Pahina 8
Fast Forward
Dahil sa engkwentrong iyon sa isa sa mga nambubully sa akin sa eskwelahan. Kaya hindi natahimik ang buong taon ko bilang isang estudyante. Tuwing umaga, palagi nila akong inaabangan sa may gate ng paaralan at saka pagtutulungang kaladkarin papasok sa campus, dadalhin sa abandonadong bodega at doon itatali tapos e la-lock pa.
Wala akong kawala palagi sa mga masasamang balak nila sa akin. Halos magdamagan akong makukulong sa mismong bodega kung hindi nga lang magagawi roon ang school maintenance ay baka hindi na talaga ako makakalabas. Tanging magagawa ko na lang ay ang palihim na umiyak. Walang ni sinuman ang maaring makatulong sa akin.
Walang nisinuman ang maghahanap sa akin at mag-aalala kung nasaan ako. Nang sa iisang pagkakataon ay sa public CR na naman ako dinala nina Reya, Lara at Yesa. Si Reya ang kanilang leader kumbaga. Kaya siya lagi ang nasusunod, sina Lara at Yesa naman ang inuutosan niyang gawan ako ng masama.
"Tama na, Reya. Nasasaktan na ako. Hindi mo na ba ako titigilan? Hindi niyo ba ako magawang tigilan?" Pinilit kong lakasan ang boses ko pero hindi ko magawang ipagpatuloy ang nais na sabihin sa kanila. Pero kagaya nga ng sinabi ko, nanghihina ako dahil sa mga kabulastogang ginagawa nila sa akin.
Kagaya na lang ngayon, pinapaluhod nila ako habang nakaharap sa maduming pinto nitong palikuran. Ang sama pa ng amoy ng looban. Gusto kong masuka at umiyak dahil parang sumusobra na talaga sila.
"Tigilan? Sino ba ang umaastang matibay sa atin Sassa? Kung binalewala mo lang sana ako, e 'di sana hindi mo na ito nararanasan sa ngayon. Pabida ka kasi. Akala mo naman may puwang ka para kay Greg." malakas na pagsisigaw ni Reya sa akin.
"Bakit mo ba kasi ako ginaganito Reya. Sa pagkakaalala ko, wala naman akong mabigat na kasalanang nagawa sa 'yo. At bakit na naman nasali rito ang pangalan ni Greg. Pwede ba. Kayo ang may gusto kay Greg. Kaya huwag niyo akong pagbuntonan ng selos, at hello. Kaanu-ano ka ba ni Greg at parang ang lakas ng loob mo para magselos. E baka nga hindi ka niya kilala personally. Kaya sana tigilan mo na ang pagiging ilusyu-."
Malakas at malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko.
"Nakakarindi ang boses mo Sassa. Para kang muntanga, at anong ilusyonada? Ako ba ang tinatawag mong ilusyonada? E sino ba ang lumalapit kay Greg? 'Di ba ikaw? So bakit sa akin mo sinasabi ang katagang iyan?" hindi pa rin mawala ang hapdi na hatid ng pagsampal sa akin ni Reya, hindi ko magawang hawakan ang kumikirot kong mukha dahil madumi ang kamay ko. Kaya iniinda ko na lang ang sakit nito.
"Kung akala mong tutulongan ka ni Greggy, sorry Sassa pero nangangarap ka lang ng imposible. Dahil ang totoo hindi ka nam-."
"Reya! Anong ginagawa ninyo kay Ellen?" Pagputol naman ni Greg sa balak na sabihin pa ni Reya sa akin. Na sa kanya na naman ngayon ang aming mga mata.
Hindi ko lubos maisip kong bakit bigla akong nakaramdam ng kasiyahan at pag-asa sa pagdating niya. Parang hulog siya ng langit sa akin para iligtas ako.
Dinaluhan naman ako ni Greg at inalalayang makatayo, nanghihina ang tuhod ko dahil sa kaluluhod kanina pa. Ang hapdi ng tuhod ko.
"Reya. Ano na namang ginagawa mo kay Ellen? 'Di ba sinabi ko na sa 'yong iwasan mo na siya? Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinaggagawa ninyo kay Ellen? Mabuti nga't hindi ko magawang isumbong ka. Kasama ng mga alipores mong parang pinapakain mo ng tae para sumunod sa 'yo." Napatingin naman ako sa gawi nina Lara at Yesa sa sinabi ni Greg sa kanila. Nakita ko naman ang pagkapahiya nila.
"Hmmp." tanging nasabi ni Reya kay Greg. Ewan ko ba kung bakit ba parang ang daling mapaalis ni Greg si Reya.
"Tara na girls! Baka mahawa pa tayo sa kalandian ng isang nandito." At kaagad namang umalis si Reya kasama ang kanyang mga alipores.
Na sa bisig pa rin ako ngayon kay Greg at matamang nakaakbay pa rin sa kanya dahil hindi ko pa magawang makatayo ng matuwid dahil may kirot pa rin sa aking tuhod.
"Ellen, okay ka na ba? May masakit pa ba sa 'yo?" mababakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Okay lang ako, masakit lang bahagya ang tuhod ko. Pero ngayon hindi na gaanong masakit. Salamat pala at napadaan ka rito at tinulungan mo 'ko, pasensya rin sa abala." mahinang pagkasabi ko naman kay Greg.
Ginagawa ko naman ang lahat para makatayo na ako ng maayos at baka isipin ni Greg na sinasadya kong ganitong nakasandal sa kanya.
"It's fine Ellen, h'wag mong pilitin kong hindi mo kaya, let's go. Sasamahan na lang kita roon sa clinic para magamot ang mga gasgas diyan sa tuhod mo." hindi na lang ako umapila pa kay Greg dahil ramdam ko talagang hindi ko pa talaga kayang maglakad ng matagal dahil parang may naipit na ugat sa may bandang ilalim ng legs ko.
Matapos niya akong alalayan papunta sa clinic ay mga halos kalahating oras na lakad na paika-ika ang ginawa naming dalawa. Hindi naman ako madaling akayin dahil hindi naman ako mabigat. Kaya hindi rin gaanong nahihirapan si Greg na alalayan ako.
Nang na sa clinic na kami ay kaagad naman kaming sinalubong ng school nurse at saka may habilin sa kanya si Greg.
"Aalis na muna ako sandali Ellen, bibili lang muna ako ng tubig para mainom mo kapag may binigay na gamot ang nurse." paalam naman ni Greg sa akin nang makaupo na ako rito sa higaan nitong clinic.
"Hala naku, Greg h'wag mo na lang akong bilhan, ako na lang ang bibili mamaya. Mawawala rin naman itong kirot e kaya h'wag ka na mag-."
"Shh, it's my pleasure to help you Ellen, let me do this things for you. Hintayin mo 'ko rito at babalik ako. Okay?"
Wala na akong magagawa pa kaya tumango na lang ako. At kaagad naman siyang lumabas sa silid. Nilapitan naman ako ng nurse at may sinabing nakapagpagulat sa akin.
"Ang swerte mo sa boyfriend mo Miss." ani ng nurse.
Nahiya naman ako.
"Naku. Nagkakamali po kayo Ate, hindi ko po boyfriend iyon. Kaibigan lang po." at awkward naman akong nagbitaw ng ngiti sa kanya.
Mga iilang minuto ang lumipas matapos akong gamutin nang school nurse ay napagpasyahan kong humiga muna rito sa higaan. Nakaidlip naman ako.
Pero sa paggising ko naman, tumingin ako sa may wall clock at nabigla ako dahil sa nakitang oras dito.
"Passed two na pala, nasaan ba si Greg?" Nilinga-linga ko na rin ang aking mata sa paligid pero tanging school nurse lang ang nakita ko. Kaya walang anu-ano'y sinubukan kong pumanaog dito sa kama at nagpasyang tumayo na. Marahan akong tumayo, nang naramdaman ko na hindi na gaanong masakit kaya nilapitan ko ang nurse.
"Ate, bumalik na po ba ang kasama ko kanina?"
"Oh, miss. Ah oo. Galing na siya rito, pero tulog ka kaya hindi niya na inabalang gisingin ka. Ito pala ang gamot at tubig na binili niya. Mabuti't gising ka na. Ito inumin mo na." sabay bigay sa akin ng nurse nitong gamot at tubig.
Ininom ko na ang gamot. Nalalasahan ko ang pait dito. Pero may tubig naman kaya agad na nawala ang mapait na lasa.
Nagdesisyon naman akong lumabas muna para magpahangin. Nang na sa labas na ako ay nakita ko si Reya sa labas.
"Tsk. Nandito na naman ang maldita. Ano na namang ginagawa niya rito? Baka may binabalak na namang masama." usal ko sa sarili. Lalayo na sana ako sa kung nasaan ako nakatayo nang bigla kong nakita si Greg na lumapit kay Reya. At binigyan pa niya ito ng juice. Wait. I smell something fishy.
Mas lalo ko pa silang nilapitan at nagtago ako sa posteng malapit sa kanila. Naririnig ko na ang usapan nilang dalawa.
"Sobra naman yata ang pinaggagawa mo kay Ellen, Reya." pagalit na tono ni Greg.
Dah. Mabuti nga sa 'yo Reya. Hayop ka kasi.
"Greggy. Para ka namang ano. Para naman mas kapanipaniwala 'no."
"Pero infairness. Magaling ka."
Magaling? Bakit? Hindi ko sila maintindihan.
"Lol. Ikaw ang magaling umakting. Parang artistahin ka na. Bagay sa 'yo. Naniwala talaga si Sassa sa iyo."
"Dapat lang na maniwala siya sa akin. Dahil iyon naman talaga ang plano ko sa kanya. Ang mapaibig siya dahil gusto kong iparamdam sa kanya, kung paano dinugyot ng mama niya ang papa ko. Naiinis ako."
Ha? Hindi ko sila maintindihan. Bakit? Ano bang ibig sabihin nila? Pwede ko ba sila lapitan para tanungin? Naiiyak ako na parang ewan.
Kabanata 68 I decided last night to go on shopping ng mga kailangan ko rito sa bahay. Nabawi ko na naman ang lakas ko sa maghapong pagtulog. And now, I was tryin to pull my key na kanina ko pa ibinuhos ang buong lakas ko para mahila lang ito. Kinakalawang na rin kasi, that’s why, ipapagawa ko ang susi ng bahay. Ang susi na ito ay para sa doorknob. Nakakadena lang kasi ang pinto ng bahay kahit noon pa, dala na rin ng kalumaan, kaya nasira. Hindi pa naman kasi totally maayos ang bahay, kasi nga walang maintenance, pero in terms sa kalinisan sa labas at loob ng bahay, totoo namang maayos. Oh, damn! Nakalimutan ko pa lang tawagan si tita last night para pasalamatan siya about cleaning the house. Calling Tita Dina…
Pahina 67 Humigit-kumulang nineteen hours and five minutes ang naging biyahe namin ni Celestine at ang iba pang kasama namin. Staff siguro niya, nag-decide lang kasi ako na ako lang ang mag-isang uuwi rito sa Pilipinas. Kasi nga mas mapapagastos kung magsasama ako ng isang staff ko. Kaya ko naman i-handle mag-isa ang event. Saka may assurance naman si Celestine na may tutulong sa akin sa pag-aasikaso ng event. “Finally, we’re here.” Bakas sa boses niya ang saya. “Yeah, we are.” Kabababa ko lang sa plane na sinakyan namin kanina ay ramdam ko na ang labis na init. Iba talaga ang temperatura na mayroon ang Pilipinas. Tulog, kain at picture-picture lang ang ginawa ko sa buong araw naming nakasakay sa plane
Pahina 66 Nag-uusap kaming dalawa ngayon ni Kai sa beranda, si tita muna ang nag-asikaso kay Elliote. Kailangan ko kasing masabi kay Kai patungkol sa kinuhang offer ni Matt. “I know what you are up to, Elle. Saka…ikaw na nga ang nagsabi ‘di ba? Wala ka ng nararamdaman sa ex mo, At I know naman na you’re strong enough kung saka-sakaling magkaharap ulit kayo roon. I am not saying na magkikita kayo agad-agad, pero malay mo naman ‘di ba? Maliit lang ang Pilipinas, Elle. Lalo na at sa mismong probinsya niyo pa talaga i-held ang wedding na pina-appoint sa iyo.” Pinoproseso ng utak ko ang bawat salitang sinasabi sa akin ni Kai. May punto naman kasi siya na hindi maiiwasang magkrus ang landas namin ng ama ni E
Pahina 65 Ilang araw ang lumipas simula noong napanood ko ang interview ng kapatid ko sa isang TV report. Na-tempt nga ako noon na buksan ang aking account para lang makausap ang kapatid ko. Wala naman kasing kasalanan si Luis, saka isa pa, siya na lang ang kamag-anak kong nasa Pilipinas, maliban kay Tita Dina at sa anak ko na nandito ngayon sa Norway.
Pahina 64 Bumalik akong kusina para samahan si Kai roon at tapusin na rin ang naiwan na gawain, hindi kasi ako pumayag kay Kai na kumuha kami ng katulong para gumawa ng mga magagaan na gawain sa bahay, kaya ang mga kasambahay naming tatlong babae ay hindi ko talaga pinapagawa ang mga bagay na kaya ko namang gawain mag-isa, kagaya na lang ng paghuhugas o minsan ang magluto. Pero may kinuha talaga kami ni Kai na magbab
Pahina 63 Ilang taon ang lumipas nang dito na kami tumira ni Tita sa Norway, dahil sa tulong ni Kai, na nakilala ko lang noon sa mansiyon nila Greg. Na-supposedly ay akin naman talaga ang bahay na ‘yon, hindi ko na inabala ang sarili na kunin ang papeles, pero nagpakonsulta ako sa mga may alam, hinding-hind