BUMUKAS ang elevator na sinasakyan ni Bellatrix at saka siya lumabas doon. Nasa ground floor siya para sana magtanong ngunit maraming tao ang tumingin sa kaniya na para bang artista ang dating niya. Karamihan sa mga iyon ay nagtatrabaho sa media at narito para makasagap lang ng kung ano’ng tsismis. Aalis na sana si Bellatrix nang bigla siyang harangan ng mga reporters. Nagmistula siyang isang pagkain na biglang nilapitan ng mga langaw.
“Miss Bellatrix, ano po ang masasabi mo sa mga kumakalat na larawan niyo ngayon sa social media?” mabilis na tanong ng isang lalaking payat na may salamin. Nakatutok ang mga camera nila sa kaniya at panay ang flash ng ilan.“Teka, teka lang! Sandali!” nakapikit na reklamo ni Bellatrix na halos mabulag na sa mga camera flashes na direktang tumatama sa kaniyang mata. Idagdag pa ang mga sabay-sabay na pagsasalita ng mga reporters sa harapan niya. Hindi niya alam kung kanino titingin o makikinig. Naghahalo na ang lahat sa kaniya.Tinawag ni Bellatrix ang mga guwardya sa malapit para protektahan siya ng mga ito sa mga walang hiyang reporters. Agad namang lumapit sa kaniya ang dalawang security guard para ilayo ang mga nagtatangkang lumapit na mga reporters.“Sandali lang, Miss Bellatrix! Ano po ang masasabi niyo sa mga balitang kumakalat na nilalandi mo raw ang isa sa tagapagmana ng Marquis Company?” tanong ng isang babaeng reporter. Hindi na sana mamamansin si Bellatrix ngunit naagaw nito ang kaniyang atensyon.“Ano ang sabi mo?” kunot-noong paniniguro ni Bellatrix sa narinig. Nakataas din ang kilay niya kaya mas lumabas pa ang pagiging mataray ng kaniyang mukha.Nasindak ang reporter na nagtanong. Inulit nitong muli ang tanong at saka tinutok ang maliit na microphone kay Bellatrix. Alam niya na agad na si Colter ang tinutukoy nilang “nilalandi” niya. Inaasahan na niya ito dahil tanyag ang mga Marquis sa buong bansa. Hindi niya lang naisip na agaran ang pagkalat niyon.Sa gilid naman ay may babaeng sumesenyas sa kaniya na pumanhik sa itaas. Napansin siya ni Bellatrix at agad na nakuha ang sinasabi nito kahit magkalayo ang dalawa. Huminga siya ng malalim at saka tumalikod. Hindi na niya gustong sagutin pa ang tanong ng reporter kanina. Pumasok na siyang muli sa elevator.“Miss Bellatrix, sandali lang po!” pagwawala ng mga reporters na walang kahit anong impormasyon ang nakuha sa kaniya. Kahit na alam ni Bellatrix na ginagawa lang nila ang kanilang mga trabaho ay hindi niya pa rin maiwasang mainis sa mga ito. Isa kasi sa mga ayaw niya sa tao ay iyong palagi siyang pinapakialaman lalo na kung ang mga ito ay wala namang parte sa kaniyang pamumuhay.Nang sumara na ang elevator ay naginhawaan si Bellatrix. Pinindot niya ang pangatlong palapag at saka naghintay na muling bumukas ang elevator. Ngunit ang alaala kagabi ang pumuno sa kaniyang makulit na isipan na kung saan ay hinahalikan siya ni Colter habang sinasabi nito ang mga letra ng pangalan nito sa kaniya. Hindi niya maiwasang ngumisi.Bumukas na ang elevator at lumabas na si Bellatrix. Ang babae namang sumenyas sa kaniya kanina ay mabilis siyang hinigit papasok sa isang pinto na kung saan ay ang opisina ni Jaypee, ang kanilang manager.“Tawag ka ni Sir Jaypee,” saad noong babae sa kaniya. Umalis agad ito nang makapasok na sila sa loob. Walang ibang taong naroon bukod kay Bellatrix at kay Jaypee.“Good morning, S-Sir Jaypee,” pagbati ni Bellatrix at saka naupo sa kaliwang upuan na nasa harapan ng lamesa ni Jaypee. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Mukha itong stress na stress habang may binabasa sa screen ng computer.“Miss Amon,” panimula ni Jaypee, tinatawag si Bellatrix sa kaniyang apelyido, “care to explain what’s happening?” masungit nitong tanong. Nakataas ang sleek nitong mga kilay.“Ano po ang ibig mong sabihin, Sir Jaypee?” naguguluhang tanong ni Bellatrix.Saglit na natahimik si Jaypee ngunit nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Bellatrix na tila hindi ito makapaniwala na walang kaalam-alam ang dalaga sa mga nangyayari.“This!” asik ni Jaypee at saka padarag na iniharap nito ang monitor sa mukha ni Bellatrix upang basahin ang naroon. Isa iyong online news article na kung saan ay kitang-kita sa larawan ang pagpasok ng dalawang tao sa isang condominium building. Kahit pa sinadyang gawing blurred ang larawan ay alam ni Bellatrix na siya at si Colter iyon kagabi. Nang i-scroll pa niya pababa ang article ay sunod niyang nakita ang pagsakay niya naman sa itim na sasakyan ni Colter.“Actually, wala akong pakialam kung ano man ang relasyon niyo ni Mister Colter Marquis. Ang sa akin lang ay bakit ka mag-iiwan ng mga bakas ng landian niyo? Rising model ka pa naman tapos ay gagawa ka na agad ng scandal mo?” singhal ni Jaypee. Hiningal ito kaya mabilis na inabot ni Bellatrix ang tumbler nito sa kaniya. Mataray namang kinuha ni Jaypee iyon sa kamay ni Bellatrix at saka uminom doon.“First of all Sir Jaypee, hindi kami nagdi-date ni Colter. It was just a one night stand between us. Nothing less, nothing more,” aniya habang seryosong nakatingin dito.“Second, inaako ko po ang kasalanan ko. I was careless that time kaya hindi ko na napansin kung may sumusunod man sa amin o wala. Pangako po na mag-iingat na ako,” matapat na sabi ni Bellatrix. Pinaglaruan nito ang daliri sa kaniyang kandungan upang pigilan ang kung anumang nais niya pang sabihin sana.“Since hindi naman kayo nakitang intimate sa isa’t isa, kaya pa ’yang pabulaanan. Basta sa susunod, kung sinuman ang kasama mo, make sure to heighten your security. Huwag mong sayangin ang oportunidad mo, Bellatrix. Rising model ka, marami ang nag-e-expect sa iyo kahit na baguhan ka pa lang. Don’t you dare leave the limelight,” seryosong bilin ni Jaypee sa kaniya. Tumango naman si Bellatrix at saka ngumiti rito.“Oh! Muntikan ko ng makalimutan. You have a new gig next week. Since Friday ngayon, make sure to go to the gym or do some workout. Summer season ngayon kaya mas ipu-push nila ang pag-promote sa bagong alak. This time, bikini naman. Isa ka sa napiling model sa gagawing commercial at billboard kaya ihanda mo ang katawan mo.”Napatango si Bellatrix sa mahabang paalala sa kaniya ni Jaypee. Ngunit may pagtataka siya sa sinabi ng kaniyang manager. Tumikhim siya at saka ngumiti rito.“Akala ko po ba si Aira ang gagawing ambassadress ng Marquis’ Beer?” litong tanong ni Bellatrix. Kahit kasi rising model siya, alam niyang mas prayoridad ng kompanya ang mga kagaya ni Aira na mga A-lister sa modeling at showbiz.“Nagtatanong ka pa? Eh naka-one night stand mo nga ang anak ng boss ng Marquis’ Beer. Malamang as a reward ay ikaw ang gagawing ambassador kaya nila pinalitan si Aira,” pahayag ni Jaypee. Nakatingin siya kay Bellatrix na para bang nandidiri siya at natatawa sa kaniya.Napasinghal naman si Bellatrix. Agad na nag-init ang kaniyang ulo sa sinabi ni Jaypee. Malinaw sa kaniya na hinuhusgahan siya nito kahit na hindi naman iyon totoo. Kinuyom niya ang kaniyang kamao para magpigil na gumawa ng gulo.“Excuse me lang po, Sir Jaypee. Walang nangyaring ganiyan sa amin. Wala akong ni-request kay Colter na ako ang gawing ambassadress,” mariin niyang paliwanag. Malakas namang natawa si Jaypee na para bang ngayon lang siya nakarinig ng pinaka-nakakatawang biro sa kaniyang buong buhay.“Hay, Bellatrix! Normal na ’yan sa mundo ng modeling at showbiz. Alam mo na, mas makikilala ka lalo kung may kapit ka. Hindi ko lang inaasahan na gagawin mo dahil akala ko ay matino ka. Katulad ka rin pala ng ibang modelo na gagawin ang lahat para umangat,” natatawang sabi ni Jaypee.Napatayo si Bellatrix sa upuan. Marahan ang mga paghinga nito kahit na nakangisi siya sa harap ng kaniyang manager. Masaya siya na may bago siyang gig, big time pa nga ito kaya dapat ay magsaya lang siya. Kaso ay ipinapamukha ni Jaypee sa kaniya na nakuha niya lang pala ang trabahong iyon dahil sa iniisip nitong nilason niya ang isipan ni Colter para kumbinsihan itong siya ang gawing ambassadress ng kanilang alak.“Oh, see?” kunwaring gulat na sabi ni Jaypee habang tinuturo ang suot na dress ni Bellatrix. “Binilhan ka nga agad ng isang mamahaling dress oh?” nakangisi niyang sabi habang nakanguso na sa dress.Ngumisi pa lalo si Bellatrix at mas humigpit ang hawak niya sa kaniyang kamay. Kung sakaling hayaan niya ang kaniyang kamay ay alam niyang baka masampal niya agad si Jaypee.Tahimik na umalis si Bellatrix sa opisina nito na nakasimangot. Pinindot niya ang elevator at hinintay itong umakyat sa pangatlong palapag. Nang bumukas ito ay bumungad sa kaniya ang tatlong babae.“Speaking of the b*tch,” usal ng isang babae na nasa kaliwang banda. Nagtinginan sila ng nasa kanang babae at saka sabay na humagikhik. Ang babaeng nasa gitna naman ay nakataas ang dalawang kilay nito habang may mapang-uyam na tingin kay Bellatrix. Siya ay walang iba kundi si Aira.“Look who welcomed us here,” pahayag ni Aira sa dalawang alagad nito. Humalukipkip ito at saka ngumisi.Tumaas din ang kilay ni Bellatrix at saka namaywang. “Ang tagal niyo namang umalis,” asik niya sa mga ito. Nais na niyang lisanin ang lugar na iyon ngunit natatagalan siya sa mga babaeng ayaw pa ring umalis sa loob ng elevator.Natawa naman ang tatlong babae. Sabay silang lumakad palabas, tumutunog ang mga heels nila sa sahig habang papalapit sila kay Bellatrix.“Ano naman ngayon? Atat ka na bang umuwi? Naghihintay na ba ang sugar daddy mo?” nakangising sabi ni Aira na may kasamang pag-arte. Nilalapit pa nito lalo ang pagmumukha kay Bellatrix.“Ano ba?!” sigaw ni Bellatrix at saka nilayo ang sarili. Umirap siya sa mga ito. Siya na ang nagkusang gumilid para makaalis, pero hindi siya pinayagan ng mga itong umalis agad. Hinawakan siya ng dalawang alagad ni Aira sa magkabilang braso niya. Nang nilingon niya ang paligid ay maraming mga empleyado at ibang model ang nanonood sa kanila pero walang may balak na tulungan siya.Lumapit si Aira at saka siya sinabunutan nito. “B*tch! Dapat sa mga katulad mo ay binubuhusan ng asido. P****k! Salot sa lipunan!” malakas na sabi ni Aira. Hindi makapalag at makalaban si Bellatrix dahil sa dalawang kamay na pumipigil sa kaniya.“F*ck you ka! Madaya ka! Three versus one? May saltik ka!” sigaw rin ni Bellatrix dahil hindi siya makaganti man lang. Lalo na at hindi lang sabunot ang nararamdan niya, kinakalmot din siya ni Aira sa kaniyang mga braso.“Ikaw ang madaya! Inagaw mo sa akin ang pagiging ambassadress ng Marquis’ Beer! B*tch ka talaga! Sl*t! P****k! Bayad ka lang na babae!”Mas lalong diniinan ni Aira ang pagsabunot sa kaniya na halos nagpaiyak kay Bellatrix. Pakiramdam niya ay malalagas na ang buong buhok niya. Kaya naman para mapatigil sila ay sinipa niya si Aira habang suot ang heels nito. Napasalampak sa sahig si Aira at agad siyang dinaluhan ng mga alagad nito. Namimilipit siya sa sakit dahil sa pagsipa ni Bellatrix.Umirap si Bellatrix sa tatlong magkakaibigan. Sunod naman ay sinamaan niya rin ng tingin ang mga taong walang ginawa kundi manood lang sa kanila. Pinindot niyang muli ang button ng elevator at saka iyon bumukas.“Oh my goodness! Aira, what happened to you?!” gulat na sigaw ni Jaypee nang makita ito na umiiyak sa sahig. Napairap muli si Bellatrix. Ilang beses nitong pinagpipindot ang isang button para sumara na ang elevator upang hindi siya maabutan ni Jaypee na tiyak na sisigawan at pagsasabihan lang siya ng mga masasakit na salita.“Bellatrix!” rinig niyang tawag ni Jaypee sa kaniya. Mabuti at sumara na ang elevator at umandar na ito pababa. Dahil gawa ito sa metal ay nakita niya ang repleksyon dito. Magulo ang buhok nito at ang suot niya ay nagusot na. Huminga siya ng malalim at saka kinuha ang suklay sa dalang sling bag. Inayos na rin niya ang suot na dress. Hinawakan niya ang magkabilang braso na puno ng kalmot at sugat. Namumula iyon at may mga bakas pa ng dugo.Pagdating niya sa ground floor ay nagpasalamat siya at wala na ang mga reporters doon. Mukhang pinaalis na nila ang mga ito sa building.Lumabas na si Bellatrix sa building at saka nag-abang sa kalsada ng taxi. Pagkatapos pumara ay sumakay na siya at sinabi ang address ng tinitirhan niyang apartment. Pagod siyang sumandal sa salamin ng sasakyan habang malungkot na nakatanaw sa labas. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang magtaka ang driver at kaawaan siya. Iyon pa naman ang ayaw niyang ipakita sa mga tao, na mahina siya at nagpapa-api.Hindi pa man nag-uumpisa ng tuluyan ang kaniyang plano ay ganito na agad ang nangyayari sa kaniya. Ilang beses na siyang nainsulto dahil lang sa pagkakadawit niya kay Colter.“Worth it pa ba ang lahat? O masasaktan lang ako sa plano kong ito?” tanong ni Bellatrix sa sariling isipan nito. Mabilis niyang pinahid ang ilang lumandas na luha sa pisngi niya. Umiling siya at kinurot ang sariling kamay.Pinaalala niya sa kaniyang sarili kung bakit ba siya maghihiganti. Kaya hindi dapat siya panghinaan ng loob dahil para sa kaniya ay kahit kailan nama’y hindi magiging patas ang mundo para sa mga katulad niyang mahirap at pinagkaitan ng hustisya. Kailangan niyang manindigan at mas maging matatag sa mga susunod pang pagsubok na kaniyang haharapin. Ang sarili lang naman niya ang maaasahan niya.“ANG AGA-AGA, ano’ng problema mo, Miss Secretary?” taas-kilay na tanong ni Bellatrix habang nakahalukipkip pa rin para inisin lalo si Galia at ang mga alipores nito.Tumaas naman ang kilay ni Galia. “Ikaw. Dumating ka lang at inaahas mo na agad si Reven,” aniya na siyang nagpakunot sa noo ni Bellatrix. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito sa sinabi ni Galia. Hindi niya alam kung paano nasali si Reven sa gulo.“What? You’ll pretend like it’s not true?” mapang-uyam na asik ni Galia at saka siya tumingin sa kaniyang mga kasama. Malakas din ang mga pagkakasabi niya, dahilan para marinig ng ibang dumaraan. “See? Tignan niyo ang babaeng ito na dinala ni Sir Colter dito sa kompanya. Isang ahas. Hindi na makuntento sa pang-aakit kay Sir Colter at sinusunod pa si Sir Reven. You heard that, people?!” malakas na pahayag ni Galia sa gitna na para bang isang politikong nangangampanya para makuha ang tiwala ng masa. Napairap naman sa inis si Bellatrix. Nilibot niya ang tingin sa paligid na mas l
BAGO PA MAN magising si Colter ay umalis na agad si Bellatrix sa penthouse nito. Nag-iwan lang siya ng sticky notes at nilagay ito sa bedside table niya. Nagluto na rin muna siya ng almusal ni Colter para iinitin na lang ni Colter ito sa microwave oven mamaya. Habang binabagtas naman ang daan papunta sa kanilang apartment ay malalim na nag-iisip si Bellatrix. Pinapagalitan niya rin ang sarili dahil parang lumilihis na raw siya sa tunay na plano nito. “Grateful ako sa mga ginawa niya sa akin. Pero dapat hanggang doon lang. Hindi dapat ako maging selfish. Para sa hustisya ni mama, gagawin ko ang lahat. Kaya bawal akong magkamali,” seryosong aniya. Itinatatak niya ito sa kaniyang isipan para araw-araw niyang maalala ito. Kung bakit siya nasa mga Marquis . . . Kung bakit siya nasa tabi ni Colter. Nang makarating sa apartment ay nagulat si Jie nang makita si Bellatrix. “Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” nagtatakang tanong niya habang nakapamaywang ito na nakatayo sa gilid ng sofa
NAKARATING na sa itaas sina Bellatrix at Colter. Nasa loob sila ng silid kung saan sila unang nagtalik na dalawa. At kagaya lang noon ay nakapatay pa rin ang mga ilaw at ang liwanag lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa kanila. “C-Colter,” halinghing ni Bellatrix. Nasa kama sila at nakapaibabaw naman siya sa kandungan ni Colter habang nakaupo sila. Nawawala na sa wisyo si Bellatrix habang hawak ang batok ni Colter na abala sa pagpapaligaya sa kaniya. Nadarama din niya ang kahabaan ni Colter na tumutusok sa kaniyang pagkababae. “Hmm?” ani Colter habang nasa leeg siya ni Bellatrix. Hinahalikan at sinisipsip niya ito. Tumingala naman siya habang dinadama ang mga kiliting ginagawad ni Colter.“Le-Let’s do it. P-Please,” nanginginig na pakiusap ni Bellatrix habang ginigiling ang kaniyang baywang para ikiskis ang sarili kay Colter. Kalat na kalat na ang nakakapasong init sa kaniyang buong katawan, lalo sa gitna niya na pumipintig na sa pagnanasang maramdamang muli ang kahabaan ni Colter
SA GITNA NG GABI, magkasamang kumakain sina Colter at Bellatrix sa isang lamesa habang magkaharapan sila. Hindi pa rin humuhupa ang mga tunog ng piano at violin sa speaker, pero mahina naman ang mga ito kaya’t hindi na pinahinto ni Bellatrix.“Here, have some polpette,” ani Colter at saka iniabot ang isang plato nito kay Bellatrix, “It’s an Italian dish, or meatballs to be exact. It’s delicious,” nakangising dagdag nito habang pinapanood si Bellatrix na naglalagay niyon sa kaniyang plato. Nang tikman niya na ay napatango siya dahil tama si Colter.“Try the quesadillas,” ani Colter at saka inabot ito kay Bellatrix. Pagkatapos ng isang subo ay may bago na namang iniabot si Colter.“That Lasagna is the best,” dagdag niya habang pinapanood na kumain si Bellatrix. Pagkatapos lunukin ang pagkain ay nakita niyang aambang muli si Colter na kumuha ng panibagong plato. Pinigilan niya agad ito.“Tama na, ako ang mamimili ng kakainin ko. Pinapataba mo naman ako! Kumain ka na lang din diyan ng tah
SA IKATLONG PALAPAG, makikitang nakasimangot si Bellatrix habang namamahinga sa kaniyang upuan. Malapit na rin silang mag-out sa trabaho kaya’t marami na ang naghahandang umalis.“Bellatrix? Hindi ka pa mag-aayos ng gamit mo?” tanong noong katabing babae ni Bellatrix na si Roxanne. Ito ang naging kaibigan niya dahil siya ang palaging tumutulong kay Bellatrix kapag may hindi siya alam.“Kaunti lang naman ang dala ko. Hintayin na lang kitang matapos,” nakangiting sagot ni Bellatrix. Pumayag naman ito at naglinis ng lamesa. Bumalik naman agad si Bellatrix sa pagsimangot.“Tss, wala naman akong ginawa. Puro print at encode lang. Gusto ko sanang gumawa ng report,” pagkausap niya sa sarili habang pinapanood ang ibang mga empleyado. Karamihan sa kanila ay ramdam ang pagod dahil sa buong araw na pag-upo at pagpindot sa keyboard. “May kinalaman kaya ’yung lalaking ’yun?” bagot niyang tanong, tinutukoy si Colter. Suminghal pa siya nang naalala ang nangyari kaninang umaga. “Ni hindi man lang s
“PLEASE clean this area as well,” utos ni Colter sa janitor. Natapon kasi ang tubig sa sahig dahil nahagip niya ang pinag-iinumang baso. Nagkalat din sa sahig ang mga bubog.“Ah, Sir! Ako na po ang magtatapon niyan!” tarantang saad noong janitor nang makitang itatapon ni Colter ang mga bubog galing sa nabasag na baso. Umiling naman si Colter. “Nah, I could do it,” aniya at saka tinapon ang mga bubog sa basurahan. Nagpunta siya saglit sa restroom para maghugas ng kamay. Nang natapos ay bumalik siya sa kaniyang lamesa. Namataan na naman ni Colter ang mga tirang ulam na hindi niya naubos kanina. Tinignan niya naman ang janitor na nakangiting nagtatrapo sa sahig.“You can eat all of this when you’re done,” sambit niya rito, tinutukoy ang mga pagkaing hindi niya halos nagalaw. Napatingin naman ang janitor sa kaniya at saka napakamot sa ulo.“Ah, Sir, busog na po kasi ako. Binigyan kasi ako ng dalawang siopao, iced coffee, at saka juice noong bagong babaeng empleyado rito. Bibigyan ko na