Chapter • Twenty One
Matapos ang sampung oras na byahe, tuluyan kaming tumapat sa West Gate ng syudad. Hindi ko na maipaliwanag ang halo-halong emosyong bumabalot sa puso ko.
Marahan kong hinaplos ang buhok ni Chad na tulog na tulog sa mga hita ko. Mataas na ang sikat ng araw kaya naaaninag na ng sinumang tumitingin sa loob ng sasakyan ang mukha ko. May ilang tila nabibigla. May ilang ngumingiti pero marami pa rin ang kumukunot ang noo gaya ng dati.
Pinili kong ituon ang tingin ko sa natutulog na si Chad. Hindi ko pa kayang pagmasdan ang Galum kahit ba tila ang laki na ng pinagbago nito.
"I'm sure matutuwa ang lahat kapag nakita ka. Hindi ko muna binanggit sa kanila ang tungkol kay Chad. Gusto kong maging surpresa ang bata." Ani Jomyl habang nakatingin sa akin mula sa rear view mirror.
Lumunok ako bago nagsalita. "Tungkol nga pala kay Chad, sana huwag mo na lang sabihin ang tungkol sa tatay niya. A-ayoko ring bigyan ng false h
Chapter • Twenty TwoKakasikat pa lang ng araw nang maisipan kong dalhin si Dad sa garden. Si Mom ang nagpresintang mag-alaga kay Chad habang nagpapahangin si Dad.Sa unang dalawang araw namin ni Chad sa Galum, naging maayos ang lahat. Hindi pa nagkukrus ang landas namin ni Vera magmula nang dumating kami. Ang sabi ni Mom, bumili ng sariling condo si Vera sa mismong sentro ng syudad at naging abala na rin ito sa pagpapatakbo ng negosyo. Mabuti na rin sigurong ganoon ang nangyayari. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang makaharap ulit.Maingat kong itinulak ang wheel chair ni Dad hanggang sa makapwesto kami malapit sa mga rose bushes. Naupo ako sa bench katabi ng wheel chair niya.Nabaling ang tingin ko kay Dad nang hawakan niya ang kamay ko."Nasabi mo na ba kay Alpha ang tungkol kay Chadler?"Pilit akong ngumiti. "Paano mo nalaman, Dad na si Pearce ang ama ni Chad?"Isang pagod na ngiti ang lumandas sa kanyang m
Chapter • Twenty ThreeHindi ako nakagalaw dahil sa mga salitang narinig ko sa aking isip. He's using his mind and our bond to talk to me. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ikatuwang naroon pa rin pala ang bond namin o dapat akong kabahan dahil sa dating ng mga salitang sinabi niya.Huminga siya ng malalim bago siya umatras. Hindi naputol ang seryosong titig niya sa akin hanggang sa tuluyan siyang nakalayo sa hagdan. Ibinaon niya ang kanyang mga palad sa bulsa ng kanyang pantalon saka siya tuluyang tumalikod para pumunta sa silid ni Dad.Bigla akong napabuga ng malalim na hininga. Nasapo ko ang noo ko. Doon ko lang napansing may namuo na palang mga butil ng pawis rito dala ng matinding kabang ipinaramdam sa akin ni Pearce.Muli akong napabuntong hininga. Limang taon na pero hindi nagbago ang epekto niya sa akin. Napakadali lang para sa kanyang iparamdam ang mga bagay na hindi ko naman nararamdaman mula sa iba.Naramdaman
Chapter • Twenty FourHalos hindi ako nakatulog ng maayos ng gabi dahil sa nangyari sa park. Hindi ko alam kung gaano katagal na hinayaan ko lang si Pearce na angkinin ang mga labi ko. Nang oras na kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay kaagad na akong umalis.Sa buong umaga, iyon lang ang tumakbo sa isip ko. Naiwan pa rin sa labi ko ang tamis ng halik na ilang taon kong pinanabikan pero kung papipiliin man ako, mas gusto ko na lang na hindi na maalala ni Pearce ang nangyari. Ayaw kong pagsisihab niya lang ang bagay na 'yon. Mas mabuti nang ako na lang ang makaalam na kahit sandali, naiparamdam ko ulit sa kanya na siya pa rin ang mahal ko sa kabila ng lahat ng nangyari.Matapos kong mabili lahat ng nakalista sa grocery list ay tuluyan ko nang itinulak ang lalagyan patungo sa mga kahera.Sandali akong napahinto nang isang lalake ang bigla na lamabg bumangga sa balikat ko. Nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig."S-sorry, M
Chapter • Twenty FiveNagising ako sa isang haplos sa aking noo. Pilit kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang nag-aalalang mukha ni Mom. Nakakunot ang kanyang noo at bakas ang pangingilid ng mga luha sa mga mata.Pilit akong bumangon at pinasadahan ng tingin ang silid. Tanging si Mom lamang at Jomyl ang naroroon kasama ko."Magpahinga ka na muna, Meiko. Baka mamaya ay mawalan ka na naman ng malay dahil sa epekto ng marka." Ani Mom.Pilit akong ngumiti. "Okay lang ako, Mom. Si Chadler, nasaan po siya?"Pagod na ngumiti si Mom. "He's in the other room. Pearce is putting him to bed."Bahagyang kumunot ang noo ko. "Si Pearce?"Tumango si Mom. Tila ba may makahulugan ang ngiting gumuhit sa labi niya.Pilit akong tumayo saka bumaba ng kama. Baka mahirapan lang si Pearce sa pagpapatulog kay Chad. Ayaw niyang iba ang nagpapatulog sa kanya. Baka umiyak lang siya magdamag. Nakakahiya kay Pearce.Lumakad
Chapter • Twenty SixJomyl's POVKaagad humilera ang lahat ng Deltas nang makita ang pagdating ni Alpha at ni Beta Howard. Bilang pinuno ng mga Delta at kaibigan ni Meiko, nararamdaman ko kung gaano kalaking problema ang nasa balikat ngayon ni Alpha.Just when he finally got his family back, saka pa ito nangyari kay Meiko. This isn't just a simple poison. Ni minsan wala pa kaming nakitang nakaligtas mula sa marka ng Hellion Gammas. Mas mabilis ang pagkalat ng poison sa katawan niya dahil hindi pa siya namamarkahan ni Pearce noon. Usually, it'll take two to three days before the body feels the burning feeling but Meiko experienced it after eight hours of having the first sign.Naihilamos ni Pearce ang kanyang palad sa kanyang mukha. Napaharap siya sa pader at doon ikinalso ang mga nakakuyom na kamao. Mayamaya'y isang malutong na mura ang lumabas sa bibig niya kasunod ang malakas na pagsuntok niya sa pader. Nag-iwan ng malaking basag s
Chapter • Twenty SevenJomyl's POVNapasabunot ako sa buhok ko dahil sa sinabi niya. Kaagad kong nilabas ang phone ko at dinial ang number ni Alpha."We've got a problem. Get here as soon as you can." Deretsahan kong sabi. Hindi na siya sumagot. Binaba na niya ag tawag at alam ko na ang ibig sabihin no'n. May mangangarera sa daan makarating lang dito kaagad.Naupo si Zon sa tabi ni Meiko. Binalot niya ang mga kamay niya sa kumot saka hinawakan ang mga balikat ni Meiko. Pilit siyang tinignan nito kahit na halatang gustong pumikit ni Meiko. Hindi na mapinta ang mukha niya dahil sa matinding sakit na pinagdadaanan.Mapaklang ngumiti si Zon sa kanya saka niya hinawi ang ilang hibla ng buhok ni Meiko. "You'll be fine, Mads. You'll be fine."Pilit na itinango-tango ni Meiko ang kanyang ulo. No'ng una kong nakita si Zon sa Himofilia, akala ko talaga may relasyon silang dalawa dahil sobrang lapit ng loob ni Chad sa kanya at sob
Chapter • Twenty EightSomeone's POVMatindi ang pagkakahawak ni Pearce sa panga ni Dalton. Magang-maga na ang buong katawan nito dahil sa dami ng tinamong bugbog mula sa kanya. Nakakadena ang magkabila nitong kamay at nakabitin mula sa kisame.Isa muling suntok ang natamo ni Dalton. Napasuka siya ng dugo dahil sa lakas ng pagtama ng kamao ni Pearce sa tiyan niya. Walang silbi ang kakayahan niyang pagalingin ang sarili dahil sa chain. Pinipigil nito ang wolf ng isang lycan mula sa paglabas. It's like it's imprisoning it inside and letting the human side of a lycan remain on the surface.Hindi na napigilan ni Pearce ang sarili niya. Punong-puno siya ng galit para rito. Kung hindi niya sana blinackmail noon si Meiko, hindi sana sila nagkahiwalay na dalawa.Muli niyang iniangat ang mukha nito para masalubong nito ang mga nanlilisik niyang mga mata. "I don't care about your fucking last name nor about that fucking organization you
Chapter • Twenty NineSomeone's POVHindi mapakali si Jomyl habang nagmamaneho patungo ng Crescent. Siya, si Zon at Meiko na nasa likuran ng sasakyan, at dalawa pang deltang ipinasama sa kanila ang ngayon papunta ng sacred water.Panay ang paglabas ng mahihinang mura at malalalim na buntong hininga sa kanyang bibig. Nag-aalala siya para kay Meiko na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Habang tumatagal ay unti-unti nang kumakalat sa buong katawan niya ang poison. Nagsisimula nang balutan ng mga maninipis na kulay itim na ugat ang magkabila niyang braso. Wala silang ideya kung hanggang kailan pa tatagal ang kaibigan niya pero mas nag-aalala siya para sa kanilang Alpha at sa grupong sumugod sa Hellions.Hindi lamang basta isang organisasyon ng mga rebelde ang Hellion Gamma. They have a pack of their own kahit pa man mga kriminal ang karamihan sa kanila. May dahilan kung bakit kahit na ilang taon nang nag-eexist ang ileg