Divorced Wife's Protector Is Her Lawyer

Divorced Wife's Protector Is Her Lawyer

last updateLast Updated : 2025-10-15
By:  M. StoriesOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
150views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Aurelia Navarro gave her love, her time, her fortune—everything. Pero sa dulo, siya pa rin ang iniwan… ipinagpalit sa ibang babae. Dalawang taon siyang nagsakripisyo bilang asawa ni Matteo Navarro. Ngunit nang malugi ang Navarro Holdings na siya mismo ang nagpapatakbo ay siya rin ang sinisi, at nasira ang pangalan niya. Hanggang sa dumating ang misteryosong lalaki na nag-alok ng investment. “I can give you 5% of my shares,” sabi nito. Ngumisi si Aurelia. “Five percent? Keep it. I can build my own empire.” Walang nakakaalam na sa likod ng pangalang Aurelia Navarro ay nakatago ang tunay niyang pagkatao— isang major shareholder ng Gatchalian Inc., international professor, renowned painter, at ang pinakakilalang assassin sa underground world. At nang lumuhod si Matteo sa ilalim ng ulan para humihingi ng tawad, isang lalaking may itim na payong ang nakatayo sa tabi ni Aurelia. “Mr. Navarro, please leave,” malamig nitong sambit. “Who are you to her?” singhal ni Matteo. Emil smirked. “Atty. Emiliano De Rossi. I’m her lover.”

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Aurelia, let’s get a divorce.”

Parang biglang tumigil ang oras. Nakatayo si Aurelia sa gitna ng sala, suot ang maluwag na pajama at puting T-shirt, may hawak pang tasa ng kape na halos malaglag sa pagkabigla. Ang asawa niya, si Matteo Navarro ay nakatayo sa harap niya—neat as ever, naka-long sleeves at may suot pang wristwatch na regalo niya noong anniversary nila. Dalawang taon na silang kasal, at ngayong kakabalik lang galing ibang bansa ay ganito ang bungad?

“Divorce?” mahina niyang ulit, halos pabulong. “Anong—bakit?”

Tumingin si Matteo sa kanya, may halong paumanhin sa mga mata. Pero ang titig nito ay hindi nagtatagal. Para bang nahihirapan itong tumingin nang diretso sa kaniya.

“Clarisse and I are together.”

Natahimik siya. Narinig ni Aurelia ang mahinang pagpatak ng kape sa sahig. Dalawang segundo lang ang lumipas bago pumasok sa isip niya ang nais iparating ng asawa. 

Clarisse? Ang babaeng madalas niyang naririnig sa usapan sa bahay—ang “volunteer” na nakasama ni Matteo sa abroad noong kasagsagan ng pandemic.

Huminga siya nang malalim, pinilit pinatatag ang boses. “Hindi ba niya alam na kasal ka na?”

Tumikhim si Matteo. “Alam niya. Pero—things were complicated.”

Napahawak si Aurelia sa gilid ng mesa. Bumalik sa isip niya ang mga panahong pinili ni Matteo na mag-volunteer abroad. 

Dalawang taon na ang nakalipas nang sumiklab ang Covid-19. Noong panahong iyon, nagtatrabaho si Matteo sa ospital. Nang malaman nito ang paglala ng sitwasyon, agad nitong pinili na mag-abroad bilang volunteer upang magbigay ng tulong. Habang siya ay naiwan sa Pilipinas, hawak ang kumpanya ng Navarro Holdings na muntik nang bumagsak. At ngayon uuwing may iba na? 

Dalawang taon silang hindi nagkita, at ang sasabihin sa kaniya ay mag-divorce na lang silang dalawa?

“Isa siya sa mga volunteers at hindi niya deserve na maging mistress lalo pa at tagapagmana siya ng Aquino Enterprise. Gusto ko siyang pakasalan pagkatapos ng divorce natin,” paliwanag ni Matteo.

Nagtaas ng kilay si Aurelia. 

“So, tinago mo na may asawa ka tapos niligawan mo siya?” sarcastic na tanong niya.

Halos manlumo ang mukha ni Matteo.

“Hindi ko itinago...” Agad na itinanggi, halatang kinakabahan.

“So… all this time,” mahinahon niyang sabi, “habang ako, nagbabayad ng utang n’yo, nag-aalaga sa lolo mo, at inaasikaso ang pamilya mo—ikaw, nagmamahal na ng iba?”

Pinipigilan ni Matteo ang sarili, halatang nagpipigil ng irita. 

“Aurelia, huwag mong gawing complicated ang sitwasyon. Hindi mo naiintindihan e. Delikado noon, bawat araw nasa panganib ang buhay ko. Maraming beses na isinugal ni Clarisse ang buhay niya para iligtas ako. Magkasama kaming nakipaglaban sa pandemic. Over time, we fell in love with each other.”

Hindi siya makapagsalita, nakatitig sa kaniya si Matteo at pilit na ngumiti. 

“Aurelia, we got married in a hurry at wala tayong feelings sa isa’t isa. Kung hindi dahil tinulungan ng tatay mo ang lolo ko, hindi nangyari ang kasal natin. Clarisse and I are in love with each other.”

Parang may malamig na bagay na tumagos sa dibdib ni Aurelia. So that’s how it is.

“Walang feelings?” Napangisi si Aurelia ng mapait, halos hindi maitago ang sarcasm sa gilid ng kanyang labi. “Hindi ba sinabi sa akin noon, ‘I’ll make it up to you someday’? Hindi ba’t ikaw ang gumawa ng pangakong ‘yon? Kaya huwag kang magpanggap na pinilit kitang pumasok sa kasal na ‘to.”

Tumingin siya sa sahig, iniwas ang titig sa lalaki. Ang pangako ni Matteo ang nagbibigay sa kanya ng lakas para mabuhay dahil kahit kailan ay hindi naranasang mahalin kahit sa sariling pamilya.

Dahil sa utang na loob ay inako niya ang responsibilidad sa Navarro Holdings noong naharap ito sa financial crisis. Nag-invest siya sa shares, nag-aral ng business, economics, at management, at nagtrabaho araw at gabi para matulungan ang kumpanya na makabangon.

Nang nagkasakit ang lolo ni Matteo, siya ang nagsumikap maghanap ng kilalang doktor. Mahilig sa alahas, bags at dresses ang mother-in-law at sister-in-law niya kaya binibili niya ito kapag sinabi nilang gusto nila. Siya rin ang responsable sa lahat ng gastusin ng pamilya Navarro. Habang nagma-manage ng business, kailangan niya ring asikasuhin ang mga gawaing bahay.

Marami siyang ibinigay, pero ang nakuha lang niya ay, “we got married in a hurry at walang feelings sa isa’t isa.”

“I’m sorry hindi ko na matutupad ang pangako ko sa’yo, Aurelia. Kung hindi ko siguro nakilala si Clarisse, naging faithful husband ako sa iyo. Lolo was very pleased with you.” Namula ang mukha ni Matteo at nagpatuloy ito. “Kung tutuusin malaki rin ang utang na loob ko sa’yo. Pero hindi na puwedeng ganito. Clarisse and I are in love, and I can’t keep lying to her.”

Tahimik si Aurelia. Ramdam niya ang tibok ng puso sa tenga, ang unti-unting pamamanhid ng mga daliri niya.

“Fine.” Bumuntong hininga siya. “Pumapayag na akong mag-divorce tayo.”

Natigilan si Matteo. Hindi niya inasahan na gano’n kabilis papayag ang asawa. “Aurelia, sigurado ka ba? Hindi mo man lang—”

“Hindi mo kailangang magpaliwanag pa,” putol niya. “If that’s what you want, let’s make it official.”

Huminga nang malalim si Matteo.

“After ng divorce, mananatili ka pa ba sa bahay namin?” tanong nito matapos mag-isip sandali.

Nagtaas siya ng kilay, diretsong tinitigan ito. 

“We’re already divorced, Matteo. Ano’ng silbi ko kung mananatili pa ako ro’n?” Natatawang tanong ni Aurelia.

Nagkamot ito ng batok, halatang nahihiya. “Pwede kang manatili roon pansamantala pero Clarisse has promoted the research and development of anti-retroviral drugs at matagumpay na nakapasok sa AU International Medical Research Institute. I’m still in the probation period, at mananatili ako dito sa Pilipinas for good with her.” 

“Anti-retroviral drugs? Siya ba talaga ang nakilahok sa research and development?” tanong ni Aurelia, may halong pagkabigla sa tono.

Bakit hindi siya sinabihan?

“Oo.” Pagdating sa usapang AU International Medical Research, puno ng pride ang mga mata ni Matteo. “Si Clarisse ay isang genius sa medical field at expert sa drug research. Masyado siyang inosente at hindi bagay sa Navarro Holdings. Samantalang ikaw… natural ka sa corporate world kung saan maraming tuso at mapanlinlang. Kaya siguro laging kampi sa’yo si Lolo. ”

Nagpakita ng sarcasm si Aurelia. Nakakatawa lang na inisip niyang maaasahan ang lalaki.

Hindi napansin ni Matteo ang pagbabago sa ekspresyon ni Aurelia habang nagpapatuloy ito magsalita, “Gusto ko lang maging maayos lahat. As long as you stay at Navarro Holdings, bibigyan kita ng 1% share. Magkakaroon ka rin ng hundreds of thousands dividends buwan-buwan.”

Hindi napigilan ni Aurelia na tumaas ang kilay. 

“One percent?” ulit niya. “Gusto mong mag-divorce tayo, tapos gusto mo pa akong manatili sa kumpanya at ayusin ang gulo niyo? Ano iyon, magpapakahirap akong magtrabaho para sa’yo at sa pamilya mo? Saan mo nakukuha ang kakapalan ng mukha mo, Matteo?”

“Aurelia, don’t twist my words,” iritang sagot ni Matteo. “Gusto ko lang mag-compensate—”

“Compensate?” Umiling siya. 

“Bakit ka gagawa ng gulo? Kaya ng pamilya ko i-handle ang Navarro Holdings ng maayos kahit wala ka, Aurelia. Don’t think highly of yourself.” Halos galit ang mukha ni Matteo. “Ang AU Medical Research Institute ay world-class. Pinili namin ni Clarisse na mag-ambag sa bansa at maglingkod sa tao, habang ikaw ay nag-eenjoy sa luxurious life na tinamo dahil mag-asawa tayo. Kulang pa ba ang perang ibibigay ko sa’yo?”

“You can’t compensate for betrayal, Matteo. Hindi ito business deal.”

Napalunok si Matteo, hindi makasagot. Sa huli, siya ang unang umiwas ng tingin.

“Okay,” sabi niya. “If that’s how you want it.”

Kinuha ni Aurelia ang folder sa mesa, nilagay ang singsing sa ibabaw. 

At umalis siya.

Sa lobby ng Navarro Holdings ay naroon ang ilang empleyado, nagbubulungan habang dumadaan si Aurelia. Ramdam niya ang mga matang nakasunod sa kanya, pero hindi niya iyon pinansin. Hanggang sa huminto siya sa harap ng elevator at doon niya nakita ang isang lalaki.

Matangkad. Naka-itim na suit. Malinis ang gupit, may suot na salamin. Nakatayo ito sa gilid at hawak ang folder, tila hinihintay bumukas ang elevator. Nang magtagpo ang mga mata nila, sandali silang parehong tumigil.

“Good evening,” sabi ng lalaki, mahinahon pero may authority. 

Tumango siya. “Good evening.” 

Nagtaas ito ng kilay, parang nagulat sa tono niya. 

Bumukas ang elevator, at pareho silang pumasok. Tahimik ang loob, tanging tunog ng hum na nagmumula sa makina ang maririnig. Sa salamin ng elevator, nakita ni Aurelia ang repleksyon ng lalaki—seryoso, pero may kung anong kuryosidad sa mga mata.

“Excuse me,” tanong nito sa dulo, “are you alright?”

Ngumiti siya nang manipis. “I just lost a husband. You tell me.”

Hindi na nakasagot ang lalaki. Tumigil ang elevator sa ground floor. Habang palabas si Aurelia, naglakad din ito kasabay niya. Sa labas ng building, nag-abot sila ng tingin muli.

“Take care, Miss...” Tumikhim ito. 

“Arriola.” Ngumiti si Aurelia. “And you are?”

“Attorney Emiliano. But you can call me Emil,” sagot nito, sabay abot ng kamay. “I have a meeting upstairs.”

Hindi niya tinanggap ang kamay, pero nagtagpo ang mga mata nila nang matagal, sapat para maalala niya ang pangalang iyon.

“Attorney, huh?” sabi niya, bahagyang nakangiti. “Baka kailanganin kita soon.”

At naglakad siya palayo, habang nakatingin lang si Emil sa kanya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status