Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, ang unang bumungad sa akin ay ang malambot na puting ilaw ng ospital. Akala ko nasa langit na ako kasing puting-puti ang lahat. Amoy ko ang antiseptic sa hangin, at naramdaman ko ang mga nakatusok sa braso ko. Napansin ko rin ang lamig ng aircon na sumisingit sa bawat balat ko. Para akong latang-lata na parang inaapoy ng lagnat. Dama ko rin ang kasakitan ng katawan ko. Bumagal ang paghinga ko habang pilit kong inuunawa kung nasaan ako.Sa gilid ng kama, nakita ko ang pamilyar na anyo ni Everett—ang asawa kong palaging nasa likod ko sa kabila ng lahat ng unos. Nakakunot ang noo niya, puno ng pag-aalala. May hawak siyang tasa ng kape na halatang matagal nang malamig.Nang makita niya akong gising na, halos matapon pa ang tasa nang kape nang ibaba niya ito bigla sa lamesa. “How are you feeling? Are you okay now?” tanong niya, halos pabulong, pero ramdam ko ang tensyon sa boses niya. Ang mga mata niya, namumugto at tila ba hindi pa rin nakakabawi mula
Everett’s POVHindi ko inaasahang mararamdaman ko ang ganitong klaseng galit sa dalawang tao na minsan kong inakala na mabubuting kaibigan ng asawa kong si Misha. Habang naglalakad ako sa tahimik na hallway ng ospital, papunta sa private room ni Misha, naramdaman ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Hindi lamang dahil sa stress na nalaman ko kanina kay Tito Gerald, kundi dahil sa bigat ng emosyon na bumalot sa akin nang makita ko sina Jaye at Conrad, ang mga dati niyang pinakamatalik na kaibigan.Tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanila. Halata sa mukha nila ang pag-aalangan nang makita ako. Si Jaye, na tila hindi makatingin ng diretso, at si Conrad, na kunwaring walang pakialam, ngunit bakas sa kilos ang tensyon. Nilapitan ko sila nang hindi inaalis ang titig ko sa kanilang dalawa. Ang malamig na galit sa loob ko ay unti-unting pumupuno sa katahimikan sa pagitan namin.Simula nung masunod ang swimming pool resort ni Misha pati na rin ang farm nila, doon nag-umpisang lumayo ang
Misha’s POVPagmulat ng mga mata ko, tumambad agad ang malamlam na liwanag ng araw na pumapasok mula sa kurtina ng aming kuwarto. Ramdam ko pa rin ang kirot sa bawat galaw ng katawan ko, na para bang paalala ng lahat ng pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw. Pero alam kong hindi ito panahon para magpahinga.Kahit gustuhin kong manatili sa kama, wala akong karapatang gawin iyon ngayon. Lalo na’t alam kong may paparating na unos. Ang Tito Gerald ni Everett—galit na galit sa amin. Namatay ang lahat ng anak niya, at nakakulong pa ang asawa niya. Ang huling banta niya ay malinaw na malinaw sa isip namin. Kaya alam kong dapat naming paghandaan ito.Napatingin ako sa kaliwang braso ko, balot ng benda at may bahagyang dugo sa gilid. Sa kabila ng lahat, kailangang umusad. Kailangang maghanda.Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Everett sa bakuran, nakatayo sa gitna ng tatlong assassin na na-hire ko. Dalawang lalaki, malalaking katawan, at isang babae na may hawak na maliit ngunit mapangan
Misha’s POVKinabukasan, hindi na ako nagulat nang makita kong mas maaga pa sa oras ng training ay nasa labas na si Everett. Dumadagundong pa ang hampas ng mga kamao niya sa makapal na kahoy na poste na ginawa ng mga assassin bilang bahagi ng conditioning niya. May mga bakas ng dugo sa binti niya mula sa mga sugat na hindi pa tuluyang naghihilom, pero hindi iyon naging hadlang.“Mas maaga ka pa ngayon,” bati ng babaeng assassin, si Nadia, habang dumating na may dalang bagong kutsilyo. Ang bawat galaw ni Nadia ay puno ng kumpiyansa at tikas, para bang wala siyang oras para magpahinga o makaramdam ng awa.“You’re showing improvement,” dagdag niya habang pinupunasan ang kutsilyo ng panyo. “But don’t let it get to your head. Today’s training will push you beyond your limits. If you want to survive your enemies, you must be stronger than your fears.”Napatingin si Everett sa akin, parang humihingi ng lakas. Tumango lang ako, sinubukan kong itago ang nararamdaman kong pag-aalala. Ayokong ma
Misha’s POVNapakaganda ng panahon. Ang liwanag ng araw ay parang pinipilit na sumilip sa pagitan ng mga ulap, at ang init nito ay sakto lang para makadama ng saya. Hindi ko maikakaila, excited ako na isama si Everett sa beach ngayong Linggo. Ngunit sa ilalim ng ngiti at lambing ko, may mas malalim akong binabalak. Hindi ito simpleng bonding lang.“Honey, excited ka na ba?” tanong ko habang inaayos ang bag na puno ng mga gamit para sa beach. Nakangiti siya habang pinapanood ako. Ang mga mata niya ay puno ng saya, pero ramdam kong wala siyang ideya sa pinaplano ko. Sa ilang araw na nagdaan ay puro training lang ang inaatupag niya kaya masaya siya na akala niya ay may pahinga siya ngayong linggo, pero nagkakamali siya.“Of course. I’ve been waiting for this all week!” sagot niya na may halo pang tawa. Lumapit siya at tinulungan akong ilagay ang ibang gamit sa kotse. “It’s just you and me today, right?”Ngumiti ako at tumango. “Oo naman, tayo lang.” Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi
Misha’s POVTahimik ang biyahe pauwi. Ang dating masayahin at madaldal na si Everett ay ngayon tahimik, nakatingin lang sa labas ng bintana habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga puno at bahay sa gilid ng kalsada. Hindi ko rin magawang basagin ang katahimikan. Alam kong naguguluhan siya, at ayoko namang pilitin siyang magsalita kung hindi pa siya handa.Ngunit ang totoo, ang bigat din sa dibdib ko. Alam kong hindi tama ang ginawa ko, pero naniniwala akong mas mabuti nang malaman niya ngayon kung saan siya nagkukulang. Ayoko siyang malagay sa mas seryosong sitwasyon kung saan totoong buhay na ang nakataya, at wala na siyang oras para matuto.“Why did you do it?” tanong niya bigla, halos pabulong ngunit ramdam ang bigat sa boses. Hindi siya tumingin sa akin, nanatili ang mga mata niya sa kalsada.Huminga ako nang malalim, pilit pinipili ang tamang mga salita. “Everett, I needed to know if you’re ready to protect yourself—and me. Hindi ito para ipahiya ka o saktan ka, pero…” Nap
Misha’s POVHindi ko alam kung ilang ulit kong inayos ang planong ito, ang bagong room dito sa mansiyon namin ni Everett. Mula sa tamang posisyon ng mga panel na lululon ng tunog ng bala, hanggang sa malalaking salamin para makita ang bawat anggulo ng paggalaw ni Everett, lahat ay pinag-isipan kong mabuti.Kung noon, simpleng library o entertainment room ang laman ng utak ko kapag nag-iisip ng bagong project, ngayon ay puro practical na. Dapat lang, kasi alam kong malaking laban ang paghahandaan namin dahil kikilos na si Tito Gerald.“Are you sure about this?” tanong ni Everett habang tinitingnan niya ang mga lalaking nagkakabit ng reinforced walls sa bagong room sa second floor.“Yes naman,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan, hawak ang blueprint na gawa ng architect. “If you want to keep me safe, Everett, you need to learn more than just hand-to-hand combat. Guns are practical. They’re efficient. And they save lives.”Napabuntong-hininga siya, pero nakita ko ang bahagyang pag-anga
Misha’s POVInayos ko pa ang posisyon ng mga kamay niya. “Better. Now, align the sights. The front sight post should be centered between the rear sights, and level with the top.”Tumango siya, halatang siniseryoso na ang bawat detalyeng tinuturo ko. “Okay. Ready to shoot?”“Not yet,” sagot ko. “Breathe first. Inhale, then exhale slowly. Huwag kang magmadali. Ang paghinga mo ang magdidikta ng stability ng baril mo. Relax your shoulders. Now, pull the trigger slowly. Don’t jerk it.”Pumikit siya saglit, parang iniintindi ang lahat ng sinabi ko, bago siya tumutok ulit sa target. Pinutok niya ang baril, at agad kong narinig ang tunog ng bala na tumama sa metal target.Tumayo ako sa tabi niya, sinusuri ang resulta. Ang bala ay tumama sa bandang balikat ng target dummy. “Not bad,” sabi ko, pero hindi ko naitago ang kunot sa noo ko. “Pero hindi rin sapat. Aim for the center mass. That’s the most effective area to neutralize a threat.”Napakamot siya sa ulo, halatang naiinis sa sarili. “This
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol