Share

Ikalabing-siyam na Kabanata

Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahawak ako rito saka ko tinignan nang masama si Maxine. Itinaas nito ang kanang kilay niya saka ako nginisian.

“M-Maxine!” saad ko saka ko siya hinawakan sa braso.

“Huwag na huwag mo akong hahawakan! Traydor ka! Akala ko ba ay may pinirmahan ka nang kontrata? Ano pang silbi ng kontratang iyon kung makikipagkita ka pa rin sa kapatid ko? Nakipaghalikan ka pa talaga!” sigaw nito sa akin saka ako sinampal-sampal.

Napahawak ako sa dalawa kong pisngi habang patuloy pa rin nilang sinasampal. Tahimik lang akong umiiyak habang nakayuko at walang kalaban-labang napaupo sa sahig.

“Masakit ba? Ha Naomi? Masakit ba?” sigaw sa akin ni Shekinah, alam ko naman na sa kaniya na si Maxwell pero deserve ko ba ito?

Tumayo ako saka ko tinulak si Shekinah na siyang dahilan upang matumba siya. Nang mapahiga na ito sa sahig ay saka ko siya pinatungan sabay sabunot dito.

“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso para saktan ako? Higad ka! Kung tutuusin nga ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status