Share

Shakers Series: SAPPHIRE
Shakers Series: SAPPHIRE
Author: Lei Baltazar

Task

"So, we're planning to build a photo booth for the Foundation Day." Emma, the class president, continues her explanation.

 

I am busy listening to the discussion when my friend Jade pinches me. Napatingin ako sa kaniya. "Ano?"

 

"Nakikinig ba kayo sa akin?" tanong niya sa aming dalawa na isa pa naming kaibigan na si Amethyst.

 

"Nakikinig ako kay Pres." I answered.

 

I looked in front again to listen to our Pres, but Jade pinch me again. "Ano ba, Jade?" iritado kong tanong. Trying so hard to not maximize my voice.

 

"Makinig ka muna sa akin." 

 

"Mamaya na iyan," si Amethyst.

 

"Ngayon na. Mas mahalaga itong sasabihin ko."

 

Nauto na naman ng aking kaibigan, napagdesisyunan kong makinig na sa kaniya. Pagbibigyan ko siya, tutal at tungkol lang naman sa booth ang sinasabi ni Pres. Bibigyan niya lang naman kami ng task.

 

"Ano ba iyong sinasabi mo?" I asked.

 

"Naiinis nga ako sa pamilya ko kasi gusto nila ipakasal ako. Pero syempre, ayoko. Ako pa rin naman ang magdedesisyon," kwento niya.

 

"Ikaw naman pala ang magdedesisyon, ano pang nirereklamo mo?" Amethyst has a point.

 

"Medyo nanghihinayang ako kasi pogi iyong lalaki." Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ang kaibigan kong mahilig sa pogi!

 

She continued her laments. "Sinong hindi manghihinayang kapag sa pogi ka na ikakasal pero tinanggihan mo kasi hindi ka pa ready." 

 

"Masyado pa akong bata para magpakasal. I just turned eighteen." now, her voice become serious.

 

Jade was interrupted on telling her story when we realized that Pres is calling my name. Our classmates are all looking at us! 

 

"Sapphire, kanina pa kita tinatawag." Pres on her usual cold voice.

 

I directed my full attention to her this time. "Yes po?"

 

"I have a task on you. I want you to convince Xenon Perez in Fine Arts course to be our photographer."

 

Napakurap-kurap ako sa narinig ko kay Pres. "B-bakit po ako?" nauutal kong tanong. Hindi makapaniwala sa kaniyang pinapagawa. Ayokong gawin.

 

"He rumored having a crush on you. So, baka pumayag kapag ikaw ang nangumbinsi." That's a petty reason!

 

I found myself nodding kahit na ayaw kong gawin ito. Wala na rin naman akong magagawa pa dahil iyon ang ibinigay na gawain sa akin. Pero ayoko talagang gawin! I felt like I won't make it.

 

For the booth, I must make it.

 

Kaya naman nang matapos ang meeting, pinipilit ko sila Amethyst at Jade na samahan ako sa College Department.

 

It's not fun walking alone on their corridor or building, in their whole territory. Baka paambunan lang ako ng tukso roon dahil para sa kanila, ang mga high school o senior high school na wala pa sa edad na disiotso ay tinuturing nilang mga bata. I'm just seventeen!

 

Not to mention that I'm a little bit famous on that department because of what happened last year.

 

"Sorry, Sapphire. Pero hindi talaga ako pwede. I have a meeting with my family at the nearest cafeteria here in our school," pagtanggi ni Amethyst sa hiling ko.

 

I held Jade's hand. "Jade, ikaw na lang." I used my pabebe voice. Baka maawa pa itong si Jade.

 

"Hindi rin ako pwede. May fmily meeting din kami." Ang hirap kapag mayayaman ang mga kaibigan!

 

Nawalan na ng pag-asa, binitawan ko ang kamay ni Jade at lumabas ng room. I heard them call my name. Pero hindi ko na pinansin.

 

Baka iniisip nila na nagtatampo ako, pero hindi. Hahabulin ko lang si Pres at sasabihing huwag na lang ako ang pagawain niyon. Ibang gawain na lang ang ibigay sa akin.

 

I found Pres going down the stairs together with Vice Pres. I called her. "Pres!" sigaw ko para marinig niya at huminto na sa paglalakad.

 

They stopped walking. Nilingon nila ako. Patakbo ko nang binaybay ang hagdan para maabutan sila. Hinihingal ako.

 

"Ano iyon, Sapphire?" tanong ni Pres nang makalapit ako sa kanila.

 

Inayos ko muna ang paghinga ko bago magsalita. "Pwedeng iba na lang iyong pagkumbinsihin mo roon sa Xenon? Iba na lang ang gagawin ko!"

 

I was confident that she will agree with me, not until I heard her answer. "No."

 

"Pero, Pres. Baka hindi ko magawa. Mahirap daw lapitan iyon. Also, I'm not good at convincing." I argued.

 

"Mahirap nga lapitan kaya ikaw ang pinapalapit ko. He has a crush on you, anyway."

 

"We're not sure about that--"

 

Pinutol ni Vice Pres ang sinasabi ko. "Sapphire, sumunod ka na lang." 

 

I sighed. Nawalan na ng lakas para makipagtalo. "Bakit ba kasi siya pa ang kukunin na photographer? Marami namang iba. Bakit hindi professional photographer?" I'm trying to save myself.

 

"Sapphire, please understand. Wala tayong malaking pera para pambayad sa isang professional photographer. Xenon Perez is the greatest potential photographer here in Shakers. Bukod pa roon, gwapo at sikat siya rito kaya naman alam kong marami ang pupunta kapag siya ang kinuha natin," mahaba niyang eksplanasyon.

 

She has a point. I got her point. Pero bakit kasi ako pa ang inutusan na mangumbinsi! Pwede naman siya! Or magpadala kami ng email!

 

Lutang sa pag-iisip ng mga maaaring gawin, naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. "Kaya mo na iyan." Pagkasabi ni Pres ng mga salita na iyon, ay umalis na sila.

 

I sighed again. Kanina pa ako bumubuntong-hininga rito. Nasstress ako!

 

Naupo muna ako sa stairsteps habang nag-iisip ako ng plano ko. Sumandal ako sa pader. Para bang pagod na pagod ako.

 

I have reasons why I don't want to do this. Bukod sa naaawkward ako, may mas malalim akong dahilan. 

 

It was a sunny day here in the soccer field of Shakers. Pero nakaupo ako rito sa may bleachers na nakalilim.

 

Ang init ng araw ay hindi hadlang upang maglaro ang mga mag-aaral. Base sa itsura at katawan nila, sila ay mga kolehiyo.

 

Nakasikat ang araw pero hindi naman ito ganoon kainit. Kaya siguro sila ay nakakapaglaro pa.

 

Jade and Amethyst are on my side, busy chatting with each other. Ako naman ay nanonood ng mga naglalaro. Tila may nakakuha ng aking atensyon.

 

The tips of his hair are filled with sweat. Hindi ko ba alam kung bakit mukha pa rin siyang mabango kahit pawis na pawis.

 

His team shouted as he made the ball shoot into goal. That made them win.

 

Nagtipon-tipon sila ng mga kasamahan niya at nagyakap-yakap.

 

Hindi ko alam kung bakit hindi maalis ang tingin sa kaniya. I found him attractive. Pero alam kong mawawala rin naman ito. It's just an infatuation. Hindi na hihigit pa roon dahil ang pag-ibig ay hindi totoo. 

 

"Sapphire, narinig mo ba iyon?" si Jade.

 

They're asking your name! May nagkakagusto yata sa iyong player." Nagulat ako sa sinabi ni Jade. Bakit naman may magkakagusto sa akin?

 

"Sasabihin ko ba?" dagdag pa niya.

 

Tila gulat pa rin, hindi ako makapagsalita. It's new to me na may magkagusto sa akin. Wala namang nagkakagusto sa akin.

 

"Sapphire ang pangalan niya!" Sinigaw ni Jade! Sinigaw ni Jade ang pangalan ko! Wala akong sinabing sabihin niya!

 

"Sapphire, si Xenon!" One of the players shouted while pointing him.

 

Hindi ko alam ang dapat na reaksyon ko. All I felt was shocked. Hindi makapaniwala. Siya ba ang nagtanong ng pangalan ko?

 

At that moment, our eyes met. Pero hindi ko pinatagal iyon. Nag-iwas agad ako ng tingin. 

 

"Sapphire, alis na kami. Nice to meet you raw." The same player earlier shouted again. Pero hindi ko pinansin. I felt awkward.

 

Tumingin ako kay Jade at Amethyst na ngayon ay nakatingin sa akin. Ang mga tingin nila ay mapang-asar.

 

"Swerte mo, girl. Si Xenon Perez iyon," si Amethyst.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status