

    Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan. Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak. Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. Nagsitayo ang silang lahat... "Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 20: Paglalakbay

    "Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 19: Panganib

    "Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 18: kabilogan ng buwan

    Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status