Share

TWO

Di ko inaasahan ang dalawang taong yun na makakasama namin sa outing nato. Di man lang ako na inform na sasama pala si Mia at ang boyfriend niyang si Brendon.

Feeling ko talaga di ako mag eenjoy sa outing na 'to dahil sa presensya nang dalawang yan.

Really Leah? Eh sa napilitan ka lang ngang sumama. Kahit naman ata wala yang dalawang yan di ka mag eenjoy. Kj ka remember?

Hayss. Oo nga naman. Bahala na si batman. Sana naman walang pang bubully na maganap sa outing nato. Nakakasawa na.

Maingay ang loob ng van habang nasa byahi kami dahil sa mga tawanan at tuksoan na nangyayari.

''Hoy ang tahimik mo jan. Makisabay ka naman.'' tawag ni Nica sa atensyon sabay sundot sa may tagiliran ko.

Napatingin naman agad ako sa kanya mula sa pagkakatulala sa may bintana nang van. Nasa may gilid kasi ako nakaupo sa likod nang driver.

''Out of place ako sa inyo. Di ako makasabay di ko naman mga close yan.'' sagot ko sa kanya.

''Hayss. Napaka anti-social mo talaga. Matulog ka nalang muna. Medyo malayo pa ang samal mabo-bored ka lang.'' sabi niya

Tumango naman agad ako then sinandal ko ang ulo ko sa head rest nang upuan.

''Earphone gusto mo? Pahiramin kita para di ka maingayan samin. Magpa music ka nalang.'' alok niya sakin.

''Wag na may dala naman akong earphones. Salamat. Sige na makisali ka na dun. Gisingin mo nalang ako pag nasa samal na tayo.'' sabi ko sa kanya habang kinukuha ang earphones sa dala kong bag na nasa may kandungan ko.

''Sige.''

Nangmakuha ko ang earphones ko ay agad ko itong ipinansak sa phone ko saka namili nang music.

Pinili ko yung kantang paborito ko. Beautiful Scars by Maximilian. Ang ganda kasi nang meaning nang kantang to kaya ko ito naging paborito.

--

Naalimpungatan naman ako sa naramdamang pagtapik sa may pisnge ko. Minulat ko ang mata ko at agad na bumungad sakin ang mukha ni Nica.

''Nandito na tayo. Tara na.'' aya niya sakin.

Agad ko namang inayos ang sarili ko bago bumaba sa sinakayan naming van.

Paglabas ko nang van ay agad na sumalubong sa kin ang preskong hangin nang lugar. Ang ganda din nang view dito. Nakaka refresh ang paligid. Not bad. Buti nalang pala sumama ako. Siguro naman mag eenjoy ako sa lugar na to wag ko lang pansinin yung dalawang yun.

Ewan ko ba. Kay Mia lang naman talaga ako umiiwas. Kay Brendon ewan ko ba't ako masyadong apektado sa presenya niya. Yung tipong pag nakikita ko siya kahit sa malayo siya simula nung nagkabunggoan kami sa may hallway sa school naging ganito na ang epekto niya sakin.

Im not familiar with this kind of feeling kaya confused pa ako sa mga ganito. Maybe because of his intimidating presence kaya ko nafe-feel to.

Pagkatapos kong kunin ang bag ko sa likod nang van ay pumunta na kami ni Nica sa hotel na tutuluyan namin. Balita ko ay nakapag-book na sila nang suites dito.

Pagkapasok namin sa entrance nang hotel ay sinalubong agad kami nang mga attendant nila para tulungan sa dala naming mga bagahe. Pumunta kaming dalaa ni Nica sa lobby para kunin ang card key nang room namin. Kaming dalawa ang magka-room mate dahil wala naman akong kaibigan sa mga kasama namin.

Pagdating namin sa Room na tutuluyan namin ay agad kaming nag ayos nang mga gamit.

''Magpapa room service nalang kaya tayo para sa dinner mamaya sis? Tinatamad akong bumaba eh. Kapagod sa byahi.'' suhestyon niya.

Tumango naman ako.

''Sige ikaw ang bahala.''

Matapos kong mag ayos nang gamit ay agad akong pumasok sa banyo para makapag linis nang katawan. Nakatulog si Nica halatang pagod sa byahi. Iisang kama lamang ang nandito sa loob nang room kaya tabi kaming dalawa.

Pag pasok ko sa loob nang banyo ay namangha ako sa desenyo nito. May bathtub kaya napagdesisyonan kong magbabad muna dun.

Ilang minuto din ang itinagal ko sa pagbabad dun bago ako nagbihis.

Paglabas ko nang banyo ang tulog parin si Nica kaya lumabas muna ako para mag libot-libot. Napatingin ako sa relo na nasa kaliwang pulsohan ko.

Alas-siyete na pala.

Pumunta ako sa may sea side para mag lakas-lakad. Masyadong peaceful ang paligid. Feel na feel ko yung lakas at lamig ng hangin na dumadampi sa maputla kong balat.

