Mag-log inEryx POVKinabukasan, magaan na rin ang pakiramdam ko. Maaga akong nagising, mga alas siyete siguro. Tahimik ang paligid ng Silent Fang, maaliwalas kasi walang nangyaring grabeng gulo kagabi.Tinignan ko si Ahva, mahimbing pa ang tulog sa sofa sa dorm ni Miss Belinda. Dito na kasi kami nakatulog nila Miss Belinda dahil sa pag-uusap at pagpaplano sa ibang araw.Kita ko sa mukha niya ang pagod, pero kahit na ganoon, maganda pa rin siya.Pero kailangan ko nang umalis muna. May mga bagay na dapat ayusin. At gusto ko ring guluhin na rin ang gagong si Solomon. Oras na, para sila naman ang gawan ng pag-atake. Hindi ‘yung puro sila lang.Pagkalipas ng ilang minuto, gisin na rin sina Sorin at Zuko, na sa may gate na rin sila. Pareho silang seryoso ang mga mukha dahil maaga pa, tila nauntol ko pa ata ang tulog nila nung tawagan ko sila kanina.“Bro,” sabi ni Sorin, “tuloy ba ‘yong plano natin?”Tumango ako. “Oo. Uuwi muna tayo. Pero pagdating ng gabi, babalik tayo rito. Hindi puwedeng iwan nan
Ahva POVMalalim na ang gabi, at malamig na ulit ang hangin sa buong paligid kaya suot-suot ko na ulit ang makapal kong jacket. Tahimik pa ang paligid ng Silent Fang School, nag-aabang pa rin kami magiging ganap.Nasa bubong ako ng lumang bell tower, katabi sina Eryx, Amon, at Miss Belinda. Sa ibaba, naglalakad-lakad sina Tito Sorin at Tito Zuko, sinusuri kung gumagana nang maayos ang mga patibong na nilagay namin kanina pa.“Handa na ang lahat ng perimeter,” sabi ni Amon habang tinitingnan ang mapa ng school. “Kung may susubok nang pumasok, hindi sila aabot ng sampung hakbang at sure, lasog-lasog ang mga katawan nila.”Ganoon din ang naiisip ko. Kaya mukhang walang paguran ngayong gabi at maaga rin kaming makakatulog. Sana nga ay tumalab, kasi kung hindi, mapapahiya ako sa iba. Mapapahiya ako kay Miss Belinda.Tahimik si Eryx sa tabi ko, pero ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Nakatingin kasi siya sa dilim, habang hawak ang kaniyang blade. ‘Yung mga mata niya, tila asong nang
Ahva POVPumunta ako sa kabilang bahagi ng school kung saan naroon sina Amon, Cael, Nyra at Penumbra.Sa lugar na ‘yon, abala silang naglalagay ng mga patibong, mga wire trap, smoke bomb at ilang mga sensor na nakakabit sa mga puno at bakod. Ang bawat isa, alam na rin ang gagawin.“Ahva!” tawag ni Amon sa akin habang may hawak na mahabang metal wire. “Puwede mo bang hawakan ‘to saglit? Kailangan kong itali ‘tong kabilang dulo sa poste, e.”“Sure, akin na,” sabi ko sabay abot ng wire sa kaniya. “Siguraduhin mong mahigpit, ha. Nang sa ganoon, patay kung patay ang kalabang papasok dito.”“Hindi mo kailangang mag-alala,” sagot niya sabay higpit sa ginagawa niyang paglalagay ng mga iyon. “Baka nga ako pa nga ‘yung masugatan sa sobrang higpit na nitong ginagawa ko.”Si Cael naman ay nag-aayos ng mga spiked barriers. “Kailangan nating lagyan ‘tong area na ‘to, Ahva. Madalas dito dumadaan ‘yung mga kalaban tuwing gabi. Dadamihan natin para bago pa sila makapasok dito, may mga sugat at mahina
Ahva POVNakatulog at nakapagpahinga naman kahit kaunti at para sa akin, ayos na iyon. Sa panahon kasi ngayon, hindi ko kayang matulog ng matagal o mahabang oras. Ang dami kasing kailangang gawin. Nadatnan ko sila sa gitna ng malawak na training field ng Silent Fang School, naroon sina Eryx, Sorin, at Zuko. Tatlo silang nakatayo sa gitna ng hanay ng mga estudyanteng tinuruan nilang humawak ng mga sandata. Sa totoo lang, kahit ako, hindi ko pa rin maiwasang humanga sa tatlong ‘yon. Kahit wala hindi naman nila need gawin ito, nandito sila para tulungan ang school. At malakas ang kutob ko na dahil iyon sa amin ni Eryx. Alam kong nakiusap si Eryx sa mga kapatid niya para maligtas kami.“Ulitin n’yo!” sigaw ni Eryx habang tinuturuan ang mga estudyante kung paano umatake gamit ang mahabang espada. “Hindi lang lakas, diskarte! Kapag bumuwelo ka, siguraduhing may kasunod na depensa!”Sabay-sabay na sumigaw ng ‘Yes, sir!’ ang mga estudyante. Napangiti ako nang makita kong halos pawis na pawis
Ahva POVKahit puyat sa labanan kagabi, hindi ako mapakali. Maaga tuloy akong gumising at bumangon. Dahil sa mga nagaganap ngayon dito sa school, parang hindi maganda ‘yung palaging nagpapahinga pero alam kong kailangan kasi doon lang kami makakabawi ng lakas.Paglabas ko ng big dorm, dumiretso agad ako sa dorm ni Kara. Isa siya sa mga hindi nakatulong kagabi, kasi nga, may sugat pa siya sa binti at mga hita na hindi pa tuluyang naghihilom dahil sa katigasan ng ulo niya.Pagbukas ko ng pinto, nandoon siya, nakaupo sa gilid ng kama. Nakatingin lang sa bintana, hawak ‘yung bandage sa hita niya.“Kara?” tawag ko agad sa kaniya.Lumingon siya agad, at pagtingin niya sa akin, napansin kong namumugto ang mga mata niya. “Ahva… nandoon ka kagabi, ‘di ba?” mahina niyang tanong. “Dinig na dinig ko kasi ang gulo kagabi.”Tumango ako, sabay lapit. “Oo. Dumating sila Eryx, Tito Zuko, at Tito Sorin. Sakto kasi, inalertuhan nila ang school bago pa dumating ‘yung mga bihasang assassin.”Napatingin si
Eryx POVSampung minuto pa lang mula nang makarating kami dito sa Silent Fang School, umalingawngaw agad ang gulo.“Sir Eryx!” sigaw ng isa sa mga lalaking estudyante na may hawak ng radyo. Halatang nanginginig ang kamay nito. “May—may tumalon sa bakod! Parang mga ninja, lalaki! Nakapasok na po rito sa loob!”Agad akong napalingon kay Zuko at Sorin.“Gaano karami?” tanong ko agad, para alam namin kung ilan ang dapat lumaban.“Isa pa lang po, pero may mga nadagdag, sir!” Mabilis pa ang sunod nitong sabi. “Lima na po! Malalaking lalaki! Nakapasok na lahat sa east side! May mga estudyanteng walang malay at duguan na agad!”“Damn it,” bulong ni Zuko, sabay labas ng baril na may silencer.Hindi na kami nag-aksaya ng oras. “Zuko, sa kanan. Sorin, sa likod ko,” utos ko. “Pupunta tayo sa east side ngayon din.”Paglingon ko, nakita ko sina Ahva at Amon na mabilis na papalapit sa amin. Pareho silang may hawak na armas, si Ahva, baril at patalim habang si Amon naman ay may mahaba at matalim na e







