Share

ONE

Time flies so fast. Ilang buwan na rin ang nag daan ng mag simula ang school year. 

Umabot narin ng ilang buwan ang pagkakaibigan namin ni Nica. Sa tagal ng pinagsamahan na namin mas lalo ko siyang nakilala ng lubusan.  Anak pala siya ng supervisor sa school namin kaya pala sinabe niya sakin noon na Papakick-out niya sa daddy niya pag may umapi sakin.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin kung saan kami unang nagkakilala.

''Oh my G! Stress na stress na talaga ako sa seatmate ko! Alam mo yun?! Di nagsasalita everytime na may itatanong ako sa kanya wala akong makuhang sagot kahit isang sulyap lang di magawa as in total ignore ang beauty ko! Gosh! Pasalamat siya gwapo siya!''

Kanina pa ito sa kakangawa tungkol sa seatmate niya.

Ang tinutukoy niya ay si Brendon.

''Lumipat ka nalang kaya ng upoan?''

suggest ko sa kanya para naman tumigil na siya sa kakatalak tungkol kay Brendon.

''Kung pwedi lang talaga sis. Gosh! Feeling ko talaga pader yung katabi ko eh walang kibo.'' sabay roll eyes niya. 

Hahaha! Brat talaga.

''Ewan ko sayo. Mag-aral ka nalang kaya instead na magtatalak ka jan mag review ka nalang malapit na ang examination day natin '' sabi ko.

''Haaays. Isa pa tong exam na to. Waaah! Maglalakwatsa talaga ako pagkatapos nang exam nato!''

Pagkatapos kasi nang exam namin ay semestral break na. 

''So saan mo planong magbakasyon sis?'' tanong niya sakin.

''Ewan di ko alam baka sa bahay lang magbabasa lang ng books ko.''

Di naman kasi ako mahilig mmagliwaliw. Kapag walang pasok palagi lang naman akong nakatambay sa kwarto ko lang nagbabasa nang libro.

''Ang boring nang life mo sis. Try mo rin kayang mag freshen up.'' 

''Wag na. San naman ako pupunta. Tyaka nakakatamad rin.'' sagot ko.

''Sama ka samin! May iilang kaibigan na ako sa room namin. Pupunta kami ng samal beach. Sama ka na sis please...'' 

''Kayo nalang. Katamad talaga yung mga ganyan. Di ako mahilig diyan.''

''Ayan ka nanaman sa pagiging KJ mo Leah ah!'' sabat hampas sa braso ko.

''Eh maa-out of place din naman ako sa inyo dun ano. Tsaka alam mo namang walang may gustong maging kaibigan ako ikaw lang kaya ang nag lakas loob na lumapit sakin dito.''

''Akong bahala sayo. Sige na sama kana samin sis! Wag kang KJ!'' pagpipilit parin niya.

Why not try self? Minsan lang naman to. Sobra na ata ang pagiging introvert ko.

''Fine. Sasama ako. Magpapaalam muna ako kay mommy baka di ako payagan.'' pagsuko ko sa kanya.

Anong di papayagan ang pinagsasabi mo self? Baka nga magpaparty pa yung nanay mo.

''yeeeey! Inform nalang kita sis kung anong araw tayo aalis. Sunduin ka nalang din namin.'' di halatang excited ghorl?

--

Alas-singko na ng hapon, oras na ng uwian pero andito parin ako sa room namin naiwang mag isa. Ngayon kasi ang sched ko sa pagiging cleaners. Bawat araw kasi may nakaassign na groupo para mag linis umaga saka uwian tuwing hapon. Pero heto ako ngayon mag isang naglilinis kasi masyadong maarte ang mga kagroupmates ko kaya solo ko ang paglilinis dito.

Pagkatapos kong maglinis nag room ay agad kong nilock ang room saka pumuntang gate dahil nagtxt sa sakin ang driver namin. 

Pag uwi ko sa bahay ay naabutan ko doon si mommy Belle na nanunuod nang TV kasama si Daddy El. 

''Bakit late ka nang nakauwi iha? Tsaka ba't pawis na pawis ka?'' agad na bungad sakin ni mommy.

''Ah. Ano po kasi mmy. Natagalan po kami ni Nica sa pagrereview malapit na po kasi ang exam.'' pagsisinungaling ko.

Wala kasing alam sina mommy tsaka daddy na binubully ako sa school. Ayaw ko rin ipaalam sa kanila kasi alam ko ang d

''Tumakbo po kasi ako papuntang parking lot mmy.'' sagot ko.

'' Naku namang bata ka! Sabi ko sayo bawal kang mapagod dba. Alam mo namang----''

''mmy naman. Di naman ako nagpagod. Tumakbo lang ako malapit lang naman tsaka alam mo namang madali lang akong pagpawisan.'' pagputol ko sa sasabihin niya.

Ganyan ka over protective si mommy sakin. Kung pwedi ngalang wag akong padapoan nang lamok gagawin niya. 

Pinagpawisan pa nga lang ako ganyan na ang reaction pano pa kaya kung nalaman niyang nabubully ako? Ewan ko nalang.

''haysss. Naku namang bata ka. Pinag aalala mo nanaman ako.''

''Leah makinig ka nalang sa mommy mo. Take care of your self. Para din sayo yang sinasabi nang mommy mo.''

Malumanay na sabi ni daddy.

''Sige na. Umakyat ka na sa kwarto mo't magbihis.''

''Sige mmy. Ddy akyat po muna ako.'' pagpapaalam ko saka ako umakyat nang hagdan papunta sa kwarto ko.

--

Nang alas-siyete ng gabi ay bumaba ako para kumain na nang dinner.

Pagdating ko dun ay andun na si mommy at daddy kumakain. Umupo naman ako sa tapat ni mommy saka naghain nang pagkain sa plato ko.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay nagsimula na agad akong kumain.

Nang malapit na akong matapos ay naalala ko yung pinag usapan namin ni Nica kanina yung about sa outing.

''Uhm. Mmy. Ddy. May outing po sila Nica sa samal kasama ang mga kaklase niya. Gusto niya po sana akong isama.'' pagsisimula ko.

''Naku anak. Sa sabado mamimili tayo nang mga damit na dadalhin mo. Sumama ka na. Di yung puro tambay ka sa kwarto mo.'' naeexcite na sagot ni mommy sakin.

Kita mo na. Expected ko na tong reaksyon niya. Di ko pa nga sinabing gusto kong sumama eh.

''Mag iingat ka dun anak. Know your limits wag ka masyadong magpagod dun.'' sabi ni dad sakin.

''Opo ddy. Thank you po.''

''Kailan ba ang alis niyo?'' tanong ni mommy.

''Pagkatapos daw po nang exam mmy.'' sagot ko naman sa kanya.

Halatang halata talaga ang excitement sa boses ni mommy. Matagal niya na kasi akong pinipilit sa mga ganito ako lang talaga ang may ayaw.

--

Last day of exam na namin ngayon kaya halatang masayang masaya lahat nang studyante ngayo dahil tapos na ang hell week.

Si Nica naman ay puro dada nanaman sa mga dadalhin daw bukas.

Bukas na kasi ang alis namin papuntang samal.

''Sis! Ready mo yung swimsuit mo ha! Wag mong kalimutan yun!''

''Di ako nagsusuot ng ganyan ano ka ba.'' sagot ko sa kanya.

''masyado kang conservative. Ang kinis kinis nang balat mo ghorl! Show us some skin naman. Ang puti puti mo pa. Kainggit ka. Anong skin care mo? Share mo naman.''

Skin care? Juskooo. Eh  wala nga akong alam sa mga pang arte sa katawan eh.

''Wala ako nun. Sadyang di lang talaga ako na eexpose sa init kaya ganito ang balat ko.''

''Sana all naman sis. Basta ready mo na lahat ang dadalhin mo bukas ah. Susunduin ka namin bukas ng umaga mga 9am.'' sabi nito.

''Sige.''

Kinagabihan ay tinulungan ako ni mommy sa pag handa ng mga dadalhin kong gamit sa outing bukas.

''Nak akin na yung hinanda kong towel na dadalhin mo.'' utos nito sakin.

Kinuha ko naman agad yung sampong face towel na nakahanda sa kama ko.

'' Ito na mmy.'' saka tumayo binigay sa kanya.

Siya kasi ang nag aayos ng mga gamit ko sa travel bag na dadalhin ko. Gusyo niya sana yung maleta ang dalhon ko kaso ako yung umayaw kasi masyadong malaki yun iilang damit lang naman ang dadalhin ko.

''Dagdagan mo nga itong face towel nak. Kulang pa ito.'' utos ulit nito sakin.

''mmy ang dami na kaya niyan.''

Pagrereact ko.

''Kulang pa ito. Masyado kang pawisin kaya dapat marami kang extra towel para pamunas ng pawis mo.''

Wala naman akong nagawa kaya kumuha ulit ako nang sampong face towel sa closet ko tsaka binigay sa kanya. Di rin naman ako mananalo sa kanya. 

Kinabukasan ay nasa may sala na ako ready na lahat ng dadalhin ko.

8:45 na kaya anytime ay dadating na sila Nica para sunduin ako.

''Ate Leah anjan na po ang sundo niyo.'' sabi sakin ni Tonet. Working students namin siya.

''Sige paki tulungan nalang ako sa bag ko.'' sabi ko sa kanya.

Binuhat niya naman iyang travel bag ko saka ko binitbit ang back pack ko.

Paglabas ko ng gate ay andun na ang white na van na sasakyan namin.

Bumukas naman ang pinto nito at bumungad sakin ang may malawak na ngiting si Nica.

''Sis! Halika na! Sakay ka na. Mahaba pa ang byahi natin.'' sabi ito.

May lumapit naman sakin na lalaki at kinuha yung bag ko aaka nilagay sa may likuran.

''Sakay kana sis.'' alok ni Nica sakin.

Pag pasok ko ay nagulat ako sa nakita kong kasama namin.

Mga kaklase nga ni Nica. Pero may dalawang tao ang nakaagaw ng pansin ko. Ang dalawang taong nakaupo sa pinakalikod nang van.

Si Mia na  natutulog habang nakasandal sa balikat ni Brendon na kasalukuyang nakatingin din sakin.

--

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status