Fall
Muli niya akong tinitigan ng huminto ako sa gitna ng kanilang malawak na bakuran. Flowers are everywhere.. small trees are fascinating tanda na maayos na naalagaan ang kanilang bakuran. He tilted his head. Pinag-aaralan niya ng maigi ang reaksiyon ng aking mukha..
Wind slightly touched my hair, and the cold effect of the wind lessen my hesitation towards him..
Sanay ako sa social gathering. My parents raised me to well on how to socialize in different kind of people.. Parties, Business Partners, Politicians, and they even introduced me some of charitable institutions. Nag-do-donate kasi sila lalo na kung para sa mga bata ang nasabing institusiyon.
Malikot ang mga mata ng sinundan ko siya. After a while of walking.. naririnig ko na ang pag-uusap sa loob ng bahay. I saw the living room, lights are now on. I saw his brother Leo talking to a beautiful woman. She was like an angel, a very beautiful angel pretending to be a human. Her brown long hair is freely flowing on her shoulder, narrow nose, chinky brown eyes, paper white skin.. Halos suminghap ako ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya. My heart skipped a bit. I don't know why I'm feeling this way.. Hindi ko naman ito nararamdaman sa tuwing makakasalamuha ng bagong makikilala..
"Let's go.." He interrupted me without me noticing it. Parang kanina pa ako pinagmamasdan and I can't blame him dahil masyado akong napatulala sa kagandahan ng ginang!
Lumunok ako pero hindi ko ipinahalata sa kanya ang kabang dumadagsa ngayon sa aking dibdib! I mean what for?
Nandito ako kasi may sasagutan lang na activity, so why I'm being defensive now?
Nasa entrada na ng pintuan ang magandang ginang. Kung iisipin, hindi ko makitaan ng kanyang tunay na edad ang kanyang hitsura. Kasi, batang-bata pa rin siya at parang magkakapatid lang sila!
"Good evening Madam.." This is me who raised well by my parents. I should greet and be polite to elders...
Halos matunaw ang kaba ko ng ngitian niya ako.. Naglahad ako ng kamay. Sanay ako sa pakikipagkilala sa mga tao but damn.. hindi ko makontrol ang kabang hindi mamatay-matay!
Ang lamig siguro ng kamay ko ng tanggapin niya ito. Her, are soft and warm. Ang tensiyong bumalot sa akin ay natunaw.
"It's nice to meet you hija.." Malawak siyang ngumiti. Habang ako, halos maihi..
"Likewise Madam.."
Pumasok na si Javier. Dumiretso siya sa malawak na salas at doon inilapag ang librong hawak kasabay na rin ang aking back pack..
"I'll just take a bath.. you stay here.." Aniya. Namumula ang likod ng tenga niya. Nakita ko ito bago siya umakyat ng hagdan.
Ni hindi man lang nagawang magpaalam sa magandang ginang. Ipinagkibit-balikat lamang ito ng ginang habang nakasunod ng tanaw sa anak.
"Have you seen it Ma?" Putol ni Leo sa ina. Mapanukso ang mga ngiti niya.
Umarko ang magagandang kilay ng ginang. Pumikit bago ako binalingan.
"That's the first time I saw him blushed-"
"Leo. You take a bath now. Para sabay na sabay na tayong maghapunan.." Napakalamyos ng boses niya. Her tone is so tender..
Tumikhim si Leo bago sumulyap sa akin. "Excuse me.." Patalikod na sana ito ngunit bumalik din kaagad. Kunot ang noo na tila may nakaligtaang sabihin.
"We didn't know your name, right Ma..?" Umiling ang ina at mas lalong lumawak ang labi sa isang ngiti.
"Oh I'm sorry.." I bit my lower lip and smile.. Umiiling na nagpakilala. "My name is Concepcion Lebario Williams, my friends called me Cep, Am just turn eighteen, I'm an only child, I was born in Australia, My parents are currently living-"
"Just your name sweetheart.." Ngumisi si Leo.. "Just too much information to have.." And then he smirked.
"Does he know?"
Umiling ulit ako..
"Did he forced you to come over?" He smirked more. Ano bang meron?
But... did he?
Mas lumawak ang ngisi ni Leo. Pumagitna na ang kanilang ina para makaligo na rin siya.
"Take a seat Hija.. kukuha lang ako ng meryenda.. Do you like sweets?"
Nakakatakam naman, pero baka masira ulit ang aking tiyan.. But then, kaya ko bang tanggihan ang alok ng magandang ginang?
"...Or you don't?"
Nangangamba akong ma- disappoint ko ang ina ni Javier so...
"Gusto po.." Sabay ngiti ko dito..
"Okay.. I'll get it now. Feel at home hija.."
It's weird pero parang nakita ko siyang kinilig.. I'm not sure.
Umupo ako kaharap ang glass table. Couches are soft, big, and very much comfortable. Malaki at malawak ang kanilang tahanan but.. not like ours.. I am not comparing our home with their home, pero hindi ko lang maiwasan. Mas malawak at mas malaki kasi ang aming tahanan.. for me it's not just a home it's like a mansion...
Masyadong tahimik kaya nagsimula na ako sa mga dapat na gawin. I wear my eyeglasses again. Binuklat ko ang isa sa mga hiniram na libro. Makapal ito at mabigat. The book cover is a bit faded but I can still managed to read it. Unang pahina pa lang dinungaw na kaagad ako ng maraming numero kaya medyo namroblema na kaagad ako. I hate it when I'm solving like this nakakapanghina kasi!
Kinuha ko ang kwadernong sinulatan. Limang pahina ang aking nasulatan. Iritable akong bumuntong-hininga! Mahina talaga ako sa mga numero..
"Here's my notes.."
Naputol ang ginagawa ko at nag-angat ng tingin dito.
Oh my.. he's so gwapo..
Sobrang tumitili ang sub-conscious ko.. kinikilig at halos mangisay na 'to..
I smell his scent.. it's now attacking my nostril.. And it's too manly of him seeing his long hair in a messy bun. Nakapagpalit na rin siya ng damit. He's wearing a black sando, and a khaki short. I can almost hear my gasped! Damn that muscles!
Veins on his forearm are showing.. I can't take my eyes on him! Mas lalo yata siyang gumwapo sa paningin ko ng maligo ito.."Nagsimula ka na?" Pukaw niya sa pagkakabato-balani ko sa kanya.
Halos ngumuso ako ng umiling. Nahihiya na rin dahil siya'y preskong-presko ang dating samantalang galing lang naman akong banyo!
Tinuon ko ang pansin sa kanyang kuwaderno. It's a plain black notes unlike mine na kulay pink at flowery ang design. Too feminine, too soft and too predictable.. but his notes?
I cleared my throat..
Halos nahihiya ulit tumingin sa kanya.
"You hungry?" Umupo siya sa kaharap na silya. Halos matulala ulit ako sa kagwapuhan niya!
I like his long hair! And yeah.. I think.. I think I like his angst.. and I...
"Did you answer it already?"
Tinutukoy niya iyong homework namin. Nakakainis! Bakit pa kasi kami naging mag-ka-klase kung saan ako bobo sa asignaturang ito!
Umiling ako dahil kahit sampung beses ko nang sinubukang sagutan ito wala pa rin akong maisagot dito..
"Can I see it?"
Kinuha ko ang aking kwaderno at ini-abot sa kanya. Nagkatitigan kami at...
"Ang bango mo.."
Hindi ko na talaga kayang pigilan e! Mabango naman talaga siya! At sobrang gwapo pa!
