Share

THREE

Di ako makatulog nang gabing yun sa kakaisip sa nangyari.

''You're fucking confusing me when we bump into each other in that fucking hallway.''

''You're fucking confusing me when we bump into each other in that fucking hallway.''

''You're fucking confusing me when we bump into each other in that fucking hallway.''

Aaaargh!!!!!!!!!

Ba't ayaw mong maalis sa isipan ko!

Napabangon ako bigla sa malakas na katok mula sa labas nang suite na tinutuloyan namin ni Nica. Mag isa lang ako ngayon dito sa kwarto dahil nag ikot-ikot muna sila kasama ang mga kaklase niya. Nagpaiwan lang ako kasi ayaw kong makipaghalubilo sa kanila.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ang kung sino man ang kumakatok sa labas.

Pagbukas ko nang pinto ay agad na bumungad sa akin ang mukhang wala ring tulog na si Brendon.

Isasara ko na sana ang pinto nang hinarang niya ito.

Napabitaw naman ako sa pagkakahawak sa pinto. Malaya siyang nakapasok sa loob saka ito sinara. Narinig ko ang pagkalock nang pinto.

''A-anong ginagawa m-mo dito?'' nauutal kong tanong sa kanya.

Di ito sumagot sa tanong ko. Patuloy lamang ang paglapit niti sakin kaya patuloy rin ang pag atras ko palayo sa kanya hanggang sa maramdam ko sa may bandang paa ko ang kama.

''W-wag k-kang lalapit p-please.'' natatakot kong sabi sa kanya pero di ito nakinig. Patuloy parin ito aa paglapit sakin hanggang nasa tumigil ito sa harap ko na ilang inches nalang ang layo nito sakin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.

''Iniwan mo ko kagabi.'' sabi nito.

Iniwan ko kasi siya kagabi matapos ko siyang itulak muli sa pagkakahalik at tumakbo nang mabilis palayo sa kanya.

Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Ayaw ko siyang tignan sa mata. Feeling ko na hy-hypnotize ako sa mga mapupungay at sobrang lamig na mata nito.

''Umalis ka na.'' sabi ko.

''Talk to me first.'' sagot nito.

Ayaw nga kitang makita kausapin pa kaya?!

''Wala tayong dapat pag usapan Brendon. Tigilan mo na ako please. Ayaw ko nang gulo. Alam kong alam mong malaki ang galit nang girlfriend mo sakin.'' nagmamakaawang sabi ko sa kanya saka ito marahang itinulak sakin palayo.

''Please Brendon.'' dagdag ko habang di parin tumitingin sa kanya.

Ramdam ko ang mga titig niya na para bang binabasa ang lahat nang nasa isip ko.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga nito saka tumalikod at lumabas nang kwarto.

Nakahinga naman ako nang maluwag sa pag alis niya.

Ano ba ang nangyayari sa lalaking yun? Natatakot ako sa mga posibleng mangyari kapag may nakaalam sa mga pinanggawa ni Brendon. Ayaw ko nang gulo.

Mabilis parin ang tibok nang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Para akong inaatake nang asthma ko.

Dahil nga ba Asthma ito? O dahil nahuhulog na ako kay Brendon?

Pero hindi eh! Masyadong madali!

Patuloy parin ako sa pakikipag talo sa isip ko. Litong lito ako sa mga nangyayari.

---

Mga bandang Alas-onse nang tanghali ay dumating sina Nica kasama ang mga kaklase niya. Baumaba kami para pumunta sa restaurant nang hotel para kumain.

Nasa iisang table kami lahat buffet kasi ang pinahanda nila. Nalaman ko ring isa sa mga kaklase ni Nica ang may ari nang hotel nato kaya pala masyado kaming na naaasikaso nang mga nagtatrabaho dito.

Tahimik lamang akong kumakain habang sila Nica naman ay nagtatawanan at nagkwekwentohan sa mga naganap sa paglilibot nila kanina.

Mas lalo akong walang kibo habang kumakain dahil nasa harap ko si Brendon at Mia. Sinusuboan ni Mia si Brendon nang isang hiwa mang karne. Umiling naman si Brendon sa inalok na pagkain ni Mia kaya agad na napasimangot ito at siya nalang ang kumain nito.

Di ko inaasahan ang biglang pagtingin ni Brendon sa akin kaya agad akong umiwas nang tingin sa kanya at pinagpatuloy ang pag kain ko.

''Leah! Ang tahimik mo masyado. Di ka rin sumasabay samin sayang di mo maeenjoy ang bakasyon mo dito.'' sabi sakin nung babaeng blonde ang buhok na kaklase ni Nica.

Nagulat ako sa biglang pag pansin sakin nito. Napatingin naman ang ibang kasamahan namin sakin kaya tipid akong ngumiti sa kanila.

''Di kasi ako mahilig sa ganito eh. Pinilit lang talaga ako ni Nica na sumama.'' sabi ko.

''Eh bakit ka nag papilit naman? Dzuh girl. Ang arte mo rin ah. You can reject naman sa offer ni Nica. Nakakaasiwa ang pagmumukha mo.'' Biglang sabat ni Mia kaya napayuko ako.

''Mia stop it.'' saway ni Brendon sa kanya.

Natahimik naman ang lahat sa biglang pagsasalita ni Brendon. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat.

''True naman kasi hon! Kung alam ko lang na sinama pala ni Nica yan edi sana di na tayo sumama! Gosh! Allergic ako sa mga panget na kagaya niya!''

''Eh bakit sa panget mong ugali? Di ka allergic? Panget din naman yan ah?'' biglang sagot ni Nica.

Hinawaka ko naman ito sa braso niya para pakalmahin dahil ramdam ko na ang pagkapikon ni Nica. Brat din pa naman to.

''How dare you?!'' galit na sigaw ni Mia kay Nica.

Tinaasan ng kilay ni Nica ito.

''How dare you too to say that to Leah! Kapal naman nang mukha mong mag minaldita dito. Why? Who do you think you are para tratohin nang ganyan ang kaibigan ko? Feeling reyna-reyhan ka sa school gosh! Di ka bagay maging reyna!'' pasigaw na sagot din ni Nica.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob nang restaurant.

Napatingin na din ang ibang kumakain sa pwesto namin. Nagtataka kung anong nangyayari bakit nagsisigawan na ang dalawang to.

''Ako lang naman ang tinaguriang Queen bee nang Brent Academy! At anak din ako nang isa sa mga investors nang school na yun! So you can't talk to me like that as if you know me dahil kaya kitang ipakick-out sa school na iyon Ms.Trasnferee!''

Kung alam mo lang Mia.

''Oh really? Investor pala ang pamilya mo sa Brent? So why try to ask your parents then who's Nica Leigh Torres? I bet your parents knew me.'' natatawang sagot ni Nica kay Mia.

''Oh. Torres. Does it ring a bell? Yung supervisor right? Mr. Ian Torres. By the way He's my dad. And i bet you're familiar with Mr. Brent Laurel too? He's my mother's older brother. Tito Brent is a single man up until now and he needs someone who'll inherit his wealth including Brent Academy. At dahil ako lang naman ang nag iisang pamangkin niya. Alam mo na kung sino ang magmamana nang paaralang sinasabe mong ipapakick-out mo ko. I am Nica Leigh Laurel Torres. The only heir of Brent Academy Ms. Costales.'' mahabang litanya nito.

Napasinghap naman ang ibang kasamahan namin sa mga nalaman. Kahit ako nagulat din ako. Ang alam ko lang kasi ay yung papa niya ang supervisor nang school.

''So what?'' sagot ni Mia pero halata ang kaba nito.

''Ako ang ipapakick-out mo? Go! I pu-pull out namin lahat nang investment namin. Alam kong gagawin nang daddy ko yun! Tignan lang natin yang yabang mo.'' dagdag pa nito.

''Oh bitch! Believe me if I tell you na our school will stay unbothered pag nag pull out kayo. Dzuuuh. Not a big loss. Ilang percent lang naman yung shares niyo sa school kayang-kaya namin yang tapalan bitch.''

Natawa naman ako sa isip ko sa mga pambabara ni Nica. Ganito pala talaga siya. Bratty.

''Argh!'' inis na sigaw ni Mia at padabog na tumayo. Nag walk out ito pero naiwan si Brendon na patuloy lamang sa pag kain.

''Mygosh Nics! Ang yaman mo pala. Akala ko si Mia na ang pinakamayaman na babae sa school eh.'' komento nung babaeng chinita.

''Excuse me. Di si Mia ang pinakamayaman na babaeng mag aaral sa Brent kahit nung wala pa ako jan no. Si Leah kaya! May mass malaking investment ang pamilya nila kesa kay Mia the bitch.'' sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabe niya.

Teka pano niya nalaman yun? Eh malaking sekreto yun nanag pamilya namin kasi ayaw kong ipaalam sa iba na investor din ang pamilya ko sa Brent.

Nilingon ako ni Nica saka bahagyang natawa sa nakitang reaction sa mukha ko.

''Wag kang magulat na alam ko sis.''

''Talaga?! Wow naman Leah. Di halatang sobrang yaman mo dahil di ka naman nag iinarte. Gosh.'' sabi nung naka blonde ang buhok na kumausap sakin kanina.

Biglang tumikhin si Brendon kaya napatigil kami sa pag uusap.

''Excuse me.''

Sabi nito saka tumalikod paalis. Susundan ata si Mia na nag walk-out.

Nagkatinginan naman kaming lahat bago nagpatuloy sa usapan.

Naging komportable na ako sa pakikipaghalubilo sa mga kaklase ni Nica. Akala ko maaarte talaga sila. Di naman pala.

Nang matapos kaming kumain lahat nung tanghaling iyon ay nagkayayaan silang maligo sa dagat. Pinilit nila akong lahat na sumama kaya wala akong nagawa kaya napa-oo nalang ako nang wala sa oras.

Tanging si Mia at Brendon ang wala doon.

Nalaman kong kaya pala sumama si Mia ay dahil pinsan niya iyong babaeng blonde ang buhok na nagpakilala saking Althea. Di naman daw sila gaano ka-close ni Mia dahil nga daw sa panget na ugali nito.

Nang malapit nang mag gabi ay napagdesisyonan na naming magbihis para maghanda na sa hapunan. Doon parin kami kumain sa restaurant na pinagkainan namin kanina. Wala pa rin sina Mia at Brendon kaya malaki ang pasasalamat ko dahil di ulit ako maiilang.

Nang matapos kami lahat kumain ay nag sipagbalikan na kami sa kanya kanyang kwarto at nag pahinga. Nawala sa isip ko nang gabing yun si Brendon napalitan iyon nang masasayang nangyari kaninang tanghali kasama ang nga kaklase ni Nica. At dahil sa pagod ay nakatulog ako nang maaga. At nagising ako na maganda ang mood.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status