"At ikaw, William, huwag ka nang makialam!" sigaw ni Lance. "Alam kong pinagtatakpan mo lang siya. Lumabas ka na sa opisina ko bago pa ako tuluyang mawalan ng kontrol!"
Napabuntong-hininga si William at tumayo. "Sana maisip mo kung gaano kahalaga si Apple sa'yo bago pa mahuli ang lahat," huling sabi nito bago tuluyang umalis.
Paglabas ni William, ang tensyon sa loob ng opisina ay tila sumabog. Humarap si Lance kay Apple, ang malamig na ekspresyon sa mukha niya ay nagbigay ng lalong bigat sa sitwasyon.
"Sabihin mo sa'kin, Apple," mariing tanong ni Lance, "bakit mo ginawa ito? Ano ba ang kulang sa'kin?"
"Hindi ko ginawa ito, Lance!" sigaw ni Apple. "At kung kulang ka, bakit ako magtatagal sa'yo? Mahal kita, Lance, at kahit anong sakit ang idulot ng pagdududa mo, hindi kita kayang iwan!"
"Ang pagmamahal na walang tiwala ay walang halaga, Apple," malamig na sagot ni Lance. "At ngayong wala na akong tiwala sa'yo, anong halaga pa ang pagmamahal mo?"
Tumulo ang luha ni Apple, ngunit hindi siya sumuko. "Kung gano'n ang iniisip mo, hayaan mo akong patunayan ang sarili ko. Sabihin mo sa'kin kung paano kita mapapanatag, Lance, dahil hindi ako susuko."
Ngunit tila ba sarado na ang puso ni Lance. Tumalikod siya, iniwasan ang tingin ni Apple. "Wala ka nang kailangang gawin, Apple. Ang ginawa mo ay sapat na para ipakita sa'kin na hindi ka karapat-dapat."
Muling naglakas-loob si Apple. Lumapit siya, kinuha ang kamay ni Lance, ngunit agad itong iniwas. "Lance, pakiusap, pakinggan mo ako. Kung talagang mahal mo ako, bigyan mo ako ng pagkakataong ipakita sa'yo ang totoo!"
Tinitigan siya ni Lance, ang mga mata nito ay puno ng galit at sakit. "Paano kung wala na akong lakas para bigyan ka pa ng pagkakataon?" tanong niya, ang boses nito ay halos pabulong.
"Kung gano'n," sagot ni Apple habang humihikbi, "ako ang gagawa ng paraan para buuin muli ang tiwala mo. Dahil kahit anong mangyari, mahal kita, Lance. At hindi ako titigil hangga't hindi mo nakikita ang totoo."
Sa halip na sagutin si Apple, humakbang si Lance papunta sa pintuan ng opisina. Tumigil siya saglit at sinabi nang walang emosyon, "Lumabas ka na, Apple. Wala na akong masasabi pa."
Iniwan niya si Apple, luhaan at sugatan ang puso. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi siya sumuko. Hindi siya maaaring sumuko, dahil alam niyang sa kabila ng galit at sakit ni Lance, naroroon pa rin ang pagmamahal na minsang nagbuklod sa kanila.
Pag-uwi ni Apple, isinulat niya muli ang liham na dati pa niyang inihanda para kay Lance. Alam niyang hindi sapat ang mga salita, ngunit ito na lamang ang paraan upang maipakita niya ang lahat ng nararamdaman niya.
"Alam kong mahirap na akong paniwalaan," sabi niya habang binabasa ang isinulat. "Pero sa pagkakataong ito, hindi ako susuko. Mahal kita, Lance, at kahit gaano pa kasakit, ipaglalaban kita."
Kinabukasan, tumayo si Apple sa harap ng bahay ni Lance. Nasa kamay niya ang sulat, ngunit sa puso niya ay ang pangarap na sana, sa pagkakataong ito, mabuksan na ang pinto ng tiwala ni Lance. Nanginginig ang kanyang mga kamay, hindi niya alam kung sa takot o sa kabigatan ng sitwasyon.
Malalim siyang huminga bago tuluyang kumatok sa pinto. Isang saglit na katahimikan ang bumalot, tila bumagal ang oras. Sa bawat segundong lumilipas, ang kaba sa kanyang dibdib ay lalong lumalakas. Nang marinig niya ang pagkaluskos mula sa loob, hindi niya mapigilang ipikit ang kanyang mga mata at magdasal.
Pagbukas ng pinto, bumungad si Lance. Ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha ay tila nagsasabing wala siyang balak makipag-usap. "Anong ginagawa mo dito, Apple?" malamig niyang tanong, hindi man lang siya tinawag sa palayaw na dati’y puno ng pagmamahal.
"Lance..." simula ni Apple, hawak ang liham na tila nagbibigay sa kanya ng lakas. "Kailangan kong makausap ka. Pakiusap, bigyan mo lang ako ng ilang minuto."
"Ano pang dahilan para mag-usap tayo? Hindi ba malinaw na tapos na tayo?" tugon ni Lance, ang boses nito ay puno ng galit at hinanakit.
Ngunit hindi natinag si Apple. "Hindi pa tapos, Lance. Hindi ito matatapos ng ganito. Alam kong galit ka, pero kailangan mo akong pakinggan. Ito na ang huling pagkakataon ko."
Tinitigan siya ni Lance, halatang nag-aalinlangan kung papasukin siya o hindi. Sa huli, umiling ito at bahagyang binuksan ang pinto. "Sige. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Pero huwag kang umasa na magbabago pa ang isip ko."
Pumasok si Apple sa loob ng bahay, na puno ng mga alaala nilang dalawa. Sa bawat sulok ng silid ay tila naroon pa rin ang mga masayang sandali nila noon, mga tawanan, kwentuhan, at plano para sa hinaharap.
Lumapit siya sa mesa at inilapag ang sulat, ngunit hindi pa rin niya binitawan ito. "Lance, hindi ako nandito para magsinungaling o magpalusot. Gusto ko lang ipaliwanag ang lahat—ang totoo. Alam kong nasaktan ka, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong linisin ang pangalan ko."
Tumawa si Lance, ngunit puno ng panunuya ang tunog. "Linisin ang pangalan mo? Apple, nakikita ko pa rin sa harap ng mga mata ko ang larawan ng kasama mo sa jewelry shop. Akala mo ba madali kong makakalimutan iyon?"
"Hindi mo alam ang buong kwento!" sigaw ni Apple, hindi na mapigilan ang emosyon. "Ang lalaking nakita mo, hindi ko siya kilala nang personal! Tumulong lang siya sa akin dahil may problema ako noon. Hindi iyon ang iniisip mo, Lance!"
"Hindi mo siya kilala pero nagpunta kayo sa jewelry shop?" sarkastikong tanong ni Lance. "Anong klaseng kwento iyan, Apple? Ang ganda ng pagkakagawa, pero hindi ako naniniwala."
Napahawak si Apple sa kanyang noo, pilit na pinapakalma ang sarili. "Ang singsing na iyon, Lance, hindi para sa akin. Para iyon sa isang kaibigan na naghahanap ng regalo para sa kasintahan niya. Humingi siya ng tulong, at dahil nagkataon na malapit lang ako, sumama ako. Wala akong iniisip na masama noon dahil ang iniisip ko lang ay ang tulungan siya."
"Kaibigan? At ngayon, ako pa ang nagmumukhang tanga?" Bumuntong-hininga si Lance, lumapit sa bintana, at iniwas ang tingin kay Apple. "Alam mo ba kung gaano kasakit makita kang kasama ng ibang lalaki? Alam mo ba kung paano ako nawasak dahil sa mga nakita ko?"
"Mahal kita, Lance," pabulong na sabi ni Apple, ang mga luha ay tahimik nang dumadaloy sa kanyang pisngi. "At kahit masakit na iniisip mong sinaktan kita, hindi ko kailanman kayang gawin iyon. Ang tanging kasalanan ko lang ay hindi agad sinabi ang totoo."
Nagsimula nang mangilid ang luha ni Apple. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan, inilapit ang sarili sa kanyang ama, tila ba handang saluhin ang bawat salitang lalabas sa bibig nito.“Ang pinakamasakit sa puso ng isang ama ay ‘yung makitang ang anak niya ang gumagawa ng mga bagay na dapat siya ang gumagawa. Ikaw ang naging breadwinner. Ikaw ang nagtaguyod ng ating pamilya, Apple. Ako dapat ‘yon. Ako ang dapat nagsusuporta, nagbibigay, lumalaban para sa ‘yo. Pero ikaw ang tumayo sa lugar ko—sa batang edad, sa gitna ng pagkawasak ng negosyo, sa pagkawala ng nanay mo.”Napapahawak sa dibdib si Rodrigo habang pinipigil ang paghikbi.“Alam kong nagkulang ako. Alam kong hindi ko naibigay ang lahat ng gusto mo. Hindi kita nadala sa mga amusement park. Hindi ko nabili ang mga mamahaling gamit mo noon. At ngayong ganito na ako, sa wheelchair na lang, minsan makakalimutin pa, hindi ko alam kung paano ko pa mababayaran lahat ng pagkukulang ko sa’yo.” Tahimik ang lahat. Marami ang napapahid na
“Ikaw, Lance, tinatanggap mo ba si Apple bilang katuwang mo habang buhay—bilang asawa, ina ng inyong mga anak, at ilaw ng inyong tahanan?”“Yes, Father. Kahit magunaw pa ang mundo, kahit anong mangyari, tinatanggap ko siya—buong-buo.”Napahawak si Mia sa dibdib niya habang pinapahid ang luha. Si Amara ay nakangiti habang tinatapik ang braso ng kanyang Mommy.“Ibinibigay ko sa’yo ang singsing na ito,” wika ni Lance habang isinusukit ang singsing sa daliri ni Apple, “bilang tanda ng aking pag-ibig—na hindi mamamatay, kahit mamatay pa ang panahon.”Hawak ni Apple ang singsing, pinasok ito sa daliri ni Lance.“At tinatanggap ko ito,” malambing niyang sabi, “bilang tanda ng pagmamahal na hindi magmamaliw, habang may hininga, habang may tibok ang puso ko.”“Kaya’t sa ngalan ng Diyos...” sambit ng pari, “Ipinapakilala ko sa inyo, ang bagong mag-asawa—Mr. and Mrs. Lance and Apple Martin!”Nagpalakpakan ang buong chapel.Tumayo si Lance at marahang hinalikan si Apple sa harap ng altar. Isang h
Hawak ni Lance ang ring pillow ni Lucien habang pinapatungan ito ng maliit na teddy bear para hindi mag-iyak ang bata.Nang tumugtog ang bridal march, nagsimula nang lumakad si Apple, hawak-hawak ang kamay ng kanyang ama. Mabagal ang bawat hakbang, bawat pulgada ay parang isang hakbang palabas sa sakit ng nakaraan at papasok sa yakap ng pag-ibig.Lahat ay napatingin.Si Lance ay naluha nang makita si Apple. Parang hindi siya makahinga.Nang makalapit si Apple sa altar, ibinaba ni Rodrigo ang kanyang kamay sa tuhod ni Lance.“Ingatan mo ang anak ko,” bulong niya.“Pangako po,” sagot ni Lance. “Sa habang buhay.”Nag-umpisa ang seremonya sa panalangin. Si Father Benjamin, ang pari na matagal nang kaibigan ng pamilya ni Lance, ang nagkasal.“Ngayong araw na ito, pinagbubuklod natin hindi lang dalawang tao, kundi dalawang pamilya. Isang babae na matatag, isang lalaki na totoo, at dalawang inosenteng batang naging bunga ng mga naunang kwento—si Amara at si Lucien.”Habang binibigkas ang vow
“Bes, gusto mo bang practice natin yung walk mo mag-isa?” alok ni Mia.Tumango si Apple. “Sige. Para ready na ako bukas.”Tumayo siya muli sa simula ng aisle. Inayos ni Mia ang train ng kanyang practice gown, habang si Amara at baby Lucien ay nakaupo sa gilid, pinapanood ang kanilang Mommy.Muling tumugtog ang instrumental music.Tahimik ang paligid habang si Apple ay dahan-dahang naglakad.Sa bawat hakbang niya, may alaala siyang bumabalik—ang dating si Apple na takot magmahal muli, ang mga gabing umiiyak sa unan, ang mga panahong mag-isa niyang pinapalakas ang sarili.At ngayon, bawat hakbang ay pagbitaw sa sakit at pagsalubong sa panibagong yugto.Pagtapak niya sa altar, sasalubungin siya ni Lance, ni Amara, at ni baby Lucien.Hindi man ito ang "traditional family," ito ang pamilyang pinanday ng pag-ibig.Pagkatapos ng rehearsal, nagyakapan ang buong entourage.“Tomorrow’s the big day,” ani Mia.“At ready na kami,” sagot ni Apple, “dahil pinaglaban namin ‘to—hindi lang sa altar, ku
Isang hapon bago ang kasal, nasa loob ng isang mala-fairy tale na events venue sina Apple, Lance, Mia, at ang wedding entourage para sa walk rehearsal. Ang araw ay maaliwalas, may kaunting hangin, at ang langit ay kulay lavender—tila ba ipinagdadasal na maging perpekto ang kinabukasan.Ang aisle ay dinisenyong may pa-arc na bulaklak, puting petals sa sahig, at hanging drapes sa magkabilang gilid. May maliliit na fairy lights na nakakabit sa paligid, at sa dulo ng aisle ay may altar na yari sa kahoy at ginto—simple pero elegante.“Ayos ba, bes?” tanong ni Mia kay Apple habang sabay nilang pinagmamasdan ang venue.“Para akong nananaginip,” sagot ni Apple, bahagyang kinakabahan. “Pero ngayon ko na-realize... ang layo na ng narating ko.”“Deserve mo ‘to,” sagot ni Mia habang pinisil ang kamay niya. “Kaya ngayon, practice tayo. Sa actual day, bawal mag-panic!”“Wait lang, nasaan sina Amara at baby Lucien?” tanong ni Apple, nag-aalala.“Doon sa gilid. Pinapractice na rin ni Lance,” sagot ni
Isang linggo bago ang kasal, abalang-abala si Mia sa pag-aasikaso ng once-in-a-lifetime wedding ng kanyang matalik na kaibigan at business partner—si Apple Imperial. Sa loob ng eleganteng showroom ng Wedding Imperial, isang bridal boutique na bunga ng kanilang pinagsikapan, masayang nagkukulitan ang dalawa habang sinusukat ni Mia ang wedding gown ni Apple."Mia, parang masikip yata 'to," reklamo ni Apple habang hawak ang baywang ng gown.“Taba lang ‘yan ng kilig!” sagot ni Mia, sabay pitik sa bewang ni Apple. “Huwag ka ngang maarte, konting diet lang, pasok ka diyan.”“Hoy! Hindi ako maarte, realistic lang,” natatawang sagot ni Apple habang nakatayo sa harap ng salamin, suot ang puting gown na may detalyeng lace at makintab na perlas.Hindi rin napigilan ni Mia ang mapatitig—para siyang naiiyak. “Grabe, Apple. Ang ganda mo. Hindi lang dahil suot mo ‘yan, kundi dahil... para kang bride na pinangarap kong bihisan mula noon pa.”"Drama mo na naman," biro ni Apple, pero kitang-kita sa mat