Beranda / Fantasy / Secret door in the dark forest / Kabanata 7: Itim na mahika

Share

Kabanata 7: Itim na mahika

Penulis: Aya Lyka C.
last update Terakhir Diperbarui: 2021-10-14 09:33:52

Callea POV,

Alas dyes ng umaga. 

Pumunta ako sa madilim na kakahuyan. Nakadress ako na kulay asul at nakasapatos dahil baka masugatan na naman ang paa ko ng huling punta ko dito na kasama si Lero kaya sapatos ang sinuot ko. Hinahanap ko ang aking munting kaibigan, nagbakasakali dito siya sa madilim na kakahuyan na ito. Nakasuot ako ng kwentas  na may gintong  pendant na susi pero hindi yun ang mahiwagang kwentas.  May suot din akong hikaw at bracelet na kulay ginto.

"Fairy.....fairy......" Sumisigaw ako sa tahimik at madilim na kakahuyan. 

Subrang tahimik ng paligid ngunit may nabubuhay na halaman sa bawat nadaanan ko. Sandyang may kung anong mahika na di ko maipaliwanag kaya kailangan ko ng kasagutan. pakiramdam ko hindi ako pangkaraniwang tao.

Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako na kung ano mang bagay na tumatakbo. 

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Paglingon ko sa aking likuran ay nakita ko ang isang ligaw na hayop. Maitim ito at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. Di siya pangkaraniwang hayop lamang. Parang lobo pero kakaiba siya sa mga lobo.

Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Nakatayo lang ako at sinubukan ko umatras ngunit bigla siyang tumalon papunta sa akin. Tinutok ko ang kaliwa kong kamay sa kanya habang ang kanang kamay ay nakatakip sa mga mata ko.

"Prinsesa..Prinsesa.." Pamilyar ang boses.

Tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa mga mata ko.

"Fairy... saan ka ba nagpunta?" Nakita ko siya sa gilid ng balikat ko.

"May pinuntahan lang ako sandali." Sabi niya sa tabi ng tenga ko. Lumipad siya sa harap ko ng mapansin niya ang ligaw na hayop at nagkatinginan kaming dalawa. Nilapitan niya ang walang malay na hayop.

"Hindi pangkaraniwan ang isang to, may kung anong mahika ang nasa katawan niya na siyang nag udyok na atakihin ka prinsesa." lumipad ulit siya papunta sa akin.

"Callea, ano nangyari dito? Pamilyar ang boses sa aking likuran. Lumingon ako para makita kung sino ang nasa likuran ko.

"Lero, bakit ka nandito? Tsaka paano mo ako nahanap dito? Pagtataka kong tanong. 

Nakapants lang siya na kulay itim at walang pang itaas at nakapaa lang ito. Di ko na inalam kung bakit.

"Ah may hinahabol kasi ako tapos nakita kita kaya pinuntahan kita." Habol pa niya ang kanyang paghinga.

"Halata nga, hinihingal ka pa oh." Natawa ako ng bahagya sa kanya.

Di niya napansin ang Fairy na kasama ko. Nagtago agad ito sa mahaba kong buhok.

"Ano nangyari diyan?" Tinuturo niya yung nakahandusay na ligaw na hayop.

"Ah.. kasi..ang bilis ng pangyayari." Lumapit ako sa ligaw na hayop at hinawakan ko ito sa noo." Tumalikod na ako after nun.

Pinigilan ako ni Lero, nakaupo siya sa tabi ng ligaw na hayop. Hinawakan niya ako sa kanang kamay.

"Sandali, tingnan mo." Tinuturo ng tingin niya ang bagay na yun.

Nakakagulat ang biglang pagbagong anyo ng bagay na yun. Naging isang maamong tuta ito na muling nabuhay. Di ko maipaliwanag ang mga nangyayari. Marami pang katanungan sa aking isipan at dumagdag pa ang pangyayaring ito.

"Sabi ko na nga prinsesa..may kung anong mahika ang meron sa kanyang katawan." Bulong sa akin ng fairy malapit sa tenga ko.

"Wag kang maingay diyan, baka makita ka ni Lero." Pabulong kong sinabi at tinakpan ko siya ng aking buhok.

"Ang cute niya pala." Hinimas-himas ko ang malalambot na balahibo nito na kulay puti at merong kunting maliit na bilog na kulay brown.

Maya-maya ay binuhat ito ni Lero at nilagay malapit sa dibdib niya. 

"Teka sandali Lero saan mo siya dadalhin?" Tanong ko sa kanya na may pag aalala.

Nilingon niya ako at ngumiti sa akin.

"Dadalhin ko siya sa paraiso." Patuloy ang paglalakad niya.

Narating namin ang paraisong sinasabi niya. Yun ang lugar na pinagdalhan niya rin sa akin nung unang beses na nagkita kami.

"Prinsesa.....Ang sabi ng fairy.

"Ssshhh... Wag ka muna maingay diyan. bulong ko.

Pinalaya ni Lero ang maliit na aso at hinayaan ito tumakbo sa kung saan. Nagpaalam na rin ako sa kanya ngunit pinigilan niya ako.

"Sandali, ihahatid na kita." Lumapit siya sa akin.

"No thanks, kaya ko umuwi mag isa." Sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka? Mahina lang ang pagkakasabi niya.

"Oo naman, don't worry kaya ko sarili ko." Sagot ko sa kanya.

Bigla ko siyang hinalikan sa pisnge. Di ko maipaliwanag kong bakit nagawa ko yun. 

"Prinsesa namumula ang mga pisnge mo." Bulong sa akin ng fairy.

Tumalikod na ako para di mapansin ni Lero. Nagpatuloy na ako sa paglakad at di ko na nagawang lumingon.

Lero POV, 

"Kamahalan! alam kong kagagawan mo ang nangyaring pag atake ng alagad mo sa prinsesa!" Pagalit kong binitawan ang mga salita.

Nakaupo siya sa kanyang truno ng biglang tumayo ito.

"Ako nga ang may gawa nun, dahil naiinip na ako." Sagot niya sa akin na nanlilisik ang mga mata.

"Teka, bakit apektado ka sa nangyari sa kanya. Wag mong sabihing...." Napatigil siya.

" Wa...wala lang..diba ako na ang gagawa ng paraan para madala ko siya sayo, kunting antay na lang kamahalan." Nauutal pa ako na nakatayo sa harap niya.

Pumunta siya sa likod ng truno at humarap sa akin.

"Dapat lang, kung ayaw mong maging katulad nila!" Bahagyang sigaw niya at tinuro ang mga nilalang na ginawa niyang ginto. Napatingin ako sa gawing likuran. Di na ako nakapagsalita pa ng makita ang mga bagay na balot ng ginto.

Callea POV,

Hapon na ng makarating kami ng bahay ng munti kong kaibigan. Nagtungo kami sa garden upang dun magpalipas ng oras.

"Ano ba talaga ang nangyayari, bakit may kapangyarihan ako.?" Pagtataka ko.

"It means i'm not an ordinary." Napangiti ako.

" Pero..., how?" Pagpatuloy ko. Napasandal ako sa upuan habang nakatingala. 

Lumipad papunta malapit sa ilong ko ang fairy.

"Alam mo kasi...Prinsesa..." Napahinto siya at nagtago sa likuran ko ng biglang dumating si kuya Roy.

"Oh miss Calle nandito ka pala. Kakamustahin ko lang tong mga halaman, hapon na kasi." Paliwanag niya sa akin. May dala siyang walis at pandakot. Kapag hapon ay nagwawalis siya ng mga nalalagas na dahon para maayos tingnan ang garden kapag malinis.

"Ganda ng mga halaman at alagang alaga mo kuya Roy, Salamat ha." Puri ko sa kanya at nagpasalamat ako sa maganda niya ginagawang pag aalaga sa mga halaman. 

"Oh ssya, maiwan na kita." Paalam niya bago siya tumalikod. 

Lumabas na ang munting fairy sa pinagtataguan niya.

"Ano nga yung sasabihin mo kanina? Tanong ko sa kanya. 

Nagtago ulit siya dun sa buhok ko ng napansin niyang may parating patungo sa kung saan kami naroroon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 23: Ang pulang bato

    " Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun. Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid. " Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin. "Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. " I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila. " Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas. " Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert. "Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. "Kay

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 22: Ibon ng kamatayan

    Bago sumikat ang araw ay nagsimula ng magpaalam ang prinsesa at mga kasama nito sa matanda upang di sila madamay o mapahamak dahil sa masamang dulot ng gold queen. "Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sa amin sa inyong munting tahanan. Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. " Pagpapasalamat ng prinsesa sa matanda na katabi naman nito ang dalawang babae na umaalalay sa kanya. "W*....walang anuman, naway gabayan kayo ng nakatataas sa inyong paruruunan. Lalo na ikaw binibini na sadyang nabubukod tangi nawa'y ingatan mo rin ang iyong sarili lalo na sa paparating na kapahamakan." Wika ng matanda sa prinsesa. Nasa bakuran na sila ng bahay at isa-isang nagpaalam sa matanda at sa mga kasama nito. Lumapit si Tin at Robert sa matanda at nagmano ang mga ito. " Lola, aalis na po kami at maraming salamat po sa lahat." Wika ni Tin pagkatapos magmano. Napangiti naman ang matanda. Kasun

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 21: Ang prinsesa at mga mangkukulam

    Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan. Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak. Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. Nagsitayo ang silang lahat... "Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 20: Paglalakbay

    "Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 19: Panganib

    "Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 18: kabilogan ng buwan

    Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 17: Ang paghaharap

    Magkasama ang magkakaibigan at ang prinsesa ng mga sandaling nahanap nila ang isa't-isa. Si Lero ay tahimik lamang habang ang mga kaibigan ng prinsesa ay nag uusap. " Guys ano na ang gagawin natin dito, Let's go!" Wika ni Leila na naiirita. Nasa loob sila ng isang silid sa palasyo. "Leila, pwede ba manahimik ka muna dyan." Seryosong wika ni Robert. " At bakit ka ba sumasabat, ha, di naman ikaw yung tinatanong ko. Di lang naman ikaw ang kasama ko dito nohh, hmmp." Naiinis na sabi ni Leila sa kaibigang si Robert. " Alam nyo guys, kanina pa kayo nagbabangayan dyan. Pwede ba kumalma muna kayong dalawa." Wika naman ni Tin. Napansin ni Cal ang pag-aaway ng dalawa ngunit natawa lamang si Cal sa kanila. Nakita ni Cal ang kaibigang si Jack na tahimik lamang sa isang sulok kaya nilapitan niya ito. "Jack, okay ka lang?" Tanong ni Cal. Napatingin sa kanya si Jack. "Hmmm...Yeah, i'm okay." Sagot ni Jack. Malapi

  • Secret door in the dark forest   Kabanata 16: Ang gardenya at ang pagkikita ng magkakaibigan

    "Hi Jack..," Bati ni Leila sa kaibigan si Jack. Nakaupo si Jack sa labas ng bahay nila sa guest area. May pinipinta siyang na kung anong bagay na kanyang pinagkakaabalahan. " Oh, hi Leila. Ano ginagawa mo dito?" "Gusto ko lang bisitahin ka. Bawal ba, ayaw mo ba nandito ako, ha." Wika ni Leila. Naupo si Leila sa tabi ni Jack. "Ah, hindi..hindi naman sa ganun." Sagot naman ni Jack. Bahagyang ngumiti si Leila at sinamantala ang pagkataon na magkasama sila ni Jack. Bukod sa sa kanilang pakikipagkaibigan, Si Jack ang kanyang first love ngunit may ibang gusto si Jack kaya di siya napapansin nito. "Ano yang ginagawa mo.?" Tanong ni Leila ng mapansin niya na abalang-abala si Jack sa kanyang ginagawa. " Ahh wala to, wag mo ng pansinin." Biglang itinabi ni Jack ang hawak niya at isinantabi ang kanyang ginagawa. Dumating si Robert ng di nila namalayan. "Abahhh parang may nagaganap na sweet

  • Secret door in the dark forest   Kabanat 15: Ang paghahanap sa prinsesa

    Alas tres ng hapon habang naglalakad sa harden ang prinsesa kasama si Lero. Masaya ang mga sandaling magkasama silang dalawa. "Lero, bukas na ang aking kaarawan ngunit." Natigilan ang prinsesa. "Oh bat parang natigilan ka.?" Tanong ni Lero. "Naalala ko lang mga magulang ko at mga friends ko." Sagot ng prinsesa. "Wag ka mag alala matatapos din ang lahat ng to." Niyakap siya ni Lero. " Thank you Lero at nandyan ka." Pasasalamat niya. Tumungo na sila sa palasyo. "Lero sandali." "Ano yun?" Tanong ni Lero. Nasa tapat sila ng pintuan ng mga oras na yun. "Ah wala. Sige pumasok na tayo." Hinawakan niya si Lero sa kanang kamay at hinila papasok ng palasyo. " Be lated happy bday Cal." Ngumiti ito sa kanya habang papasok sila ng palasyo. "Thanks," Bumawi siya ng malaking ngiti kay Lero. Napansin nila na wala ang Queen sa truno. " Saan na naman nagpunta ang Queen?"

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status