Ahva POVMaaga pa lang, gising na gising na ako. Hindi dahil excited ako sa training, kundi dahil ngayon ang unang araw ng pagiging alipin ni Cael Umbra.Yes, si Mr. Tough Guy, ang walang kibong si Cael, ay magiging errand boy ko for the day. At kasalanan niya ‘yan, naghamon siya ng laban, natalo siya, kaya tanggapin niya ang parusa.Habang nakaupo ako sa kama, iniisip ko na agad kung anong ipapagawa ko sa kaniya. Gusto ko sanang ipa-linis ng CR, pero medyo cliché. Gusto ko ‘yung makakabawas sa pride niya, pero hindi sobrang below-the-belt. Sakto lang. Enough to bruise his ego but not his bones.Paglabas ko ng dorm, suot ko pa rin ang black combat pants ko at loose hoodie. Gusto ko lang maging komportable habang pinapanood ko si Cael na magpapakahirap.Pagdating ko sa cafeteria, naroon na siya. Nakatayo sa gilid ng entrance, parang bodyguard na hindi ko in-upahan.Nagtama naman agad ang mga mata namin.“Ready ka na ba?” tanong ko habang naka-smirk sa kaniya.“I don’t break promises,”
Ahva POVNakahawak ako sa basang towel na ipinatong ni Penumbra sa batok ko habang nanonood kami sa gitna ng courtyard. Sa harap ko, magkalayo ng limang metro sina Nyra at Cael. Parehong nananahimik. Parehong nagagalit. Parehong hindi sanay na inuutosan.“Begin when ready,” sabi ng referee.Pero hindi agad gumalaw ang dalawa.“You’re seriously making me do this?” tanong ni Cael habang nakatingin sa akin.“Yes,” sagot ko. “Unless you want to scrub the entire dorm by yourself for a week.”Napangisi si Nyra. “He’s not ready to serve, Peachy.”“I’d rather die than be someone’s slave,” sagot ni Cael.“Then you better win,” sagot ko rin.Pagkasabi ko nun, sumugod na agad si Nyra. Tila ba ayaw niyang matalo at maging slave ko ng isang linggo. Aba, sila ang naghamon, kaya dapat panindigan nila ito.Mga tatanga-tanga kasi, dapat kapag naghamon, i-sure nilang ipapanalo nila ito. Eh, hindi, mga nagpatalo kaya sigurado akong malalagot sila sa amo nilang rank one.Sa unang segundo, halos hindi mo
Ahva POVHindi pa ako nakakalahati sa kinakain kong spicy chicken rice bowl nang biglang tumahimik ang buong cafeteria. Ramdam ko agad na may paparating, hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng presensyang unti-unting bumalot sa paligid.“Peachy.”Napatingin ako kay Penumbra, kasalukuyan niyang sinusubo ‘yung side dish naming kimchi tofu, pero nanigas siya. Sinundan ko ang tingin niya, and there they were, sina Nyra Caligra at Cael Umbra, sina rank nine at rank ten.Lumapit sila sa lamesa namin, kaswal ang tindig pero may halong yabang sa bawat hakbang. Umupo na ang lahat ng estudyante sa paligid. Mukhang alam na nila ang susunod na mangyayari.“Peachy,” umpisa ni Cael habang cold ang atake ng boses niya. “We’re calling you out for a challenge. Knife-only.”Napangiti ako nang walang emosyon. “And what do I get if I win?”Si Nyra ang sumagot. “If you win, you can make us fight each other, and the loser becomes your little servant for one week.”Tumingin ako sa kanila pareho. Wala
Ahva POVPagbalik ko sa dorm, ramdam kong nananakit pa rin ang katawan ko mula sa halos sunud-sunod na training na parang gusto na akong ilibing nang buhay. Pero kahit masakit ang kalamnan ko, mas masarap sa pakiramdam ngayon ang pagbabalik ko ulit dito sa school. Makikita ko naman si pusong bato.Pero natatawa ako kapag naiisip ko ‘yung nangyari sa isang hindi ginagamit na room. ‘Yung araw na nanghingi ako ng gamot at band-aid kay Amon. Ang kulit kasi ng gunggong na iyon. Ang sabi ko, i-abot na lang sa akin. Pero, makulit, hayaan ko na lang daw siyang linisin ang sugat ko at lagyan ng band-aid. Tatanga-tanga kasi ako nun, nadulas ako sa banyo, pero effective naman ‘yung gamot niya t band-aid, nawala ang sakit at mabilis natuyo ang sugat. Pero ang hindi ko makalimutan ay ang pagsunod sa amin ni Tito Eryx. Natatawa ako nang maisip kong inakala niyang may gagawin kami ni Amon.Ngayon, naisip ko rin tuloy na puwede kong magamit si Amon para mapalabas ang totoong Eryx. Kung totoo bang pus
Ahva POVNUNG sumapit ang 11:14 am, precision throwing naman ang tinuro nila sa akin. Sa open field, may sampung target boards. Bawat isa, may bilog sa gitna na kasinglaki lang ng shot glass.“Today,” sabi ni Ramil, “you learn to kill with anything.”Nasa harap ko ang tatlong kutsilyo, dalawang screwdrivers, ballpen, tinidor, pako, at isang nailcutter.Yes, nailcutter.“Hit the red circle. Ten meters,” sabi niya.Tumawa ako. “With a nailcutter?”“You don’t need perfect tools. You just need perfect intent.”Huminga ako ng malalim. Tumutulo na agad ang pawis sa sentido ko kahit kakaumpisa palang, mainit na kasi.Pinili ko muna ang kutsilyo. Tumama ako sa black circle. Malapit pero hindi gitna.Sunod ay ang screwdriver. Tumama lang ito sa side ng board.‘Yung ballpen naman ay tumalbog lang.Ngunit sa ika-apat na try ko, tinidor na ang ginamit ko. Impyernes, tumama naman ito sa gitna.Sunod ang pako. Patabingi naman ang tama nito sa board.Pero sa huli, nailcutter na ang ginamit ko.Iikot
Ahva POVPagtunog palang ng alarm clock ko, nainis na agad ako. ‘Yung tipong, parang ayokong nang maging masipag, kalimutan na lang ang gusto kong maging rank one sa school. Pero dahil si Tito Eryx ang parang magiging trophy ko rito, inalis ko sa isip at puso ko ang pagiging tamad ko.Pagbangon ko, ayon na, parang may mga bakal na nakadikit sa buong katawan ko. Hindi ako makagalaw ng maayos. Masakit ang mga braso ko, parang pinitpit ng truck. Ang likod ko, may kirot sa bawat hinga ko. Literal na parang nabugbog ako.At oo, totoo naman.Kahapon pa lang, dinaanan ko na ang hell version ng training. At ngayon, hindi pa tapos. Second day na ng training ko. Hindi dapat ako umatras. Hindi ako puwedeng umatras.Gusto kong maging mas malakas. Gusto kong tapatan ang mga nasa top ten na iyon.Gusto kong lampasan silang lahat, lalo na si Kara.PAGDATING ko sa training-an ko kahapon, nandoon na agad ang tatlong nagpahirap sa akin kahapon—si Tito Sorin, Tito Zuko at si Ramil. Lahat sila, parang fr