Ipinikit ko sandali ang mga mata ko para mas ma feel ko ang pagka peaceful nang paligid. Nakaka refresh nang isip. Matagal ko nang kailangan ang ganitong katahimikan. Sana pala noon pumunta na ako sa mga ganitong lugar.

Nang buksan ko ang aking mga mata ay napansin ko agad ang isang lalaking nakaupo sa di masyadong kalayuan kung saan ako nakatayo.

Lumapit ako doon para tignan kung sino dahil di ko maaninag ang mukha niya tsaka medyo malabo rin ang paningin ko dahil di ko suot ang salamin ko sa mata.

Nang medyo malapit na ako sa tabi ng lalaking nakaupo dun ay napalingon ito sa gawi ko.

Nagtama ang paningin naming dalawa.

Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para akong galing sa pakikipag habulan sa kabayo sa bilis ng tibok nito. Parang mawawalan ako nang hininga.

Parang matutunaw ako sa paraan ng pag tingin nito sakin.

Feeling ko mas lalong lumamig ang paligid.

''Why are you here?'' Tanong ni Brendon sakin.

Kinausap niya ako. Di ko inexpect to. Ang inaasahan ko'y iignorahin niya lang ang presensya ko.

''Ah nag papahangin lang. Di ko naman alam na nandito ka.''  nauutal kong sagot sa kanya

Iniwas niya na ang tingin sakin saka ito tumingin sa dagat.

Tinignan ko rin ang tinitignan niya.

Ang ganda. Kitang-kita ang malaking buwan na nagrereflect sa malinaw na tubig nang dagat.

Tanging ang ingay nang malakas na alon ng tubig ang maririnig sa paligid. Masyadong tahimik.

''Ba't ka rin pala nandito. Di mo ata kasama ang girlfriend mong si Mia.'' pag sisimula ko sa conversation namin.

''She's asleep.'' tipid na sagot nito.

''Ah. Okay. Sige alis muna ako. Baka naiistorbo kita.'' sabi ko sa kanya.

Akmang aalis na ako ng biglang may humawak sa pulsohan ko.

''Wait.''

Para akong nakuryente sa paglapat ng kamay niya sa balat ko.

Nilingon ko naman siya. Nakatayo na ito mula sa pagkakaupo sa may buhanginan.

''B-bakit?'' tanong ko sa kanya

Mataman itong nakatitig sa mukha ko.

Nagulat namang ako sa biglang pag hapit nito sa beywang ko nang isang kamay niya. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sobrang lapit naming dalawa.

''Sorry'' sabi nito.

Nagtaka naman ako sa biglang paghinge ng tawad nito.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nitong sakupin ang labi ko gamit ang labi niya.

Nanatiling nakadilat ang mga mata ko sa gulat. Nakita kong nakapikit ang dalawang mata ni Brendon habang nakadampi parin ang nga labi namin.

Naramdaman kong unti-unting gumalaw ang labi nito sa mga labi ko at marahang kinagat ang ibabang labi ko kaya napasinghap ako dahilan para mapabuka ang labi ko at malaya nitang naipasok ang dila sa loob.

Para akong nanigas sa ginawa niya. Gusto ko siyang itulak palayo dahil mali itong ginagawa niya. May girlfriend siya. Pagtataksil itong ginagawa niya.

Pero tinatraydor ako ng sariling katawan ko. Hinawakan ko siya sa mga balikat niya para kumuha nang lakas dahil sa nanginginig kong tuhod.

Naramdaman kong naging medyo marahas na ang paraan nang paghalik niya sakin. Ang kamay nitong nakasupporta sa beywang ko ay marahang humahaplos na sa likod ko. Ang kamay nito nakahawak sa likod ng ulo ko ay bumaba papunta sa may laylayan ng suot kong tshirt. Ipinasok nito ang kamay doon sa loob ng tshirt ko saka umakyat ito pataas hanggang sa mahawakan nito ang dibdib ko saka marahang pinisil ito.

Natauhan naman ako sa ginawa niyang yun saka ko siya tinulak nang buong lakas ko kaya napaatras ito ng konti pero nanatili parin ang isang kamay nito sa beywang ko.

''Why? Don't you like it?'' tanong nito sakin.

Parang maiiyak ako sa inasta nito. Parang wala lang sa kanya ang nangyaring pagtataksil sa girlfriend niya.

''Mali ito.'' Habang nanginginig ang boses kong sagot sa kanya.

Kahit nanlalamig at nanginginig ang aking mga kamay ay pilit kong inalis ang pagkakahawak nito sa beywang ko saka umatras palayo sa kanya akmang tatakbo na ako ng hapitin niya ako ulit sa beywang ko paharap sa kanya saka niyakap ng mahigpit.

''You're fucking confusing me since the day we bump into each other in that fucking hallway.'' sabi ito bago ako ulit halikan sa labi.

----

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status