Share

Ikalabing-apat na Kabanata

“Naomi! Sandali!” sigaw nito at hinabol ako hanggang sa labas.

“Ano? Papatayin mo rin ba ako ha? Kagaya doon sa mga litratong may mga pulang marka? Bakit nandoon si Xian ha? Anong balak mo sa kaniya?” sunod-sunod na tanong ko rito habang patuloy lamang siyang nakahawak sa braso ko.

“Hindi mo ako naiintindihan Naomi!” sigaw niya na siyang dahilan upang mapangisi ako.

“Pwes, ipaintindi mo! Kaya ba ayaw mong may pumasok sa kwartong iyon sapagkat marami kang tinatago? Halos lahat ng tungkol sa akin ay alam mo Maxwell! Ta’s ang tanging nalalaman ko lang sa iyo ay ikaw ang asawa ko na hindi ko naman ginusto!” sigaw ko rito sabay hampas sa kaniyang dibdib.

“Pinagsisisihan mo ba ang nangyari sa atin Naomi?” tanong nito at binitawan ako.

“Oo! Pinagsisisihan ko ang lahat! Baka nga pakana niyo pa ang nangyaring pagguho ng site kaya nasa hospital ngayon si daddy!” sigaw ko rito at tinulak siya papalayo.

“Ha! Iniisip mo talaga na ganyan ako kasama? Pwes, may isasama pa ako! Huwag na huwag ka nang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status