INICIAR SESIÓNCLAIRE’S POV“Claire, are you okay?” ani Ranz nang mapansing nakatulala ako.I nudged myself a little, trying to regain my focus. “Ah, yes. Do I need to do something?” sabi ko pa.“Pinapatawag ka ni Sir Harold sa taas, office niya. I think it’s about your status here as a trainee since last day mo na.”Muling kumabog ang puso ko. “Okay…”“Don’t worry. I believe makakapasa ka. See you next week, Claire,” nakangiting sabi naman ni Ranz.Hindi ko naman magawang maging masaya dahil sa nalaman ko. Kung makapagsalita siya, para bang sigurado na siyang magkikita pa kami next week. I couldn’t even bring myself to return his smile properly.Gayunpaman, nagpasalamat na lang ako kay Ranz at niligpit na ang mga gamit ko bago umakyat sa floor kung saan naroon ang office ng HR dept.Tahimik ang hallway habang naglalakad ako papunta roon, pero mas maingay ang kaba sa dibdib ko. Ilang beses kong inayos ang hawak kong bag, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong asahan sa
EZEKIEL’S POVBefore Claire’s interview in the company…Alam ko na agad kung ano ang sasabihin nila kahit bago pa ako pumasok sa HR office.No experience.Company policy.Marketing is too crucial.Ako mismo ang pumirma sa rule na ‘yon.I was getting impatient. Kaya lumapit na ako sa harap ng mesa ng HR Manager na si Harold. Tahimik siya, halatang nag-iingat sa bawat galaw—parang isang maling salita lang niya ay sapat na para mabasag ang buong career niya.The HR office was unusually quiet that morning. A few employees were working at their respective desks, occasionally glancing in our direction before quickly returning their attention to their computers. I didn’t pay them much attention since my main concern was the man sitting in front of me and the decision I wanted him to make.Well, I’m that person. I’m the only one who can destroy his career.After all, my family’s company is already mine. It also helped that the arrangement with Claire’s grandfather pushed everything into place
CLAIRE’S POVNakarating naman ako nang ligtas sa trabaho. As I messaged Ezekiel, he replied that he was relieved I arrived safely and told me that we’d just meet tonight at the house. Gusto rin niyang sabay kaming maghapunan, kaya hindi ko maiwasang maging sabik sa pagtatapos ng araw na ito!Pagbukas ng elevator, agad akong sinalubong ng malamig na hangin at mahinang ingay ng opisina—mga keyboard na sabay-sabay tumutunog, mahihinang usapan, at mga yapak ng taong halatang alam mo na kung saan sila patungo.Mula sa kinaroroonan ko ay tanaw ang malawak na espasyo ng palapag. Nasa magkabilang panig ang mga hanay ng cubicle, habang may malalaking salaming partisyon na naghihiwalay sa ilang silid at conference area. Mapapansin din ang mga empleyadong abala sa kani-kanilang trabaho, ang ilan ay nakaharap sa kanilang mga computer habang ang iba naman ay may hawak na mga dokumento at nag-uusap tungkol sa mga kasalukuyang proyekto.Mas mahigpit ko namang hinawakan ang bag ko kaysa kanina.First
CLAIRE’S POVHindi ako mapakali sa kakalakad sa lanai area ng bahay, malapit sa swimming pool. Ilang beses na akong pabalik-balik sa parehong lugar, ngunit hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa aking phone, umaasang may bagong notification mula sa email ko.Kasalukuyan kasi akong naghihintay ng balita kung matatanggap ba ako sa trabahong inaplayan ko o hindi. Ayon sa HR, after three to five days pa raw malalaman. Ika-tatlong araw na ngayon, kaya hindi ko naman maiwasang maging balisa.Sa kabila ng pag-aalala, maganda ang panahon. Maliwanag ang kalangitan at bahagyang umiihip ang malamig na hangin na nagmumula sa paligid ng bahay. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ang malinis at malinaw na tubig ng swimming pool. Paminsan-minsan ay kumikislap ang ibabaw nito kapag tinatamaan ng sikat ng araw. May ilan namang upuang nakapalibot sa pool at isang mesang may lilim mula sa bubong ng lanai, kung saan madalas kaming magpahinga.“Ma’am Claire, me
CLAIRE’S POVHindi ko maiwasang mapangiti sa buong maghapon matapos kong malaman na si Ezekiel pala ang bumili ng ipininta ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila mas naging maliwanag ang opisina niya dahil sa painting na iyon, lalo na’t halos itim ang kabuuan ng interior ng office niya. Nakalagay ito mismo sa gitna ng dingding, sa tapat ng hugis-parihabang sofa niya. Simple, elegante, at magandang tignan.I even forgot about the interview because of it.Sa kasalukuyan, nagmamaneho si Ezekiel. Papunta kami ngayon sa isang restaurant upang doon na maghapunan. He had already reserved a table at his favorite restaurant. I just couldn’t wait to see the place and taste the food!I felt giddy, almost like a child. Para kasing nabawasan ang bigat sa puso ko.“Are you really sure you want to eat at that steak restaurant?” he asked. “I can cancel it, and we can go to your favorite place instead.”“Oh, no need. I also love steak!” sagot ko, nakangiti habang nakatingin sa kanya. He was jus
CLAIRE’S POVIt has been five days since our wedding. Paggising ko, wala na sa tabi ko si Ezekiel.Honeymoon? Yeah, right. Normal ang honeymoon after the wedding, but to us? No. Hindi nga pala normal ang marriage namin. Ginusto kong gawing sikreto ’to, kaya sarili ko lang ang dapat sisihin.Ezekiel is just going with the flow. All because of me. Ugh… I hate myself for this.“Good morning.”Speaking of the devil, he’s still here. Akala ko wala na siya dahil palagi siyang maagang umaalis kapag may work.“Good morning, Ezekiel. What about work?” tanong ko matapos umupo, kaharap niya.First time naming mag-breakfast nang magkasama. Ngayon, hindi na lang kaming dalawa ang magkasama rito. May mga katulong na para ma-maintain din ang kalinisan sa bahay. Soon, magwo-work na rin ako, kaya need din talaga namin ng kasama.“There’s been a change of schedule,” aniya at sumimsim na ng kape. “What are you going to do today?” dagdag niya habang nakatingin pa rin sa ’kin.Bahagya naman akong nahiya s







