Pahina 9 -WARNING (RATED SPG )
Mga iilang minuto na ba akong nakatunganga rito sa kinatatayuan ko? Walang lakas ang mga paa kong humakbang pabalik sa clinic na pinagdalhan sa akin ni Greg. Sa halos ilang minuto kong pag-iisip may biglaan akong napagtanto.
"Isa ka rin pala sa mga taong mapanlinlang Greg. Simula ngayon, ikaw ang pinakaunang taong nakalista sa mga paghihigantihan ko sa tamang panahon. Sa ngayon, ako muna ang lalayo sa 'yo. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong makasakit ng isang lalaking traydor! Na akala kong matino. Pero mas matindi pa pala sa isang sinto-sinto. At anong sabi niya? Dinudugyot ni mama ang papa niya? Pwe! Hindi na nakatutuwa ang kanilang mga pasaring patungkol kay mama, lalo na pati ako'y naagrabyado na!" mahabang pagkausap ko sa aking sarili at nang may narinig akong mga kaluskos na nanggagaling sa mga lantang dahon na naapakan.
Kaya halos mabaliw sa pagkabog ang aking puso. Paano kong sina Greg at Reya itong naglalakad papalapit sa pwesto ko? Baka malaman nilang alam ko na ang kanilang mga plano.
Pero teka! Bakit parang ako yata ang natatakot? 'Di ba dapat sila ang magulat dahil nandito ako? Iniling-iling ko naman ang aking ulo. Hindi! Dapat hindi na muna nila malaman na alam kong pinagpaplanuhan nila ako. Dapat- napahinto ako sa mga naiisip nang biglang papalakas ang kaluskos dulot ng mga lantang dahon papalapit sa pwesto ko. Kaya kaagad akong tumalikod at saka nagyuko't nagtago para sa kung sino man ang taong iyon ay hindi ako agad mamumukhaan.
Nang biglang wala namang kumalabit sa akin. Pero nandoon pa rin ang mga yabag. Baka nagtatago rin sila? Kaya mas pinagbuti kong marahang humarap pabalik at maingat na inihakbang ang mga paa palapit sa daanan nitong pinagtatagoan ko.
Sa mga oras na ito ang maririnig ko na lang ay ang malakas na pagkabog ng aking puso. Ito na, ito na talaga. Nang biglang napatalon na lang ako sa gulat dahil biglang tumakbo ang isang aso at nilihisan lang ako. Nang akala kong wala na ay may aso pa palang sumusunod.
Yayks. Aatakehin ako sa puso nitong dalawang asong ito. Grr! Pinakiramdaman ko naman ang buong paligid at nang wala na akong marinig kaya mas minabuti kong bumalik na sa loob ng clinic at doon na muna umupo. Mamaya rin ay aalis na ako. Hindi ko na hihintayin pa si Greg na makita at maabotan ako. Ang na sa isip ko ngayon ay makauwi na muna at gusto kong komprontahin si mama sa mga pasaring nila patungkol sa kanya.
Ayaw ko ng mag-isip pa ng kung anu-ano. Gusto ko malaman kung ano ang totoo. Nakapapagod na ring parati na lang ganito ang papel ko sa buhay. Ang laging nahuhusgahan sa mga bagay na wala naman talaga akong alam at kinalaman.
Kung noon, ayaw kong magtanong kay mama, pwes ngayon. Magtatanong na ako.
Nilapitan ko na kanina ang nurse at saka nagdesisyon ng umuwi. Na sa sakayan na ako ng jeep nang biglang may nahagip ang mga mata ko.
Isang babaeng makapal ang labi dahil sa mapula nitong nilagay na lipstick. Naka-stockings na itim na may butas-butas. May pang-ibabaw na itim rin na shorts. Ang na sa ibabaw naman niyang suot ay isang tubeless na may nakapatong na denim jacket. Ang kanyang sandal ay iyong may matatas na takong. Kulay itim rin. Hindi ako maaring magkamali sa nakita ko. Kahit na nakatirintas ang buhok niya at naka-heavy make up ay alam na alam kong siya nga iyon.
"Si Tita Dina iyon ah? Sino iyong kasama niyang matandang naka-tuxedo? Parang mayaman ang matanda. Pero, nagyoyosi pala si tita Dina?" kaagad naman iyong nadagdag sa mga iisipin ko ngayong araw. Kahit anong gawin kong pagtaas ng aking ulo para hagilapin ang nakita ko kanina ay hindi ko na magawa pang makita nitong aking dalawang mata.
Nakatunganga lang ako buong byahe at hindi alam kung paanong bungad ang gagawin ko mamaya kay mama. Sisigaw ba? Bubulyawan ko ba siya? Mahinahon? Ano? I mean, paano? Argh! Napasabunot na ako ng ulo.
Hindi ko napansing nandito pa pala ako sa loob ng jeep. Nang biglang naging pamilyar na sa akin ang buong paligid. Kaya nagpara na ako, at mabuti na lang at sakto talagang nahinto sa mismong gate namin ang jeep. Ibinigay ko na ang bayad at bumaba na. Mas pinili ko ng sa malapitan ako ng driver umupo para hindi na ako mahirapan pang ibigay ang aking pamasahe.
Dahil sa nangyari sa akin noon kada sakay ko ng jeep. Kung tricycle e, okay lang dahil sa harap naman ako sasakay at malapit lang kapag ibibigay ko ang pamasahe ko sa driver.
Nang nakababa na ako ay mabigat na pagbuntong-hininga na ang aking nabitawan at nag-inhale-exhale na rin para magkalakas ang aking loob na magtanong kay mama, mamaya.
Kaagad na akong nagbukas sa gate namin at isinarado ulit ito. Habang nag-iisip sa mga salitang dapat na sabihin kay mama kapag nagtatanong na ako sa kanya. Ngayon kinuha ko naman ang susi ko sa loob ng aking bag. Pagpihit ko kasi kanina ay nakalock ang pinto. Baka umalis si mama o baka nilock lang niya dahil natutulog siya.
Maaga pa rin naman kasi kaya baka natulog nga si mama. Alas tres pa ng hapon. Hindi na rin kasi ako nag-abala pang pumasok sa last subject ko. Baka makita ko pa ang dalawang traydor.
Na-unlock ko na ang pintoan kaya ipinasok ko na sa bag ko ang susi at ngayo'y naghubad na sa aking sapatos para hindi madumihan ang sahig namin.
Tahimik ang buong bahay, baka tulog nga si mama.
Kaya sinarado ko na ang pinto at ni-lock ulit for safety. Naglalakad na ako papunta sa aking silid at nang nakapasok na ako'y nagmadali na akong magbihis ng pambahay.
Natapos na akong magbihis kaya nagpasya akong lumabas sa kwarto ko at nag-isip muli sa maaari kong itanong kay mama. Kung totoo ba ang mga hakahaka nila patungkol sa kanya? May relasyon ba talaga sila ni Mayor? O paano ko ba kasi siya tatanungin? Nakakalito naman!
Ah! Mabuti pa, pupuntahan ko na lang si mama sa kwarto niya at tatabihan siya hanggang sa magising siya at doon maglalambing ako para makapagtanong na ako sa kanya. Oo nga ano? Ang galing ko talaga e! Natuwa naman ako sa aking naiisip kaya magaan akong nagpatalon-talon papunta sa silid ni mama, ang silid ni mama ay na sa likurang bahagi pa nitong kusina. At ang sa akin naman ay itong malapit lang sa salas.
Nang na sa harap na ako nang pinto ni mama ay walang anu-ano'y pinihit ko ang siradora at kaagad na binuksan ito na may ngisi pa sa aking mga labi, dahil sa mga naiisip kong ideya patungkol sa kung paano ko tatanungin si mama mamaya kapag nagising na siya.
Pero sa kasamaang palad ay biglang napalis ang napakaganda at napakatamis kong ngiti nang naririnig ko ang mga mapupusok na ungol at pagdaing na sumasakop sa buong silid. Hindi ko naiwasang makita ang mga mababangis nilang kalmotan sa kanilang katawan.
Hindi ko magawang sumigaw, dahil nakabibingi ang kanilang mga halinghing dahil sa mararahas nilang pag-indayog sa ibabaw ng kama ni mama. Isang lalaking may edad na nakahubo't hubad! Si mama ay nakapatong sa ibabaw. Habang ang lalaki ay sapo ang dalawang malulusog na dibdib ni mama. Ayaw ko na, ayaw ko na! Tama na!
"Mama! Anong ibig sabihin nito? Mga baboy! Walang respeto!" dahil sa kahihiyan at naiisip na mga pasaring ng karamihan kay mama at ngayon ay nasagot na! Kahit na hindi ako magtanong! Alam ko na! Alam na alam ko na! Pwe! Nakasusuka!
Kabanata 68 I decided last night to go on shopping ng mga kailangan ko rito sa bahay. Nabawi ko na naman ang lakas ko sa maghapong pagtulog. And now, I was tryin to pull my key na kanina ko pa ibinuhos ang buong lakas ko para mahila lang ito. Kinakalawang na rin kasi, that’s why, ipapagawa ko ang susi ng bahay. Ang susi na ito ay para sa doorknob. Nakakadena lang kasi ang pinto ng bahay kahit noon pa, dala na rin ng kalumaan, kaya nasira. Hindi pa naman kasi totally maayos ang bahay, kasi nga walang maintenance, pero in terms sa kalinisan sa labas at loob ng bahay, totoo namang maayos. Oh, damn! Nakalimutan ko pa lang tawagan si tita last night para pasalamatan siya about cleaning the house. Calling Tita Dina…
Pahina 67 Humigit-kumulang nineteen hours and five minutes ang naging biyahe namin ni Celestine at ang iba pang kasama namin. Staff siguro niya, nag-decide lang kasi ako na ako lang ang mag-isang uuwi rito sa Pilipinas. Kasi nga mas mapapagastos kung magsasama ako ng isang staff ko. Kaya ko naman i-handle mag-isa ang event. Saka may assurance naman si Celestine na may tutulong sa akin sa pag-aasikaso ng event. “Finally, we’re here.” Bakas sa boses niya ang saya. “Yeah, we are.” Kabababa ko lang sa plane na sinakyan namin kanina ay ramdam ko na ang labis na init. Iba talaga ang temperatura na mayroon ang Pilipinas. Tulog, kain at picture-picture lang ang ginawa ko sa buong araw naming nakasakay sa plane
Pahina 66 Nag-uusap kaming dalawa ngayon ni Kai sa beranda, si tita muna ang nag-asikaso kay Elliote. Kailangan ko kasing masabi kay Kai patungkol sa kinuhang offer ni Matt. “I know what you are up to, Elle. Saka…ikaw na nga ang nagsabi ‘di ba? Wala ka ng nararamdaman sa ex mo, At I know naman na you’re strong enough kung saka-sakaling magkaharap ulit kayo roon. I am not saying na magkikita kayo agad-agad, pero malay mo naman ‘di ba? Maliit lang ang Pilipinas, Elle. Lalo na at sa mismong probinsya niyo pa talaga i-held ang wedding na pina-appoint sa iyo.” Pinoproseso ng utak ko ang bawat salitang sinasabi sa akin ni Kai. May punto naman kasi siya na hindi maiiwasang magkrus ang landas namin ng ama ni E
Pahina 65 Ilang araw ang lumipas simula noong napanood ko ang interview ng kapatid ko sa isang TV report. Na-tempt nga ako noon na buksan ang aking account para lang makausap ang kapatid ko. Wala naman kasing kasalanan si Luis, saka isa pa, siya na lang ang kamag-anak kong nasa Pilipinas, maliban kay Tita Dina at sa anak ko na nandito ngayon sa Norway.
Pahina 64 Bumalik akong kusina para samahan si Kai roon at tapusin na rin ang naiwan na gawain, hindi kasi ako pumayag kay Kai na kumuha kami ng katulong para gumawa ng mga magagaan na gawain sa bahay, kaya ang mga kasambahay naming tatlong babae ay hindi ko talaga pinapagawa ang mga bagay na kaya ko namang gawain mag-isa, kagaya na lang ng paghuhugas o minsan ang magluto. Pero may kinuha talaga kami ni Kai na magbab
Pahina 63 Ilang taon ang lumipas nang dito na kami tumira ni Tita sa Norway, dahil sa tulong ni Kai, na nakilala ko lang noon sa mansiyon nila Greg. Na-supposedly ay akin naman talaga ang bahay na ‘yon, hindi ko na inabala ang sarili na kunin ang papeles, pero nagpakonsulta ako sa mga may alam, hinding-hind