Misha’s POVNagising ako nang tumunog na ang alarm clock ko. Agad ko namang naisip si Everett. Nagbabakasakaling magigising ako na nasa tabi ko na siya pero wala. Kinuha ko ang unan at niyakap ito nang mahigpit, nagbabakasakaling maramdaman ang init ng kanyang katawan sa tabi ko. Ngunit, tulad ng dati, wala si Everett. Agad akong bumangon, habang parang may kung anong kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Ipinilig ko ang ulo, pilit pinapakalma ang sarili habang iniisip na baka lumipat lang siya ng kuwarto kagabi para hindi ako maistorbo sa pagtulog. Pero alam kong hindi, alam kong galit pa siya at hindi na ata ako gustong makatabi pa sa pagtulog.Bumaba ako ng hagdan, marahang hinakbang ang bawat baitang. Ang bawat hakbang ay tila mas nagpapabigat sa dibdib ko, lalo na’t may takot akong baka hindi ko siya makita. Paglabas ko sa kuwarto, narinig ko ang tunog ng mga plato at kutsara sa kusina. Naisip ko na baka doon siya, naghahanda para sa trabaho. Ngunit habang papalapit ako, n
Misha’s POVHabang nanatili akong nakatago sa gilid ng hallway, pinanood ko ang mga kilos ni Belladonna. Isang bagay ang ipagtanggol ang boss sa harap ng iba, ngunit iba ang nakita ko sa kanya—higit pa ito sa simpleng obligasyon bilang assistant. Naroon ang tiwala, ang parang malasakit na tila itinuturing na niya akong malapit na kaibigan.Tahimik akong lumapit, masusing pinagmasdan si Belladonna na kinakausap pa rin ang mga staff, ang boses niya mahina ngunit puno ng banta.“Do you have any idea what Misha has been through? She’s done everything to get where she is now, and you think you can just spread rumors about her like she’s some kind of tabloid figure? She’s our boss, and the least you could do is respect that.”Naramdaman kong parang may bumigat sa dibdib ko. Alam ko naman na may mga inggit sa paligid, at hindi na bago sa akin ang mga tsismis, pero hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong level ang mga paninirang kumakalat sa hotel.Muling napayuko ang tatlong staff, halatang n
Everett’s POVNakapako ang tingin ko sa monitor ng laptop ko, pero wala talaga akong makuhang tamang focus. Imbes na mga datos at reports ang makuha kong basahin, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang larawan nilang dalawa—si Misha at ang lalaking iyon. Akala ko pa naman matino at talagang mabait ang Cassian na ‘yon, inaaligiran lang pala talaga ang asawa ko. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang itsura nila. Magkasama sa kama, habang mga walang saplot. Kahit ilang beses ko nang sinubukang alisin iyon sa isip ko, mas lalo lang itong bumabalik sa isip.“Sir, you have a meeting in fifteen minutes,” paalala ng assistant ko mula sa pintuan. Tumango lang ako at nagkibit-balikat, bagaman alam kong wala sa tamang kondisyon ang isip ko para sa kahit anong seryosong usapan ngayon. Ilang ulit kong nilakasan ang loob ko, pilit na nilulunod ang sakit sa loob, pero hindi ko na talaga kaya.Hapon na nang tinawagan ko si Garil. Walang oras na hindi ako apek
Misha’s POVPagkatapos ng isang mahabang araw ko sa trabaho, diretso agad ako sa condo ni Everett. Alam kong hindi niya inaasahan ang pagdating ko, pero wala na akong pakialam. Matagal ko na siyang hindi nakikita, at ang tanging gusto ko lang ay makita siya at makausap. Miss na miss ko na talaga siya. Ang huling kita ko pa sa kaniya ay ‘yung umuwi siyang lasing at sa guest room natulog. Siguro, apat na araw na ata ang lumilipas na wala manlang siyang reply sa mga message ko.Hinawi ko ang buhok ko bago pinindot ang passcode sa pintuan ng condo ni Everett. Isa lang ang naisip ko: sa condo na ito nagtatago si Everett sa tuwing ayaw niyang umuwi sa bahay namin, sa tuwing nais niyang mag-isa. At sa kabila ng lahat, sa bawat pagpasok ko rito, laging may kirot sa puso ko.Pagbukas ng pinto, bumungad agad sa akin ang amoy ng alak at usok. Napangiwi ako. Sa dilim ng kuwarto, tila lumilitaw ang bawat alikabok sa mga sahig at kasangkapan. Hindi ko maintindihan kung paano nagawa ni Everett pabay
Misha’s POVHabang nakaupo ako sa gilid ng kama, pinahid ko ang luha sa mga pisngi ko. Alam kong hindi ito ang tamang oras para umiyak at magpakalunod sa lungkot. Kailangan kong kumilos, kahit na kaunti lang ang magagawa ko. Puno ng kalat ang condo, pero sa tingin ko, ang maliit na pagbabago sa paligid ay makakatulong sa kaniya.Bumangon ako at pumunta sa kusina. Una kong inisa-isa ang mga bote ng alak na nakakalat sa lamesa. Inipon ko ang mga ito, tinitingnang mabuti kung may laman pa ba o ubos na ang lahat. Tila baga hinahanap ni Everett ang kaligayahan sa ilalim ng mga baso ng alak, pero ang masakit ay alam kong ito ang paraan niya ng pagtakas sa sakit ng aming relasyon. Sa bawat bote na inilalagay ko sa basurahan, para bang nagtatanggal din ako ng bigat sa puso ko.Sunod kong pinulot ang mga basong may natuyong yelo at mga mumo ng pagkain na nakakalat sa buong mesa. Pinaikot ko ang mga baso sa ilalim ng gripo, hinuhugasan ito nang mabuti habang inaalala ang mga gabing magkasama kam
Misha’s POVTumakbo ako nang tumakbo, hindi ko na iniisip kung saan ako mapapadpad. Naririnig ko ang mga sigaw ng mga bodyguard ko sa likod, pati ang boses ng driver ko, pero hindi ko na pinansin. Gusto ko lang makalayo, gusto ko lang mawala.Hindi ko alam kung gaano na katagal akong tumatakbo, pero nang huminto ako, nakita ko na lang ang sarili ko sa gilid ng isang ilog. Tahimik ang paligid, wala ni isa mang ingay—tanging tunog ng agos ng tubig ang naririnig ko. Doon ako napaupo at sa wakas, parang gumuho ang lahat ng pinipigil kong damdamin. Umiyak ako nang malakas, walang pakialam kung may makarinig man.“Everett…” bulong ko sa sarili ko, pero puno ng galit at hinanakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko lubos akalaing darating ang araw na siya pa mismo ang makakapanakit sa akin nang ganito. Siya pa ang may kasamang iba at sa harap ko pa mismo niya ginawa iyon. Galit na galit ako. Pakiramdam ko, sasabog ako sa sakit.Bakit? Bakit hindi niya ako pinakinggan? Sinubukan
Everett’s POVNakasalampak ako sa sofa, pilit na pinuproseso ang nangyari. Parang nagising ako mula sa isang bangungot, pero ang masakit, totoo ang lahat ng iyon.Lasing ako kagabi. Hindi ko matandaan ang bawat detalye, pero isang bagay ang malinaw: nakita ko si Misha sa pinto ng condo namin, at ang sakit na nakita ko sa mga mata niya… hindi ko iyon malilimutan. Gusto kong habulin siya, tawagin, ipaliwanag na walang dapat siyang ipag-alala kay Maddison—pero hindi ako nakakilos. Sobrang hilo ko pa at parang dinudurog ang puso ko sa sobrang guilt.Napatingin ako sa paligid ng condo, at kahit papaano, naramdaman kong lumuwag nang bahagya ang dibdib ko. Ang linis ng buong lugar—kahit saan ko ibaling ang tingin ko, kitang-kita ang effort ni Misha. Ang bango-bango ng condo. Nawala ang lahat ng kalat, at sa dining table, may nakahandang pagkain para sa akin. Alam ko ka agad na si Misha ang may gawa nito. Si Misha na asawa ko, ang mahal kong asawa na sinaktan ko ng hindi sinasadya.Pumikit ak
Everett’s POVNakatayo ako sa harap ng mga tauhan kong nag-aalala, ang aking puso ay kumakalabog na tila gusto nang tumakas mula sa aking dibdib. Tinawag ko silang lahat para maghanap kay Misha. Masyado na akong natatakot ngayong wala pa ring katiyakan kung nasaan na ba siya. Kailangan kong malaman kung saan siya tumakbo, at wala akong ibang naiisip kundi ang makuha ang lahat ng impormasyon na posible.“Find her! We need to find my wife!” sigaw ko sa kanila habang ang boses ko ay puno ng pagkabahala. “Check every corner of the city o kahit pati na rin ang maliliit na town. Ask anyone who might have seen her!”Nagmamadali ang bawat isa, ngunit ako’y hindi makagalaw. Naramdaman ko ang bigat sa aking dibdib habang nag-iisip kung saan nga ba siya nagpunta. Lumapit ako sa opisina ng mga awtoridad, umaasa na makakuha ng anumang CCTV footage na makatutulong sa paghahanap sa kanya.Pagkaraan ng ilang minuto, umupo ako sa isang sulok, ang kamay ko ay nanginginig sa paghihintay. Bawat saglit ay
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol