Home / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 4

Share

Seductress Unforgotten Chapter 4

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2024-12-18 15:58:27

Napailing si Apple, pilit na nagpapaliwanag. "Lance, hindi iyon ganoon. Hindi mo naiintindihan. Nagpunta ako roon dahil tinulungan ko lang siya para sa kapatid niyang ikakasal!"

"Talaga? Ganoon na ba kababaw ang paliwanag mo? Sa tingin mo, maniniwala pa ako sa’yo?" sagot ni Lance, bumibigat ang bawat salitang binibitawan niya.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Apple. "Lance, mahal kita. Bakit ko gagawin iyon? Bakit ako maghahanap ng iba kung ikaw lang ang gusto ko?"

Tumahimik si Lance. Sa kabila ng lahat, ramdam niya ang katapatan sa boses ni Apple. Ngunit ang sakit ay masyadong sariwa pa.

"Hindi ko alam kung paano pa kita pagkakatiwalaan, Apple. Sobrang mahal kita, pero hindi ko kayang balewalain ang nakita ko," mahinang sabi ni Lance.

"Lance, please... Bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sa'yo na mali ang iniisip mo," pagsusumamo ni Apple.

Ngunit umiling si Lance. "Kailangan ko ng oras. Kailangan ko ng espasyo para makapag-isip. Wala akong tiwala sa'yo ngayon."

At sa pagkakataong iyon, alam ni Apple na hindi sapat ang mga salita para maayos ang lahat. Kailangang patunayan niya kay Lance na ang pagmamahal niya ay totoo.

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ni Apple, isang bagay ang malinaw sa kanyang puso: hindi siya susuko. Alam niyang si Lance ang lalaking mahal niya higit kanino man, at gagawin niya ang lahat para maibalik ang tiwala nito.

Pagkatapos ng pag-uusap nila, iniwan niya ang conference room nang hindi na lumilingon. Hindi niya kailangang ipilit ang sarili sa sandaling iyon. Alam niyang kailangan ni Lance ng oras—at oras din ang kailangan niya upang mapatunayan ang kanyang pagmamahal.

Narinig ni Lance ang sinabi ni William, ngunit sa halip na maniwala, lalong umigting ang galit sa kanyang puso. Ang bawat salita ni William ay parang karayom na tumutusok sa kanyang pride. Sa kabila ng mga paliwanag nito, nanatili siyang nagdududa.

"Huling-huli na kita, Apple, sa jewelry shop," mariing sabi ni Lance, ngunit ang malamig na tingin niya ay nakatuon kay William. "At ngayon, sinasabi mong wala? May gana ka pang magsinungaling sa harapan ko!"

"Hindi ako nagsisinungaling, Lance!" giit ni William, ngunit bago pa siya makapagpatuloy, tumayo si Lance mula sa kanyang upuan, ang pagkakaipit ng kamao nito ay nanginginig sa galit.

"Alam mo ba kung ano ang pinakakinamumuhian ko, William?" tanong niya, puno ng panunuya ang boses. "Ang mga taong nagtatangkang gawing tanga ako. At ikaw, kasabwat ni Apple, ginawa n'yo 'yon!"

"Hindi ko intensyon na gawing tanga ka, Lance," depensa ni William. "Kung mahal mo si Apple, bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag? Bakit hindi mo siya hayaan na magsalita para sa sarili niya?"

Ngunit hindi natitinag si Lance. "Binigyan ko siya ng pagkakataon," mariin niyang sagot. "At wala akong narinig kundi mga kasinungalingan. Kung talagang mahal niya ako, bakit hindi niya agad sinabi ang totoo?"

Nagpatuloy si William, desperado nang makumbinsi si Lance. "Lance, hindi mo ba nakikita? Mahal ka ni Apple! Kung hindi, bakit niya patuloy na sinusubukang ayusin ang lahat? Kung hindi, bakit siya nandiyan pa rin kahit nasasaktan siya dahil sa mga akusasyon mo?"

Walang nagawa si William kundi sumunod. Paglabas niya ng opisina, iniwan niya ang isang huling paalala. "Lance, ang pride mo ang pumapatay sa pagmamahalan ninyo. Sana, bago pa mahuli ang lahat, makita mo ang totoo."

Ngunit hindi natapos doon ang galit ni Lance. "At isa pa, William, hindi ikaw ang kasama ni Apple sa jewelry shop! Ibang lalaki iyon, at lalong hindi ikaw! Pagtatakpan mo pa ang taksil mong kaibigan? Tama na! Pwede ba, umalis na kayo sa opisina ko?" galit na sabi nito.

Lumapit si Apple upang magpaliwanag, ngunit umatras si Lance, tila ayaw nang marinig ang anumang sasabihin niya.

Samantala, si Apple ay patuloy na sinusubukang ayusin ang relasyon nila ni Lance. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagsisikap, tila walang patutunguhan ang mga ito. Nang makatanggap siya ng mensahe mula kay William tungkol sa nangyari sa opisina, parang gumuho ang mundo niya.

"Ano pa bang dapat kong gawin?" tanong niya sa sarili habang hawak ang sulat na matagal na niyang inihanda para kay Lance.

Napayuko si Lance, ngunit ang galit ay nananatiling buhay. "Lumabas ka na, William," malamig niyang utos. "Hindi ko kailangan ang mga paliwanag mo."

Walang nagawa si William kundi sumunod. Paglabas niya ng opisina, iniwan niya ang isang huling paalala. "Lance, ang pride mo ang pumapatay sa pagmamahalan ninyo. Sana, bago pa mahuli ang lahat, makita mo ang totoo."

"Lance!" sigaw ni Apple, hindi na mapigilan ang panginginig ng kanyang boses. "Wala akong kasalanan! Hindi ako ang iniisip mo. Hindi mo ba ako kilala? Wala akong ginawa para saktan ka!"

Humakbang si Lance papalapit, ngunit bigla rin siyang tumigil, itinaas ang kamay para pigilan si Apple sa anumang paliwanag. "Kilalang-kilala kita, Apple. At iyon ang masakit! Akala ko totoo ka. Akala ko ikaw na ang babae na hindi magagawang lokohin ako."

"At hindi kita niloko!" sagot ni Apple, namumula na ang mukha sa awa at galit. "Kung may nakita kang kasama ko sa shop na iyon, hayaan mong sabihin ko sa'yo kung sino siya! Pero, Lance, Oo inaamin ko!hindi si William, at lalong wala akong ginawang masama!"

Puno ng panunuya ang ngiti ni Lance habang tumalikod siya at tumingin sa bintana ng kanyang opisina. "Walang kasalanan, pero nakita ko na sweet kayo ng lalake mo. May nakita akong bracelet na pinapasuot sayo, Apple. Ano 'yon? Sorpresa ba? Para sa ibang lalaki?"

"Belated birthday gift niya lang yun para sakin,Lance pero walang kami!"sagot ni Apple,halos mapasigaw. Lumapit siya,

ngunit umatras si Lance, na tila ba anumang paglapit niya ay magpapabagsak sa pader na itinayo nito sa pagitan nila.

"Ang dami mong paliwanag!" galit na tugon ni Lance. "Alam mo kung ano ang problema, Apple? Hindi ka marunong magsabi ng totoo. Kaya ngayon, sabihin mo sa'kin—sino ang lalaking iyon?"

Napaluha si Apple, pero matapang niyang itinaas ang kanyang mukha upang tingnan si Lance. "Wala akong relasyon sa sinumang lalaki, Lance. Hindi ko alam kung bakit mo ito iniisip, pero kung may nakita ka, sana tanungin mo muna ako bago mo ako husgahan!"

"Binigyan na kita ng pagkakataon," malamig na sagot ni Lance. "Pero ikaw na rin ang sumira sa tiwala ko. Sa tingin mo, madali lang para sa akin na magkunwari na walang nangyari?"

Si William, na matagal nang tahimik, muling nagsalita. "Lance, tama na. Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ni Apple? Kung mahalaga pa siya sa'yo, dapat mong pakinggan ang paliwanag niya."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Seductress Unforgotten   I'm Crazy For You Chapter 241

    Sa labas ng bahay, tanaw niya mula sa bintana ang asul na langit ng Quezon—malinis, tahimik, at tila ba may bagong simula. Ang hangin ay may halong amoy ng damo at palayan, at sa di-kalayuan ay maririnig ang tawanan ng mga batang naglalaro.Pinagmasdan niya ang kambal na masayang tumatakbo papunta sa lolo nila habang buhat-buhat ni Ralph ang ilang supot ng tinapay galing bayan. Napangiti siya—mahina, pero totoo.Hindi pa man tuluyang nawawala ang sakit, alam niyang hindi siya nag-iisa. May pamilya siyang handang saluhin siya. May kaibigan siyang muling bumalik. At higit sa lahat, may mga anak siyang siyang inspirasyon para magpatuloy.Sa kabila ng lahat ng iniwang sugat ng nakaraan, marahang sinimulan ni Cherry ang paghilom.At sa kaibuturan ng kanyang puso, umaasa siyang darating din ang araw na wala nang kahit anong pangalan ang magpapatigil sa tibok ng kanyang puso.Lalo na ang pangalang matagal na niyang pilit kinakalimutan—Jal Pereno.“Mama, laro po tayo,” masiglang sigaw ni Mike

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 242

    Kinaumagahan.Maagang dumating si Nathan sa bahay ni Lance. May dala siyang simpleng bouquet ng bulaklak para kay Apple—hindi para sa isang espesyal na okasyon, kundi para sa simpleng pagdalaw at pagpapakita ng malasakit. Nakangiti siyang bumaba ng kotse, ngunit agad napawi ang ngiti nang makita ang tanawin sa tapat ng pintuan.Nasa labas na si Apple, bitbit ang maliit na bag ni Amara. Si Amara naman ay karga-karga ni Lance, habang nakasunod sa kanyang ina. Mula sa malayo, para silang isang buong pamilya.Isang larawan na pumunit sa puso ni Nathan.Napahinto siya sa paglalakad. Napakurap. Pilit pinigil ang kirot sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit, pero may biglaang bugso ng emosyon sa kanyang puso. Para siyang bata na naiwang nakatingin sa laruan na hindi niya nakuha.Si Apple ang mundo niya. At ngayon, parang hindi siya bahagi ng mundong iyon.Nang mapansin ni Apple si Nathan, agad itong ngumiti. “Oh, Nathan. Maaga ka.”Lumapit si Nathan, halatang may tensyon sa kilos. Tumingin siy

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 241

    Tahimik ang buong bahay.Walang hagikhik ni Monica. Walang yabag niya sa kusina habang inaasikaso ang kakainin ni Lance. Wala ang ngiti niya sa sala, o ang halakhak niyang paulit-ulit na pinapaalala kay Lance kung gaano siya kaswerte. Ang tanging naroroon ay ang malambot na pag-iyak ng isang sanggol—mahina, pilit na isinisigaw ang presensya sa mundong bago sa kanya.Bakas sa bawat sulok ng bahay ang iniwang alaala ni Monica.May nakasabit pa ring apron niya sa may kusina. May baso sa lababo na tila siya pa ang huling gumamit. Sa isang sulok ng sofa ay naroon ang maliit na unan na madalas niyang yakapin habang nanonood ng mga paborito nilang drama.Tahimik si Lance habang binubuksan ang ilaw sa silid nilang mag-asawa. Nanginginig ang mga kamay niya habang buhat-buhat si Lucien, na ngayon ay tulog na sa kanyang dibdib.Walang kasama. Walang Monica.At ngayong gabi—unang gabi—siya na lang ang natitirang magulang.Maingat niyang inihiga si Lucien sa maliit na crib na inilagay niya sa tabi

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 240

    Sa isang iglap, tila bumigat ang paligid. Napatitig si Lance sa kanya, tila nais magsalita pero pinipigil ang sarili. Ilang segundo ang lumipas bago niya nabigkas ang susunod na mga salita.“Alam mo Apple… hindi ako nagkulang.” May bahid ng hinanakit ang tinig niya. “Pinaglaban kita. Hindi ko agad sumuko. Ikaw lang ang sumuko sa atin. Hindi mo ako binigyan ng pangalawang pagkakataon.”Napayuko si Apple. Hindi dahil nahihiya, kundi dahil pagod na siyang balikan ang nakaraan na ilang ulit na niyang pinatawad—kasama ang sarili niya.“Lance… tapos na sa atin,” mahinahon ngunit matatag niyang sagot. “Nag-asawa ka na. Nag-move on na tayo, pareho. Bilang co-parents ni Amara, naging magkaibigan tayo… kahit hindi naging madali sa simula. Kinalulungkot ko ang nangyari. Ang pagkawala ni Monica.”Napapitlag silang lahat nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok si Rene at Rowena Lennon, ang mga magulang ni Monica, kapwa nakaitim. Ang mata ni Rowena ay namamaga pa sa kaiiyak, habang si Rene

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 239

    Nang tuluyan nang mahawakan ni Amara si Lucien, napabuntong-hininga siya. "Ang liit-liliit niya, Mama."“Oo,” sagot ni Apple, nilalambing ang buhok ng anak. “Ganyan ka rin dati. Maliliit ang kamay, mahina, pero napakatapang.”Tahimik si Amara sa ilang saglit. Pinagmasdan niya si Lucien na natutulog sa kanyang mga bisig, parang isang anghel na walang bahid ng gulo ng mundo. Walang alam sa pinagdaanan ng kanyang ina, at sa bigat ng mundo ng mga matatanda.“Hindi na siya iiyak, ‘di ba?” tanong ni Amara. “Kasi andito na tayo?”Napaluha si Lance sa tanong ng bata. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng isang patak ng luha. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa isang huling pagpapatibay na may liwanag pa ring natitira kahit sa gitna ng pagkawala.“Hindi na,” mahinang sagot niya. “Kasi nandiyan ka na, Ate Amara.”Napangiti si Amara sa tawag na iyon. “Ako na ang ate niya?”“Oo,” sagot ni Lance. “Ikaw ang magtatanggol sa kanya. Magtuturo ng tamang kulay sa crayon. Magbabasa ng kwento bago matulog.

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 238

    Maaga pa lang ay mabigat na ang langit. Abot-tanaw ang kulay abong ulap, at tila alam ng kalikasan ang lungkot na bumabalot sa araw na ito. Sa sementeryong payapa, sa ilalim ng isang tolda, naroon ang mga taong nagtipon upang magpaalam sa isang babaeng minahal at minura ng kapalaran—si Monica.Nakasuot ng itim si Apple, nakatayo sa hindi kalayuan. Hawak niya si Amara na ngayon ay mas tahimik kaysa dati. Hindi man lubos na nauunawaan ng bata ang kabuuan ng sitwasyon, dama nitong may malaking nawala. Sa tabi ni Apple ay si Nathan, tahimik lang ngunit laging nakabantay sa kanya—isang haligi sa panahong tila guguho na naman ang mundo.Nasa unahan si Lance. Nakasuot din ng itim, at habang hawak ang maliit na puting rosas, hindi maitago ang pamumutla ng kanyang mukha. Sa kanyang tabi, isang nurse ang may hawak kay Lucien—isang maliit, mahina ngunit malakas ang kabog ng pusong nilalang na piniling mabuhay sa kabila ng lahat.“Paalam, Monica…” bulong ni Lance habang ibinaba ang rosas sa ibaba

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 237

    Kinabukasan, sa Wedding Imperial.Nasa loob ng main office sina Apple at Mia, nakaupo sa harap ng kanilang table na puno ng planners, swatches, sample invitations, at mga resibo. Maraming bookings. May tatlong kasalang kailangang asikasuhin sa loob ng dalawang linggo. Pero kahit abala ang mga kamay, malayo ang isip ni Apple.“Apple, okay ka lang ba?” tanong ni Mia habang tinitingnan ang listahan ng suppliers.“Hmm? Oo naman.”“Lintek,” sabay irap ni Mia. “Kung ganyan ang itsura mo sa bride natin sa Sabado, baka i-book ka ng guest bilang extra sa drama.”Napatawa si Apple, kahit papaano. “Pasensya na. Wala lang talaga ako sa sarili.”“Ayaw mo munang magpahinga muna? Ako na muna sa meeting mamaya kina Mr. and Mrs. Cruz.”“Hindi, ako na. Kailangang bumalik ako sa momentum. Baka kasi habang iniiwasan ko ang personal kong problema, mas lalo lang akong malunod.”Tahimik na tumango si Mia. “Pero Apple, isa lang ang masasabi ko bilang bestfriend mo, hindi lang business partner. Hindi mo kaila

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 236

    Tahimik ang gabi. Mahinang humahampas ang malamig na hangin sa mga dahon ng punong mangga sa labas ng bahay. Bawat hakbang ni Apple papasok ng gate ay mabigat, parang bawat paa’y may kasamang pasaning alaala ng nakaraan. Para siyang binabalikan ng lahat ng sakit—ang pagkamatay ni Monica, ang pagkapanganak ni Lucien, ang muling paghaharap nila ni Lance… at ang hindi niya inaakalang tanong na bubulabog sa puso niya: Hanggang saan ba ang pakialam?Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya si Mia, ang matalik niyang kaibigan, business partner, at parang kapatid na niya. Nakaupo ito sa sofa habang buhat ang natutulog na si Amara. Halata sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nang makita si Apple, agad siyang tumayo, tila ba handang saluhin ang anumang emosyon na dala nito.“Apple,” mahina niyang tawag, “kakauwi mo lang ba galing ospital?”Tumango si Apple. “Nakita ko si Lucien. Ang liit niya, Mia… pero ang lakas ng tibok ng puso.”“Kamukha ba ni Monica?”Napangiti si Apple, kahit na nangingilid pa a

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 235

    Pagpasok nila sa NICU, bumungad ang malamig na hangin at ang mahinang tunog ng mga monitor. Doon, sa dulo ng silid, nakahiga si Lucien sa maliit niyang incubator. Marupok. Maliit. Walang muwang. Ngunit buhay.Lumapit si Lance. Pinagmasdan niya ang anak na tila natutulog sa gitna ng mga tubo at ilaw. Kinuha niya sa bag ni Apple ang stuffed lion at marahang inilagay sa gilid ng incubator.“Anak,” mahina niyang tawag. “Si Papa ‘to. Nandito ako.”Hindi na niya napigilan ang pag-agos ng luha. Dumaloy iyon nang kusa, parang ilog na bumaliktad sa dam. Inilapit niya ang mukha sa salamin ng incubator at marahang hinawakan ang gilid.“Patawad, anak,” bulong niya. “Kung hindi ko kayo naprotektahan. Kung hindi ko naisalba si Mama mo.”Napakagat-labi si Apple. Lumapit siya kay Lance at marahang hinawakan ang balikat nito. “Lance…”Hindi siya lumingon. Tuloy-tuloy ang luha sa kanyang mga mata. “Alam mo ba… araw-araw akong nagtatanong sa sarili ko. Bakit hindi ako ang nawala? Bakit siya pa?”“Walang

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status