Ada POVIto ang klase ng event na hindi basta-basta matutunghayan ng kung sino lang. Isang grand opening ng pinakamahal at pinakaprestihiyosong luxury hotel sa Paris—isang landmark na tinaguriang The Crown Jewel of Parisian Luxury.At isa ako sa mga VIP guest. Pagdating ko sa venue, bumungad agad sa akin ang nakasisilaw na mga ilaw mula sa media. Ang buong lugar ay puno ng red carpet, mamahaling floral arrangements at isang golden chandelier sa mismong entrance. Sa bawat paglalakad ko, naririnig ko ang pag-click ng mga camera. Mga litratistang nagmamadaling makuha ang perpektong anggulo ng mga gaya kong big star na.I was wearing a custom Versace gown—deep red, elegant and sculpted perfectly to my figure. Sa bawat paggalaw ko, ang tela ay parang dumadaloy na tubig sa aking katawan. Classic. Timeless. Unforgettable.“Miss Ada! Look here!”“Ada, how does it feel to be invited as one of the top international models for this event?”“Who designed your gown tonight?”I smiled slightly, jus
Ada POVTahimik ang buong mansiyon nang magising ako kinabukasan. Walang ingay ng mga hakbang ng papa ko na kadalasan ay napakaingay talaga kapag gagayak. Wala ring malakas na boses ni Verena sa hallway kapag naghahanap ng mga gamit niya na nawawala. Ngayong umaga, kami lang ng mama ko ang nandito.Pagkalabas ko ng kuwarto, sinalubong ako ng sikat ng araw mula sa malalawak na bintana ng mansiyon namin. Ang amoy ng mamahaling kape at tinapay ay umaalingasaw mula sa dining area. Nakagayak na pala agad ‘yung inutos ko sa kasambahay namin na kape ko.Nang makita ako ng mama ko, agad siyang ngumiti, pagbaba ko sa hagdan.“Good morning, anak.” Nilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa sa living area. “You were stunning last night.”Nasa mood ang magaling kong mama kasi nabigyan ko siya ng pera na sure akong binigay niya lang sa lintek na Oliver na iyon.Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang baso ng orange juice. “Thank you. The event was amazing.”Napangiti siya habang tumutuloy sa pagsandok
Mishon POVNapasandal ako sa leather seat ng aking study habang nakatitig sa screen ng tablet. May ilang minuto na akong nagbabasa ng mga bagong updates mula sa team ko tungkol sa galaw ni Oliver, pero sa totoo lang, parang naubos na ang energy ko sa kakaisip tungkol sa lalaking iyon.Para bang ang buong mundo namin ni Ada ay umiikot na lang sa pagpapabagsak sa kaniya. Hindi ako nagrereklamo, syempre. Gusto kong matikman ni Oliver ang karma sa ginagawa niyang panloloko, lalo na sa mama ni Ada na inuto niya. Sa totoo lang, natatangahan din ako sa mama ni Ada. Nadamay lang talaga si Ada at ang perang pinaghihirapan niya.Pero habang tumatagal, parang unti-unting nawawala ang oras ko kasama si Ada bilang girlfriend ko na siya—at hindi lang bilang kakampi niya sa paghihiganti.Kaya ngayong gabi, napagpasyahan kong iba muna ang atupagin namin. A night for just the two of us. No revenge. No schemes. No Oliver. Just us.“Are you seriously making me wear this?” reklamo ni Ada habang tinitingn
Ada POV Nasa malaking dining table kami sa mansyon kasama ang buong pamilya ko. Si Papa, Mama at si Verena. Walang tigil ang ingay ng mga pinggan at kubyertos habang nagsasaluhan kami ng mga masasarap na pagkain. Na-promote sa trabaho si papa kaya nagpa-order siya ng maraming food para sa dinner ngayon. Kaya sa bawat kanto ng dining table, makikita ang mga masasarap na pagkaing Pranses—mga croissant, escargot, coq au vin, at syempre, ang inihaw na duck na may rich, creamy sauce. Ang sarap nito, sobra. Kaya mapapa-cheat night na naman tuloy ako. Okay lang, babawi na lang ako sa gym bukas. Ang saya lang kasi, ngayon na lang ulit nangyari ito. Sa totoo lang may lakad si mama ngayong gabi, si Verena naman ay makikipagkita dapat kay Taris. Pero dahil pa-celebrate ito ni Papa, wala silang choice kundi manahimik sa bahay at magsaya. Malaki ang takot ni Mama at Verena kay Papa. Si Mama at Verena, halatang pilit lang ang ngiti habang nagsasalo-salo kami ng dinner. Ako lang ata ‘yung enjoy n
Ada POV Nakatanaw ako sa malawak na hardin ng mansiyon mula sa terrace, habang dinadama ang malamig na hangin dito sa Paris. Ang ilaw mula sa mansion ay nagbibigay ng mainit na glow sa paligid, pero hindi nito matabunan ang lamig na nararamdaman ko sa loob. Mahigit isang oras na akong nakatayo rito, nag-iisip, tinatanong ang sarili kung paano haharapin ang lahat ng kaguluhan sa pamilya ko. Mula sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Papa na papalapit sa akin. May hawak siyang isang wine glass, at sa kilos niya, alam kong may gusto siyang sabihin. Hindi siya ang tipo ng taong lumalapit lang nang walang dahilan. "You should come inside, Ada. It's getting cold," sabi niya, ngunit nanatili siyang nakatayo sa tabi ko. Dama ko ang lungkot sa mukha niya, lalo na sa mga mata niya parang galing sa iyak? Wait, umiyak ba si Papa? "I'm fine, Papa," sagot ko na hindi inalis ang tingin sa mga nagliliwanag na street lamps sa malayo. Pero hindi ko rin maiwasang mapatingin kay papa, lalo na sa m
Ada POVPagdating ko sa mansiyon, tahimik ang buong paligid. Wala ang papa. Siguro, maaga siyang umalis papuntang trabaho. Sa sala, naroon ang mama, nakaupo sa isang puting sofa na parang reyna sa sarili niyang palasyo. Katabi niya si Verena, ang perpektong anak sa paningin niya na ngayon ay nakaharap sa bagong biling cellphone. Gusto nito na kapag may bagong labas na cellphone ay updated siya.“Ada.” Tinawa ako ng mama ko.Tumigil ako sa tapat nila, hindi pa man ako nakakalapit ay may kutob na akong may hindi magandang mangyayari.“Come here,” utos niya na parang hindi anak ang kausap niya.Lumapit ako, pero bago pa man ako makapagsalita, nauna na siya.“I need money.” Diretsahang sabi niya. Wala manlang pasakalye.Napamaang ako. Nung isang araw lang, kakahingi lang niya. Halos milyon pa ang binigay ko.“Mama, kakabigay ko lang sa’yo kahapon. Saan mo dinadala ang pera?”Nakita kong nagtinginan si Mama at Verena. Hindi siguro inaasahan ni mama at Verena na itatanong ko ‘yon kahit na a
Mishon POVHindi ko naman talaga hilig ang mga bulaklak, pero dahil kay Ada, nagiging mahalaga na ang mga simpleng bagay para sa kanya. Kaya narito ako ngayon sa flower farm ni Aling Franceska, para bumili ng white roses na hiling niya para sa garden sa mansyon ko. Syempre, bilang boyfriend, kailangang sundin ko ang babaeng mahal ko.Ang bango. Ang sarap sa ilong ng amoy ng mga rosas. Para bang ang bawat bulaklak dito ay may kani-kaniyang bango. Ang sarap pagmasdan ng iba’t ibang kulay ng bulaklak.Habang naghihintay ako kay Aling Franceska, na naliligo pa raw, naglibot muna ako sa farm. Damang-dama ko ang kabanguhan ng mga bulaklak, kaya kumuha ako ng ilang pictures at ipinadala kay Ada. Alam ko, matutuwa siya kapag nakita ‘to.Habang tumitingin-tingin ako, napansin ko ang isang kubo sa malayo. Medyo kakaiba. Kung ikukumpara sa ibang bahagi ng farm, mas tahimik doon at parang may sariling aura. Lumingon ako sa isang staff at tinanong kung anong gamit ng kubo.Mga pinoy din ang ilan s
Ada POVNapasarap ang tulog ko. Nagugutom na ako kaya nagising na ako. Masarap sa pakiramdam na nakakabawi ka ng tulog kapag walang work.Bumaba na ako mula sa kwarto at diretso sa hapagkainan. Nadatnan kong kumakain na sa dining area sina Mama at Verena. Wala akong balak makipag-usap dahil simula ngayon ay galit na ako sa kanila, pero alam kong hindi pwedeng puro katahimikan na lang ang namamagitan sa amin. Umpisahan lang nilang mambuwisit, papatulan ko na sipa ngayon. Bahala na. Giyera na kung giyera!Naupo ako sa upuang nakalaan sa akin at sinimulang kunin ang pagkain na gusto kong kainin. Walang may gustong magsimula ng usapan, kaya ako na ang gumawa."Verena," tawag ko sa kapatid ko na hindi man lang tumitingin sa kanya. "You're at the right age already. You should start working."Sumiklab ka agad ang galit sa mata ng kapatid kong bruha na pinaglihi sa tangang si Taris. Nabitiwan niya ang kubyertos at tumingin sa akin na para bang binastos ko siya."Who do you think you are, Ada?
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga