Mag-log inLucy had a flash marriage with her bodyguard, Feron, after her fiancé shamed her in front of the crowd. Feron is sweet, gentle, and caring to Lucy yet to her surprise, the bodyguard she married is the richest and the most powerful man in the city! With Feron's secret identity, he managed to spoil his wife. On the darker side, he's hiding something from her which can ruin their almost perfect married life. When Lucy discovered her husband's dark secret, she decided to run with a baby in her belly! May pag-asa pa bang mabuo ang pamilya nina Feron at Lucy sa kabila ng lahat ng kaguluhan at alitan sa pagitan ng kani-kanilang mga pamilya?
view moreLUCY’S POV
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full length body mirror. Suot ko ang fitted wedding gown na hapit na hapit sa katawan ko dahilan para mas makita ang kurba nito. Isang buwan na lang at gaganapin na ang kasunduang kasal sa pagitan ng pamilya Hidalgo at ng pamilya namin. Business marriage kung tawagin ngunit hindi para sa akin— dahil ako ang namilit para matupad lang ito, ang makasal sa lalaking gustong-gusto ko. “Feron, nakahanda na ba ang kotse na gagamitin natin?” Tiningnan ko sa salamin ang lalaking diretso ang tindig sa likuran ko, ang pinakamalapit na tauhan ni lolo mula noon. Ang kulay coffee brown niyang mata ay agad na tumitig sa akin nang diretso na agarang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buo kong sistema. Agad akong napaiwas ng tingin at tinuon ang atensyon ko sa pagsuklay sa aking wavy na buhok. Ilang taon na simula ng maging bodyguard ko siya, ngunit ang seryoso at misteryoso niyang aura ay hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon. Siguro ay dahil na rin may pitong taon ang pagitan ng edad naming dalawa. “Nakahanda na ang kotse sa labas, Ms. Russ,” sagot niya gamit ang malalim niyang boses. Halos napaigtad ako nang hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin nang muli ko siyang tinapunan ng tingin. Mabilis akong tumikhim at ngumiti. Excited na akong makita si Andrew. “Let’s go then.” Ilang minuto na lang at magiging Mrs. Hidalgo na ako. Huminto hindi lamang ang kotse na sinasakyan ko kung hindi pati ang tatlo pang kotse sa tapat ng civil registration building. Sunod-sunod na naglabasan ang mga bodyguards ko ngunit wala akong hinintay sa kanila para pagbuksan ako ng pinto. Ayaw kong nasasayang ang oras ko lalo na at mahalaga ang araw na ito sa akin. Paglabas ko palang ng kotse ay agad akong sinalubong ng sunod-sunod na kislap ng mga camera at mga nag uunahan na reporters. “Ms. Russ! Totoo ba na ikakasal na kayo ni Mr. Hidalgo?” tanong ng isa sa mga reporter na pilit na isinisiksik ang sarili palapit sa akin. Mabuti na lang at agad siyang naharangan ni Feron. “Ms. Russ, nasaan si Mr. Hidalgo? Ngayon n'yo na ba ipaparegister kahit wala pa ang kasal?” “Ms. Russ, may nagsabi na business marriage lang ito! Gusto n'yo ba pareho ang kasal?” “Ms. Russ!” Wala akong maintindihan sa sabay-sabay nilang pagsasalita. Tuloy-tuloy lang akong naglakad papasok ng building habang inaalalayan ako ni Feron. I already spilled the tea to someone from the media. Tama na ang information na pupunta ako rito para i-paregister ang kasal ko. Isa pa, hindi pa ba halata sa suot ko? “Good morning,” nakangiting bati ng babae sa lamesa. “P’wede ko bang mahiram ang ID n'yo ma'am at ang ID ng asawa mo?” “Sure!” Agad kong inilapag ang ID ko sa lamesa ng walang pag-aalinlangan. “As for my husband’s ID…” Tiningnan ako ng babae at lumipat bigla ang atensyon niya kay Feron. “He's still not here, can we wait for more minutes?” “Oh…” Namula ang mga pisngi niya. Siguro ay napagtanto niyang maling lalaki ang tinitingnan niya. “P’wede naman po.” Tiningnan niya agad ang kasama at aligaga na inutusan ito na bigyan ako ng maiinom na hindi ko na ikinagulat. After all, I am a part of the Russ family —one of the most wealthy families in the country, pero hindi lamang dito ngunit pati sa ibang bansa ay kilala rin ang pamilya namin. “Chamomile tea for you, Ms. Russ,” mahinhin na sabi ng isa sa staff at maingat na nilapag ang tasa sa harap ko. “Thank you.” Ngumiti ako pabalik sa kaniya ngunit sa loob ko ay hindi na ako mapakali. Wala pa rin si Andrew hanggang ngayon. Alam kong nabasa niya ang message ko. Agad na dumaloy ang kaba sa dibdib ko, paano kung may nangyaring masama sa kaniya? Thirty minutes to an hour has passed, yet not one arrived. Kahit text o tawag ay wala pa rin akong natatanggap. Ramdam ko na rin ang pag sulyap ng mga empleyado sakin. “Feron, ang cell phone ko.” Nilahad ko ang kamay ko na hindi siya tinitingnan. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari. Mabilis naman na binigay sa akin ni Feron ang cell phone ko ngunit kasabay noon ang biglaang pagbukas ng pinto. Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Andrew pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko. Halos magdikit ang dalawang kilay ni Andrew habang seryosong naglalakad palapit sa akin. Marahas niyang hinablot ang braso ko palapit sa kaniya.Hindi ako nagpatinag sa init ng talim ng titig niya, sa halip ay sinalubong ko iyon ng tingin. “You're late, Andrew—” naputol ang sasabihin ko nang mas diinan pa niya ang pagkakahawak sa akin. Impit na ungól lang kumawala sa labi ko pero wala siyang pakialam. “You really did announce our marriage to the public, Lucy? And what is this?” Tiningnan niya ang babae sa harapan ko. “Bakit mo ako pinapunta rito?” Hinaplos ko nang marahan ang kamay niya na mahigpit pa ring nakahawak sa akin. Sa kabila ng hapdi ng balat ko ay nagawa ko pa rin siyang ngitian ng matamis. “Hindi ba at mas maganda na magkaroon na tayo agad ng marriage certificate? Ganoon rin naman ‘yon. The marriage ceremony is for public display after all, so don't be angry now,” pagpapakalma ko sa kaniya habang sinasalubong ko pa rin ang mga mata niyang matiim na nakatingin sa akin. Ilang saglit pa niya akong tinitigan bago siya tuluyang huminga nang malalim at sa wakas ay binitiwan na niya ang braso ko. Pasimple ko iyong hinaplos. Ramdam ko pa rin ang init ng mga daliri niya na halos mag-iwan ng mga marka sa makinis at maputi kong balat. Pero kahit anong akto kong ayos ang lahat, ramdam ko pa rin ang tensyon sa loob ng kuwarto. Nanatili ang ngiti sa labi ko. “Akin na ang ID mo. Ihahanda na nila ang certificate natin,” magiliw kong sambit para bawasan ang awkwardness sa paligid kahit papa’no. Hindi ko na siya hinintay na sumunod at ako na mismo ang umabot ng wallet niya. Kinuha ko ang ID sa loob at inabot sa babae kanina. Awkward ito na ngumiti sa akin bago iyon kinuha. Agad din itong nagtipa sa kaniyang laptop at binigyan kami ng papel ilang minuto pagkatapos. “Pumirma na po kayo ma'am, pagkatapos ay si sir naman.” Tinanggap ko ang ballpen at papel at agad na pinirmahan iyon ng walang pag-aalinlangan. May ngiti ako sa aking labi habang ginagawa iyon at pagkatapos ko ay agad ko iyong inabot sa kaniya. “Your turn,” malambing kong sabi. Nilahad ni Andrew ang kamay niya at tinanggap ang papel. Maingat niyang binasa ang mga nakasulat doon bago niya kinuha ang ballpen. “Mr. Hidalgo,” tawag ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay ang secretary niya. “What is it, can't you see I'm doing something for you to