He looked away.. Tinanggap niya ang iniabot na kwaderno. And then in a second kumuha na siya ng ballpen at nagsimulang magsulat.. Sinasagutan na ba niya! Ganoon ka bilis? Isang sulyap lang may sagot na kaagad siya?! Ganoon siya katalino!
"M-may s-sagot ka na ba?"
Kandautal pa ako. Nahihiya dahil bobo..
"You didn't get it?"
Iniitsa niya ang notebook sa salaming mesa. Tapos na ba kaagad? Kinuha ko naman ito at binasa...
"Hindi ka ba nahirapan?" Nahihiya kong tanong.
"At nahirapan ka?"
Parang gusto ko ulit ilubog ang sarili sa malambot na upuan.
"I thought, girls with their eyeglasses were one of the hell geniuses like my brother.. but it seems that.." Umiling siya parang hindi makapaniwala sa natuklasan.
"Suot ko lang naman 'to kapag magbabasa ako o ' di kaya'y magsusulat ako. Malabo na kasi ang mga mata ko. Hindi lahat ng nagsusuot ng salamin maalam sa lahat ng bagay.."
"Okay. And because I answered it all, ikaw ang kokopya ng mga naisulat mo sa notes mo para ilipat sa notes ko."
"Wala naman sa usapan 'yan-"
"Okay then, huwag kang mangongopya.." Sabay dampot ng aking notebook.
Sinimangutan ko siya. Inutusan niya ako na manghiram ng libro, akala ko tuturuan niya ako. Wait.. hindi niya ako tuturuan? Wala din naman akong balak mangopya sa sagot niya.. malay ko kung mali pala ang mga ito?!
"Akala ko magtuturuan tayo dito.. Sinunod ko ang utos mo tapos ikaw lang pala gagawa mag-isa?"
"Tuturuan kita? I am not your tutor.. " Ngumisi siya.
Nakakainis!
Oo, naiinis ako hindi dahil nakangisi siya, kundi dahil sobrang gwapo niya!
What?
"Uuwi na lang ako-" Sabay tayo ko at dampot din ng aking bag.
Pinigilan niya ako at hinila ako.
"Sit down." Nagpatianod ako dahil malakas siya. Ngumiwi ako ng bumalik sa puwesto.
"Ang sabi mo hihiramin mo lang ang notes ko. Pero inutusan mo pa ako na manghiram ng libro. Sinunod kita kasi ang buong akala ko tutulungan mo rin ako pero ikaw lang pala ang mag-isang gagawa.. anong ipapasa ko next meeting?"
"Saan ko ba isinulat, diba sa notebook mo rin? You're free to copy it, but you can ask me first before copying it alright? Paano pala kung mali ang sagot ko? Di pareho tayong zero?"
Halos yupiin ko ang sarili sa kanyang sinabi.. Tama nga naman siya. Hindi naman puwedeng i-asa na lang sa kanya ang mga sagot.. kung wala akong maintindihan ipapaliwanag naman niya sa akin..
I open my notes and saw his penmanship. Malalaking letra ang sulat kamay niya. Masyadong malinaw at madaling mabasa. Lahat may sagot na pero ni isa wala talaga akong maintindhan.
I cleared my throat. Muling nag-angat ng tingin at nagkasalubong ang mga titig namin.
"Paano mo nasagutan 'to?" Nahihiya pa rin ako sa kahinaan ng utak ko.
He leaned more just to see kung ano ang tinutukoy ko..
"What number?"
Nalanghap ko ang mabangong hininga niya ng magsalita siya. It's minty and fresh..
Napayuko ako at sa kuwaderno na lang nakatingin.
"Number one.."
Parehong sa kuwaderno nakatutok ang atensiyon. Magkalapit na nga halos ang aming katawan I can almost feel his body heat.. magpapaliwanag na dapat siya ng...
"Kuya..!"
Kawangis-na kawangis niya ang babaeng bagong dating. May hawak itong skateboard. She's wearing a black shirt, ripped jeans with her converse shoes. Medyo hingal pa dahil galing pa yata sa pagtakbo. Tumunog ang dog tag na suot ng muling maglakad para mas lalong makalapit sa kapatid. Tinanggal niya ang kanyang suot na baseball cap, that's why her hair flow freely on her shoulder like her mom's hair.
Natigil siya sa paghakbang ng makita ako. Sobrang ganda niya kaya lang...
"Your new chick Kuya?" Pinipilit niyang maging tunog boses lalaki ang kanyang boses. Is she aware that she looked like an angel like her mom? Bakit kilos lalaki siya? At bakit hinahayaan naman ng Kuya niya?
If she's a lesbian there's no problem with it.. pero kasi ang ganda niya.. At siya na siguro ang dahilan kung bakit na-grounded ang kapatid niya. According to Javier, someone's fantasizing his sister.. sino bang hindi hahanga sa kagandahang taglay niya?
"Nasa labas si Trina.. kanina ka pa hinahanap e.. Ang kulit-"
Umigting ang panga ni Javier sa sinabi ng kapatid. Sumulyap naman ito sa akin bago bumaling sa kuya niya.
"I swear, I didn't know that you have a very beautiful-"
"She's off limits and don't stare at her.."
Halos matawa ang magandang babaeng kilos lalaki..
"You don't bring your girls in here, so does it mean she's an exception?" Nagkamot siya sa kanyang ilong bago sumulyap sa pinto.
"But anyway like I said, nasa labas si Trina at hinihintay ka.. Hindi ko na napigilan e, gusto talagang sumama.. miss na miss ka na daw kasi niya--"
"What the fuck Renz.." Halatang pigil ang galit niya para sa dalaga.
"I"m sorry okay? I didn't know you're a change man now.." Ngumisi ito. Kinilabutan ako kasi magkahig na magkahawig sila nito. She's Javier's girl version.
Tumayo si Javier. Nabalewala na ang presensiya ko. I stay quiet and calm. Dinala-dala niya ako dito tapos-
"Dalhin mo na lang ang notes ko sa bahay niyo. Doon mo na lang tapusin. My anwers were all correct. Kahit magpaturo ka pa sa isandaang professor."
Tahimik akong tumango. Nasisiyahan dahil buong akala nakalimutan.
"Let's eat first bago kita ihatid.."
Ngumisi lalo ang babaeng kapatid..
"Wooo.." Hiyaw pa nito. Hindi makapaniwala.
"Shut up Florencia.." Ngumiwi ang babae sa pagbanggit ng totoong pangalan.
Sinundan ko ng tingin ang ginawa ni Javier. Isa-isa niyang isinilid ang mga librong nagamit pati na rin ang ballpen at ang dalawang kwaderno sa loob ng aking bag.. His large hand were very manly.. pakiramdam ko, ako ang hinahawakan niya at hindi ang kulay pink na bag ko!
"Sa bahay na lang ako kakain.."
Napabaling siya sa akin. Parang gusto akong sakmalin.
"Are you serious?" Tumango ako.
"It's late. Baka kasi nag-aalala na sila Mommy. Naiwan ko ang cellphone ko sa boarding house."
"A boarding house?" Gulantang niyang saad.
"Huwag kang mag-alala mababait naman ang mga kapit-bahay ko doon.."
"Kailan ka pa nag-aalala Kuya?" She seems amazed by his brother's action.
"Ngayon lang.." A tall guy entered at the living room. He's not as mestizo as Leo and as Javier, moreno type siya pero hindi nalalayo ang hitsura sa mga kapatid niya.
"Trina's waiting outside.." Wika nito bago ako sinuri ng husto.
"She's not welcome here.."
"And she is?" Sabay tingin niya sa akin.
Bakit ba sila nagtataka kong nandito ako at kasama si Javier? Isn't it unusual to the family? Bakit, hindi ba palakaibigan si Javier?
"Sa bahay na lang talaga.. next time na lang-"
"Ako na ang maghahatid Javier.." Si Leo. Bagong ligo na rin ito. Eksaktong pababa ng hagdan ng maabutan ang paksang pinag-uusapan.
"But-"
"Nasa Cebu si Papa. Just to remind you nasa kanya ang lisensiya mo.."
"Hindi pa nga siya kumakain." Muling giit ni Javier.
"Okay lang.." Ngumiti ako. "Sige Leo magpapahatid na ako sayo."
Tumango si Leo at nauna ng naglakad. Si Javier naman patuloy na kinukulit ng kapatid na babae habang inaasar naman ng bagong dating na lalaki. We go straight to the parking.. ngunit sa gilid ng paningin kitang-kita ko ang paghatak ni Renz sa kapatid niya. Nagpatianod naman ang Kuya at dumiretso sa labas ng bahay.
Binuksan ni Leo ang passenger seat..
"Get in.." Wala sa sarili akong pumasok. Gusto ko sanang makita ang hitsura ng babae pero..
Binuhay na ni Leo ang makina at ng umusad na ang sasakyan niya..
"Don't fall for him..."
He seems rough and snob but I like his honesty.
Kitang-kita ko kasi kung paano niya sinuklian ang pakikipaghalikan ng seksing babae sa kanya ng makalabas na ang sasakyan nila...
My heart sank.. I looked away and pretended that I didn't saw the kissing..
I am not his type I know, and his not my type either, pero bakit ako napapraning?
Panibagong PahinaInspirationAfter the wedding, napagpasyahan naming magbakasyon sa Australia kasabay na umuwi ang mga magulang. It's been week since we arrived. At ngayon ay nagkukumpulan ang mga pinsan. Inuulan ako ng mga katanungan. Noong honeymoon namin ni Javier, nasa pangangalaga ng mga magulang ko si Achilles..Kinukuyog ng mga pinsan ko ang aking supladong anak. Achilles remained silent. Ayaw sagutin ang mga katanungan ng mga pinsan ko. Tango lang ang binibigay at sulyap sa mga ito. Hindi pa siya sanay. Naninibago sa mga kamag-anak..."O Cep.. I think my nephew doesn't like me.." Reklamo ni Olivia. She had a blonde hair. Dahil naturuan ko naman noon sa pananagalog, kahit pilipit magsalita ay malawak ang pang-unawa.Malakas na tumawa si Gilbert. Sang-ayon ito sa sinabi ni Olivia."Naninibago lang siya, pasensiya na..." Aniko na nakatitig sa nakasimangot na anak.Paano ba naman kasi
Wakas Home One week before the wedding and I feel very exhausted... and at the same time, very excited. Walang paglagyan ang aking kaligayahan. Dahil, ikakasal na sa lalaking labis na pinakamamahal. Natapos ang lahat ng pagsubok at hinaharap ngayon, ang panibagong kabanata ng buhay. Abala ang buong mag-anak ni Javier sa nalalapit naming kasal. Walang araw na hindi parehong abala para sa pagpe-prepara sa aming kasal. Mabuti na lamang at pumapayag si Florencia na siyang magbantay kay Achilles... Dumako ang aking paningin sa kulay dilaw na damit. Payapa itong nakalatag sa ibabaw ng kama. It's my favorite color. Regalo ito sa akin ni Naureen ang asawa ni Vicente. Mahilig itong mag-shopping, kasama nito si Florencia at Achilles noong nakaraang araw. At dahil naalala ang pabritong kulay kaagad na binili ang naturang damit. It's an off shoulder dress.. hanggang tuhod ang haba noong sin
EpilogueMarrySumipol si Sean sa babaeng dumaan. The woman's body is really an eye cather. Makurba ang pangangatawan, malulusog ang dibdib, perpektong nililok ang magandang mukha, walang kapintasang makukuha. Her baja blue dress is complementing her paper white skin. Sobrang tingkad ng kulay ng balat. Higit pang nadepina ang kaputian ng madampian ng sikat ng araw.Napadila ako sa labi.. almost, but not perfect. She's pretty, but not my type. Tinagilid ko ang ulo. Lumingon sa humiyaw na katabi. It's Clarke. Umismid at ngayon nakatitig sa babaeng sing puti ng papel, nakakasilaw ang kanyang kaputian. She's wearing an eyeglasses.. a black shirt and a faded jeans. Mistulang niyebe ang kulay ng balat. Her long hair is dark brown. Tuwid na tuwid ito at halatang banyaga dahil sa kulay nito."That's what I'm talking about man!" Imporma ni Clarkson.
Kabanata 30 SapatKahit walang hanging naligaw sa lugar, tila may malamig na bagay na humaplos sa puso at naging paralisado. Marami sana akong gustong sabihin. Katulad na lang ng pagpapakilala sa kanila sa pormal na pamamaraan, pero hindi naman kasi ito isang ordinaryong araw lamang..Achilles and Javier didn't see each other for the past six years kaya mahirap para sa akin ito, mahirap palambutin ang nagyeyelong puso..Nang mag-angat ng tingin si Achilles, kumislap ang butil ng luha at doon ako labis na nanghina. Hindi iyakin ang anak ko at ang makita siyang pinanghihinaan ng ganito at sa harap pa mismo ng kanyang ama'y mas lalong pinanghihinaan ako.Tumindig ang mga balahibo sa batok ko ng mapasulyap kay Javier.. umiigting ang panga niya at kontrolado ang mga luha sa kanyang mata. They were so looked alike that I can't deny the fact na kahit siya man ay hindi maitanggi ang pagkakahawig sa kanyang ana
Kabanata 29PapaI open my eyes, feeling tired. Gustong-gusto kong imulat ang mga mata pero natatalo ng sobrang kapaguran. Hindi ko na namalayan kung paano at kung saan na nakatulugan ang panlalata ng husto ng katawan. Ang tanging naalala, ay iyong pagdilim ng hitsura niya ng makita ang nakapinta sa pribadong parte ng katawan. It's no big deal dahil isa sa kasamahan naman ang nagpinta noon at babae pa.Pinakiramdaman ko ang kinahihigaan. Malambot ito at ang katawan ay nababalot ng makapal na kumot. Hindi pinagpapawisan dahil dama ang lamig ng silid. Nasa isang silid marahil na at komportable pa.Kahit ramdam ko ang galit ni Javier pagkakita sa tattoo ko, hindi niya pa rin tinigilan ako. We did it not just twice.. paulit-ulit hanggang sa makatulog na lang ako dahil sa pagod... I felt sore down there, masakit man, higit naman ang sayang nararamdaman. We made love.. does it mean that w
Kabanata 28AngeloNapigilan ko ang kumawalang ungol subalit napalitan naman ito ng pagbuo ng mga luha sa mata. He's hugging me behind. Marahan kong hinawakan ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang. Naibaba ko ang paningin.. ang maugat niyang mga braso ay tila gustong ikulong ako, nang-aangkin at gusto ko na lang ding mag-paalipin.Suminghap ako ng muli niyang hagkan ang leeg. I close my eyes more, feeling his warm and minty breath...Ang araw ay nagpakita na ng tuluyan, ang mga sinag nito ay tumatagos sa mga nagtataasang punong nakapaligid. Tinatamaan ang mga katawan pero hindi alintana ang sinag dahil mas mainit pa ang pakiramdam kaysa sa tumatamang sinag.Marahan akong kumawala sa kanyang yakap. Marahan rin ang pagharap. Maluha-luha hindi dahil napipilitan lamang, but I'm teary eyed because I wasn't expecting this. Ang buong akala nabura na ako sa buhay niya at puro pakikipaglaro na lamang ang alam niya.