Share

PAHINA 5

Pahina 5

'Personal'

Pagkatapos namin kumain ni mama sa isang exclusive na restaurant ay dinala na naman niya ako sa isang mall na malapit lang sa pinagkainan namin kanina.

"Anak, maggo-grocery lang ako ha? Anong gusto mong bilhin ko para sa 'yo na mga snacks?

"Kahit ano na lang po ma."

"O sige, ito pera o, dito ka na muna maghintay sa akin ha? Kumain ka r'yan sa kung anong magugustohan mo,"

"Ma, busog pa po ako." Pagtanggi ko dahil totoo namang busog pa ako.

"Mas mabuti pa libutin mo na lang muna itong buong mall para malibang ka naman, basta mga around 5 sa exit na lang tayo magkita okay?"

"Okay po."

Minabuti ko na lang na mag-stroll muna sa ikalawang palapag nitong mall para maaliw ako, kaysa naman mabagot ako sa kahihintay kay mama roon sa baba.

"Passed 3pm na pala," sabay baba ko sa phone ko at nilagay sa loob ng aking bulsa nang matapos kong tignan ang oras.

Naisipan kong unahin munang puntahan ang mga lagayan ng mga libro na nakadisplay. Baka may magustuhan akong libro bibilhin ko. Mahilig akong magbasa, 'yan ang gawain ko kapag bored ako o walang magawa.

Pero 'pag busy naman ako sa school o maraming activities, 'di ko na rin muna magagalaw ang iba ko pang mga librong pinamili. Sabi nga ng iba bookworm daw ako. O nerdy type. Kasi the way ako mag-suot ay may class but full of conservativity, kagaya ngayon.

Kung itatabi ako sa ibang mga kabataan, may-iba ngayon dito sa tabi ko na mahilig mag-short shorts, at 'yong mga croptop na hanggang pusod lang at saka 'yong spaghetti strap lang ang pang-ibabaw.

Habang ako naman ay naka-usual attire ko lang ang suot ko parati, 'yong long-fitted denim skirt na hanggang tuhod , at saka denim jacket at cotton white sleeveless shirt naman sa panloob.

Minsan may suot ako na eyeglasses kapag nagbabasa ako. Ganyan ang mga suotan ko pero kahit ganito, may nasasabi pa ring mali patungkol sa akin. Haay buhay.

Nagsa-scan lang ako ng mga books ngayon, tinatantya kung may gusto ba akong bilhin o wala. Gusto kong genre sa binabasa ko is romance and fictional ang mga characters. Dinadala ako sa ibang dimension 'pag nagbabasa na ako ng mga ganoong genre. Kung tinatanong ninyo kung nakabasa na ba ako ng mga kwentong rated 18+, of course! nakakabasa na naman ako ng mga gano'n, pero hanggang basa pa lang naman.

Natawa naman ako bahagya sa naiisip ko. Pero nang biglang sumagi sa isipan ko ang ginawa ni Tita Dina sa akin noong nakaraan.

Inaliw ko ulit ang sarili ko para mawaglit ang iniisip. Habang naghahalukay ng ibang books ay nahanap ko ang isang nakapag pakuha ng atensyon ko. Ang ganda ng cover n'ya.

Nakabalot nga lang ng plastic. 'Di pwedeng buklatin, makapal s'ya, maraming pages rin 'to. English at tagalog ang language na nakalagay. Nasiyahan ako at excited na basahin, kaya napagdesisyonan ko na lang na bilhin at pupunta na ng counter.

When I am about to walk backward bago makaliko papuntang counter ay may nabunggo ako sa likurang bahagi ko. At dahil sa agarang pagkapahiya ko ay hinarap ko na lang ang na sa likuran ko na siyang na bunggo ko kanina at yumuko ako habang humihingi ng despensa, 'di ako nag-angat ng ulo dahil nahihiya ako. Sa paulit-ulit kong pagyuko at paghingi ng pasensya ay 'di na muna ako nagtaas ng tingin sa taong nabunggo ko. Hinintay ko muna ang kanyang sasabihin. Kung okay lang ba siya o hindi.

After a minute, 'di ko pa rin naririnig ang kahit na anong sasabihin niya patungkol sa pagbangga ko sa kanya, wala ba itong maaring e-react man lang? Kaya mas minabuti ko na lang na tumayo ng tuwid at inayos ang suot na eyeglass kanina habang namimili ng libro, inayos ko rin ang jacket ko. At napagpasyahang i-angat ang ulo at tignan ang tao sa harap ko,

'Di ko agarang na mukhaan ang na sa harapan ko kaya inaayos ko ulit ang aking salamin at iyon nga'y natutop ang mata ko sa lalaking na sa aking harapan at buong pasensyang nakatayo at nakangiti. 'Di ko alam bakit siya nakangiti. Kaya binaling ko ang atensyon ulit sa kanya at humingi ulit ng tawad.

"A-ah Greg, pasensya na t-talaga kanina." nauutal ko pang sabi habang walang tigil sa pag-angat baba ng aking ulo dahil sa 'di mapaliwanag na naramdaman. Nahihiya ako na ewan sa ginawa kong pagbangga sa kanya. Pero aksidente lang naman iyon e. Pero bakit nga ba ako matagal na nakayuko? Ayan tuloy. Hindi ko namalayang si Greg pala itong nakabangga ko. Shocks.

