Ada POVKabado akong nakaupo sa loob ng luxury car na gawa sa company ng papa ni Mishon, ito na ‘yung napakagara at mamahaling puting kotse na napili namin ni Mishon. Nandito ako at naka-video call sa isa sa mga coordinator ng kasal ko habang sinisilip ko ang mga nangyayari sa loob ng simbahan.Habang nanunuod sa nangyayari roon, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa excitement o normal lang talaga sa kinakasal ang kinakabahan? Baka nga.Sa screen ng phone ko, kita ko ang organizer na maingat na tinututukan ang bawat detalye ng kasal. Super gagaling ng mga staff ng kasal namin ni Mishon kasi hanggang ngayon, perfect pa rin ang lahat at wala pa ring problema.“Everything is going smoothly, Ma’am Ada,” malumanay niyang sabi. “The entourage has started walking down the aisle. The timing is perfect. Just take a deep breath and enjoy the moment po.”Napatingin ako sa bintana. Isang malawak na floral arch an
Mishon POVNang bumukas ang malalaking pinto ng simbahan, bumilis ang tibok ng puso ko. Lahat ng tao sa loob ay napatigil at kahit ang live coverage sa TV ay tila nag-focus lang sa isang eksena, ang pagpasok ni Ada.Nakatayo ako sa harap ng altar, habang unti-unti nang napapaluha dahil sa tuwa. Grabe, parang noon lang ay tagahanga niya lang ako sa malayo, tapos ang ending, sa akin pala ikakasal ang isa sa pinakasikat na fashion model sa buong mundo.Ang simbahan ay puno ng puting bulaklak na galing sa atok, benguet, doon ito in-order ni Ada nung nakaraang araw lang. Tapos, ang bawat upuan ay may nakalagay na engraved nameplates para sa mga VIP guests. Hindi ito basta kasal lang kasi ito ay isang engrandeng seremonya na tinitingala ng buong bansa. Iyon ang sabi ni Ada at naniniwala naman ako kasi hindi lang bastang normal na tao si Ada, kilala siya ng maraming tao, kilala siya ng buong mundo.Bumukas ang pinto at doon siya lumabas.Si Ada.Ang babaeng pakakasalan ko ngayon.Suot niya
Ada POVPagkatapos ng engrandeng seremonya sa simbahan, dire-diretso na ang buong entourage patungo sa aming reception. Dalawang venue ang inihanda namin ni Mishon, isa para sa mga fans ko sa isang five-star hotel event area, at ang pangunahing pagtitipon naman ay magaganap sa napakalawak na garden ng aming mansiyon.Sa loob ng sasakyan, abala ang wedding coordinator sa pag-update sa akin. “Everything is set, Ma’am Ada. Your fans are already at the hotel, waiting for the program to start. The media is covering both venues, and the main reception at the mansion is absolutely breathtaking.”“That’s good to hear,” sagot ko habang abala ako sa pagtingin sa labas ng kotse. Mula sa tinted na bintana ng sasakyan, tanaw ko ang ilang helicopter sa ere, may mga drone at TV network choppers, nagsasahimpapawid ng live coverage ng aming kasal sa buong bansa.Bongga kasi ang mga TV network ay pinaghandaan ang kasal naming ito.**Pagdating namin sa manisyon, naghihintay na roon ang lahat ng bisita
Ada POVPagkatapos ng engrandeng kasal namin ni Mishon, agad kaming lumipad patungong Italy para sa aming bonggang honeymoon. Isang oras lang naming pinagplanuhan ito at dahil pareho naming gustong maranasan ang pinakamagandang honeymoon sa buhay namin, pinili namin ang Italy.Kinabukasan, pagkatapos ng kasal, lumakad na agad kami. Kaya naman pagdating namin sa Rome, tumuloy kami sa isang sikat at magandang hotel na tanaw ang Colosseum. Napakalawak ng aming suite, may floor-to-ceiling windows, bonggang chandeliers at isang private terrace na may panoramic view ng city.“Woah! This view is breathtaking,” bulong ko kay Mishon habang hinahaplos ko ang braso niya.“Not as breathtaking as you, Mrs. Tani,” sagot niya bago ako hinalikan sa noo.Today, nagpahinga lang muna kami dahil napagod kami sa kasal at sa mismong paggayaka kasi ura-urada ang pag-alis namin, saka isang oras lang talaga naming pinag-usapan na dito sa Italy mag-honeymoon. Dapat nga ay wala kasi nasa Pilipinas naman kami, m
Mishon POVSa loob ng ilang buwan, pabalik-balik ako sa Pilipinas at Paris para sa wine company ko na ngayon ay patuloy na lumalakas ang kita at patuloy na nagpapakilala sa buong mundo. Lahat ng farm ko sa Pilipinas, halos sabay-sabay at sunod-sunod na namumunga kaya naman hindi na kami nauubusan ng ubas na ginagamit para sa wine ko. Ang gandahan pala sa maraming farm, ikaw ang magsasawang gumawa ng maraming wine kasi ang dami palaging harvest. Kaya pati rito sa Pilipinas, tuloy-tuloy na rin ang paggawa ng mga wine.Napakasaya na madalas na akong mag-guest sa mga tv show na about sa business, madalas din pag-usapan sa social media ang wine ko kasi kada buwan, iba’t ibang sikat na model o artista ang kasama sa commercial, at iyon ang paraan ko para lalong pasikatin ang Tani Wine company ko.Ngayon, nasa Bicol kami kasi nag-aya si Ada na gusto niya raw makita ang bulkang mayon. Ayoko nga sana kasi takot ako sa mga kalamidad, lalo na sa mga pumuputok na bulkan. Pero imbis na ang mayon an
Ada POVSa wakas, makakauwi na rin kami sa mansiyon. Mabuti na lang din at last day gala na namin sa Bicol nung manganak ako. Habang yakap-yakap ko si Ahvi sa loob ng eroplano, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang liit-liit niya, napakaganda at napakapayapa ng mukha nito habang natutulog sa bisig ko. Si Mishon naman ay nasa tabi ko, hindi pa rin makapaniwalang may anak na kami. Katabi niya rin ang anak niyang si Miro. Kung titignan tuloy ay para kaming isang buong masayang pamilya na galing sa masayang galaan.“Are you okay, love?” tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.I smiled at him, though I still felt exhausted. “I’m more than okay. I’m finally taking our little princess home.”Pagkalapag ng eroplano, sinalubong kami agad ng private cars namin na maghahatid sa mansiyon. Wala pang isang oras, narating na namin ang bahay at halos mapaluha ako sa nakita ko. Isang napakalaking banner ang nakasabit sa harap ng mansiyon na may nakasulat na…Welcome home, Mommy Ada & Baby Ahvi. Napakar
Ada POVMakalipas ang isang taon, tila hindi ko na namalayan kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Isang taon na pala ang lumipas mula nang isilang ko si Ahvi at sa loob ng panahong iyon, nagawa ko rin ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin, ang magtayo ng sariling pizza company.“Are you really going to be the face of your own brand?” tanong ni Verena habang nakaupo sa isang itim na leather couch sa opisina ko.I smiled, taking a sip of my espresso. “Of course. Who else would it be? If you want your brand to stand out, you have to make it personal.”“Well, you are an international supermodel. People will definitely buy anything with your face on it.” Yanna smirked as she flipped through a magazine featuring an ad for my pizza company, where I was holding a slice of pizza, my signature confident pose on full display.Sa loob ng isang taon, napalago ko ang business ko mula sa isang simpleng pizza shop patungo sa isang napakalaking pizza company. Ang sikat na pangalan ko bil
Mishon POVHumahangos akong pumasok sa ospital, habang kumakabog ang dibdib ko. Para akong nawalan ng pandinig sa lahat ng ingay sa paligid, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Miro. Ang anak kong si Miro na nasa loob ng isang silid, sugatan, dahil sa kagagawan ng mga taong walang awang nagpaputok ng baril sa sasakyan nila ng mama niyang Raya.Pero matagal ko nang naisip na may chance na mangyari ito dahil nga isang mafia boss itong mama ni Miro. At naisip ko rin na sobrang delikado na kasama ni Raya si Miro kapag lalabas siya. At heto na nga, nagkatotoo na ang kinakatakot kong mangyari.Pagdating ko sa reception, mabilis kong kinausap ang nurse. “Where is my son? Where is Miro Tani?’The nurse quickly scanned her clipboard and nodded. “Room 307, sir. He is stable now. The doctor has already cleaned his wound.”Hindi na ako naghintay ng kahit isang segundo. Tinakbo ko ang hallway papunta sa kuwarto ni Miro. Halos masunggo ko nga ang mga taong nakakasalubong ko, humingi na lang
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga