Share

Shattered Pieces (Tagalog)
Shattered Pieces (Tagalog)
Author: Queenie Morales

Prologue

''Hoy manang! Tabi nga!''

Sigaw ni Mia sakin, ang pinaka sikat na babaeng mag-aaral dito sa Brent Academy. Isang sikat na paaralan sa lugar namin na mayayaman lamang ang nakakapag aral dito.

''Paharang-harang ka sa dinadaanan ko! Yucks! Shooo!'' sabay tulak nito sakin paalis sa dinadaanan niya.

Si Mia Costales ang tinaguriang Queen Bee dito. Anak mayaman, maganda, matalino ngunit may ugaling di ka aya-aya. Sikat siya dahil anak din siya nang isa sa mga investor ng Brent Academy. Nakukuha lahat ng gusto. 'What Mia wants, is what Mia gets.' ganun siya. Spoiled brat nga ika nila.

Ako naman ay kabaliktaran ni Mia. Anak mayaman din pero di katulad ni Mia na maganda sikat at tinitingala nang maraming mag aaral dito. Matalino din naman ako sa katunayan nga ay ako lagi ang nangunguna sa honors nang batch namin pumapangalawa lamang sakin si Mia kaya palaging mainit ang dugo sakin nang babaeng yan.

Ibang iba ako kung ikukumpara kay Mia. Sexy siya. Maayos kung manamit while ako naman manang.

Maraming nagmamahal sa kanya. Nasa kanya lagi ang atensyon.

''Hoy! Tulala ka nanaman jan manang!'' sabi sakin nang isang studyante na di ko kilala. 

Nilampasan ako nito. Inayos ko ang damit ko saka pinulot ang tatlong librong nahulog sa pagkakatulak ni Mia sakin kanina.

Pagkatapos kong pulutin lahat ay naglakad na ako papunta sa room ko.

Malapit nang mag bell kaya nagmadali akong naglakad.

Nang nasa 3rd building na ako ay agad akong tumakbo papunta sa room ko ng bigla akong may nakabangga sa may crossing hallway ng building.

''Aray!''

Napasigaw ako dahil sa malakas na pagkakabunggo ko na dahilan kaya napasalampak ako sa sahig.

Ang sakit ng pwet ko dahil sa malakas na pagkatumba ko. Ingat akong tumayo at pinulot uli ang mga librong nahulog. Tumayo ako ng di parin tinignan ang nakabunggoan ko.

''Pasensya na nagmamadali kasi ako eh. Pasensya na talaga.''

Nakayukong paghinge ko ng pasensya sa kanya. Akmang lalampasan ko na sana siya ay bigla nitong hinawakan ang pulsohan ko dahil para mapatigil ako kaya napaangat agad ang tingin ko sa kanya.

''Next time miss tumingin ka sa dinadaanan mo.'' tipid na sabi nito sabay irap sakin saka ako iniwang gulat doon.

Ang cold ng boses niya. Ngayon ko palang narinig ang boses niya kung mag salita.

Attitude nga talaga. Inirapan pa ako.

Brendon Akihiro Aguas....

The infamous only son nang isang Business tycoon dito sa Pilipinas. Ang lalaking palaging tahimik at nakakunot noo na akala moy pinaglihi sa sama nang loob. Snobero ayaw ng disturbo. Pero pag ang girlfriend na nito ang kaharap, akalain mong marunong palang ngumiti ang bugnoting lalaking yun? Si Mia ang girlfriend ni Brendon. Ang nag iisang babaeng nakakapagpangiti at nakakapagpatawa sa lalaking yun, ultimo magulang daw nito ay hirap itong kausapin. Sabi nga ng iba sunod sunoran ito sa lahat ng gusto ni Mia. Gagawin ang lahat para sa girlfriend niya. 

Sikat na couple sa school namin si Mia at Brendon. Maraming naiinggit sa dalawang ito. Pero ako? Never. As in never akong maiinggit sa dalawang yan. Masyadong mabantot ang ugali.

Natauhan naman ako sa biglaang pag tunog ng bell tanda na time na para sa first period namin sa umaga.

Nagmadali akong tumakbo papasok sa classroom. 

Malapit na ako sa room namin ng makita kong papasok na ang teacher namin sa first subject. Nang makapasok na ako sa loob ay agad akong naupo sa assigned seat ko.

Nasa may bandang likuran ako. Wala rin akong katabi dahil masyadong maaarte ang nga kaklase ko baka daw mahawaan ko sila nang pagka manang ko. Tssss. 

Grade 11 student palang ako taking Humss strand. Gusto ko kasing maging isang guro.

Habang nag di-discuss ang teacher namin sa harap ay panay ang take notes ko rin sa mga sinasabe niya. Mahilig akong mag take notes para may mapag aralan ako tuwing gabi. Nakasanayan ko na rin siya. Saka wala din naman akong ibang ginagawa sa bahay di rin naman kasi ako mahilig mag browse sa mga Social Media Accounts gaya nang kinaaadikan nilang Facebook, Twitter at IG. 

Matapos ang dalawang period ay dinismiss na kami para mag recess. As usual mag isa nanaman akong kakain sa isang tabi dito sa cafeteria. Simula Grade 7 ako ganito na talaga ako. Mag isang kumakain kasi wala naman akong kaibigan saka wala din may gustong makipag kaibigan.

Nag order lamang ako ng isang spaghetti tsaka juice. Okay na ako sa ganito, di naman kasi ako heavy eater. 

Habang kumakain ako ay may biglang umupo sa isang upoan dito sa lamesang ikuukyopa ko.

''Hi! Pwede pasabay? Wala kasi akong kasama eh. You know transferee.''

