Muli, napabalikwas ako sa kinahihigaan ko habang humahangos. Pinagpapawisan din ako ng malamig. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi pa ako kumakalma ay nakaramdam na naman ako ng takot nang maramdaman kong hawak ako ni Lino sa magkabilang braso para pakalmahin ako. Nag-aalala siya pero kinakabahan ako sa mga hawak niya. Agad akong umiwas ng tingin.
"B-bitawan mo ako," nanghihinang sabi ko na ginawa niya naman. Niyakap ko ang sarili ko at pasimple kong hinimas ang brasong hinawakan ni Lino para matanggal ko iyong pakiramdam ng pagkakahawak niya sa ‘kin. Hindi ako mapalagay.
"Liwan," sambit ni Lino at inaabutan ako ng isang baso ng tubig. Nanginginig ang mga kamay ko kaya hindi ko iyon kayang hawakan. Ni makalapit sa kanya ay kinakabahan ako kaya lalo siyang nag-aalala.
Umusog ako palayo sa kanya sabay yakap sa mga tuhod ko. "L-lumabas ka na, L-Lino," nanginginig na sambit ko at hinahabol ko pa rin ang paghinga ko.
"May... may problema ba, Liwanag?
Tumalikod na kami sa batis at paglingon ko sa may kalsada, may nakita akong isang liwanag sa likod ng mga puno na agad ding nawala at nakarinig ako ng yabag ng kabayo na papalayo. Kumunot ang noo ko at hinila si Josefa palapit sa ‘kin na kinagulat niya."Parang may tao," mahinang sabi ko. Kinuha ko ang gaserang hawak ni Josefa at ako na ang naunang maglakad hila ang kabayo. Siguro kung si Liwan, hindi kayang lumaban ng suntukan, iba ako, kasi kaya ko. Ngunit may parte sa ‘kin na gusto ko na lang tumakbo palayo. Natatakot ako na baka maulit na naman."Mon, anong meron?" kinakabahang tanong ni Josefa na mahigpit na rin ang hawak sa damit ko. "Tila may tao kanina.""Huwag kang matakot. Magugulo ang isipan mo," tugon ko sa kanya habang naglalakad palapit sa kalsada.Hindi ko na makita ang liwanag at wala na rin akong naririnig na yabag ng kabayo. Iyong takbo niya ay papunta sa direksyon ng bahay na tinutuluyan namin."May kasama ka ba nang
Tinulungan niya akong makatayo at kahit natatakot at kinakabahan ako, agad ko siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap. Alam kong nagulat siya pero sinuklian niya nang mas mahigpit na yakap ang yakap ko. Noong una ay parang gusto ko agad umalis kaya mas hinigpitan ko ang yakap ko to the point na nakatingkayad na ako at parang nakasabit na ako sa leeg niya.Nakabaon pa ang mukha ko sa leeg niya at ramdam ko ang tibok ng puso niya. Ang lakas at ang bilis. Nang magtagal, unti-unting kumalma ang kalooban ko. Pakiramdam ko, kahit magdigmaan sa labas, ligtas ako sa mga bisig niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag may nagmamahal sa atin? Nawawala ang pangamba. Pakiramdam natin, kakayanin na natin lahat. Pakiramdam natin, ang lakas natin.Nang bumitaw ako, pinilit kong ngumiti sa kanya pero nag-aalala pa rin siya sa ‘kin. "Salamat," sambit ko."Wala pa akong ginagawa, Liwanag. Hindi mo kailangan magpasalamat." Ngumiti siya kaya bahagya akong natawa.Ang hila
Ilang segundo pa'y narinig ko ang mabibilis na yabag ni Lino at biglang nasa harapan ko na siya, nakaluhod at nag-aalala na naman."Anong nangyari, Liwan?" kinakabahang tanong niya at maski siya'y natatakot na hawakan ako.Mabagal akong umiling. "W-wala. N-nasagi ko lang," natatakot na sabi ko sabay turo sa candle holder pero hindi siya naniwala kasi halata sa mukha ko na takot na takot na naman ako at nanginginig na naman ang mga kamay ko. "Nandiyan pa siya?" mahinang tanong ko."Umalis na siya. Natakot ka ba sa kanya?" mahinahong tanong niya na para bang bata ang kausap niya ngayon.Lumalambot tuloy ang puso ko kapag pinapakita niya kung gaano niya kagustong alagaan ako. Hindi ko siya deserve. Masyado akong basag para alagaan niya. Baka siya pa ang masugatan dahil sa mga basag ko.Umiling ako nang mabagal habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi naman talaga ako natakot kay Padre Roque. Kamukha niya lang kasi at pakiramdam ko, nauulit na naman.
Habang nagdidilig, tinawag ako ni Agustino. "Mon," aniya kaya napalingon ako sa kanya na ngayon ay naglalakad palapit sa ‘kin habang nakakunot-noo. Napatingin siya sa kanang palad ko. "Anong nangyari riyan?" tanong niya pa at hahawakan niya sana ang kamay ko nang agad ko itong iiwas sa kanya at sakto ring nahawakan ni Lino ang braso ni Agustino.Napaatras ako ng hakbang at hinawakan ang mga kamay kong nanginginig na naman. Hindi maganda para sa ‘kin ang idea na may hahawak sa ‘king lalaki. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito dati."Bakit?" tanong ni Agustino kay Lino."Maaari mo ba akong tulungang kumuha ng tubig sa likod?" tanong ni Lino na tinanguan ni Agustino at nagsimula na silang maglakad palayo sa ‘kin. Isinama rin nila si Lucio. Nilingon pa ako ni Lino na parang nag-alala sa nangyari kaya pinilit kong ngumiti."Anong nangyari riyan?" tanong ni Miranda na nasa tabi ko na pala."Nahulugan ng kandila," sagot ko
"Maaari naman tayo ritong mag-open forum," sabi ko kasi kami-kami na nga lang ang magkakakilala rito tapos mag-aaway-away pa kami. Ang pangit naman nun."Open forum?" kunot-noong tanong nila."Open forum. 'Yung parang, nakabukas ang mesa." tinuro ko ang mesang nasa gitna namin. "Maaari nating ilagay riyan lahat ng nais nating sabihin sa bawat isa. Maaari nating pangalanan o kaya'y hindi basta ang mensaheng sasabihin natin at alam niyang para sa kanya.""Maaari rin bang ilagay riyan ang mensahe ng pagkainis natin sa isang tao?" tanong ni Catalina na tinanguan ko na lang. Napapaos na kasi ako. "Kung gayon, nais ko nang mauna.""Paalam," sabat agad ni Agustino habang natatawa kaya sinamaan siya ng tingin ni Catalina."Hindi ka na nakakatuwa, Valencia," inis na sabi ni Catalina. "Alam ko namang kaya ka nagsusungit dahil akala mo'y sa masusungit ako nagkakagusto, hindi ba?" nakangising tanong ni Catalina."Tama," sabat agad ni Agustino habang tum
"Wala na," mahinang sabi ni Berto."Saan napunta?" tanong naman ni Lino."Napunta na sa pangangalaga ng gobyerno.""Iyan na muna sa ngayon," pagputol ni Lino sa usapan kaya agad akong lumabas sa office at nagkunwareng nag-aayos ng mga upuan.Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila sa loob kasi iyon lang ang narinig ko at hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapang iyon. Dalawang araw nawala si Berto kaya nagtataka na rin ako. Ang layo naman ng pinuntahan niya?"Mon..." sambit ni Berto nang makita ako rito sa sala. Nginitian ko siya."Ang tagal mong nawala. Nabili mo ba iyong pinabibili ni Lino?" I asked.Tumango siya at napatingin sa kanang kamay kong may benda. "Hindi ko agad nahanap kaya nagtungo pa ako sa ibang bayan," kumunot ang noo niya at muling binalik sa ‘kin ang tingin. "Napano ang iyong kamay?""Nahulugan ng lalagyan ng kandila pero ayos na 'to." tinanggal ko ang benda ng kamay ko at pinakita sa kanya ka
"Wala naman. Muntik ko na kasi siyang mabangga kanina dahil sa pagmamadali ko," sabi ni Agustino sabay tingin sa ‘kin. "Hindi ka ba napaano?" tanong niya kaya umiling ako. Napatango siya at agad na tumayo, tila nagmamadali at hindi mapakali. "Maaari ba kitang makausap sa labas?"Hindi pa ako nakakasagot nang magsimula na siyang maglakad palabas kaya no choice ako kundi mag-excuse kay Miranda para sundan si Agustino."May problema ba?" tanong ko.Nandito kami sa gilid ng hardin nila, malayo sa mga tao lalong-lalo na sa mga Guardia Personal. Kapag nakikita ko sila, naghahatid sila ng kilabot sa ‘kin. Naaalala ko kasi iyong mga humabol kay Liwanag."Sabihin mo, bakit kailangan mong magpanggap?" mahinang tanong niya na kinakunot ng noo ko. Napangisi siya at napasuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya. "Mon, isa kang babae, tama ba?" mahinang tanong niya pa pero medyo tumataas ang boses niya. Nafufrustrate na ba siya?"Dahil sa kanina ba?"
"Mon," rinig kong tawag ni Josefa kaya napaharap kami sa kanya. "Hinahanap ka na ni Doktor Fuentes. Ikaw rin po, Señor Agustino," dagdag niya kaya sumunod na kami ni Agustino pero bago pa man kami makapasok sa pinto ng bahay ay hinila ko si Josefa palabas habang dire-diretso lang si Agustino sa pagpasok na para bang sarili niya itong pamamahay.Nakasindi na rin ang mga lampara kaya maliwanag na sa loob ng bahay though medyo maliwanag pa sa labas."Bakit, Mon?" tanong ni Josefa nang makababa kami sa hagdan ng bahay."Kahapon... sinabi mo kasing hindi dapat ako hawakan ni Agustino. Bakit?" mahinang tanong ko habang nakakunot ang noo. Napalunok siya at umiling. Mukhang kinakabahan siya at hindi rin makatingin sa ‘kin nang diretso. "Josefa," sambit ko."Kasi... alam ko nang ikaw si Binibining Liwanag," nahihiyang sabi niya dahilan para maistatwa ako sa kinatatayuan ko.Expected ko nang ito ang magiging sagot niya pero umaasa pa rin akong w