A Deal With Mr. Vitale (Billionaire's Possession) Tagalog

A Deal With Mr. Vitale (Billionaire's Possession) Tagalog

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-18
โดย:  Black_Angel20อัปเดตเมื่อครู่นี้
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
คะแนนไม่เพียงพอ
12บท
21views
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

Narinig ni Amanda Moretti ang balitang ipapakasal siya ng kanyang ama sa isang lalaking hindi niya kilala—kaya tumakas siya mula sa tahanan ng kanyang mga magulang. Determinado siyang pumili ng sariling landas, nagsimula siyang mamuhay mag-isa at unti-unting binuo ang tahimik na kalayaang natagpuan niya sa kanyang maliit na apartment. Sa tulong ng isang bagay na siya mismo ang lumikha—isang app na ginawa niya upang matulungan siyang malampasan ang bawat araw—hindi lamang siya nakaraos kundi umangat pa. Lumago ang app, naging matagumpay, at kalaunan ay nakilala sa maraming lugar. Dahil sa tagumpay na iyon, nakilala niya ang isa sa kanyang mga kliyente—si Knoxx Xavier Vitale—isang lalaking hindi niya inakalang lubos na magbabago ng takbo ng kanyang buhay. Arogante at antipatiko. Sukdulan ang ugali nitong hindi tugma sa kanya. He kept on pestering her. Kaya nang inalok siya nitong magpanggap bilang nobya sa harapan ng mga magulang nito, sa una'y nagdadalawang-isip pa siya. Mentioning a hundred thousand dollars made her eyes sparkling of wealth. Napapayag siya nito. Ngunit mas may nakakagulat pang rebelasyon ang mangyayari kasunod.

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

1.1 : Ang Sining Nang Pagpapanggap

Nakahanda si Amanda upang harapin ang panibagong kliyente. Suot ang sapat na kulay ng lipstick sa labi at ang bagong released na brand na bag, pupwede na siyang makaalis.

Ngunit bago iyon ay muli niyang pinasadahan nang tingin ang kanyang sarili sa salamin. Hindi pa rin nawawala ang mataas na paghanga sa kanyang sariling repleksyon. Palagi niyang niyang sinisiguro na hindi nawawala ang kanyang confident. Iyon lamang ang kanyang natatanging pambato upang pakikitunguhan ang mga kliyente.

Bumaba ang kanyang paningin nang magvibrate ang kanyang latest iphone na personal niyang binili sa United Kingdom. Mensahe iyon mula sa kanyang kliyente sa araw na iyon. Nasa labas na ito ng kanyang unit. Nakapaloob sa mensahe na kung hindi pa siya handa ay bibigyan siya nito ng kasunod na mga oras hanggang sa siya ay makababa.

Nagtipa siya ng mensahe. Sinasabing parating na siya. Hindi na nag reply ang kanyang kliyente. Marahil ay iniisip nito kung gaano siya kaganda sa oras na maipakilala siya nito sa mga katrabaho sa opisina.

Sa pagdating niya sa parking kung saan naghihintay ang kliyente ay kumatok siya sa bintana ng kotse nito. Mabilis nitong ibinaba ang nakaharang upang masilayan ang alindog na taglay ni Amanda.

"Hello, Mr. Moon. Getting ready for the show?" Tanong niya sa lalaki gamit ang pinakamasayahing tono. Subalit, hindi ito nakapagsalita. Ang kanyang kliyente, si Mr. Moon ay nakatingin lamang sa kanya.

Hindi na iyon sa kanya bago. Lahat ng mga nakasosyo niya sa larangan ng kanyang trabaho ay ganoon ang palaging reaksyon. Oras na aayusan niya ang sarili sa paglalagay ng make up sa mukha ay nag-iiba ang kanyang postura na tila ay isang magandang sopistikada na milyonarya.

Si Mr. Moon ay tila natauhan. Umiling-iling ito at sinampal-sampal ang sarili.

Ang kanyang kliyente na si Mr. Moon sa araw na iyon ay personal na pinakiusapan siya upang magpanggap na kasado sa kanya. At siya, bilang kanyang trabaho ay palaging handa sa booking ng mga serial customers under her name.

Ang kanyang trabaho ay ang magpanggap. Oo, ang magpanggap. Magpanggap na asawa sa mga lalaking nahihirapang pakibagayan ang alta sosyedad. Iisang kontrata lamang ang nakapagitan nito kay Amanda. Depende sa halaga at ang requested nitong oras at araw ay mas lalaki ang dapat na ipambayad.

Ngunit, lahat ng iyon. Sa kanyang trabaho ay may iisang bagay lamang ang hindi dapat na mangyari. Iyon ay ang pakikipagtalik. Siya, bilang si Amanda Moretti ay dapat magtalaga ng isang polisiya. Pwedeng maging intimate ngunit may sapat na boundary. Kalakip niyon ay ang hawakan siya ay hindi pa kabilang sa bayad. Ngunit ang pribadong bahagi ay off limits. Iyon ang nakapaloob sa kontrata na palagi niyang pinapaalala sa mga kliyente na gustong siya ay arkilahin.

Ginagawa niya ang trabaho na iyon nang dalawang taon. Klase-klaseng kliyente ay napasukan niya na. Matandang binata, high School student na pinapaselos ang crush, hiwalay sa asawa at higit sa lahat, ang magpanggap na asawa ng isang binabae na nakabihis sa katawan ng isang lalaki.

Sa tuwing iniisip ni Amanda iyon ay kusa siyang napapangiwi. Subalit masaya siya sa kanyang trabaho. Tiba-tiba ang salapi na kanyang naiipon at nagagawa na rin niyang bigyan ng luho ang sarili. Wala na siyang hihilingin pa. Ang kalayaan at kayamanan ay matagal niya nang abot-kamay. Sa pamamagitan lamang nang papalit-palit na estilo ng kanyang pagpapanggap. Nakadependi rin iyon sa suhestiyon ng mga kliyente niya. Siya ay dapat na i-disguise ang sarili sa kanyang totoong identity.

Anoman ang nakikita ng mga kliyente niya sa labas ay hindi ng mga ito nakikita sa loob. Bukambibig rin niya iyon dahil kailangan niya ang bumoses alang-alang na rin sa kanyang pribadong buhay.

Sa pagdating nila sa naturang venue. Dikit agad si Amanda sa misyon. Kinausap niya ang kliyente na si Mr. Moon na dapat itong mauna sa dining hall kasama ang mga katrabaho. Si Mr. Moon ay ang klase ng lalaki na pipi sa mga babae. Wala itong lakas na loob na manligaw sa mga babaeng nagugustuhan. At siya, bilang isang magaling na impostor ay dapat bigyan ng lakas ng loob ang lalaki upang pakitunguhan ang mga babae.

Tinutukso ito ng mga ka-trabaho. Kung bakla ba o sadyang walang amor sa mga may hiwa sa gitna ng mga legs. Sadya lamang si Mr. Moon na hindi maporma. Ang estilo ng pananamit nito ay batid ni Amanda ay kapanahunan pa yata ni Douglas Macarthur. Hindi moderno ang paraan nito kung manamit ngunit sapat na rin lang ang pera na maipambayad nito ay hindi si Amanda aatras pa.

Mula sa sasakyan ay pinag-aralan muna ni Amanda ang mga tao. Sa paligid ni Mr. Moon ay nakikita niya kung paano ito nailang sa mga kasamahan nitong kanya-kanyang may kanlong na babae. Si Amanda ay napangiwi. Dapat rin ba niyang gawin iyon upang maipakita sa mga katrabaho nito at upang mapaniwalang totoo ang kanilang relasyon.

Girlfriend lamang ang role niya sa gabing iyon.

Inayos niya ang wig na may bangs. Sinuri niya nang maigi kung sapat na ba ang itsura niya upang lampasuhin ang mga katrabaho ni Mr. Moon. Galing pa lamang ang mga ito sa office works kaya'y mabilis siya na umibis sa sasakyan.

Suot ang kanyang nakakamatay na ngiti. Si Amanda ay naglikha ng hindi malilimutang entrada habang naglalakad papasok sa restaurant. She looks amused and proud nang makita kung paano nanlaki ang mga mata ng mga katrabaho ni Mr. Moon nang siya'y makita. Ang lalaking nakaupo sa dulo na nakaharap sa pintuan ng restaurant ay itinuro siya.

Si Mr. Moon kasama ang iilan pang mga katrabaho ay nilingon siya. Batid ni Amanda na kinakabahan ang kliyente niya ngunit hindi siya. Mabilis niyang narating kung saan si Mr. Moon nakaupo. Agad naglakbay ang mga kamay niya sa dibdib nito hanggang sa leeg.

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

ไม่มีความคิดเห็น
12
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status