Misha’s POVUmagang-umaga pa lang, ramdam ko na ang masarap na simoy ng hangin habang naglalakad ako sa aming manggahan. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga punong mangga na tila nag-aabang sa aking pagdating. Ang mga sanga ay puno ng mga hinog na mangga—malalaki, mabango, at parang kumikinang sa liwanag ng araw. Hindi ko mapigilang huminto at hawakan ang isang mangga. Ang lambot ng balat nito, tanda na handa na itong pitasin.“Perfect para sa mango graham,” bulong ko sa sarili. Naisip ko na baka magugustuhan ni Everett kung gagawa ako ng ganoon. Sinabi niya kasi kagabi na uuwi siya ng tanghali para mag-bonding kami. Matagal ko na rin siyang hindi nakakasama nang ganito—yung wala kaming iniisip na trabaho o anumang responsibilidad, kaya naman gusto kong gawing espesyal ang araw na ito. Tatlong araw kasi siyang sunod-sunod na busy sa work at sa condo lang siya tumutuloy para magpahinga. Tutok na tutok siya sa company na hawak niya, sinisiguradong hindi na siya maloloko pa ng Tit
Misha’s POVPagkaluto ng mga ulam, inayos ko na ang mesa sa terrace ng bahay kubo ko. Pero nang mapansin kong mainit na sa bandang terrace, mas napili ko tuloy na sa lilim ng mga sanga ng mga puno ng mangga kami mananghalian, inayos ko ang mga plato, kutsara’t tinidor, at inilagay ang mga pinggan na puno ng mga niluto kong ulam. Ang bango ng piniritong tilapia ay humahalo sa amoy ng tortang talong at ang kakaibang aroma ng mga tuyong isda.At siyempre, inilapag ko ang tray ng mango graham sa gitna—ito ang magiging highlight ng aming tanghalian.Hindi nagtagal, narinig ko ang pamilyar na tunog ng makina ng kotse ni Everett. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “Heto na siya,” bulong ko habang inaayos pa ang buhok ko habang papalapit siya.Bumaba siya mula sa magara niyang sasakyan, nakangiti—yung ngiting kapag nakikita ko ay mas lalo pa akong na-i-inlove sa kaniya. Agad akong sinalubong ng yakap niya, mahigpit at puno ng lambing. “Misha,” bulong niya sa akin. “Na-miss kita.”“Na-miss
Misha’s POVLumakad kami papasok sa isang marangyang boutique sa gitna ng city. Halos manliit ako sa mga makinang na chandelier na tila mga bituin sa itaas ng mga marmol na sahig. Pagdating pa lang namin sa harap, agad kaming sinalubong ng staff, pormal ang suot, pero nakangiti at tila sanay na sa mga katulad ni Everett—mga bilyonaryo, mga taong hindi tinatanong ang presyo.“Good afternoon, Mr. Tani,” bati ng babaeng staff, nakasuot ng sleek na itim na dress. “We’ve been expecting you.”Nakaramdam ako ng konting kaba habang hawak ni Everett ang aking kamay. Minsan, kahit gaano ko pa siya kakilala, hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa mundo niya—mundo ng mga bilyonaryo, ng mga walang katapusang kayamanan. Pumasok kami sa loob, at para kaming pumasok sa isang ibang dimensyon. Mga racks na puno ng mga wedding gown na bawat isa ay mukhang perpektong nilikha para sa mga prinsesa.Sa kabila ng aking kaba, pinisil ni Everett ang aking kamay at ngumiti sa akin, tila pinapakalma ako sa lahat
Misha’s POVPaglabas ko suot ang unang gown, kita ko agad ang reaksyon ni Everett. Seryoso ang mukha niya, tahimik, pero alam kong tinitimbang niya ang bawat aspeto ng gown—kung bagay ba sa akin, kung ito na ba ang hinahanap niya. Sa akin, okay na, pero alam kong iba rin talaga ang taste ni Everett sa mga bagay-bagay. May kung ano sa mga mata niya na sa unang tingin, alam niyang may mali, kahit para sa akin, perfect na.“What do you think?” tanong ng isa sa mga staff, pormal pero puno ng respeto.Everett crossed his arms, his eyes never leaving me. “It’s beautiful,” he said after a moment, “but, let’s try the next one.”Sabi na e, gusto pa rin niyang makita ang iba pa. Nakukulangan pa siguro siya. Alam ko kasing gusto ni Everett na maging perpekto ang lahat, hindi lang para sa kanya, kundi para sa akin din. Ayaw niyang mag-settle sa kahit ano lang.Nang isinuot ko ang pangalawang gown, mas mabigat ito dahil sa mga kumikislap na detalye sa buong tela. Ang mala-dyamanteng mga burda ay na
Misha’s POVSa loob ng ilang buwan, ang buhay ko ay parang isang fairy tale—isang napakagandang fairy tale na puno ng kasiyahan at pag-iingat. Simula noong ipinagbuntis ko ang magiging anak namin ni Everett, hindi ako kailanman nag-alala, joke, siyempre, nag-alala rin dahil ang daming kontrabida sa buhay ni Everett. Sobrang higpit ng mga bodyguard ko, hindi nila ako hinayaan na malagay sa kahit anong panganib. Si Everett, bilang isang bilyonaryo, ginawa niyang misyon na hindi lamang ako maging komportable, kundi maging sobrang ligtas sa bawat oras. Minsan nga, iniisip ko kung dapat ba akong matakot sa mga bodyguard kaysa sa mga panganib na iniiwasan nila para sa akin.Ngayon, nandito kami sa mansiyon ni Everett at hindi lang basta-basta mansiyon. Ito ang pinaka-marangyang lugar na puwedeng pagdausan ng isang event na parang ginawa para sa mga maharlika. Ilang buwan na rin akong excited para sa araw na ito—ang gender reveal ng unang anak namin ni Everett. Parang nananaginip pa rin ako.
Misha’s POVDahan-dahan kaming lumapit sa gitna ng malaking ballroom kung saan naghihintay ang lahat. Ang mga mata ng bawat tao ay nakatutok sa amin, para bang kami ang bituin ng gabing ito. Nakaabang sila sa susunod na mangyayari. Sa harapan namin, may malaking velvet curtain na bumabalot sa isang bagay—ang simbolo ng gender reveal na inihanda ng event planner ni Everett. Ang kaba ko ay parang lalo pang lumakas habang papalapit kami sa harap ng curtain.Sa ibabaw ng malaking stage na iyon, nakahanda na ang lahat—mga ilaw, mga paputok, at kahit ano pa ang inihandang sorpresa ni Everett. Lahat ito ay para sa isang grand reveal.“I’m ready,” bulong ko sa sarili ko, halos hindi ko na marinig ang boses ko sa sobrang excitement at kaba.Nang nasa gitna na kami ng stage, tumingin ako kay Everett. Ngumiti siya nang parang nagpapapogi pa sa mga bisita namin kaya tatawa-tawa rin ako. Minsan, lumalabas na rin talaga ang pagiging makulit niya. Gumitna pa kami sa stage at saka tinaas ang kamay na
Misha’s POVMadaling araw pa lang, nagising na ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil sa sobrang katahimikan ng paligid o marahil dulot ng nakaraang kaganapan kagabi—ang gender reveal ng anak namin ni Everett. Lahat ng bisita ay nalasing, at dahil buntis ako, ako lang ‘yung hindi nalasing kaya maaga nagising. Tulog na tulog pa si Everett sa tabi ko, malalim ang paghinga at mukhang hindi magigising agad. Bumangon na ako kasi alam kong hindi na ako makakatulog pa, maaga rin kasi akong natulog kagabi. Simula nung mabuntis ako, hindi na ako nakakapagpuyat, maaga akong dinadapuan ng antok.Tahimik akong bumangon sa kama, ingat na hindi magising si Everett. Nang masiguro kong hindi siya nagising, hinayaan ko na ang paa ko’y magdala sa akin kung saan man. Maganda ang umaga sa labas, pero masyado pang maaga para bumaba. Sa halip, naisip kong galugarin ang ilan sa mga kuwartong hindi ko pa napuntahan dito. Hindi ako madalas na nag-iikot sa mansiyon na ito, dahil lagi kaming naglala
Misha’s POV Nakatayo ako sa harap ng bintana ng kuwarto namin, iniisip kung paano ko sisimulan ang pagtatanong. Si Everett ay nasa kama pa, unti-unti nang gumigising. Nakahiga pa siya, tila lumulutang pa sa pagitan ng pag-idlip at paggising. May bigat sa dibdib ko, kanina pa. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang pag-uusap na ito—hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon niya. Pero kailangan kong malaman kung para saan ang mga armas na ‘yon.Narinig kong nag-inat si Everett at tumingin siya sa akin. Medyo pagod pa rin ang mukha niya mula sa gabing puno ng kasiyahan. Tumitig siya sa akin, ngumiti nang bahagya.“Good morning, mahal,” bati niya pero ramdam ko na may bahid ng kaba ang tono ko. Hindi ko na maitatago ito, at alam kong kailangan ko nang magtanong.“Good morning,” sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili.Tumahimik ng saglit, ang ingay ng mga ibon sa labas lamang ang naririnig namin. Hindi ako agad nagsalita. Alam kong sensitive ito, pero hindi ko kayang mag
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol