Breaking Rules: The Sweetest Risk

Breaking Rules: The Sweetest Risk

last updateLast Updated : 2025-12-19
By:  sweetjellyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
6Chapters
16views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Walong taon na ang nakalipas nang biglang mawala si Ferly Heminez sa buhay ni Jyrone—walang paliwanag, walang paalam. Nagpatuloy siya, nagtagumpay, muling nagmahal, pero hindi kailanman nakalimot. Ngayon, isa na siyang makapangyarihang COO. Nasa kanya na ang lahat. Hanggang sa muling ibalik ng tadhana si Ferly sa kanyang buhay. Sa pagkakataong ito, tumanggi si Jyrone na pakawalan siya. Hanggang sa sumabog ang katotohanan. Ang stepfather ni Ferly ay ang tunay na ama ni Jyrone. Magkapatid sila sa batas. Ang minsang dalisay na pag-ibig ay naging bawal, iskandaloso, at imposibleng balewalain. Sa pagitan ng pamilya, moralidad, at pagnanasa, kailangan nilang pumili. Follow the rules—or risk everything for the love they never stopped wanting.

View More

Chapter 1

Chapter 1– First Day as Mine

JYRONE

Kalalabas ko lang sa meeting room, ginagampanan ang tungkulin ko bilang COO ng Policarpio Corp. At ngayon ay papunta naman ako sa isa pang meeting. Meeting namin ni Ferly Himenez, OB-GYN sa isa sa mga kilalang private hospital sa bansa.

Kung kanina ay hindi ako makangiti kasama ang marketing at finance heads, ngayon ay hindi na mawala ang ngiti ko.

Paanong hindi ako mapapangiti? Ngayon ang unang araw na susunduin ko si Ferly bilang girlfriend ko.

Matapos ang tatlong buwang panliligaw, nakuha ko rin ang matamis niyang oo.

Bitbit ang bouquet ng pulang rosas at isang matamis na ngiti, confident at cool akong naglalakad sa pasilyo patungo sa clinic ni Ferly.

Kumatok ako ng isang beses bago pumasok. Mas napangiti pa ako nang makita siyang nanlalaki ang mga mata at napatigil sa ginagawa niya.

“Hi,” sabi ko. “For you…” Inabot ko sa kanya ang bulaklak.

“Hi…” sagot niya, inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya. Namumula ang pisngi nang tinanggap ang bulaklak. “Thank you, Jyrone.”

“You’re welcome, darling…” malambing kong sabi habang hinawakan ang kamay niya at marahang hinalikan ang likod noon.

Ilang beses siyang napakurap, saka dahan-dahang binawi ang kamay at pasimpleng tinapik ang pisngi.

Hindi ko mapigilan ang ngiti. Bumalik sa alaala ko ang panahong nasa kolehiyo pa kami.

Ibang-iba siya sa mga nakarelasyon ko. Ayaw niyang pahalik, ayaw payakap, ni hawak sa kamay ay bawal.

Patago rin ang aming relasyon. Sa tuwing mag-aaya akong mamasyal, tumatanggi siya. Kaya para akong batang gutom na naglalaway sa ulam na hindi pwedeng galawin.

“Ready ka na ba, darling…” Lumapit ako sa kanya. Tumayo sa likuran niya at minasahe ang balikat niya.

“Jyrone…” Tumingala siya, parang pinagbabawalan akong hawakan siya.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa tainga niya, saktong maramdaman niya ang hininga ko.

“Relax… I’m just giving you a massage. I’m not going to eat you.”

Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, at parang napigil pa nito ang paghinga.

“Just breathe…” bulong ko ulit habang ang kamay ko ay patuloy na humihilot sa may leeg niya.

Kita kong napapikit siya, nasasarapan sa kada pisil at haplos ko. Hindi ko naman napigilan ang mapakagat-labi. Ang lamig dito sa clinic niya, pero ang init ng pakiramdam ko.

Kung noon, hindi ko nagagawa ito sa kanya. Hanggang tingin lang ako. Ngayon, hindi na puwede.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko. Labi ko, halos dumikit na sa pisngi niya.

“Jyrone… that’s enough.” Hinahawakan niya ang kamay ko, pinipigil na bumaba sa may collarbone niya.

“Why? Am I not doing it right? Doesn’t it feel good?”

“It does…” Natiim niya sandali ang labi, halatang nahihiya. “But someone might walk in…” Tumingin siya sa may pinto.

“Tapos na ang clinic hours mo, right? There’s no one coming in here,” seryoso kong sabi.

“Oo, tapos na… kaya alis na tayo…” Tumayo siya nang muli kong inilapat ang palad ko sa balikat niya.

“Let’s go…” Dinampot niya ang bag at bulaklak, saka naunang lumakad papunta sa pinto.

Napapailing na lamang ako, natatawa rin. Sa edad niyang beinte-siyete, para pa rin siyang dalagita kung umasta. Parang noon lang, kahit mag-syota na kami, dumidistansya pa rin siya.

“Jyrone, halika na…” tawag niya ulit nang mabuksan niya ang pinto.

Patakbo naman akong lumapit. Akmang hahawakan siya, ngunit bago pa man lumapat ang kamay ko sa baywang niya, nauna na siyang lumabas, iniwan ako.

Napakamot na lang ako sa ulo. Ang ilap pa rin talaga niya. Pero ayos lang. In time, mapaamo ko rin siya. At saka, iyong pagiging mailap niya, iyon naman ang nagustuhan ko sa kanya.

Ako nga na maparaan pagdating sa mga babae, hindi umubra sa kanya—ang iba pa kaya.

“Darling, wait for me…”

Napalingon siya nang binawi ko ang bag niya at hinawakan ko ang kamay niya.

“Jyrone…” Akmang babawiin niya.

Umiling ako. Huminto sa paglalakad at pinihit siya paharap sa akin. Matiim ko siyang tinitigan sa mata.

“I love you, Ferly. So please… hayaan mo akong iparamdam sa’yo… Don’t push me away.”

I don’t care if I sound too much.

She needs to know… I won’t let her slip away again.

Not this time.

Not ever.

If she tries to pull back, I’ll pull her closer… because losing her isn’t something I’ll allow a second time…

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status