Blackmailed by the Boss - Chapter 19
Nagdudulot ng mga kakatwang kilabot ang mga salitang pabulong na sinasabi ni Dante sa kanya.
Habang hinahagod ng masusuyong halik ang kanyang pisngi at panga. Pati ang mga kanyang mga mata.
Upang kaipala'y mapapikit na siya--at maging madali ang makalimot.
Naramdaman ni Alejandra ang marahang pag-aalis ng kanyang mga saplot.
Ngunit hindi niya magawang tumutol. Habang nilalasing siya ng matatamis na salita, tinutupok naman ng mga haplos ng bibig at dila nito ang kanyang katinuan.
Hanggang sa maging lubos na naman ang kanyang pagpapaubaya, ang kanyang pagpapatangay, at ang pagkalimot...!
"It will be different this time, my sweet Alexa. I'll be gent
Blackmailed by the Boss - Chapter20Saka lang nakahinga nang maayos si Alejandra nang nakasakay na siya sa elevator. Sumakay siya sa isang taksi na naghatid ng pasahero sa mismong tapat ng gusaling pinanggalingan. Hindi siya halos makapaniwalang nakabalik na siya sa opisina nang dumudukot na siya ng perang pambayad sa ipinatak ng metro ng taksi."Heto po ang bayad, mama. Huwag n'yo nang suklian," wika niya, sa kanyang katuwaan. "Ay, good afternoon, ma'am," bati ni Lenny nang mamataan siyang pumapasok sa pinto. "Nandiyan po si Don Fonso sa loob." "K-kanina pa ba siya?" Guilty agad si Alexandra. "Ngayun-ngayon lang, ma'am," tugon ni Lenny. "Inalok ko na po siya ng kape pero sinabi ni
Blackmailed by the Boss - Chapter21 "N-nagpapaalam lang ang iyong Papa sa akin. Binanggit mo sa akin na aalis siya, hindi ba?" Naningkit lang lalo ang mga mata ni Dante. "Sinadya kong banggitin sa 'yo ang tungkol sa bagay na iyan, Alexa," pakli nito. "Dahil alam kong magkakaroon ng ganitong klaseng eksena. Muntik ko pa ngang hindi inabutan." Nilinga ng dalaga si Don Fonso ngunit nakamasid lang ito sa kanilang dalawa. Para bang may hinahanap. O may pinag-aaralan. "Dante, nagkakamali ka ng iniisip," giit niya. "Wala kaming ginagawang masama ni Don Fonso!" "Alam mo, sayang ka, Alexa. Masyado kang naging ganid. Dapat, namili ka lang ng isa sa amin ni Papa. I'm the obvious choice pero hindi mo pa rin mapakawalan ang matanda. Ano ba ang ibinibigay niya
Purchased by the BossBlurb:Can you marry someone you don’t love? Can you love someone you hate? Time heals. Love moves. And the heart falls in love…Naging napakabait ng mag-asawang umampon kay Rosario. Binihisan siya, pinagtapos sa pag-aaral, at binigyan ng magandang trabaho… Pero wala siyang kamalay-malay na ang lahat pala ng iyon ay mayroong kapalit.Si Gringo ay nakulong nang walang kasalanan kaya nang makalabas ay naghahangad na makapaghiganti. Ngunit bago mapasakanya ang mga minanang ari-arian, kailangan muna niyang magkaroon ng asawa. Wala nang panahon para maghanap bumili na lang siya ng isang babaeng papayag na magpakasal sa lalong madaling panahon.Napilitang pumayag si Rosario na maging asawa ni Gringo dahil kailangan niyang magbayad ng utang na loob…Maging maligaya kaya ang kanilang pagsasama kahit walang pag-ibig para sa isa’t isa?* * *
Purchased by the Boss - Chapter 2"B-bakit naman ang anak natin, Steve?" pang-uusig ng basag na boses ni Marcela. "Tayo lamang ang mayroong pagkakautang sa Pamilya Salviz -- hindi kasama si Rosario!""Hay, Marcela! Kahit na uugud-ugod na ako, hindi pa rin tapos ang utang na iyon. Pagkakataon na nating makabayad. Suwerte natin dahil nakursunadahan ni Gringo ang anak nating si Rosario -- ano naman ang masama kung pumayag ako? Kaya nga ako pumayag na mag-ampon na tayo noon, e. Alam kong darating ang panahon na maghahanap si Gringo ng magiging asawa.""A-ano'ng ibig mong sabihin?" Si Marcela ang nagsatinig sa katanungan ni Rosario."Alam ko kung ano ang nakalagay sa huling testamento ng matandang Salviz. Ako ang dati nilang abogado, remember? Pagdating sa edad na treinta ni Gringo, kapag hindi pa siya nakakapag-asawa--mapupunta sa kapatid ni Don Basilio ang kontrol sa lahat ng mga ari-arian na minana niya. E, nawalan ng panahon ang pobre dahil nas
Purchased by the Boss - Chapter3"Ay, oo nga pala! Hindi ko man lang naipakilala ang sarili ko. Ako si Corazon Santos. Tumandang dalaga na ako sa paglilingkod sa mga Salviz. Sila na ang naging pamilya ko kaya kahit retired na, dumating ako nang ipatawag ni Gringo."“Kumusta po kayo, Miss Santos?” Rosario greeted the older woman shyly.“Tawagin mo na lang akong Tita Cora, iha. May palayaw ka ba? Can I call you Rosario?”“Rio po ang nickname ko, Tita Cora.”“I’m glad you’re the one assigned here. You look sensible and calm. Okey lang ang medyo mahiyain dito pero bawal ang madaling mataranta.”Tumawa si Tita Cora.“Hindi kita tinatakot, ha? Baka biglang kang mag-back-out. O, siya, ipapakita ko sa ‘yo ang paggamit sa lahat ng office equipment dito. Mamaya na tayo magkape pagkatapos.”Nasa mahigit singkwenta na marahil ang edad ni Tita Cora pero masi
Purchased by the Boss - Chapter4"I want you to be my wife, Rosario Leopando. You're my first choice. The first time I heard your voice, alam ko agad na ganito ka kasarap humalik!"If she wasn't feeling devastated by the deep and hungry kiss, matatawa siguro siya dahil nahuhulaan na niya ang magiging reaksiyon at kumentaryo ng kanyang mga kaibigan.Nangangarap din si Rosario minsan ng mga tender moments with her right man--still an unknown man, dahil wala naman siyang napipisil pa sa mga nagpapalipad-hangin sa kanya. Ngunit hindi niya kailanman na-imagine na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari.Inaasahan niya siyempre ang ilang mga pagdiga... ngunit hindi niya kailanman inakalang magiging ganito ka-prangka ang pagsasabi ng lalaking makakaniig ng tungkol sa nadarama nito.Pinilit niyang makapagsalita. "P-paano ka nakasisigurong maibibigay ko ang lahat ng mga panggangailangan mo?" May panghahamon ba sa kanyang boses na nanginginig?
Purchased by the Boss - Chapter5Si Rosario lamang ang nakahalata ng tila pag-atras ni Gringo. Many times, she had felt him withdrawing inside himself whenever the topic became delicate to discuss or when he did not like the things being said.Gayunpaman, hindi pa rin niya lubos na nakikilala ng lalaking napangasawa. Gringo Salviz remained an enigma, very difficult to read.Para bang palaging may nakatabing na ulap sa mg matang sing-itim ng gabi....Tumikhim si Steve upang kunin ang atensiyon ng kabiyak na si Marcela."We're boring the children, sweetheart," anito habang inaakbayan ang yayat na balikat. "C'mon, we'll go home."She was being attacked with nerves nang mapag-isa na sila. God, ano'ng gagawin niya? Paano ba ang maging isang bride on her wedding night?Iniwan siya ni Gringo nang walang aabug-abog. Ni hindi nagpaalam sa kanya.Nagpalakad-lakad muna si Rosario sa palibot ng marangyang sala bago niya naisip kung a
Purchased by the Boss - Chapter6Umungol si Rosario. Hindi na nakapagsalita. Hindi ito tumutugon sa kanyang mga caresses and kisses ngunit hindi rin naman nanlalaban.Something snapped deep inside him. Para bang gusto niyang tumugon ang kanyang kaniig sa lahat ng gagawin niya rito. Nais niyang malubos ang kanilang kasiyahan...Ngunit paano kung ang kanyang makakatalik ay nagsasakripisyo lamang pala?He forced his eyes to open. And saw her pale face and quivering colorless lips. She was clearly frightened."Dammit! Don't act like a sacrificial lamb to me, Rosario!" bulalas niya. "You are a woman. I'll make a wanton creature of delight out from you," pagbabanta pa niya dahil sa lumalaking frustrations.Narinig niya ang paghikbi ni Rosario ngunit imbes na magkaroon siya ng simpatiya, lalo pang nag-umulol ang kanyang lust for this woman's delightful body.He picked her up to lay her on his bed. "Akin ka na, Rosario. Hindi ka na puwe