interrupt?” inis niyang sabi. “I-I'm sorry, sir, pero may tumatawag sa iyo.” Agad nitong inabot ang cell phone kay Andrew. Hindi nakaligtas sa akin ang sulat na nasa screen. Sofia is calling… “W-Wait! Ganoon ba kahalaga ang tawag na ‘yan para unahin mo bago mo pirmahan ang marriage certificate natin?” Hinawakan ko ang braso niya. Ang kamay niya ay nakahawak na ngayon sa cell phone niya. Patuloy iyon sa pag vibrate at ganoon rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko… Bakit? Bakit tumatawag si Sofia sa kaniya at bakit ngayon pa?! “Let go of my hand, Lucy,” mahina ngunit may diin na utos niya. “This call is important too.” Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at hindi nagpapigil sa pagsagot ng tawag ni Sofia, ang ex-girlfriend niya. “Hello… What? Where are you right now?” Halata ang pag-aalala na gumuhit sa mukha niya habang kausap niya si Sofia. “Okay, wait for me.” Nagmamadali niyang pinatay ang tawag at saka mabilis na inilapag ang ballpen sa mesa. “Anong ginagawa mo?” tanong ko. Halos kagatin ko na ang sarili kong dila para lang hindi niya mahalata kung gaano ako nanginginig ngayon. “H’wag mo sabihing aalis ka nang hindi tinatapos ang pagpirma para lang sa kaniya?” “P’wede naman nating gawin ito pagkatapos ng kasal. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip mo para madaliin ito but let's do this another time, Lucy.” Tinalikuran niya ako. “Don't you dare take another step, Andrew! H’wag mo akong ipahiya sa harap ng mga reporter dahil lang sa ex-girlfriend mo!” hindi ko mapigilang sigaw. Wala na akong pakialam sa mga staff na nakikinig sa amin. Mas madali silang patahimikin kaysa sa mga reporters. “Sofia got in an accident. Kailangan niya ako,” paliwanag niya pero ang salitang ‘yon ay hindi para bawasan ang hinanakit na namumuo sa dibdib ko kung hindi para dagdagan pa ito. Muli siyang naglakad at hinawakan ang doorknob. “Andrew!” Panic runs through my head. I didn't meant to raise my voice but I need to stop him. “Kapag lumabas ka sa pintong ‘yan ay magpapakasal ako sa iba. Sa tingin mo ba ay magugustuhan iyon ng pamilya natin?” Paulit-ulit akong lumunok para alisin ang bara sa lalamunan ko. Ang hirap huminga. Huminto siya at lumingon sa akin. Kita ko kung paano niya ako hindi seryosohin. Ang mga mata niya na parang nangungutya ay tumitig sa akin na animo’y sinasabing hindi ko magagawa iyon… Dahil alam niya kung gaano ko siya gustong-gusto. Umiling siya at saka tuluyang pinihit ang doorknob. Ang secretary niya ay agad na tumayo sa likod niya at halatang handa nang umalis. “E-Excuse me, ma'am. Itutuloy pa po ba ang registration ng kasal niyo?” tanong ng babae. Mariin kong pinikit ang aking mata at huminga nang malalim. “Yes,” sagot ko pagmulat ng mata ko. Nakatingin pa rin ako sa likuran ni Andrew. “Kung g-gano’n po ay kailangan namin ng pirma ng asawa mo—” “Sign it, Feron!” utos ko. Mabilis na lumingon si Andrew sa gawi ko. Gulat naman ang rumehistro sa mata ng babae. “Anong hinihintay mo, Feron?! I told you to sign the certificate, now!” Mabilis ang tibok ng puso ko, halo-halo na ang nararamdaman ko. “Ms. Russ, hindi kasama sa kontrata ko ang ganito. Bodyguard mo ako at—” Hinarap ko ang gawi niya at agarang hinanap ng mata ko ang mata niya. Walang emosyon ng gulat o kahit ano, ang mababasa mula roon. Hindi ko mapigil na mas mainis. Umismid ako at lumapit sa kaniya. “H’wag mong sabihing pati ikaw ay tatanggi sa gusto ko? Ako ang boss mo! Sign the paper or I will fire you!” “Lucy, what the hell are you doing?! Stop making a scene!” inis sa pagsingit sa usapan ni Andrew. Mabilis siyang bumalik sa kinaroroonan ko at hinila ako nang marahas. “I told you, we can do this later!” “Stop touching me, Andrew! Bitiwan mo ako dahil nasasaktan ako!” Pilit kong iwinawaksi ang pagkakahawak niya pero mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa akin. “No! You better go home and stop this shit!” sigaw niya. Halos umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng kuwarto kung nasaan kami. Naramdaman ko ang paghawak ni Feron sa kabila kong braso. Sa wakas ay nagkaroon na rin ng emosyon sa mga mata niya. He looked mad. “Mr. Hidalgo,” malalim niyang tawag kay Andrew. “Nasasaktan si Ms. Russ. Alisin mo ang hawak mo sa kaniya o ako mismo ang gagawa no’n para sa'yo.” Hindi ko alam pero tunog may pagbabanta ang tono ni Feron pero kilala ko si Andrew. Mas hinigpitan pa ni Andrew ang hawak sa akin at sinubukang hilahin ako palapit sa kaniya. “H’wag kang mangialam dito. Tulad ng sabi mo kanina, bodyguard ka lang ni Lucy!” Hindi sumagot si Feron, sa halip ay mas hinila niya ako ng mas marahas dahilan ng pareho naming pagkagulat ni Andrew. Nabitiwan ni Andrew ang braso ko kaya tuluyan akong napasandal sa dibdib ni Feron. “Bodyguard niya ako kaya sa kaniya lang ako makikinig at susunod,” malalim na bulong ni Feron. Kinuha niya ang ballpen na nasa lamesa. Wala siyang pasabi na pinirmahan ang certificate na dapat ay si Andrew ang gagawa. “I already signed it.” “Ahh okay sir… Yes, let me process it immediately!” Nagmamadaling nagtipa muli ang babae sa computer. “A-Ano po ang pangalan mo, sir?” Saglit na natahimik ang paligid. Lahat kami ay nakatingin sa nagdadalawang isip na si Feron. “Feron… Feron Sandoval,” maikling sagot niya at tinuon muli ang atensyon sakin. Halos mahigit ko ang aking paghinga sa paraan kung paano naglakbay ang braso niya sa bewang ko. “I signed it, Ms. Russ. What do you want me to do next?” “I—” Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang babae. “O-Okay na po ma'am, sir…” Ngayon ay tuluyan ng rumehistro sa utak ko kung ano ang ginawa ni Feron. He really did sign the form! “I signed the contract. Ginawa ko ang gusto mo Ms. Russ. Ngayon ay uuwi na tayo,” bulong niya. May kakaibang nagbago sa boses niya na hindi ko na napaglaanan pa ng pansin. Naramdaman ko ang katawan kong umangat mula sa sahig at isinampay niya ako sa balikat niya ng walang kahirap-hirap. Buhat niya ako na parang isang sako ng bigas! “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” inis na pagpupumiglas ko pero wala itong epekto sa kaniya. Dinaanan lang niya si Andrew na tulad ko ay gulat na gulat din sa ginawa ni Feron. “H’wag kang malikot, Ms. Russ kung ayaw mong mahulog at mabalian ng buto,” pagbabanta niya, walang halong pagbibiro. Handa niya akong ibagsak sa sahig kung maglilikot ako ng tuluyan. “Why did you even sign the form?! Hindi ko naman balak totohanin iyon,” bulong ko. “You told me to do it, Ms. Russ,” mabilis na sagot niya, kalmado na rin ang tono ng malalim niyang boses. “I will do anything for you,” dagdag pa niya ngunit hindi ko na halos maintindihan dahil tuluyan na kaming nakalabas ng building. Mas namutawi ang ingay ng mga reporters, camera, at mga sasakyan. Kung anuman ang huli niyang sinabi, hindi naman na siguro ‘yon importante…LUCY'S POV Ilang minuto ko pang tinitigan ang cell phone ko bago ito muling tumunog. I didn't reply to any of his messages kaya heto, tumatawag na si Andrew. Agad kong sinagot ang tawag at hinihintay kong magsalita siya sa kabilang linya. Naiinis pa rin ako sa kaniya dahil sa nangyari.“Lucy, can you hear me? C’mon, let's talk it out.” Malambing na ang boses niya ngayon. Napakagat ako sa ibaba kong labi para lang pigilan ang sarili kong patawarin siya agad.“May dapat ba tayong pag-usapan, Andrew?”“Yes, baby. I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi ko naman akalaing wala ka sa mood. I should have known better. Don't worry, may nakausap na akong attorney na makakatulong para mapawalang bisa ang nangyaring pirmahan kanina,” mahaba niyang lintanya sa kabilang linya. “So let's meet tonight, okay?”Tonight?Napatingin muli ako sa repleksyon ko sa salamin. Medyo nagkakaroon na ng pasa ang pisngi ko at halata na rin ang medyo pamamaga nito.“I don't think I can—”“Baby, please? Ilang linggo na
LUCY'S POV “Minerva told me you did something shameful, have you lost your mind?!” bungad ni papa sa akin. “ Ano nalang ang sasabihin ng pamilyang Hidalgo sa atin?! Ano ang pumasok sa kokote mo at nagpakasal ka sa bodyguard mo, Lucy?!”Hinanap ng mata ko ang babae sa likuran ni papa na nanatiling nakaupo sa loob ng kotse, nakangisi siyang pinapanuod ako. Ano na naman ang pinagsasabi nito at ganito ang reaksyon ni papa? Hindi niya talaga kayang patahimikin ang buhay ko kahit umalis na ako kung nasaan sila! Sinamaan ko siya ng tingin, kung p’wede lang pumatay gamit ang mga mata ay kanina pa siyang naghihingalo!“I'm talking to you, Lucy!” Umangat muli ang kamay ni papa. Hindi na ako nag abalang iwasan ‘yon.“Honey!” Nagmamadaling bumaba sa kotse si Minerva at hinawakan ang braso ni papa. “Huwag mo namang masyadong saktan si Lucy. Gan'yan din naman ako sa’yo noon, hindi ba? Hindi ako makapaghintay na makasal sa'yo,” malambing niyang sabi.Gusto ko nang masuka sa mga salitang narinig ko
LUCY'S POV “Let's talk,” wika ko pagkahinto pa lang ng kotse sa harap ng mansion. Kailangan kong makausap si Feron tungkol sa nangyari.“Magpahinga ka muna Ms. Russ. Mukhang pagod na pagod ang mukha mo. Mamaya ay darating na ang ama mo kasama ang asawa n'ya para kumustahin ka. Alam nating dalawa ang mangyayari kung makikita niya ang hitsura mo ngayon,” seryosong turan ni Feron.Alam kong pababalikin ako ni papa sa main house kung saan siya nakatira kasama ang bago niyang asawa at ang half-sister ko at hindi ko gugustuhing sundin iyon. Kahit siguro nanghihina ako o may sakit ay mas pipiliin ko pang mag-isa kaysa makasama ang mga taong naging dahilan ng pagkasira ng ulo ni mama at…Mabilis akong umiwas ng tingin. “Pero ang tungkol sa kasal…kailangan nating pag-usapan ‘yon.”Bumuntong-hininga siya. “Sisiguraduhin kong hindi kakalat ang nangyari—”“Hindi iyon ang problema ko! Andrew was there. He knew about it! Paano ko i-e-explain sa pamilya namin ang ginawa mo? Hindi mo dapat pinirmaha
LUCY’S POV Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full length body mirror. Suot ko ang fitted wedding gown na hapit na hapit sa katawan ko dahilan para mas makita ang kurba nito. Isang buwan na lang at gaganapin na ang kasunduang kasal sa pagitan ng pamilya Hidalgo at ng pamilya namin. Business marriage kung tawagin ngunit hindi para sa akin— dahil ako ang namilit para matupad lang ito, ang makasal sa lalaking gustong-gusto ko. “Feron, nakahanda na ba ang kotse na gagamitin natin?” Tiningnan ko sa salamin ang lalaking diretso ang tindig sa likuran ko, ang pinakamalapit na tauhan ni lolo mula noon. Ang kulay coffee brown niyang mata ay agad na tumitig sa akin nang diretso na agarang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buo kong sistema. Agad akong napaiwas ng tingin at tinuon ang atensyon ko sa pagsuklay sa aking wavy na buhok. Ilang taon na simula ng maging bodyguard ko siya, ngunit ang seryoso at misteryoso niyang aura ay hindi pa rin nagbabago hanggang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments