Si Eloisa Ferrer, isang babaeng malapit nang ikasal sa kanyang boyfriend na si Khalil. Nagkaroon ng isang hindi inaasahang pangyayari sa hotel kung saan sila magkakasal. Nang dumating si Eloisa sa hotel, natagpuan niya ang kanyang fiancé na nakayakap at nakikiapid sa kanyang assistant na si Samantha. Lubos na nagulat at nalungkot si Eloisa sa nakita niya. Dahil dito, nagdesisyon siya na kanselahin ang kanilang kasal. Marami pang mga detalye ang hindi alam ni Eloisa tungkol sa nangyari at kung bakit nangyari ang ganitong sitwasyon. Kaya tinawagan ni Eloisa ang kanyang secretary at pinacancel ang kanilang kasal.
View More"Ms. Ferrer, naipadala na po namin sa hotel ninyo ang ipinatahi ninyong damit na wedding dress. Kung may katanungan pa po kaya, tawagan niyo lamang po kami.”
Labis ang saya ni Eloisa Ferrer nang matanggap niya ang mensahe mula sa bridal shop. Sa susunod na linggo ay ikakasal na siya sa kaniyang kasintahang walong taon na niyang karelasyon. Nakapag-book na sila ng hotel, naipadala na rin ang mga imbitasyon, at maayos na ang lahat ng preparasyon. Pagkatapos ng kaniyang trabaho, hindi na siya makapaghintay at dali-daling bumalik sa hotel para makita ang kaniyang wedding dress at tikman ang ilang bagong putahe ng hotel. Pagdating niya sa hotel, sinalubong siya agad ng manager na halatang balisa. “Ms. Ferrer, anong ginagawa ninyo rito? May ipapagawa po ba kayo?” tanong nito na may halong kaba. Dahil nasa maganda siyang mood, masayahin ang tono ni Eloisa nang sumagot. “Naideliver na ang wedding dress ko, hindi ba? Gusto ko sanang isukat ito.” “Opo, ma’am, kaka-deliver lang po mga kalahating oras na ang nakalipas.” Napansin ni Eloisa ang kakaibang ekspresyon ng manager, tila hindi mapakali. “Kanina nga po pala, nagdagdag kami ng bagong menu. Kung gusto ninyo, magpapahanda ako para matikman ninyo. Libre po iyon bilang pasasalamat namin.” “Sige, hintayin mo ako pagkatapos kong isukat ang wedding dress,” tugon ni Eloisa bago tumungo sa elevator. “Ms. Ferrer!” tawag ng manager na tila mas lalong kinakabahan. “Kakarating lang ng banda ngayon. Bakit hindi po muna kayo makinig sa kanila? Baka magustuhan ninyo ang kanilang tugtog.” May naramdaman nang kakaiba si Eloisa. Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi. “May problema ba sa wedding dress?” tanong niya nang seryoso. “Ah… eh…” Napuno ng malamig na pawis ang noo ng manager, tila hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Dahil dito, nakumpirma ni Eloisa na may hindi magandang nangyari. Hindi na niya pinansin ang mga palusot ng manager at mabilis siyang umakyat sa hagdanan. “Huwag naman sana…” bulong niya sa sarili habang nagmamadali. Pagdating sa pintuan ng kaniyang suite, narinig niya ang hindi kanais-nais na ingay mula sa loob. Mahihinang ungol ng babae at mabibilis na paghinga ng lalaki ang bumungad sa kaniyang pandinig. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang telepono upang tiyakin kung tama ba ang kuwarto na kinaroroonan niya. Hindi siya nagkakamali. “Khalil, hindi ito tama! Paano kung malaman niya—” “Sam, ang ganda-ganda mo ngayon… Hindi na ako makapagpigil,” sagot ng lalaki na puno ng pagnanasa. Biglang nanikip ang dibdib ni Eloisa. Naramdaman niya ang pagkahilo, at tila nawalan siya ng malay sa sandaling iyon. Pero bago niya namalayan, nasa loob na siya ng silid. Sa harap niya, nakita niya ang isang eksenang hindi niya inaasahan... ang kaniyang fiancé, si Khalil, kasama ang ibang babae. Ang katawan ni Eloisa ay nanginig. Ang kaniyang puso ay tila dinurog sa harap ng kanyang nakikita. Hindi niya mapigilang tumulo ang kaniyang mga luha habang pilit niyang kinokontrol ang sarili. Ang babae, ay walang iba kundi si Samantha