ログインSynopsis She Loved Him yet she Left Him He Loved Her but not Anymore, sort of. After 5 years, Gumawa ng paraan ang tadhana para pagtagpuin silang muli. Mabubuhay kayang muli ang pag-iibigan na kinalimutan na ng panahon kung ang kaakibat nito ay mahukay muli ang mga nagdurogo nilang puso at sakit na pilit nilang itinago sa nakalipas na taon. Bakit ka pa bumalik? Umalis ka, Sana nilubos lubos mo na dahil ayaw na kitang makita pa -Sanford Mahal na mahal pa rin kita kahit ang sakit sakit na -Laurice
もっと見るChapter 1
Sa loob ng apat na taon nila ni Sanford, isang beses lang umiyak nang ganoon si Laurice. Ito ay ‘yung may nangyari sa kanilang dalawa bilang magkasintahan. "Laurice, promise, dahan-dahan lang ako," sabi nito. Pero hindi naman tungkol sa pagiging maingat ’yun. Si Sanford ang first time niya at masyado lang talagang masakit. Higit pa sa akala niyang kayang tiisin ng katawan niya, higit sa kaya niyang ipaliwanag. Tinulak niya ito, kinalmot, para lang tumigil ito. Pagkatapos n’un, puro kalmot ang balat ni Sanford. Puro malalim at mapulang marka na dapat sana ay ikinagalit nito. Pero sa halip, tiningnan lang siya nito na para bang isa siyang mamahaling bagay na sa wakas ay hinayaan siyang hawakan. Mukhang masaya si Sanford. Para bang hawak na nito ang buong mundo nung oras na ’yun. Nanatiling malinaw ang gabing ’yun sa isip niya sa kakaibang paraan. Halo-halong sakit at tawanan pagkatapos, habol na hininga, at mga halik na sinusubukang ayusin ang lahat. Tapos, bigla na lang natapos. Iniwan siya ng lalaki. At pagkatapos ng break-up nila, limang taon umiyak si Laurice. Hindi araw-araw. Hindi rin yung humahagulgol. Mas malala pa roon. Parang panahon na hindi mo mahulaan kung kailan darating. Ngayon, okay siya; mamaya, maiisip niya si Sanford at bigla na lang may mabigat na babagsak sa dibdib niya. Akala nga niya hindi na niya ito makikita ulit. Pero mapaglaro ang tadhana sa mga taong katulad niya. Nangyari ang lahat sa dinner party ni Logan Fernandez. Maingay na sa loob ng private room pagpasok niya. Dahan-dahan siyang pumasok, hanggang sa nakita niya ito. Si Sanford Ocampo. Biglang huminto ang kaniyang hininga at lumabo ang lahat sa paligid niya. Mga boses, ilaw, pati amoy ng pagkain. Lahat naging malabo, na parang nasa ilalim siya ng tubig. Si Sanford lang ang malinaw. Naka-white shirt. Black trousers. Matangkad, kalmado. Mukhang mas tumanda na ito, mas matikas sa paraang hindi na maabot. Pareho pa rin ang mukhang palihim niyang tinititigan dati, pero ngayon may dala nang lamig. Kontrolado. Tahimik na awtoridad. Nakatitig lang si Sanford sa phone nito na tila walang pakialam sa mundo. Nanginig ang mga daliri ni Laurice. ‘Hindi… Hindi pwede. Hindi siya ’yan!’ Pero siya talaga ’yun. At biglang nagtaksil ang utak niya, kinalkal pabalik ang mga alaala na ibinaon na niya nang malalim—mga alaala na parang galing sa ibang buhay. Yung tawa nito. Yung mga yakap nitong sobrang higpit. Yung mga bulong nitong "Laurice, kiss me." Parang narinig niya ulit, kasing linaw ng kahapon. Pero hindi na ito kahapon. Limang taon na ang lumipas. Limang taon mula nang huli siyang naging mahalaga rito. Sumikip ang dibdib niya. Bakit ganito pa rin? Bakit apektado pa rin siya rito? Nagsimulang humapdi ang lalamunan niya. Bago pa siya makaiwas, naramdaman na niyang nagtutubig ang mga mata niya. Bigla siyang napahakbang paatras. Kailangan niyang umalis. ’Yun lang ang malinaw na naisip niya: ang tumalikod at umalis bago pa siya mapansin ng kahit sino. "Laurice?" Si Logan. "Bakit aalis ka na agad? Kararating mo lang ah." Nanigas ang kamay niya sa door handle at lahat ng tao sa loob ay napalingon sa kanya. Samantalang huminto si Sanford sa pag-scroll. Tumigil ang hinlalaki nito sa screen, na tila pati oras nito ay nahuli rin. Nanginig ang bawat hininga ni Laurice. Dapat pala ay hindi na siya pumunta rito. Pinilit niyang huminga ng malalim pero hindi pa rin sapat. Lumapit si Logan, "Pasok ka na. Darating na rin si Stacey maya-maya. Huwag ka nang tumayo lang d’yan." Si Stacey. Ang best friend niya. Ang tanging dahilan kung bakit siya nandoon. Napalunok si Laurice at tumango ng bahagya, kahit pakiramdam niya ay hindi na sumunod ang katawan niya. ‘Sige. Para kay Stacey. Para sa kasal. Bahala na…’ Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Inalalayan siya ni Logan sa upuan malapit sa ibang mga babae. Dahan-dahan siyang umupo, dahil pakiramdam niya ay nanginginig na ang dalawang binti niya. Muli, nagtaksil ang mga mata niya. Dumiretso agad ang tingin nito kay Sanford. At doon niya lang nakita, may babaeng nakaupo sa tabi nito. Maliwanag ang aura. Maganda. Sophisticated. Nakasandal ito ng bahagya kay Sanford na parang natural lang, na parang pagmamay-ari nito ang lalaki. Bumagsak ang sikmura ni Laurice. Si Violet Carreon. Ang childhood sweetheart ni Sanford. Dati pa, nung si Laurice pa ang girlfriend ni Sanford, kung tumingin na ’yan si Violet, parang hindi siya nabibilang, na para bang isa siyang kalat na dapat walisin. At ngayon, wala pa ring pinagbago ang tingin na ’yun. Sa totoo lang, lalo pang lumala. Hindi man lang sinubukan ni Violet na itago. Ngumisi ito ng bahagya, puno ng pandidiri ang mga mata habang nakatitig nang diretso kay Laurice. "Logan, seryoso… wala ka na bang mahanap na mas okay? Namulot ka lang ba ng basura sa kanto para maging bridesmaid mo?" Tumahimik ang buong kwarto. Napatingin si Logan sa babae. "Teka, ano? Violet, anong sinasabi mo? Masyado naman yatang foul ’yan, ’di ba?" Walang tumawa. Lahat ay nakatingin kay Violet. Tapos, kay Laurice. Ramdam ni Laurice ang bawat titig. Uminit ang mukha niya at hindi na niya alam kung saan titingin. Alam niyang siya ang tinutukoy. Napatingin siya kay Sanford. Hinihintay niyang ipagtanggol siya nito pero hindi man lang nag-angat ng tingin si Sanford. Nakatitig lang ito sa phone nito at walang pakialam sa paligid. Sumikip ang dibdib ni Laurice. Sabagay. Bakit nga ba ito magkakaroon ng pakialam sa kanya? "Sino ba talaga ang tinutukoy mo, Violet? Kung may sasabihin ka, sabihin mo nang maayos." Tumawa si Violet, "Oh please, Logan. Alam na alam ni Laurice kung sino ang tinutukoy ko. Hindi ko na kailangang i-drawing." At doon na nga. Lahat ng mata ay napunta sa kanya. Tahimik lang siyang nakaupo roon. Abogada siya. Isang taong araw-araw lumalaban para sa iba. Pero ngayon, kahit sarili niya, hindi niya maipagtanggol. Bakit wala siyang masabi? Alam niya kung bakit. Si Violet ang nagsisilbing boses ni Sanford. At kumpara rito, wala siyang karapatan. Tumikhim si Logan. "So… magkakilala na pala kayo? Best friend siya ng asawa ko. Pwede bang maging maayos lang tayo ngayong gabi? Kung ano man ang nangyari dati, inumin na lang natin ’yan. Tatlong shots, tapos quits. Huwag na nating gawing awkward." Inirapan siya ni Violet. "Me? Wala akong issue sa kanya. Hindi ko kilala ang mga ganyang tao." Iniling nito ang ulo kay Sanford. "Pero si Ford, oo. Kung may dapat ayusin, sa kanya niyo itanong. Tingnan niyo kung papayag siyang palagpasin ’to." Nanigas ang ngiti ni Logan. Pabigat nang pabigat ang hangin. Tumingin si Logan kay Sanford. "Sanford… kilala mo ba si Laurice?" Napadiin ang kapit ni Laurice sa palda niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Sa wakas, gumalaw si Sanford. Ibinaba nito ang phone na hawak nito at nag-angat ng tingin. Tumama ang paningin nito kay Laurice. Malamig. Matalim. Malayo. Parang taglamig na walang katapusan. “Hindi ko kilala ang babaeng ‘yan.”Chapter 5 “Sa dinami-rami ng lugar, bakit nagkita pa kayo ng babaeng ‘yon? Ang laki ng Pilipinas, pero heto pa rin…”Hindi ito tiningnan ni Sanford. Bahagya lang siyang umiling, at nakatingin sa labas ng bintana na tila ba mas mahalaga ang mga ilaw na nadadaanan nila.“Paano ka nga pala napunta doon?” malamig na tanong ni Sanford sa babae.Nag-hesitate si Violet sandali.“Nagtanong ako kay Logan. Sabi niya nandoon ka, kaya pumunta ako.”Lalong lumamig ang boses ni Sanford. “Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa circle ko. Kung hindi kita inimbita, huwag kang pupunta nang ganoon ulit.”Napahigpit ang kapit ni Violet sa manibela. “So, galit ka na n’yan sa akin? Sabihin mo nga nang tapat, pumunta ka ba doon dahil alam mong nandoon si Laurice?”Napapikit si Sanford, halatang iritadong-irita. Hindi siya sumagot.Muling sumulyap si Violet sa kanya, pinag-aaralan ang kaniyang mukha. Nang wala itong makuhang sagot, lalong tumalas ang boses nito.“Trinaydor ka ng babaeng ’yan, Sanford! Huw
Chapter 4 Itinaas ni Sanford ang sigarilyo sa labi nito at humithit nang dahan-dahan. Bigla, sumikip ang dibdib ni Laurice.Hindi naman ito naninigarilyo dati. Kahit kailan. Dati, maayos ang buhay nito at kontrolado lahat.Dahil ba sa kanya kaya ito naging ganon?Bumagal ang lakad niya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya maalis ang tingin dito.Nang papalapit na sila ni Stacey, pinatay ni Sanford ang sigarilyo sa ashtray sa tabi ng basurahan.Nagkasalubong sila sa daan at biglang hinablot nito ang braso niya.Napasinghap si Stacey, nanlalaki ang mga mata, patingin-tingin sa kanilang dalawa.“Teka, kayong dalawa? Ano ’to? Ganun ba kabilis naging close?”Nanigas si Laurice. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at tiningnan si Sanford.“Mag-usap tayo,” sabi ni Sanford na puno ng diin ang boses. Litong-lito naman si Stacey. “Ah, sige, oo! Mag-usap kayo. Una na muna ako sa loob.”Hindi na ito naghintay. Tumalikod si Stacey at nagmadaling umalis, halatang ayaw madamay sa kung ano mang-e
Chapter 3 Eksakto namang pumasok si Stacey na punong-puno ng energy, at biglang nagbago ulit ang timpla ng buong kwarto.Bumalik ang tawanan. Lalong lumakas ang mga boses. May nanunukso na naman kay Logan, habang ang iba ay nagpalakpakan at naghihiyawan na parang walang mabigat na nangyari kanina.Mukhang normal ulit ang lahat.Habang si Laurice, nakaupo lang doon, tahimik at parang nasa ibang mundo siya. Parehong silid, parehong mga tao, pero pakiramdam niya ay napakalayo niya, nanonood lang sa likod ng isang makapal na salamin. Na habang nagtatawanan ang lahat, nakatitig lang siya sa kawalan.Napansin ’yun ni Stacey. Hindi muna ito nagsalita, pinanood lang siya nito nang ilang segundo bago dahan-dahang hinila nito ang braso niya.“Uy. Samahan mo muna ako saglit.”Hindi na pumalag si Laurice at sinamahan ang kaibigan. Tahimik sa loob ng banyo. Malamig. Ang tanging tunog lang ay ang agos ng tubig mula sa gripo.Tumayo si Laurice sa harap ng lababo, hinayaang dumaloy ang malamig na t
Chapter 2 Walang pag-aalinlangan na sabi nito.At doon na tuluyang may nabasag sa loob ni Laurice. Parang sinuntok siya sa dibdib at nawalan ng hangin. Hindi siya nito kilala?Sumikip ang kanyang lalamunan habang nanginginig ang mga kamay niya.Nagtagpo ang mga mata nila saglit pero wala siyang makita roon na kahit anong kislap man lang.Mabilis siyang umiwas ng tingin.‘Huwag kang iiyak. Huwag dito. Huwag.’Pero ang sakit.Yung dibdib niya, parang muling pinupunit… yung bagay na pilit niyang pinagdikit sa loob ng maraming taon.Gusto niyang tumayo, umalis at maglaho na parang bula.Saka biglang tumikhim si Logan.“Okay, okay! Huwag na nating gawing weird ’tong meet up natin. Kaya nga natin pinagsama-sama ang mga bridesmaids at groomsmen para maging close tayong lahat, ’di ba? Chill muna tayo bago kumain.”Walang kumontra.’Yun na ang pinakamadaling paraan para magkunwaring walang nangyari.“Para sa mga magaganda at gwapong tulad natin,” pagpapatuloy ni Logan, “wala pa ring tatalo












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.