Nakangiting sabi nito sakin.

''Ah s-sige.'' nahihiyang sagot ko sa kanya. Di naman kasi ako sanay na may kumakausap sakin dito. 

Tinignan ko ang mukha ng babaeng umupo sa harap ko. Maganda siya. Maputi, May pagka chinita siya, Kulay brown na hanggang balikat ang kanyang buhok na bumagay sa maliit na pagmumukha nito. Halatang anak mayaman. Tinignan ko rin ang dala niyang pagkain. Ang dami. Di naman halatang heavy eater niya ano pero payat naman siya.

''Thank you! Teka bat mag isa ka lang? Wala ka bang friends? Transferee ka din ba?'' sunod sunod na tanong nito sakin. Di naman halatang di siya madaldal ano?

''Ahm. Wala. Dito nako nag-aaral since grade 7.'' Sagot ko

''Hala bakit? Ayaw mo nang may kaibigan? Kaya mo yun? Hala! Grabi ka.'' tanong niya ulita sabay mahinang hampas sa lamesa.

At di rin halatang feeling close siya. 

''Di naman sa ayaw ko. Look. Di ako yung may ayaw makipagkaibigan. Sila yung may ayaw sakin. Allergic sila sa manang na katulad ko.'' sagot ko sa kanya.

''Oh my G! Ang toxic naman nila. Di naman kasi sakit yang pagkamanang mo para makahawa dzuuuh. Don't get me wrong sis ha. Yes may pagka manang ka talaga pero di mo naman deserve ang tratohin nang ganyan.'' kunot noong sabi nito saka nag cross arms sa may dibdib niya.

Parang magkakasundo kami nito kahit masyadong madaldal.

''Wala nakong nagagawa kung ganyan ang tingin nila sakin. Wala din naman akong paki sa kanila.''

True naman kasi. Di naman kasi natin mapipilit ang tao na magustohan tayo diba. Tsaka ayaw ko rin namang makipagplastikan sa mga tao dito. Masyado akong busy sa studies ko para pag aksayahan nang oras yang mga taong immature.

'' Ay wait! Masyado na akong feeling close sayo nalimutan kong magpakilala.'' sabay palakpak nang kamay nito.

Sis buti naisip mo yan ano?

'' Im Nica by the way. Nica Leigh Torres.'' sabay lahad nang kamay nito.

Tinanggap ko naman saka ako nagpakilala. Ang lambot ng kamay...

''Lea nga pala. Lea Janine De Guzman.'' pagpapakilala ko din sa kanya.

''Now magkakilala na tayo. Let's be friends? Magkaibigan na tayo ha! Wag kana umangal please.'' sabay pa-cute nito na parang aso.

Confirm. Loka-loka ang babaeng to.

''Pano kung ayaw kong maging kaibigan ka?'' tanong ko sa kanya 

'' No way! Bawal kang tumanggi sa friendship kong offer sayo! Bawal akong tanggihan!''

Maktol nito. Sabay padyak sa paa niya sa ilalim nang mesa.

Aba. May pagka brat din. 

Natawa naman ako sa reaksyon nitong parang bata.

''Oh? Ba't ka natatawa jan? Di ako nag jojoke! Bawala ako tanggihan bahala ka jan!'' taas kilay na tanong nito sakin.

''Oo na. Payag nako. Haha. Childish ka masyado.'' sabi ko sa kanya natatawa parin.

''Sensya naman! Transferee nga kasi. Wala pa akong kaibigan dito. Tsaka di ko rin feel yung ibang students dito ano. Like duuh supppppeeer arte nila di naman kagandahan. Akala mo kung sino. Wag lang silang magkakamaling banggain ako nako! Sasabunutan ko talaga. tsaka ikaw! Pag may umapi sayo sumbong mo sakin kahit transferee ako di ko sila sasantohin! Papakick-out ko sila kay daddy eh.'' sabi nito with matching pataas-taas pa nang isang kilay sabay irap.

Lt din tong babaeng to. Pano nalang kung maging kaibigan ko na talaga to? Major major changes na sa tahimik kong buhay. Di na magiging boring ang buhay ko sa araw-araw na pag pasok ko dito sa school.

Napahaba pa ang chikkahan namin. Nalaman ko ding galing siya sa ibang bansa lumipat siya dito dahil trip niya lang daw (see brat talaga) Grade 11 din siya katulad ko kaso iba ang strand niya nasa ABM siya kasi yun ang gusto ng daddy niya. Nag iisang anak din siya. So meaning tagapagmana din kaya paka about Business ang pinakuha sa kanya. 

Nang nag bell na tanda na tapos na ang recess time ay agad kaming tumayo at naglakad pabalik sa kanya kanyang classroom namin. Habang naglalakad ay patuloy parin kami sa pag uusap. Nang malapit na ako sa room ko ay nag paalam na agad ako.

''So dito na ako. Ito na yung room ko.'' sabi ko sa kanya.

''Sige."

Akmang papasik na sana ako nang magsalita ulit ito.

"Ahm Sis! Sabay tayong mag lunch mamaya?" tanong nito sakin.

"Sige magkita nalang tayo doon sa pinagkainan natin mamaya. " sagot ko sa kanya nang nakangiti.

"Sige! See yah later." saka ito tumakbo palayo papunta sa kanyang classroom.

Ganito pala ang feeling magkaroon nang kaibigan.

Sa ilang taon kong nag aaral dito ngayon pa may kumausap sakin gaya ng ginawa ni Nica.

What a great day for me. :)

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Corny Porky
sorry mali pala..................️...️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Corny Porky
sobrang sama ni mia gayon pwedeng.........
goodnovel comment avatar
Xingxing
Go manang! rooting for her.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status