Bahagyang napakunot ang noo ni Josh at malamig ang tono ng boses niya.“Anong kailangan mo?”Ngumiti si Carla habang mahinahong nagpapaliwanag. “Alam kong malapit kayo ni Uncle Fredie kaya sinadya ko talaga itong timing ng pagdalaw ko. At saka pareho kaming mahilig sa art, kaya medyo napatagal din ang usapan namin. Josh, andito ka ba para sa dinner with Uncle Fredie? O baka naman...”Pero hindi siya binigyan ni Josh ng pagkakataong ituloy pa ang drama niya. “Pasensya na, may appointment ako ngayong gabi. Wala kang lugar dito.”Saglit na nanigas ang ekspresyon ni Carla.Pero nanatiling naka-ngiti ang mukha niya, parang walang naramdamang kahihiyan o pagkabigo.Wala nang balak makipagtagal pa si Josh. Tahimik siyang naglakad papasok. Habang naglalakad, binigyan pa niya ito ng isang malamig na paalala.“Ms. Ferrer, sana alam mo ang limitasyon mo. Wala tayong kahit anong ugnayan, at ayoko sa paraang tinatawag mo ako.”Napakapit si Carla sa gilid ng palda niya, pero hindi pa rin nawala ang
“Miss Carla, ito po ang apology gift na ipinahanda ni President Ferrer para sa inyo. Sabi niya, kailangan niyang isaalang-alang ang reputasyon ng pamilya Ferrer sa ilang bagay, kaya’t nagawan niya kayong masaktan. Hindi niya intensyon na mapahiya kayo. Umaasa siyang hindi na kayo magtatampo.”Napasinghap si Carla, natakpan ang bibig niya habang nanlaki ang mata sa tila hindi maitangging sorpresa. Bahagya siyang umarte nang pa-cute. “Ganito lang? Ganito lang niya ako babawian?"Tahimik lang na nakamasid si Eloisa sa gilid, malamig ang mga mata.Sumulyap si Carla sa kanya mula sa gilid ng mata, at bahagyang kumurba ang pulang labi. Wala na ang dating disente at intellectual niyang imahe. Ngayon, halatang puno ng pang-aasar at hamon ang tingin niya.Kinuha niya ang isa sa mga kahon ng regalo at lumapit kay Eloisa. “Tingnan mo, Ate Eloisa. Kahit pa ikinuwento ko sa lahat ang eskandalo mo at nadamay pa ang pangalan ng pamilya Ferrer, para pa rin akong kayamanang kailangang ingatan. Eh ikaw
Bahagyang napakunot ang noo ni Carla, halatang wala siyang magawa."Ate, kung may nagawa kang mali, mali pa rin 'yon. Hindi pa ba sapat ang mga tinakpan ng pamilya natin para sa'yo? Tapos ngayon, ikaw pa rin..."Hindi pa natatapos ang sinasabi niya nang idial na agad ni Eloisa ang number ni Kenneth, at binuksan ang speaker."Ano 'yon?" malamig ang boses ni Kenneth mula sa kabilang linya.Hindi na hinayaang makapagsalita si Carla, agad na nagsalita si Eloisa, mabigat ang tono."Kuya, hindi ba’t napatunayan na na misunderstand lang yung tungkol sa pambubully kay Samantha? Bakit hanggang ngayon may mga taong pinapalaganap pa rin 'yon? Baka kasi makaapekto sa kasal ko sa pamilya Cabiles."Biglang nanlamig ang tono ni Kenneth."Walang-kwentang tsismis! Hindi magpapakababang gano’n ang pamilya Ferrer. At siyempre, kokolektahin ng pamilya ang ebidensyang kailangan para idemanda ang gumagawa ng ganyang paninira."Habang unti-unting namumutla ang mukha ni Carla, ngumiti si Eloisa. Kumurba ang
Walang paraan para hindi mapansin ni Josh ang matalim at nanunuyang tingin ni Eloisa. Tumikhim ito habang sinulyapan ang dokumento sa harap nila.Bagamat seryoso ang ekspresyon sa gwapo nitong mukha, mas malambot ang tono ng boses nito kaysa dati.“Yes, I’ve reviewed it carefully.”Sa narinig niyang sagot, agad na ngumiti si Eloisa na parang isang bulaklak na biglang namukadkad.Maya-maya pa, pumasok si Secretary Cruz matapos ayusin ang babae kanina. “President, ready na po lahat. Pwede na po tayong umalis anumang oras.”Tumango si Josh at tumayo na, pero sandaling napahinto at napalingon kay Eloisa na tila may gustong itanong.“I have to head back to retrieve something. Stay here for now. There’s a party tonight, and you’ll be attending on behalf of Czan Innovations. I’ll have Secretary Cruz send you the details.”"Okay," tango ni Eloisa. Pero hindi niya napigilang itanong ang nasa isip niya. "Ah… Sir Josh... kailan..."Gusto sana niyang tanungin kung kailan ito babalik, pero naisip
Inayos ni Eloisa ang mga gamit niya at ngumiti nang bahagya. Tapos na ang mga dapat niyang gawin sa Czan Innovations kaya aalis na siya.“Isama mo na rin sa report mo ang hospitality ni Mr. Ray Mercado. Mainit ang ginawa niyang pagtanggap sa amin dito. Pagkatapos ng dinner ay magpahinga ka na rin agad. I pretty much understand the operations of Czan Innovations. I’ll report everything truthfully kay President Cabiles.”“Miss Ferrer, why don’t you try eating at our staff cafeteria? Consider it part of getting the people’s sentiment. Mas matutuwa ang lahat kung makita ka roon na kasalo namin. Alam ng dad ko na darating kayo ngayon, kaya pina-prepare niya ng maraming pagkain ‘yung canteen. Sayang naman kung himdi mo matitikman ang mga pinaghirapan ng cook.”Sa totoo lang, okay naman si Lance sa ibang aspeto habang magkasama sila. Magaling ito at aaminin niyang malaki ang potensyal nito. Pero ang pinakakinaiinisan ni Eloisa ay ‘yung style nito na parang laging may kasamang guilt-tripping.
Secretary Cruz was just about to ask the bodyguard to take Eloisa's things out of the car.“Sir, game ako diyan! Ako na!" Unexpectedly, Eloisa suddenly spoke, sounding cheerful. "Kung may ganitong trip ulit, isama mo na lang ako. Mahilig talaga ako mag-travel.”Napatingin si Josh sa kaniya, halatang nagulat sa biglang pagbabago ng tono niya. "Really?""Oo naman, sir!" Masaya ang ngiti ni Eloisa. “Sino ba namang tatanggi sa ganitong kagandang pagkakataon?”Tahimik na ibinalik ng bodyguard sa trunk ang gamit na kanina pa hawak.Yung lugar na pupuntahan nila ngayon ay hindi rin naman ganoon kalayo—nasa katabing lungsod lang ito, sa Santa Fe, sa maliit na bayan.Imbes na mag-eroplano o sumakay ng high-speed train na masyadong hassle, pinasundo na lang ni Josh kay Secretary Cruz gamit ang kotse. Mga dalawang oras lang din naman ang biyahe. Hindi nakakapagod.Pagdating nila sa service area sa kalagitnaan ng biyahe ay bumaba si Eloisa para bumili ng kung ano-anong makakain, at pumunta sa pam