Rodriguez, na personal assistant ni Khalil, ay suot ang kaniyang wedding dress. “Khalil…” mahina niyang bulong, punong-puno ng sakit at galit. Napatingin si Khalil sa kaniya at dali-daling tinakpan ng kumot si Sam. Pero halata sa mukha niya ang pagkaaburido, hindi pagsisisi. “Eloisa, mabuti na rin siguro at nalaman mo na,” wika ni Khalil gamit ang malamig na boses. “Aaminin ko na, napapagod na ako sa relasyon natin. Masiyado kang kontrolado, at hindi mo man lang ako hinayaang galawin ka. Lalaki ako, Eloisa. May mga pangangailangan din ako.” Hindi makapaniwala si Eloisa sa mga naririnig niya. Lumapit siya kay Khalil at malakas itong sinampal. “Khalil, ang kapal ng mukha mo! Sa tingin mo ba magpapakasal pa ako sa'yo pagkatapos nito?” sigaw niya, nanginginig ang boses sa galit. Biglang lumapit si Sam, umiiyak at pilit na nakikiusap. “Miss Ferrer, kasalanan ko ang lahat. Huwag po ninyong sisihin si Khalil. Kung gusto ninyo, luluhod ako sa harapan ninyo. Patawarin n’yo lang kami.” Sa halip na maawa, lalong nadagdagan ang galit ni Eloisa. Tinanggal niya ang kamay ni Sam na pilit humahawak sa kaniya. “Huwag kang magpanggap na mabait sa harap ko!” sigaw niya. Dahil sa tensyon, nadulas si Sam at tumama ang ulo sa sulok ng mesa. Nagmamadaling lumapit si Khalil upang tulungan si Sam at galit na itinulak si Eloisa. Napahiga siya sa sahig, pero agad din siyang tumayo, punong-puno ng galit at determinasyon. Namumula ang mata ni Khalil habang nakatingin kay Eloisa. Malamig ang tono ng boses niya nang magsalita. “Eloisa, tingnan mo ang sarili mo. Para kang baliw. Nakakadiri.” Matagal na nakatingin si Eloisa sa lalaki. Kalmado ang ekspresyon niya, ngunit ang nanginginig niyang mga kamay at ang bahagyang pangangatog ng kaniyang katawan sa sulok ay hindi maitatago. Ang walong taon nilang relasyon ay natapos sa isang salita lang—nakakadiri. Ngunit sino nga ba ang mas nakakadiri sa kanila? Biglang sumulpot ang manager, bakas sa mukha ang pagkataranta. “Mr. Cabiles, masamang balita po. Maraming reporters ang nasa labas, at papasok sila rito anumang sandali.” Nagbago ang ekspresyon ng tatlo sa silid. Napuno ng inis ang mukha ni Khalil at agad niyang hinila ang braso ni Eloisa. Malakas ang hawak niya, sapat na para masaktan ang babae. “Eloisa, plano mo ba talaga ito? Gusto mo talagang malaman ng lahat?” galit na sabi ni Khalil. Napakunot ang noo ni Eloisa. Bakit nandito ang mga reporter? Sa halip na sumagot, nilunok niya ang hikbi at sinagot siya ng malamig na boses, “May lakas ka ng loob para humarap sa publiko? Nararapat lang na malaman nila ang lahat. Pero wala akong kinalaman dito.” “Baliw ka!” galit na sigaw ni Khalil sabay tulak kay Eloisa. Napaupo ito sa sahig, ngunit bago pa man siya makabangon, narinig niya ang malamig na boses ni Khalil. “Kapag lumabas ang balitang ito, siguradong magiging maganda ang usapan namin ng kuya ko. Kung magiging misireble ang buhay ko, dapat gano’n ka rin.” Pagkatapos sabihin iyon, nagmamadaling umalis si Khalil kasama si Sam. Naiwang nakatulala si Eloisa sa sahig. Ramdam niya ang matinding paninikip ng kaniyang dibdib. Ang sakit at hiya ay bumalot sa kaniya, parang isang unos na hindi niya matakasan. Pinilit niyang tumayo at naglakad palabas ng silid. Agad niyang narinig ang ingay ng mga camera at boses ng mga reporter na nagkukumpulan sa labas. Tumakbo siya ng walang alinlangan, pilit iniiwasan ang mga tanong at ang mga pagkuha nila ng litrato. Sa pagmamadali, nabunggo niya ang isang lalaki. Tumama sa ilong niya ang halimuyak ng mint na may halong usok ng sigarilyo. Mainit ang katawan nito, ngunit malamig ang ekspresyon sa mukha. Napatigil ang mga reporter nang makita ang lalaki. Napansin ni Eloisa ang katahimikan at narinig ang pagbuntong-hininga ng ilan. Napatingala siya at naglakas-loob na magsalita, nanginginig pa rin ang boses niya. “Sir, tulungan mo ako.” Nasa presidential suite ang lalaki—isang lugar para sa mayayaman at makapangyarihan. Bahagya itong tumitig sa kaniya, ngunit hindi nagtagal ay kumilos ang assistant nito. Lumapit ito sa mga reporter at ngumiti, ngunit ramdam ang awtoridad sa kaniyang boses. “Ladies and gentlemen, sinusubukan niyo bang kuhanan ng litrato ang boss ko? Bago kayo umalis, iwan niyo ang mga camera at memory cards ninyo.” Dahan-dahang umalis ang mga reporter, naiwan si Eloisa na napapikit sa ginhawang nadama. Ngunit ang malamig na boses ng lalaki ay muling gumimbala sa kaniya. “Hindi ka pa ba aalis?” Napayuko si Eloisa, nahihiya at hindi magawang tumingin sa lalaki. Tumalikod siya at naglakad palayo. Ngunit bago siya tuluyang makaalis, nilingon niya ang lalaki. Matangkad ito, may tuwid at marangal na tindig. Sa kabila ng malamig na ekspresyon, parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Pagdating sa labas ng hotel, nakita niya ang mga media na nagkukumpulan pa rin sa labas. Napabuntong-hininga siya at kinuha ang kaniyang telepono. Matapang ang boses niya nang magsalita. “Secretary Ali, paki-cancel ang kasal namin ni Khalil. Hindi na ito matutuloy sa susunod na linggo.”Nanatiling nakatayo si Carla, hindi maitago ang kaba sa mukha niya."Josh!" tawag niya, halatang desperado ang boses.Doon lang dumating si Kenneth. Katulad ng dati, kalmado pa rin ang itsura nito at may kabaitan pa rin sa kilos. Maingat nitong itinaas ang salamin sa mata."Nagpapasalamat kami sa pamilya Ferrer na handa kayong tumulong," mahinahon niyang simula. "Pero mas makakabuti siguro kung sa amin na lang manggaling ang pag-aayos nito. After all, ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalantad sa publiko. I hope you understand."Bahagyang ngumiti si Josh, pero malamig pa rin ang dating. "So, ibig sabihin ba no’n, Kenneth, you’ll investigate it thoroughly?"Medyo nanigas ang panga ni Kenneth pero pinilit pa ring panatilihin ang ngiti sa labi. "Natural," sagot niya.Tumango si Josh, tapos ay tumingin kay Eloisa bago tuluyang tumalikod. Nagtagpo ang mga mata nila, at ramdam ni Eloisa kung anong damdamin ang gustong iparating ni Josh sa kanya. Mahina siyang napabuntong-hininga.M
Naalala ni Jess. Nung time na 'yon, kasabay pa niyang pinapabalik ang anak na si Eloisa sa kwarto para kausapin at bigyan ng gamot.Hindi man alam ng iba ang buong nangyari, pero siya, sigurado siya. Paano pa makakapag-text si Eloisa sa ibang tao sa ganitong oras?Obvious na obvious na imbento lang ang sinabi ng lalake.Oo, totoo, hindi talaga gusto ni Jess ang ugali ng anak na si Eloisa dahil parati itong sumusuway. Umabot pa siya sa punto na muntik na niya itong talikuran, all just to save her own reputation. Pero kahit ganon, hindi ibig sabihin noon na papayag silang samantalahin ng ibang tao ang pamilya nila at basta na lang palabasing may kasalanan si Eloisa.Napansin ni Carla ang kakaibang reaksyon ni Jess, at bigla siyang nakaramdam ng kaba."Tanga talaga ang lalaking ito!" Sa isip-isip ni Carla.Lumapit si Carla sa ina. "Ma, parang may mali. Parang hindi si Ate ang may gawa nito. Kahit sabihin mong may pagkukulang siya, hindi ganon kababa ang standards niya sa lalaki.”Kahit a
"Ma, nagsisisi ka ba?"Natigilan si Jess saglit. Nang makita niya ang emosyong laman ng mga mata ni Eloisa, may kakaibang kaba agad siyang naramdaman.Nagiging mas unpredictable na ang ugali ni Eloisa lately, kaya mas mabuting kontrolin na muna ang sitwasyon.Pilit siyang ngumiti at muling lumingon kay Carla. "Magpatuloy ka na sa shooting, ako na ang bahala rito."Nag-alala si Carla, halatang hindi mapalagay. "Pero Ma, mukhang hindi okay si Ate. Kaya mo ba talaga mag-isa?"Kung hindi mo alam ang buong kwento, iisipin mong parang multo si Eloisa. Pinisil ni Jess ang kamay ng anak bilang pampalubag-loob.Pero si Eloisa, tahimik na nagsalita. "Don't worry. I just want you and our mother to meet someone. After that, kapag nasagot na ang tanong ko, saka niyo na ako dalhin kung gusto niyo. Bakit parang ang bilis niyong takpan ang bibig niyo? Natatakot ba kayo na may masabi akong nakakagulat?"Sunod-sunod ang pasabog ng mga comments online."Grabe, may topak na yata talaga si Eloisa. Nakakah
Bumaha agad ng comments sa live broadcast.“Does this mean na break na si Eloisa at Khalil?”“Finally! Matagal ko nang iniisip kung paano napunta si Eloisa sa ganung klaseng relasyon. Buti na lang at hindi pala bulag si Khalil.”“Walang lalaking makakatagal sa ganyan. In the end, Eloisa will ruin herself dahil na rin sa sarili niyang mga ginawa.”“‘Wag niyo nang patagalin, pumasok na kayo! Gusto ko nang makita kung sino ‘yung lalaki! Hindi ako pumasok sa work today para lang dito. Excited na ako!”“Yes! Hurry up, pasukin niyo na. Naka-ready na ako to record this!”Sa tindi ng galit at paninigaw ni Khalil ay tuluyan nang nawala ang kahit anong guilt o init ng loob sa puso ni Jess. Hindi na siya nakapagpigil kaya sinampal niya si Eloisa ulit.“May ginawa kang kahiya-hiya, tapos may gana ka pang ibato ‘yan sa iba?”Oo, siya nga ang naglagay ng gamot. So what? Kaya niya lang ginawa ‘yon ay dahil si Eloisa ang unang nagkulang. Kung hindi lang siya nakipag-away kay Khalil ay hindi sana siya
Halatang litong-lito pa rin si Khalil. Napakunot ang noo niya habang tanong niya, “Bakit hindi ako pwedeng nandito?”“Narinig kong hindi maganda pakiramdam ni Eloisa. May kailangan lang akong tapusin kahapon kaya napaalis ako agad. Ngayon lang ako nakabalik para kumustahin siya. Bakit, may nangyari ba?”Agad namang may pinadala ang program team para magpaliwanag, pero halatang kabado si Carla at hindi alam ang gagawin. Pilit niyang ngumiti habang tanong, “So... Khalil, hindi mo pala nabisita ang ate ko kagabi?”Lalong lumalim ang pagdududa sa mga mata ni Khalil. “Oo.”Paglingon niya, napansin niya ang mga kakaibang tingin ng mga tao sa paligid. Parang bigla niyang naisip kung ano ang pinapahiwatig ng mga ito. Bumigat ang expression niya, at ang gwapong mukha niya ay biglang dumilim.Nagkunwaring kalmado si Carla. “Khalil, huwag kang mag-alala. Naniniwala akong hindi magagawa ng ate ko ang ganiyang bagay. Siguro may hindi lang pagkakaintindihan. Baka nalasing lang siya kagabi. Hintayin
Kinabukasan ng umaga, mas maaga kaysa dati nagising si Eloisa.Napabalikwas siya ng bangon, hawak pa ang kumot habang tulala ang tingin sa paligid. Walang laman ang isip niya, parang na-reset ang buong sistema ng katawan niya.Gusot ang mga sapin ng kama, magulo ang ayos ng suot niyang damit, at katabi pa rin niya si Josh na mahimbing na natutulog.Mapula-pula pa rin ang balat niya sa ilang parte, lalo na sa leeg at balikat. Mga halatang bakas ng nangyaring hindi niya matandaan. May mga manipis pang gasgas sa may abs ni Josh, halatang galing sa mga kuko niya.Napakabilis ng kilos niya habang tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Hindi siya makapaniwala. Parang may parte sa sarili niyang hindi niya makilala.Pinilit niyang balikan sa isip ang mga huling nangyari bago siya mawalan ng ulirat. Ang huli niyang maalala ay noong ikinulong siya nina Jess at Kenneth sa kwartong ito.Hindi lang siya ikinulong. Binigyan pa siya ng gamot. At pagkatapos nun, wala na. Blanko. Parang binura a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments