Share

02

Kinabukasan pag gising ko ay nandito na sila Zaina at Chan ang bilis naman, si ate naman ay paalis na.

"Cleo gising kana pala, tumawag ka kapag may kailangan ka o may nangyari." Paalala niya saakin "Feel at home mga bunso" sabi naman niya kela Zaina at Chan.

Umalis na si ate si Chan at Zaina naman ay agad na niyakap ako "Hay nako sis na miss kana namin" sabi ni Chan saakin. "Nakapag enroll kana ba?" Tanong naman saakin ni Zaina.

Tumango ako, naka enroll na ako bago pa ako pumunta dito sa Maynila, "Sis gusto ko tikman yung takoyaki" sabi ni Chan saakin sabay hampas sa braso ko.

"Sige bibilhi ako mamayang alas kwatro" sabi ko naman sakanya "Sure kaba? Baka bumalik sakit mo?" Paninigurado saakin ni Zaina

"Trust me, I can. Naka mask ako" sabi ko at kinuha ang bitbit nilang gamit at dinala sa kanya kanyang kwarto

"Sure kaba kanya kanyang kwarto tayo?" Paninigurado saakin ni Zaina. "Oo nga sis, nakakahiya tiyaka nakaka takot" natatakot na sabi no Chan.

Ayos lang naman daw sabi nila mama na mag kanya kanya kaming kwarto, pero kung ayaw nila ano magagawa ko?

"Oh sige doon nalang tayo sa kwarto tutal malaki naman yon, paniguradong kasya tayo don" sabi ko kaya nag buhat ulit kami ng gamit nila papunta sa kwarto.

"Ayusin nyo na gamit nyo dyan sa may aparador, mag luluto lang ako" sabi ko sakanila at bumaba na, mapagkakatiwalaan ko naman sila.

Kapatid na ang turing ko sakanila, sila mama naman ay pamilya na din ang turing sakanila kaya ayos lang sakanila na dito sila tumira.

Habang kumakain ay may nasabi naman saakin si Chan. "Mag lakad kaya tayo mamaya dyan sa Dapitan?" Pag aaya nya na parang sigurado siya sa gagawin niya.

"Base on my research may malapit na milktea-han dito. Tara? Libre ko." Pag aaya din ni Zaina na siguradong sigurado "ano g kaba cleo?" Tanong saakin ni Chan

"Ngunit hindi pa ako nagagawi don pero alam ko kung saang kanto yon" sabi ko sakanila at sumubi ng pagkain. "Edi gora na tayo?" Tanong ni Chan at tumango naman ako.

"four pm na tayo pumunta para malamig lamig na" sabi ko sakanila at sumang ayon naman sila.

Si Chan ang nag hugas ng pinagkainan namin samantalang si Zaina naman ang nag linis, natulog lang kami after non.

Nagising ako ng bandang four pm pero tulog pa din sila, naisipan ko mag labas ng isusuot ko at mag bababad muna ako sa cr.

Medyo kabado pa din ako dahil lalabas nanaman ako ng bahay, muntik akong maka tulog sa bathtub buti nalang ay dumaan ang tren at nagising ako.

Nag bihis agad ako at pag labas ko ay naka handa na din sila Zaina, kinuha lang namin ang kanya kanyang cellphone namin at lumabas na.

Sa kabilang kanto kami dumaan dahil maluwag ang daan don at walang masyadong sasakyan na dumadaan, papalapit na kami sa may kanto ng Dapitan kaya kinabahan ako.

Nang maka rating kami ay nag lakad pa kami ng isang kanto at Vicente Cruz na, nandon ang milktea-han na tinutukoy nila.

Umupo ako at hinayaan sila ang umorder para saakin, winter melon ang saakin dahil iyon ang paborito ko.

Iniwan ni Chan si Zaina sa cashier at umupo sa tabi ko, "Malapit nalang ba dito ang UST?"  Tanong saakin ni Chan "Malayo layo pa yata pero kayang lakadin" sabi ko at dumating na si Zaina with our milktea.

"Sis ang ganda dito, dito nalang tayo lagi mag milktea" sabi ni Zaina "Basta ba libre mo palagi" biro ni Chan sabay hampas sa braso ni Zaina.

"Nga pala, bibilhi tayo takoyaki diba?" Tanong ni Chan kaya tumango naman ako "Ano pa hinihintay natin? Tara na" sabi ni Zaina.

Tumayo na kami at lumabas, nag lakad ng kaonti at nakarating na din sa may Cristobal.

"Anong sainyo?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Saakin cheese" sabi ni Chan.

"Saakin naman ay bacon" sabi ni Zaina at humigop sa milktea na hawak niya.

Sana all makakahigop ng milktea.

"Dalawa pong bacon at isang cheese" sabi ko sa nag titinda at nag luto na siya, nag tititigan lang kaming tatlo habang niluluto iyong takoyaki.

"Mag lakad tayo sa may gawing UST sa susunod" pag aaya ni Chan saamin kaya tumango naman si Zaina, samantalang ako ay naka tingin lamang sa nilulutong takoyaki.

Inilabas ko ang cellphone ko para mag i* story nung niluluto na takoyaki. Napapansin ko na napapatingin nanaman sakin yung nag luluto.

Bakit??

Nang maluto na ang takoyaki ay nag bigay ako ng bayad dito tiyaka kinuha ito, dumampi nanaman ang daliri niya sa kamay ko. Hindi ko nalang ito pinansin at kinuha ko na agad ang sukli.

"May iba paba kayong gusto? Tanong ko sakanilang dalawa, umiling naman sila parehas. "Tara uwi na tayo" pag mamadali ni Chan sabay hatak saming dalawa ni Zaina.

"Sis, pansin ko. Patingin tingin sayo yung nag titinda" sabi ni Chan sakin habang nag lalakad kami sa Prudencio

"Ayy true sis, kung matagal kana niyang kilala iisipan ko na-" bitin na sabi ni Zaina "Na?" Tanong naman ni Chan na nabitin din.

"Wala" sabi ni Zaina at ngumiti lang samin kaya tuluyan na kaming umuwi.

Pagka uwi namin ay inilagay ko sa lamesa ang takoyaki at binuksan ito, "yaan ang itsura ng takoyaki" sabi ko sakanila.

Hinati ko yon sa gitna at lumabas ang bacon, tumango naman sila at umupo na sa upuan para tikman iyong takoyaki.

Tinikman nila ito at ngumuya ng ilang beses tiyaka lumunok at humigop sa milktea nila.

"Masarap siya, hindi ko ine-expect na ganito ang lasa niya" sabi ni Chan na namamangha pa sa lasa, siguro hindi nga nya inaasahan iyon.

"Masarap siya, malabot, may gulay at bacon sa loob. Yung sauce niya sakto lang masarap, pati ang anghang. Its a 10 for me" sabi niya at sumubo ulit ng takoyaki.

Kung nagustuhan ko ay malamang magugustuhan din nila, after non ay tumambay lang kami sa balcony sa kwarto ko.

"Dalawin kaya natin sila James next week?" Biglang naisipan ni Chan, sila James ay kaibigan din namin.

Sila Kaithlyn, Johnray at Timothy ay kila James natutulog for good. Don't worry we're just tropa lang, siguro soon lilipat din dito si Kaithlyn pero doon daw muna siya dahil masarap ang miryenda doon.

"Nga pala sis" sabi ni Chan na may malalim na iniisip "Wala pala" kaagad na bawi niya.

Bigla kong naisip iyong nag titinda ng takoyaki, wala naisio ko lang.

Palagi niya nahahawakan ang kamay ko na hindi pansin ng ibang tao kung hindi ito titingnan ng mabuti, bakit?

Bakit may mga tingin siya na hindi ko inaasahan?

We will never know...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status