Pero 'di pa rin siya nagsalita, tanging ngiti lang ang kanyang ginagawa. May saltik ba siya?

"'Di ka ba nagsasalita, kasi kanina pa ako humihingi ng tawad sa ‘yo pero wala ka namang response. Ngingiti-ngiti ka lang," hindi ko mapigilang tanungin siya.

"Ang cute mo kasi." nagkamot siya ng ulo at mistulang nahihiya.

"C-cute? A-ako?" Hilaw akong tumawa .

"Yes, by the way. We never officially introduce ourselves in person, Greg Kurt Villalopez nga pala," sabay-alok ng kanyang kamay sa akin.

Inabot ko naman ito agad bilang respeto.

"Sassa Ellena Xy," maikli kong sagot.

At nakipagkamayan ako sa kanya. I felt something electrifying na dumaloy sa buong katawan ko. Ako ang nanguna sa pagbitaw sa aming dalawa, dahil kapag 'di ko pa ginawa baka iuwi ko na siya sa amin.

Kailan ka pa naging ganyan ka harot Ellena?

Saway ko sa sarili ko.

Napansin yata ni Greg na may iniisip ako.

"Is there something wrong ba?"

"Wala naman,"

"'Di na kita napansin sa school this past few weeks busy rin kasi ang lahat noon sa graduation at recognition."

"Oo nga e." pagsang-ayon ko sa kanyang pasaring. Nahihimigan ko sa kanya ang pagiging komportable n'ya sa akin kaya naging ganoon na rin ako sa kanya.

"So? Sino pala kasama mo rito ngayon? Diba kanina kasama mo mama mo?" bahagya akong nagulat sa pahayag niya. Bakit niya alam?

"Ah, yes I am with mama, she's in the groundfloor groceries area. Nagpaiwan lang ako for strolling." paliwanag ko

"At nga pala, mahilig ka pala magbasa, are you gonna buy that book?" pakita n'ya sa binili rin niya.

"Same taste pala tayo." he smiled at me.

Naagaw ang mga mata ko sa binili n'yang book, pareho nga kami ng napili. May kung anong damdaming namuo sa mumunti kong puso. 'Di ko alam kung ano, basta ang alam ko lang imposible 'to.

"Ah, oo nga ‘no? What a coincidence, magbabayad na muna ako ng book ha?" paalam ko, pero bigla siyang nagsalita.

"Mas mabuti pa sabay na lang tayo, papunta rin naman akong counter, ito lang din naman ang sadya ko sa mall e, kaya sabay na lang tayo." he smiled again.

Naku! Pag 'di to tumigil sa pagngiti baka mangisay na ako rito. Ang OA mo Ellen, saway sa akin ng isip ko.

Naglakad kami papuntang counter, at saka habang naglalakad kaming dalawa papunta sa counter, 'di ko mapigilang pansinin ang aming mga kamay na halos magdikit na sa may mga hawak na libro sa 'ming kamay.

Natapos kaming magbayad ay kaagad naman kaming pumunta sa may bukana ng escalator.

"Nice to meet and know you in person Ellen, I hope we can reach each other next time." a wide smiled plastered in his lips.

"Same with me, nagagalak rin ako na m-makasama ka, ngayon...sa susunod ulit, sana." nagsmile rin ako sa kanya ng 'di gaanong halata.

Nauna akong humakbang sa escalator at na sa likod ko naman siya. Mabagal na pumaibaba ang hagdanan. Palakad na sana ako papuntang exit nang tinawag niya ako.

"Text me when you arrived home safely," sabay taas n'ya ng phone n'ya.

"O-okay." sagot ko. May pahabol sana akong tanong sa kanya pero paglingon ko ay nakalabas na siya ng mall.

I'm here na sa exit area na sabi ni mama kanina kung saan ako maghihintay sa kanya.

'Di ko namalayan si mama na nakalapit na pala sa akin.

"Anong nginingiti-ngiti mo anak?" saway ni mama kaya nagseryoso agad ang mukha ko.

"Wala po ma, may nakita akong nakataatawa kanina sa facebook," paliwanag ko

"Hmmm, oh sige tara na." may pagdududa pa rin sa boses ni mama.

Kinuha ko ang mga iilang plastic na pinamili ni mama. At nag-arkila na kami ng tricycle. At ilang oras ay naka-uwi na kami.

My phone beeped.

"Are you home?"

"Yes, just now. I am about to text you pero...naunahan mo ako."

"Okay, good to know."

"Okay."

E off ko na sana ang phone ko nang ilang minuto ng muling nag-beep ulit ito.

"Goodnight Ellen"

"Same with you Greg, sweetdreams."

"Okay sleepwell."

Okay na lang rin ang nireply ko at napagpasyahan kong tulungan muna si mama sa pinamili kanina at saka kakain at maliligo na pagkatapos ay matutulog na.

The night is way better for me that makes my day complete. Ang saya ko. Sana may kasunod pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status