MasukLumi POVKahapon lang ay maganda na ang sikat ng araw, pero ngayon, makulimlim. Kulay abo ang langit, at parang may bagyo na naman. Talaga ngang panahon na ng mga bagyo kapag ganitong buwan.Napaupo ako sa kama habang inaabot ang cellphone ko. Sunod-sunod ang notifications na nakita ko. Mga balita. Mga videos ng baha. Mga bahay na inanod. Mga evacuation center. At karamihan sa mga lugar na nababanggit na mas malakas ang bagyo ay parteng Mindanao.Parang alam ko na ang mangyayari. Mukhang mag-uuwian ang mga kusinera ng mansion. Mga taga Mindanao pa naman ang mga ito.Pagkababa ko sa kusina makalipas ang ilang minuto, halos manibago ako sa katahimikan ng mansion. Tama na nga ang hula ko. Nalaman ko na lang na nag-uwian muna ang mga kusinera.At dahil wala pa rin naman akong pasok sa Sorin Spa ngayong araw dahil suspendido rin ang operations, napaisip ako. Dalawa lang kami ni Sorin ngayon sa mansion, att mukhang wala ring magluluto.“Ako na magluluto.”Ewan ko ba. Simula nang maging mala
Lumi POVMay kasunod agad na bagyo, kaya tuloy-tuloy ng tatlong araw na sarado ang buong city. Wala tuloy akong work at nasa bahay lang din kami ni Sorin sa loob ng tatlong araw na iyon.Sa balita, patuloy pa ring pinapababa ng mga tao sa city ang baha. Sabi pa ng ilan ay mukhang aabutin ng ilang araw bago tuluyang humupa ang baho. Isama pa na nagkalat at naglutang na rin ang mga basura, kaya marami-rami ang dapat na linisin.“Nabo-boring na ako rito sa mansion, Sorin,” sabi ko nung lapitan ko siya sa sala. Tinigil niya ang pagkakatutok ng mata niya sa laptop niya para tignan ako.“Marami kang puwedeng gawin kung gusto mo. Ikaw na lang ang bahalang mag-isip. May sinehan naman dito, gym, swimming pool, library, gaming room, sauna at kung ano-ano pa. Samantalahin mo habang wala pang pasok sa city, hindi ‘yung parang naaadik ka na sa kaka-work,” sagot niya sa akin kaya natameme ako.“Aba, ikaw itong may sabi na magsipag ako sa business na pinapahawak mo, ngayon naaadik na nga ako sa kaka
Lumi POVHumigpit ang kapit ko sa kumot habang unti-unting nagigising ang diwa ko. Iba ang pakiramdam ngayon at masasabi kong magaan na kaysa kahapon. Hindi na rin ako nanlalata o nakakaramdam na parang may lagnat.“Lumi.”Nagulat pa ako nung mapatingin ako sa gilid ko. Nandito pa rin pala si Sorin, dito rin siya natulog at binantayan ako buong magdamag. Sabagay, hindi rin naman kasi siya makakauwi dahil sa taas ng baha sa labas.Tumayo siya at hinawakan ang noo ko. Napangiti siya nung maramdaman na wala na ang sainat ko.“Sorin, bakit hindi ka umuwi kagabi? Hindi ka ba nahirapan sa pagtulog dito sa gilid ng kama ko habang nakabayukyok?” tanong ko sa kaniya.“Huwag mo akong alalahanin, okay naman ang tulog ko,” sagot niya agad.Umupo ako nang dahan-dahan, tinulungan niya ako. Okay, medyo naninibago pa ang katawan ko, pero wala na talaga ‘yung sakit. Wala na ‘yung bigat. Parang walang nangyari. Parang hindi ako nalubog sa baha, parang hindi ako nakainom ng maruming tubig, at parang hin
Lumi POVNagmulat ako ng mga mata na parang may mabigat na nakapatong sa talukap ko. Ang liwanag na nakakasilaw sa kisame ang bumungad sa akin. Saglit akong napapikit ulit, pilit kong inaayos ang paningin ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko.Amoy ko agad ang antiseptic. Nagtaka pa ako kung nasaan ako. Ang lawak kasi nung room. Akala ko bahay pero alam kong hindi dahil amoy ko sa buong kuwarto ang amoy ng ospitalOo, tama nga, alam kong nasa ospital ako.Gumalaw na ako at tumingin sa paligid. Doon ko lang napansin na nandito pala si Sorin.Nakatayo siya malapit sa kama ko, basang-basa pa rin ang buhok, kahit na tila natuyo na ang suot niyang damit. May bahid ng pagod sa mukha niya, ngunit nang magtagpo ang mga mata namin, parang may kung anong biglang nabuhay sa kanya.“Lumi.”Halos pabulong ang boses niya, pero malinaw ko pa ring narinig. Doon ko lang naramdaman na nanginginig pala ang katawan ko. Dahil siguro sa panlalamig.Doon ko na naalala ang baha. Ang malalim, maruming
Lumi POVSobrang lakas ng ulan. May bagyo, kaya nagsarado kami ng Spa ngayon. Ang problema lang ay na-stranded na ako rito sa Main branch ng Sorin spa. Lahat ng kasama ko ay umuwi na, ako na lang ang naiwan dahil kailangan kong tapusin ang ilan sa mga paper works.Tumawag ako sa driver kong si Manong Tetet, pero na-stranded din daw siya sa isang lugar dahil sa taas ng baha. Sasaglit palang na umulan, baha agad.Sa tingin ko, dito ata ako magpapalipas ng gabi sa Sorin Spa. Pero kasi, natatakot ako na baka pausin ako ng baha dito sa loob. Sa lakas ng ulan at hangin, pakiramdam ko ay tataas pa nang taas ang baha.Pumasok muna ako sa loob. Naupo ako sa office room ko habang nag-iisip kung ano bang dapat kong gawin. Pinag-isipan ko kung lalangoy na lang ba ako para makaalis ako dito o hahayaan ko na lang na dito matulog.Pero naisip ko, iba pa rin kapag sa bahay ni Sorin matulog, malambot ang kama, malamig at comportable kaya bahala na. Iniwan ko na lang ang bag ko sa office. Sinara ko ang
Lumi POVBack to work, back to stress naman din agad. Pagkapasok ko kasi ngayon sa main Sorin Spa ay maraming problema. May mga absent na staff, bigla raw nagkasakit. Tapos, may mga sirang gamit. Bumagal tuloy ang service, kapag wala talaga ako, walang nagkukusa, kaya ngayong umaga, naging masungit ako.Wala akong pinapansin, wala akong kinikibo. Sa tuwing lalabas ako ng office ko, nagdadabog ako. Nang sa ganoon, makita at malaman din nilang hindi sa lahat ng oras, aba, mabait ako.Ramdam ko naman na parang takot sila. Lalo na ang baklang si Bidang na hindi ako kinikibo. Ngayon, sa tuwing titignan ko, napapayuko.“May mga sira na palang gamit, wala manlang nag-report sa akin kahit sa group chat manlang natin,” sermon ko sa kanila sa tuwing may lalabas na customer.“Tapos, may absent at biglang nagkasakit. May sakit ba talaga o may lakad lang? Inuna pa ang lakad kaysa sa work. Alam namang fully booked tayo ngayon, isasabay pa ang kasiyahan,” sabi ko pa. Nakita ko kasi ang post ni Chech
Misha’s POVNoong linggong iyon, isang hindi inaasahang bisita ang nagpunta sa aming tahanan. Si Cassian Monteverde. Nung isang araw ay magkausap kami, biniro pa niya ako na isang araw, gugulatin na lang daw niya ako sa bahay namin. Hindi ko inaasahang gagawin niya talaga. Hindi ko mapigilang mapangi
Everett’s POVNakahinga ako nang maluwag nang marinig ko mula sa doktor na ligtas na si Misha. Pero kahit alam kong daplis lang ang tama niya, may bahagi sa akin na hindi mapakali. Tahimik akong naupo sa tabi ng kama niya habang natutulog siya, hawak ang malamig niyang kamay. Hindi ko maiwasang magba
Misha’s POVNagising akong may matinding kirot sa ulo. Parang hinahati ito ng isang mabigat na bagay. Pagmulat ng mata ko, napagtanto kong nasa isang malawak na kuwarto ako, napalilibutan ng puting mga dingding, may amoy ng antiseptiko. Nakakabit ang kamay ko sa isang dextrose at halos hindi ko magal
Everett’s POVNakapako ang tingin ko sa monitor ng laptop ko, pero wala talaga akong makuhang tamang focus. Imbes na mga datos at reports ang makuha kong basahin, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang larawan nilang dalawa—si Misha at ang lalaking iyon. Akala ko pa naman matino at talagang mabait a







