Eryx POVOras na para si rank 2 naman ang trabahuhin. Tapos na ang girlfriend kong rank 1 at sadya namang napakagaling nito kaya pasok na pasok siya at tamang-tama lang para sa ranking niya.Pero ngayon, iba naman. At mukhang mapapalaban ako ng husto rito. Naghintay lang ako na mag-gabi na.Tahimik na rin ang mga kalsada, nakauwi na ang iba sa kani-kanilang bahay. Pero may ilan-ilan pa rin na dumadaan.Naka-full assassin gear ako. Itim na itim ang itsura ko, mula ulo hanggang paa. Sa suot kong itong hinding-hindi ako makikilala ng kahit sino.Sa gabing ito, hindi ako ang nobyo ni Ahva. Hindi ako kilalang mafia boss. Ako ang aninong susubok kung karapat-dapat ba talaga si Amon Casta sa ranggo niya bilang top 2 ng The Silent Fang.Utos ito mismo ng pamilyang Gomez. Dati na nila itong ginagawa, talagang kailangan lang ng update kada dalawang buwan.Kailangan na raw kasi naming bumuo ng limang pinakamalalakas na estudyante sa buong paaralan. Kung hindi, baka maulit ang nangyari sa nakaraa
Ahva POVNung hapong iyon, dala ko ang mga libro at ilang papeles na kailangan kong isauli kay Eryx. Libro ‘yun about assassin na hiniram ko sa kaniya. Alam kong nandoon siya sa opisina niya kaya naglakad ako papunta roon.Simula nung maging top one ako, mas lalo na akong ginalang ng lahat. Lahat ng makakasalubong kong student ay kumakaway at ngumingiti sa akin. May iba naman na parang takot. Pero mas ginalang nila ako dahil sa surname ko. Dahil sa Tani talaga.Kaninang umaga, kasabay nang pagsusumbong ko kay Eryx sa nagbabalak magsunog ng BG namin, inabot na rin niya sa akin ang award price ko sa pagiging bagong top one. Nakatanggap ako ng halos kalahating milyong piso. Well, malaki na rin, puwede nang panglibre sa mga kaibigan ko kapag nagkakape kami. Pagkatapos niyang iabot ang pera, doon na rin siya nag-react about sa tatlong lalaking gustong sumunog sa big dorm. Ang sabi niya, siya ang bahalang maghanap sa tatlong iyon at aalamin din niya kung sino ang nag-utos o nasa likod ng pa
Ahva POVNagising ako bandang alas-dos, at dapat ay mahimbing pa sana ang tulog ko. Pero may kakaiba akong naramdaman sa katahimikan ng gabi. Hindi ko alam kung panaginip ba o instinkt, pero parang may narinig akong mahihinang kaluskos sa labas ng Big Dorm namin.Dahil hindi ako mapakali, bumangon ako. Iba pa naman ang pakiramadam ko, madalas ay tama at madalas ay talagang panganib ang mabilis kong masagap.Tahimik kong binuksan ang ilaw sa cellphone ko, sapat lang para may konting liwanag habang naglalakad papunta sa bintana. Doon ako tumigil, nakikiramdam.Mula rito, hilik ng mga kasamahan ko ang naririnig ko. Pero nung maaninag ko ang mga yabag sa labas, namilog agad ang mga mata ko at lalo akong nagising.“May mga tao,” mahina kong bulong sa sarili ko. Sigurado ako sa nakita ko, hindi lang ‘’yun imahinasyon o antok ng pakiramdam ko.Dahan-dahan kong itinulak ang kurtina at sumilip sa labas. At doon ko nakita nang tuluyan ang mga anino ng tatlong lalaki, naka-bonnet, mabilis na nag
Ahva POVMaaga pa lang, bago pa tuluyang magising ang araw, nagising na rin ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakasanayan kong maaga ring gumising sa school o dahil masaya lang ako sa mga nangyari kahapon. Medyo malamig pa ang umaga, at ramdam ko ang lamig ng tiles habang nakapaa akong naglakad papunta sa kusina, hindi ko kasi nakita ang pambahay kong sandal, siguro ay nasuotng isa sa mga kaklase kong makukulit kagabi.Pero ang hindi ko inasahan, may nauna na pala sa akin na magising ng maaga. Nakita ko si Amon, nakasuot pa ng simpleng puting t-shirt at shorts, abala sa kusina. May apron pa siyang sinuot na parang props lang dahil hindi ko siya ma-imagine magsuot ng ganoon.Napakunot-noo ako at napahinto sa pinto ng kusina. “Hoy, Amon,” tawag ko sa kaniya, na halos hindi makapaniwala. “Anong ginagawa mo? May mga kusinero naman dito, ah.”Nilingon niya ako, saka ito bahagyang ngumiti at ipinagpatuloy ang pagsalok ng sabaw mula sa maliit na kaserola. “Gusto kong ipagluto kayo ng almus
Ahva POVSabi ni Eryx, walang masyadong gagawin ngayong hapon, kaya inudyukan niya akong igala ang mga kaibigan ko.Kaya, ngayong hapon, pinili kong mag-focus sa mga taong alam kong tunay na kasama ko, sina Amon, Cael, Nyra at Penumbra. Mga naging totoong kaibigan ko sa school.“Halika na kayo,” aya ko sa kanila habang palabas kami ng gate ng school. Hindi na ako nag-alinlangan pa. Ngayon na exposed na ang pagkatao ko, wala na akong dahilan para itago ang mundo ko sa kanila. “Sasama ko kayo sa mansion namin.”“Sure ka ba, Ahva?” tanong agad ni Nyra, na excited. Akala ata ay nandoon si Kuya Miro. “As in... mansion? Iyong mansion ng mga Tani?”Tumango ako at ngumiti. “Oo. Pero mansiyon ko lang, sariling mansiyon ko. May kani-kaniya kasi kaming bahay. May sarili ng pamilya si Kuya Miro, kaya nakahiwalay na sila. Ang mama at papa ko naman ay busy sa ibang bansa. Ako lang ang nandito sa Pinas. Sina lolo at lola naman ay nasa New york, ilang buwang nandoon para sa business. Kahit mga may ed
Ahva POVKakatapis lang naming mag-almusal sa BG or big dorm. Lahat kami ay nakagayak na rin para pumasok. Paglabas ko mula sa Big Dorm, napansin ko na parang lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. Hindi ko pa alam kung bakit, pero ramdam kong may nangyayari.Habang naglalakad ako papunta sa training field, napalingon ako sa isa sa mga malalaking screen na nakapaskil sa bawat sulok ng campus. Napatigil ako. Nanlaki ang mga mata ko.Ang mukha ko. Ang pangalan ko.“Ahva Tani.”Parang tinusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko habang pinapanuod ko ang bawat detalye na inilalabas ng screen. Hindi lang basta achievements ko bilang student ang pinapakita roon, kundi pati na rin ang buhay at pinagmulan ko.“Ahva Tani, mula sa pamilyang Tani, isang kilalang pamilya sa buong Pilipinas na ang reputasyon ay nakaukit sa kasaysayan ng mga mandirigma, assassin, at mga taong walang kapantay sa laban. Ang kuya niya, si Miro Tani, ay dating mafia boss na kinatatakutan sa underground world…”Hind