Ahva POVPaglabas ko sa main building, dumiretso na agad ako sa opisina ni Miss Belinda. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa plano ko. Lalo na ngayon na alam kong baka may sumunod pang pag-atake na maganap. Hindi na puwedeng maging kampante ang lahat sa ngayon.Kumatok ako sa pinto. “Miss Belinda, puwede po ba akong pumasok?”“Ahva?” sagot niya mula sa loob. “Pumasok ka, hija.”Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa harap ng lamesa, may hawak na makapal na folder, at sa gilid nito, may tasa ng kape. Sa likod niya, kita pa ‘yong bintana kung saan tanaw ang likod ng campus.“Anong pinunta mo rito?” tanong niya, habang inaayos ang mga papel.“May gusto po sana akong i-request,” sabi ko agad, habang medyo kinakabahan pa. “Tungkol sa seguridad ng school.”Tumingin siya sa akin, habang seryoso ang mukha. “Tungkol saan?”“Gusto ko po sana mag-assign tayo ng mga lalaking estudyante na magbabantay sa mga gilid ng school—lalo na sa mga parte kung saan madalas may dumadaan na outsider. Puw
Ahva POVHalos dalawang oras lang ata ang tulog ko matapos ‘yong laban namin laban sa dalawang assassin kaninang madaling-araw. Lahat kami sugatan, pagod, pero buhay, at ‘yon ang importante.Habang nakahiga ako sa kama, biglang pumasok sa isip ko si Kara. Siya ang pinaka-grabe ang sugat sa amin. Tinamaan sa hita, tapos nadaplisan pa ng bala sa binti.Napabangon ako bigla. Hindi ko alam kung bakit ganito agad ang reaksyon ko, pero ramdam ko lang na kailangan ko siyang puntahan. Baka walang nag-aasikaso sa kaniya, baka nagugutom. At saka… ewan ko, parang gusto ko lang siyang makita.Kaya agad akong naglinis ng mukha, nag-ayos ng buhok, at lumabas ng Big dorm. Dumaan muna ako sa canteen at bumili ng almusal.Tocino, itlog, fried rice, at kape na nasa plastic cup. Simple lang, pero mainit pa.Habang naglalakad ako papunta sa clinic, ramdam ko ‘yong malamig na hangin ng tuwing umaga. Ang hapdi pa ng mata ko, halatang kulang na kulang sa tulog.Tahimik pa ang buong school, kakaunti pa lang
Ahva POVHinarap ko na ‘yong isa. Naka-dual blade siya, at bawat saksak niya ay eksaktong-eksakto, walang sayang na galaw siyang pinapakawalan. Nakailag ako sa unang tatlong atake niya, pero naramdaman ko ang hiwa sa braso ko sa ika-apat.“Aray—” napa-atras ako, sabay putok ng baril ko. Tinamaan ko siya sa balikat, pero hindi man lang ito natumba.“Tsk, ang galing nila!” sigaw ko habang umiwas sa isa pang saksak.Si Kara, kahit sanay, halatang hirap din, e. “Hindi sila ordinaryong assassin!”“Alam ko!” sigaw ko pabalik habang sinusubukan kong i-counter ang sunod-sunod na atake ng kalaban ko.Tatlo… Apat... Lima… Halos wala akong pagitan. Lahat ng galaw ng kalaban ay kalkulado talaga, tang-ina. Pero kahit ang hirap, may mga pagkakataong nakakabawi naman ako. Isang bala sa hita, isang suntok sa tagiliran, pero kulang pa rin talaga, buwisit. Para akong nakikipaglaban sa taong alam kong wala akong kalaban-laban. Pakiramdam ko nga ay parang katapusan ko na ngayon.“Ahva, sa kanan mo!” siga
Ahva POVHalos alas-dos na ng madaling-araw, kapag ganitong oras, oras na para rumonda sa paligid ng Silent Fang. Hindi lang ako, pati na rin ang mga kasama ko. Siyempre, sa laki nitong school, kailangan naming maghiwa-hiwalay at magpunta sa iba’t ibang parte nitong school.“Sandali, dadalhin ko lang itong pinagkainan natin sa big dorm, pagkatapos ay saka na rin ako roronda sa naka-assign na lugar sa akin,” paalam ni Cael.“Sige, basta, mag-start na tayo sa pagronda, mainam na ‘yung mabantayan natin ang mga puwesto na puwedeng pagpasukan ng mga kalaban,” sabi ko habang nakatingin sa kanila ng seryoso.“Mag-ingat ang lahat, okay?” paalala pa ni Amon.Tumango lang kami nila Penumbra at Nyra. Pagkatapos, doon na kami naghiwa-hiwalay habang bitbit ang mga armas namin.Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali ngayong madaling araw. Simula nang ibalita ni Eryx ang tungkol sa Red Eye, parang anytime, dadanak ng dugo sa school na ito. At sa totoo lang, kinakabahan na rin ako. Ayokong mapah
Ahva POVIsa-isa kong binuksan ang mga kahon. Lumitaw agad ang kislap ng mga bagong baril, mga matatalim na kutsilyo, at iba pang kagamitang hindi pa namin nagagamit kahit kailan. Maging ako, napangiti.“Tsk. Talagang sineryoso ni Eryx ‘to,” bulong ko habang dinampot ko ang isang baril na may ukit ng dragon sa gilid. “Ganda mo ah.”“Ano ‘yan, Ahva?!” sigaw ng isang boses mula sa likuran ko.Napalingon ako. Si Amon pala, may bitbit na kape at mukhang kagigising lang. Kasunod niya sina Cael, Nyra, at Penumbra, pare-parehong mukhang inaantok pa. Dito ko kasi pinalagay ang mga kahon sa bodega namin, sakto nga at kasya silang lahat dito. Dumating ang mga ito kanina nung tulog pa silang lahat.“Uy, ano ‘to?” tanong ni Nyra, na halos mapatalon sa tuwa nang makita ang mga laman ng kahon. “Mga bagong armas natin,” sagot ko.“Grabe!” sigaw naman ni Penumbra, na halos mapatili habang hawak-hawak ang isang sniper. “Ang gaganda! Ang tatapang ng design! Ahva, saan mo ‘to nakuha?”Dito na nagsimula
Eryx POVGabi na nang makarating ako sa mansiyon ni Ahva. Tahimik naman ang paligid, at mukhang walang nakasunod sa akin. Oo, simula nung sugurin ko si Solomon sa school niya, pakiramdam ko ay parang may mga nakasunod na sa akin palagi. Pero this time, sure akong wala kasi pinakiramdaman ko ang paligid. Sinigurado ko, siyempre, ayokong mapahamak ang mahal ko.Hindi ako nagpunta rito para makipagkwentuhan o makipag-sweet-an. Nandito ako para magbigay babala.Alam na niyang parating ako, mabuti nga at umuwi siya sa bahay niya ngayon, kahit pa paano ay malaya kaming makakapag-usap.Maya maya, bumungad sa akin si Ahva sa may veranda. Naka-itim siya na sweatshirt, nakataas ang buhok, at may hawak na tasa ng kape. Ganito talaga siya, simple pero may tapang pa rin sa mukha na hindi mo puwedeng bale-walain.“Akala ko ay hindi ka na darating,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “Hindi ka ata busy?”“Kakagaling ko lang sa meeting namin, pero mas mahalaga ang pinunta ko rito,” sagot ko habang