Samira POVUmaga pa lang, ramdam ko na ang saya dahil alam kong magpi-picnic o magca-camping na kami sa nakita kong waterfalls na may lawa. Maaga kaming nagising ni Miro para maghanda ng mga pagkain na dadalhin namin.“Mahal, huwag mo kalimutan ‘;yung chicken barbecue!” sigaw ko mula sa kusina habang inaalis ko sa ref ang mga prinitong bangus na binalot ko kagabi. Baka maghapon kami doon kaya gusto kong maraming pagkain na naka-ready.Hindi ko na kasi mahihintay ang mag-relax kahit hindi pa tapos ang labanan, nabuburyo na ako kakakulong sa hideout namin.“Copy, chef!” sagot niya at saka tumawa. Abala siya sa pagbalot ng mga inihanda naming hotdog, marshmallows at ilang pirasong liempo para iihaw mamaya. May dala rin kaming kanin na nilagay ko sa lunchbox na may insulation para mainit pa rin pagdating namin.Pinlano talaga namin na parang tunay na camping trip ang dating—kahit malapit lang kami sa hideout. Gusto namin maramdaman ang simpleng kasiyahan kahit ngayon manlang. Isa pa, ngay
Samira POVSimula nang malaman kong buntis ako, parang bigla akong naging ibang tao. Hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng may ibang buhay na umaasa sa iyo, I mean ‘yung baby sa tiyan ko. Bigla akong naging conscious sa lahat ng ginagawa ko—lalo na sa mga kinakain ko.Noong mga unang araw, nilista ko talaga sa notebook ko ang lahat ng mga pagkain na puwedeng kainin ng buntis at mga bawal. Tapos, nagsimula akong mag-follow ng mga OB-GYN accounts sa social media, pati mga mommy vloggers. Lahat ng tips sinusubaybayan ko at inaral kong mabuti. First baby namin kasi ito ni Miro kaya dapat marami akong alam, wala kasi akong mama o nanay na gagabay sa akin kaya kailangan kong tulungan ang sarili ko.“Miro, sabi dito dapat daw iwasan ang soft cheese,” sabi ko habang hawak ang phone at nakaupo sa maliit naming couch sa loob ng hideout.“Okay, noted. Walang cheese,” sabi ni Miro na natawa pa habang niluluto niya ang lunch naming dalawa. “Pero puwede pa rin ang itlog, ‘di ba?”Tumang
Miro POVSa isang linggo na lumipas matapos mamatay si Via, tahimik lang muna kami rito sa underground hideout. Hindi kami nagpapakita kahit kanino. Kung may kailangang lumabas, sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx lang ang pumupunta sa itaas para kumuha ng supplies at pagkain namin. Kami na lang ni Samira at si Ramil ang natitira sa loob ng hideout. Tahimik kaming namamahinga at nagpapalakas. Minsan nakakabingi ang katahimikan. Pero minsan ay busy din dahil kailangan naka-monitor kami sa mga soldiers kong nasa iba’t ibang hideout nila. Hindi lang kami ang nagpapalakas, sila rin kasi kailangang paghandaan ang malaking labanan.“May kailangan ba kayo? Lalabas kasi ulit kami para bumili ng ibang pagkain natin?” tanong sa akin ni Tito Zuko.“Wala naman, mag-ingat lang po kayo sa labas,” sagot ko.Pag-alis nila, hinatid sila ni Ramil sa bungad, pagkatapos, sinugurado niyang magla-lock mabuti ang pinto doon.Pinuntahan ko si Samira na tulog at palaging nakahiga. Napansin ko na may kakai
Miro POVHalos mag-uumaga na nang makarating si Samira sa underground hideout namin dito sa Villa. Tahimik ang paligid, kaya agad ko siyang naramdaman. Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang bumukas ang pinto at makita ko siyang safe. May sugat sa braso, may bahid pa ng putik at dugo sa suot niya, pero alam kong okay siya at ligtas.“You’re home,” bulong ko habang papalapit ako sa kaniya.“Mission accomplished,” sagot niya nang nakangiti. Halata na pagod, puyat at gutom siya. Alam ko kasing hindi na niya magagawa pang kumain dahil nag-iingat din siyang ipakita ang mukha niya sa public.Hinila ko siya papasok sa loob. “Let’s eat. You need food.”Tumango lang siya. Tahimik siyang naupo sa maliit na lamesa sa sulok ng kuwarto. Binuksan ko agad ang thermal food container na kanina pa nakaabang. Fried rice, scrambled eggs, garlic tapa at may kape na rin. Ganoon lang, parang dinner na almusal na rin ito para sa kaniya.“Miro, this is your idea of breakfast?” tanong niya habang inaabot ang tin
Samira POVBumukas na ang pinto.“What the fuck?!” sigaw ni Via nang makita niya ako sa dilim. Gusto niya sana akong sagasaan at takasan ka agad pero hindi ko hinayaang mangyari ‘yun. Sa isang iglap, naitulak ko siya pabalik sa loob ng kuwarto. Tumilapon siya sa sahig.Ni-lock ko ang pinto. Nilapag ko ang maliit kong bag sa kama. Mula roon, isa-isa kong inilabas ang mga gamit na gagamitin ko sa gagang Via na ‘to.Pinuwersa ko siyang umupo sa silya sa gitna ng kuwarto. Gumapang siya palayo, pero mabilis akong nakalapit at tinutukan siya ng kutsilyo sa leeg.“Don’t fucking touch me!” sigaw niya.“Where is your brother?” galit kong tanong habang hinila ko ang duct tape mula sa bag at agad siyang itinali.“Fuck you.”Sinampal ko siya nang malakas. “Try again.”Tumawa lang siya na tila hindi natatakot sa akin. “You think I’ll rat out my brother? Dream on, bitch!”Talagang matapang ang bruha. Hindi ko alam kung paanong naging ganito siya. Tila ba handa na siyang mamatay talaga.Kinuha ko tu
Samira POVTahimik ang gabi at siyempre, malamig na dahil nandito na ako sa Tagaytay. Ang bughaw na langit ay unti-unting nilalamon ng ulap habang binabaybay ko ang malamig na kalsada ng Tagaytay gamit ang big bike ni Miro. Ang gara lang dahil wala akong nararamdamang kaba o takot. Siguro ay dahil alam kong walang binatbat si Via. Ni hindi nito kakayaning lumaban sa akin.“I’m almost there,” bulong ko sa sarili ko habang pinapatay ko ang headlight. Malapit na ako sa private swimming pool resort kung saan nagtatago si Via. Isang linggo na mula nang mawala si Manang Cora, at ngayon, oras na para singilin si Vic. At dahil alam kong mahalaga si Via sa kaniya, siya ang gagawin kong kapalit sa pagkawala ni Manang Cora.Bigla kong pinahinto ang motor nang mapansin kong may mga lalaking nagkalat sa harap ng resort. Mga armadong lalaki. Walang duda, soldiers ‘yun ni Vic.“Tch. Predictable,” bulong ko habang bumababa sa motor. Agad akong umatras sa madilim na bahagi ng kalsada, sinilip ang pali