Share

22

TWENTY TWO –

Sarado pa din yung bahay nung hinatid ako ni Joon. So hindi pa dumadating si Kuya.

"Salamat." Cold na sabi ko kay Joon habanginaabot pabalik sa kanya yung helmet nya.

Sinuot nya na yung helmet.

"Ingatan mo si Coco." Sabi nya tapos pinaharurot na yung motor.

Napa tanga ako saglit. So.. hindi nya lang pala basta binili si Coco. Alam nya rin yung pangalan. Impressive para sa kagaya ni Joon na kala mo eh sa kanya lang umiikot ang mundo.

Mabuti na rin na wala pa si Kuya. Hindi ko alam kung bakit bigla ako'ng inantok at naka tulog na pala ako sa sofa. Nagising ako sa pag gising ni Kuya.

"Bakit ka dito natutulog? At bakit naka pantalon ka? May pinuntahan ka?" Salubong yung kilay ni Kuya. May cast pa din yung kamay nya, pero next week ay aalisin na rin naman daw yun.

Agad ako'ng bumangon. "D-dyan lang, may sinamahan lang ako pero umuwi rin ako agad." Sabi ko. "Bakit ngayon ka lang?"

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status