Share

Chapter 56

Bahagya siyang ngumiti pero may lungkot sa mga mata niya. "Mas nanaisin ko pang matalo kaysa hayaan kang mapahamak."

Naalala ko, bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa siyang tinawag ako. Mukhang iniwan niya 'yung kalaban niya para sa ‘kin at ngayon, inaako niya ang kanyang pagkatalo.

"Ngunit hindi ako naniniwalang ako lamang ang umiibig dito, Liwan."

Bigla na namang bumilis ang heartbeat ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Ang tahimik kasi ng paligid maliban sa kuliglig na mukhang tatalunin na ng heartbeat ko.

"H-hindi ba't sinabi kong huwag kang aasa?" nauutal na sabi ko. Gosh! Bakit ba ako nauutal? At kinakabahan?

Napangiti siya at napailing nang mabagal. "Aking napagtanto na hindi mo naman gagawin iyon kung wala kang nararamdaman para sa ‘kin," natatawang sabi niya na kinakunot ng noo ko.

"Alin?" kinakabahang sabi ko.

"Nakalimutan mo na ba?"

"Ang alin nga?" Ayoko sa lahat, 'yung binibitin ako. Batu

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status