Share

Chapter 43

Tumalikod na kami sa batis at paglingon ko sa may kalsada, may nakita akong isang liwanag sa likod ng mga puno na agad ding nawala at nakarinig ako ng yabag ng kabayo na papalayo. Kumunot ang noo ko at hinila si Josefa palapit sa ‘kin na kinagulat niya.

"Parang may tao," mahinang sabi ko. Kinuha ko ang gaserang hawak ni Josefa at ako na ang naunang maglakad hila ang kabayo. Siguro kung si Liwan, hindi kayang lumaban ng suntukan, iba ako, kasi kaya ko. Ngunit may parte sa ‘kin na gusto ko na lang tumakbo palayo. Natatakot ako na baka maulit na naman.

"Mon, anong meron?" kinakabahang tanong ni Josefa na mahigpit na rin ang hawak sa damit ko. "Tila may tao kanina."

"Huwag kang matakot. Magugulo ang isipan mo," tugon ko sa kanya habang naglalakad palapit sa kalsada.

Hindi ko na makita ang liwanag at wala na rin akong naririnig na yabag ng kabayo. Iyong takbo niya ay papunta sa direksyon ng bahay na tinutuluyan namin.

"May kasama ka ba nang

Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status