Share

KAbanata 40

Chapter • Twenty

"Meiko?" Nagtatakang tanong ni Faye at Zon. Kunot-noong nagpabalik-balik ang tingin nila sa aming dalawa ni Jomyl.

Napalunok ako at hindi alam ang gagawin nang balingan ko si Zon. Pilit akong ngumiti kahit gumagapang ang matinding kaba sa dibdib ko.

"Z-zon, pwedeng diyan muna sayo si Faye at Chad? K-kailangan lang naming mag-usap." Untag ko habang kinakabahan.

Lalong kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko pero mayamaya'y tumango rin naman siya. Isinenyas niya ang kamay niya kay Chad para tawagin ito. "Buddy, let's go. I have something for you."

Kaagad namang sumunod si Chad. Kinarga siya ni Zon saka sila pumasok sa apartment ni Zon. Nagtataka na lamang na sumunod si Faye sa kanila.

Napabuga ako ng malalim na hininga nang tuluyan silang nakapasok. Nag-aalangan kong nilingon ang ngayon ay nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa aking si Jomyl. Malaki na ang pinagbago niya magmula nang huli kaming na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status