เข้าสู่ระบบLumi POVPagdating ko sa bahay nang gabing iyon, diretso agad ako sa opisina sa second floor. Bitbit ko pa rin ang folder na naglalaman ng mga plano para sa renovation ng main branch ng Sorin Spa.Pakiramdam ko ay napakarami ko pang kailangang asikasuhin. Inspection pa lang kanina kasama si Imelda Collarga, pero pakiramdam ko ay nagsisimula pa lang talaga ang totoong trabaho.At isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan kong ihanda ay ang kontrata. Hindi puwedeng basta usapan lang. Kailangan maayos ang lahat.Legal. Organized. Professional.Kaya naman pagkabukas ko pa lang ng pinto ng opisina, agad ko nang nakita ang taong makakatulong sa akin.Ay ito ay si Sorin. Nakaupo siya sa harap ng laptop habang may binabasang dokumento.“Perfect.”Napatingin siya sa akin.“Bakit?”Lumapit ako habang nakangiti. “May kailangan akong tulong sa iyo ulit.”Agad siyang napasandal sa upuan. “Kapag ganiyan ang ngiti mo, pakiramdam ko may malalang istorbo na naman ‘yan.”Napatawa ako. “Meron nga.”“Sa
Lumi POVHapon na nang makarating ako sa main branch ng Sorin Spa. Pagkatapos kasi kong makipag-meeting kay Imelda Collarga ay dumaan ako sa mall para doon na mag-lunch at bumili na rin ng mga bagong damit. Wala lang, feeling ko lang ay gusto kong mamili ng bagong damit kaya sinulit ko na ang pagdaan sa mall.Pagdating ko sa Sorin Spa main branch ay napatitig ako sa buong paligid. Matagal ko nang iniisip ang renovation na ito. Natagalan lang ang aksyon dahil nagkasugat ang paa ko at ang tagal kong nanahimik sa bahay.Ngayon, mukhang mangyayari na talaga iyon. Kailangan ko nang magmadali at ipakita kay Sorin na kaya kong paasensuhin ng bongga ang Spa niya na pinagkatiwala sa akin. Nang sa ganoon, tuluyan na rin niyang tuparin ang napag-usapan namin.Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob.Sa loob, busy Sina Bidang, Cheche, Rirang, Nikay, Binus, Menda at iba pang mga staff ko rito sa main branch.Lahat sila ay nakatayo nang maayos habang tila kinakabahan. Napangiti ako.“Mukhang
Lumi POVAla sais pa lang ng umaga ay gising na gising na ako. Hindi naman ako usually morning person, pero iba kapag may importante kang kailangang asikasuhin. Lalo na kung milyon ang nakataya at pangalan ng negosyo ni Sorin ang nakasalalay.Tahimik pa ang buong mansion nang lumabas ako ng kuwarto. Karamihan sa mga staff ay nagsisimula pa lang sa kani-kanilang gawain. Ganito pala kapag sobrang aga kasi ‘yung liwanag ng umaga na galing sa langit ay dahan-dahan ng pumapasok sa malalaking bintana ng hallway habang naglalakad ako pababa ng hagdan.Nakabihis na ako ng maayos—simpleng beige blazer, white blouse, at black slacks. Hindi naman kailangang sobrang bongga para sa meeting, pero gusto kong magmukhang presentable. Business meeting pa rin kasi ito.Paglabas ko ng mansion ay agad kong nakita ang sasakyan na naghihintay sa driveway.Nakatayo sa tabi nito si Manong Tetet.“Good morning po, Ma’am Lumi,” bati niya habang binubuksan ang pinto para sa akin.“Good morning, Manong. Tara na p
Lumi POVPagkauwi namin ni Sorin sa mansion ay agad kong nakaamoy ng masarap na pagkain. Pagpasok pa lang namin sa living area ay sinalubong na kami ng mabangong amoy na nanggagaling sa dining area.Napahinto ako at napatingin kay Sorin.“Bakit ang bango?”Napangiti si Sorin. “Gutom ka na ba agad?”Agad akong tumango. Sa totoo lang, oo. Kanina pa kasi kamin nasa coffee shop at puro kape lang ang ininom namin. Wala man lang kaming in-order na tinapay o dessert.Noong una ay hindi ko nararamdaman ang gutom dahil abala kami sa pag-uusap. Pero ngayong naamoy ko ang pagkain, parang bigla na lang nagreklamo ang sikmura ko.Napatawa si Sorin. “Ganyan talaga kapag puro kape. Sinadya kong hindi tayo um-order ng kahit anong mabigat sa tiyan dahil nagpahanda ako rito sa bahay ng masarap nating dinner.”“Ikaw talaga, puro ka surprise ngayong araw,” sagot ko naman agad.Pagdating namin sa dining area ay mas lalo akong namangha. Punong-puno ng iba’t ibang pagkain ang mahabang lamesa. May mga ulam n
Lumi POVPagsapit ng hapon, saka ko lang tuluyang naramdaman ang pagod ng buong araw. Pagod sa maghapong pag-upo sa office ko. Epal kasi ni Sorin, gusto nakaupo lang ako palagi. Naka-monitor siya sa CCTV at sa tuwing maglalakad ako, sinisita ako. Parang tanga lang. Ako naman, panay sunod. Hindi nga tumatayo at buong maghapon talaga ay nakaharap na lang sa laptop ko.Pero kahit pagod ako, masaya naman ako.Sa wakas kasi ay nakakabalik na ako sa normal kong routine.Nasa opisina pa rin ako nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Sorin.“Nasa baba na ako.”Agad akong napangiti. Seryoso talaga siya sa pag-aaya sa coffee shop. Talagang sinundo pa ako rito ni Sorin.Mabilis kong inayos ang mga gamit ko bago lumabas ng opisina. Pagdating ko sa lobby ay agad kong nakita si Sorin.Nakasandal siya sa reception counter habang may kaunting kausap na staff.Nang mapansin niya ako ay agad siyang tumuwid ng tayo.Gaya ng inaasahan ko, nagsimula na namang magtilian ang ilang empleyado ko.“Si Sir So
Lumi POVMakalipas ang isang linggo, masasabi kong malaki na ang ipinagbago ng lagay ng paa ko. Hindi pa man tuluyang nawawala ang kirot, pero sapat na ang paggaling nito para makalakad ako nang maayos. Hindi ko na rin kailangan ng saklay na halos naging parte na ng katawan ko nitong mga nakaraang araw.Sa wakas, pakiramdam ko ay nakawala ako sa isang mahabang pagkakakulong sa mansion na ‘to.Tahimik na rin ang buhay sa mansion ni Sorin. Wala na rito ang mga kaibigan kong pansamantalang nandito para samahan ako habang nagpapagaling. Bumalik na rin sila sa kani-kanilang mga trabaho at responsibilidad kaya mas naging payapa ang paligid. Wala ng makulit, palasigaw, matakaw at magulo sa kuwarto ko.At ngayong araw, handa na akong bumalik sa trabaho.Kaya pagdating ng sasakyan sa harap ng Sorin Spa, hindi ko napigilang mapangiti habang nakatingin sa buong spa. Grabe, na-miss ko ang lugar na ito.Na-miss ko ang trabaho ko. Na-miss ko ang pagiging busy.Huminga ako nang malalim bago bumaba n
Miro POVKailanman ay hindi ako naging tagahanga ng kamalian. Sa mundong ginagalawan ko, isang maling hakbang lang ay maaaring magdala ng kamatayan. Ngunit ngayong gabi, sa kabila ng masinsinang paghahanda at matinding pag-iingat, ang planong dapat sana ay magwawakas sa buhay ni Don Vito ay nauwi s
Samira POVSabado ngayon. Alam kong dapat ay nagpapahinga ako, pero hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata nang walang iniisip na plano. Monday to Friday, abala ako sa pagbabantay kay Miro, pero tuwing Sabado at Linggo, bumabalik ako sa hacienda para turuan ang mga manang. Sabi ni Miro, ang ha
Samira POVRamdam ko naman na nag-aapoy ngayon ang puso at isip ko. Ang nagngangalit kong dugo ay mas mainit pa sa apoy ng impyerno, ganoon ang parang naiisip ko.Nakatayo na ako sa harap ng malawak na mansiyon ni Don Vito, isa ito sa mansiyon niya at ang balita ko, nandito sa loob ng bahay na ‘to
Samira POVMasyado pang maaga nang magising ako. Ang malamig na hangin sa dagat ay masarap sa pakiramdam, kaya hindi ko pinalampas ang pagkakataong makapag-jogging sa dalampasigan. Simula nang mag-stay kami sa private island na ito ni Miro, naging parte na ng umaga ko ang pagtakbo sa buhanginan. Ma







