Share

One Night with the Boss - Chapter 14

One Night with the Boss - Chapter 14

“LET’S freshen up before dinner.” Inihatid ni Liam si Abigail hanggang sa tapat ng pinto ng guest room. “Fifteen minutes?”

“Opo, sir.” Tumango ang dalaga.

“Good. See you later.” Tumalikod ang lalaki at maliksing lumakad patungo sa kabilang direksiyon. Nandoon marahil ang master’s bedroom.

Ipinilig ni Abigail ang ulo para mawala ang pagkalito. Hindi niya dapat inuubos ang taning na kinse minutos sa pag-iisip ng kung anu-ano.

Maliksing nag-shower ang dalaga. Mas mabilis siya ngayon dahil maligamgam ang tubig. Ang isinuot naman niya ngayon ay lumang slacks na itim at sweatshirt na kulay abo. 

Itinali niya ang scarf na ipinahiram ni Liam sa kanyang leeg dahil medyo mababa ang kuwelyo. Ang mahabang buhok na ibinalot ng tuwalya kaya hindi nabasa ay muling ipinusod nang maluwang.

Sa kusina siya nagpunta, sa halip na sa kumedor. Mainit ang pagsalu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status