Share

She’s the Man
She’s the Man
Author: charmainglorymae

Prologue

Max's POV

"KATE! You're killing me! Why did you even brought me here?" Sigaw na saad ko sa bestfriend kong si Kate. Paano ba naman hindi ako magagalit, ikaw ba naman dalhin sa isang orgy, magugustuhan mo kaya? And this is not even my thing. Kinikilabutan ako sa mga nakikita ko na halos na mga n*******d na mga babae at nakikipaghalikan sa mga kakikilala lang na mga lalaki. Parang ano man oras ay gusto ko ng lisanin ang lugar na ito.

"Max, I'm so sorry but I can't go here alone. You know what will happen if I am alone." Nakangusong sagot naman nito.

Halos maihilamos ko naman ang aking palad sa aking mukha. Hindi ko alam kung iiyak ako o magwawala. Wala talagang konsiderasyon ang babaeng ito, kung alam naman pala na mahirap bakit pa kailangan pang pumunta at sa ganitong imoral pa talaga na party.

"Yan ang punto Kate! Alam mo ba kung ano ang mangyayari kung malalaman ito ni Tita? We're both dead Kate, bakit hindi mo man lang yan naisip and you even lied to me. Simpleng party lang? Saan ang simple rito? Parang may nagshoshooting na dito para sa porn videos!" Nanggagalaiting saad ko kay Kate. Hindi ko talaga alam kung saan nito inilagay ang utak at naisipan talaga na pumunta dito.

Lumabi naman ito na parang bata. "You won't agree if I'll tell you where were going. And besides, no one will know because you won't tell anyone." Pagdadahilan pa talaga nito na hanggang ngayon ay nakanguso pa rin.

"Seriously Kate? Ano ba ang nakain mo? Sa lahat ng party, ito talaga? Pwede naman sa club, willing pa ako na samahan kang magdamag kesa dito.you know my mom's gonna kill me if she will find out about it." Gustong gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Kahit sa ganitong sitwasyon ay nakakaramdam pa rin ako ng awa. Alam ko naman kung ano ang dahilan ni Kate bakit nagwawala ito ngayon.

She's brokenhearted with a guy na hindi nga boyfriend nito. It was her crush na hindi ko rin naman kilala dahil ayaw naman sabihin nito. Basta nalaman ko na lang na brokenhearted ito dahil nagngangangawa kaninang umaga.

"I know, but please stay a bit longer, aalis din tayo." Pangako nito sa akin.

Napapailing na lang ako. Inayos ko na lang ang sarili ko. I am wearing a loose black shirt with a tribal design upfront and a denim jeans and I even wore a black cap. Anyone who will see me will get the impression of I am one of LGBT community. I have no against them but I just know I am not one of them. Masyado lang talagang assuming ang mga tao, pero hindi naman ako na-ooffend kung mapagkakamalan ako, I don't even bother correcting them because I don't give a damn.

I like car racing as well and I frequently join drag racing na hine-held sa Daang Hari sa may alabang. Maganda kasi ang daan dun dahil malawak at walang nagdadaan mashado kung malalim na ang gabi. Lagi nga akong pinapagalitan ni Mama dahil inuumaga na ako ng uwi dahil nga sa napapasarap kami sa pustahan sa drag racing. Malaki kita ko doon, in just one night and one win, I earn php 150,000 dahil big time din naman ang mga pumupusta.

Marami din ang mga sumasali na anak ng mga pulitiko sa drag racing and even business men na medyo gusto ng thrill sa buhay. Pagandahan ng mga sports car, payabangan at kung anu-ano pa. Minsan din naman ay natatalo ako dahil minsan ay wala sa kundisyon yung sasakyan ko. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay maganda ang kundisyon ng sasakyan. Para din itong tao, may panahon na nilalagnat o nagkakasakit.

"Hello there beautiful!" Biglang bati ng isang lalaki na hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin. "Come and have some fun." Yaya nito kay Kate.

I almost rolled my eyes. Alam ko ang ngiting ito. He just wanted to get under the pants of Kate na syempre hindi ko naman papayagan.

"Sorry pare, but she's not joining." Sagot ko.

Hindi naman nakapagsalita si Kate dahil nagulat din naman ito. Kate is not some kind of a slut, ewan ko lang anong trip nito ngayon at sobrang brokenhearted para pumunta sa mga ganitong party.

Naningkit naman ang mga mata nito na mukhang hindi nagustuhan ang aking pagtanggi.

"I'm not talking to you dude. I am talking to the beautiful lady here. Mind your own business." Saad nito sa akin na sinamaan pa ako ng tingin.

Dude? This man is definitely not a good type. Mukha pa lang, manyakis na. At tinawag talaga akong dude kaagad. Sapakin ko kaya yang mukha niya?

"We won't be staying for long so don't bother her." Sagot ko naman rito ng mahinahon.

"M-max." Usal naman ni Kate at halatang nag-aalala na ito.

Bumaling ulit ang lalaki sa akin. "You both went here knowing this type of party. Do you expect me to believe your shits? Or is this some kind of strategy to lure me in? Then, I am taking the bait, you can lure me in now." Manyakis na saad nito at ngumisi pa ito sabay kindat kay Kate.

Napatawa naman ako ng pagak. This man is shit. Kaya ayoko talagang pumunta sa kahit anong party dahil marami talagang nagkalat na mga bastos.

"You are not worth to be lured." Maikling saad ko na parang tinatamad.

Biglang bumangis naman ang mukha ng lalaki dahil sa naging sagot ko. "You stupid bitch, do you know who am I? This is my party and my ship so just shut up or I'll throw you out of here." Banta nito sa akin na halatang hindi nagbibiro.

Hindi naman ako nagpasindak. This type of guys are weak. Sa tingin ba nito ay madali akong pasukuin? He is messing with the wrong man.

"Why don't you try it?" Hamon ko naman rito.

Namula sa mukha ng lalaki sa galit kaya walang paalam na umigkas kaagad ang kamay nito patungo sa mukha ko.

"Max!" Tili naman ni Kate na napatakip ng bibig at agad na sumiksik sa gilid.

Agad naman akong gumalaw at mabilis na iniwasan ang suntok nito. His face went into menacing glare when he wasn't able to touch even a single strand of my hair. He released another job but I was able to block it and one instant move with my kick, I hit his abdomen that made him curl to the ground and writhing in pain.

"I forgot to mention. I can handle people like you." Saad ko rito habang nakadungaw ako mula sa ibabaw.

"You bitch!" Sigaw nito.

"Walang gagalaw!" Biglang sigaw ng isang boses lalaki mula sa kung saan.

Agad akong napalingon ang there I saw, men in uniform may mga dalang baril. Agad na nagkagulo sa yate at nagsipulasan ang mga immoral. Namutla naman ako. This is bad, if mom will find out, I am so dead.

"Kate, come on!" Agad na tawag ko kay Kate na parang nabato na ata sa kinatatayuan nito. Kinaladkad ko na lang ito at akmang tatakas.

"Diyan lang kayo! Walang lalabas!" Biglang sigaw ng pulis.

Wala akong ideya kung bakit ni-raid ang yate. Alam ko na orgy ito pero hindi naman yun dahilan para makialam ang mga pulis. Not unless, meron mga ilegal na nangyayari rito. Shit, baka madamay pa kami.

Agad na hinuli na ang karamihan sa amin at kasama na rin kami ni Kate sa mga hinuli at pinusasan. May nagpapapalag at ang iba ay tahimik na sumama.

"Take this all to the precinct." Biglang saad ng isa sa mga pulis at matagpuan na lang namin ang aming mga sarili na nakasakay na sa isang patrol car.

•••

"SUMUSOBRA ka ng bata ka! Pinagbigyan na kita karekarera na yan pero ano ang ginawa mo? Pumunta ka sa isang orgy? Sapphire, papatayin mo na ba ako sa kunsimisyon?" Galit na bulyaw ng nanay ko dito sa sala sa aming bahay.

Galit na galit lang naman ito dahil tinawag lang naman ito ng mga pulis kanina para papuntahin sa presinto para sa pag-areglo. Tinulungan nga ako pero para naman dragon ngayon ang nanay ko na kulang na lang ay magbuga na ito ng apoy para tustahin ako.

"Ma, its not what you think—"

"Anong its not what I think? Paano mo yun maipapaliwanag sa akin? Pumunta ka sa isang orgy? Ano Sapphire, nahihibang ka na ba? Gusto mo bang mapariwara buhay mo?!" Bulyaw nito sa akin.

Ito na nga ang iniiwasan ko kaya galit ako kanina kay Kate. Pero ano ba ang magagawa ko? Kahit anong gagawin kung paliwanag alam ko na hindi lang din ito makikinig.

"Ma, hindi ko naman alam na ganoong party yun dun. Nagulat na lang din ako kaya paalis na sana kami pero biglang dumating ang mga pulis, nagkaipitan na kaya wala akong magawa." Paliwanag ko naman rito. Sobrang sama na ng loob ko dahil hindi ko naman kasalan ito. Kung may kasalan man ako ay yun yung kinunsinte ko si Kate, kung sana kinaladkad ko lang kaagad yun palabas, hindi sana mangyayari ito.

"At talagang nagpapaliwanag ka pa! Punding pundi na ako sa iyo Sapphire. Bukas na bukas din ay pupunta ka ng america at doon ka na maninirahan!" Bulyaw ng nanay ko na halos sumabog na ang litid nito.

Namutla naman ako. America? Ayoko sa America, wala akong mga kaibigan dun at lolo ko lang ang nandoon. Ni minsan ay hindi ko pinangarap na tumira sa America.

"Ma naman, ganoon na ba talaga kalaki ang kasalanan ko para itapon niyo ako sa U.S? Ni wala akong kasalanan, nadamay lang ako—"

"Yan! Dahil diyan sa kapusukan mo nahantong ka sa presinto at binigyan mo pa talaga kami ng kahihiyan! Sa ayaw mo't sa hindi, pupunta ka sa America!" Pinal na saad nito.

Nakangangang nakaupo na lang ako sa sala. Hindi ako makapaniwala na ayaw man lang pakinggan ng nanay ko ang paliwanag ko. Ataw lang man niyang alamin kung ano ang totoong nangyari. Ganoon na ba talaga kasama ang imahe ko sa kanya? Its unfair and it is not even worth it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status