Share

One Night with the Boss - Chapter 13

One Night with the Boss - Chapter 13

‘DAPAT ba siyang matuwa?’ tanong ni Abigail sa sarili.

Para sa isang lihim na umiibig na katulad niya, ang dapat na maging reaksiyon ay katuwaan lang dahil may pagtingin na din pala sa kanya ang lalaking sikretong minamahal.

Ngunit bakit parang mas gusto niyang magalit?

Dahil hindi siya naniniwala.

Paano magkakagusto sa kanya ang isang lalaking labis na umiibig sa isang babaeng nagngangalang Mia?

Hinding-hindi na siguro niya makakalimutan ang mga sinabi ni Liam kahapon.

‘Kami ni Mia ay wala pang isang taon engaged… pero tatanggapin ko pa rin siya kapag bumalik sa akin.’

Pinili ni Abigail ang huwag magalit dahil taliwas sa natural na ugali niyang mapagpasensiya.

Pero hindi naman niya kayang bawalan ang sarili na masaktan at maghinanakit.

Laruan lang ba ang tingin ni Liam Ramsey sa kanya?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status