Home / Fantasy / Shh, I'm Sleeping / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Doctor_Art
last update Last Updated: 2020-07-31 15:15:10

Hindi makapaniwala si Eleuthera na hindi lang pala ang kanyang mama ang hindi nakakakita kay Zayn Eros kundi pati na rin ang kanyang papa.

Pinaghahandaan pa naman niya ang pagpapaliwanag sa pamilya niya kung bakit may ibang lalaki ang nasa loob ng bahay.

"I'm sure that they can't see me. Uhm, do you have an idea why things turned out like this?"

"I don't have an idea what just happened, so let me find it first."

"Okay," Zayn Eros casually responded. He did not even flinch.

Bahagyang bumuka ang bibig ni Eleuthera sa pagtataka kung bakit napakakalmado ng taong kaharap niya.

Ilang segundo silang naging tahimik. Sa loob ng segundong magkatagpo ang kanilang mga mata ay para bang nag-isa ang kanilang mundo. Tila ay tumigil ang pag-ikot ng oras at maging ang kanilang mga paghinga.

"Era," anas ni Zayn Eros.

Ang mga mata ni Eleuthera ay nanlaki nang inangat ng lalaki ang kamay nito at aktong ilalapat sa kanyang pisngi. Ang mga paa niya ay napahakbang papaatras kasabay ng bahagya niyang paggalaw sa kanyang ulo para hindi tuluyang lumapat ang kamay ng lalaki.

Nabitin sa ere ang kamay ni Zayn Eros. Binaba niya ito nang makita niya ang hindi komportableng ekspresyon sa mukha ng dalaga.

Sa ibang direksyon nakatingin si Eleuthera. Pakiramdam ni Zayn Eros ay nakagawa ng isang bagay na nagpa-disappoint dito.

Tahimik na lumabas si Zayn Eros sa silid ni Eleuthera. Nang masara ang pinto ay mahina niyang pinagalitan ang sarili. Tinapik niya ang kanyang sariling pisngi para matauhan.

Kalaunan ay nabuntonghininga na lang siya bago tinuon ang atensyon sa paghanap ng libro na kanina ay pinagkakaabalahan niyang basahin.

Pagkaalis ni Zayn Eros sa silid niya ay dahan-dahan na humiga sa kanyang kama si Eleuthera.

She missed the warmth of her bed. Her bed can be considered her secret best friend—a best friend who is always with her throughout the night and comforts her whenever she is feeling down.

Pipikit na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone na nakalagay sa dulo ng kanyang kama.

Nakanguso niyang inabot ito. Tinatamad niyang tiningnan ang caller. Nang makita kung sino ito ay saka palang siya naglagay ng earphone sa kanyang dalawang tenga.

"Oh?" ang pinakamagandang bati ng dyosa sa caller.

Inaantok na kasi siya.

"Anong oh?" nakangiwing turan ng nasa kabilang linya. Maya't maya ay malakas itong tumawa. "Bes, narito kami sa harap ng bahay mo! Labas!"

Napabangon si Eleuthera si sa pagkakahiga. Sa kasamaang palad sumakit ang ulo niya sa pagkabigla.

"Bakit hindi man lamang kayo nagsabi?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Nagmadaling lumabas siya ng kwarto. Nang makalabas ay nahagip ng mata niya si Zayn Eros na nagbabasa ng libro sa sala.

Hindi niya ito inintindi.

"Surprise!" her squad cheerfully shouted

They literally surprised her.

Hindi mapigilang matawa ni Eleuthera nang mapagmasdan ang mga mukha ng mga nilalang na kaharap niya ngayon.

"Anong nangyari sa mukha niyo?"

Napahawak siya sa bibig para pigilan ang sarili na huwag matawa.

Ang mukha ng apat ay may mga nagkalat na grasa.

Magsasalita pa sana si Eleuthera nang sumimangot ang mga ito na tila ay mga nagtatampo subalit naunahan nang gumawa ng tunog ang kanyang bibig.

May biglang tumawa sa tabi niya. Kahit na mahina ay kinagulat niya pa rin ito—hindi lang pala siya.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ang mga kaibigan ni Eleuthera sa kanya pabalik sa lalaking katabi niya.

"B–Bakit?" Eleuthera looked at them with a nervous smile.

"Sino 'yang katabi mo?" tanong ni Venus na nagpalunok sa kanya.

Si Zayn Eros na tumigil na sa pagtawa ay hindi malaman kung ano ang gagawin.

Sa pag-aakala na si Eleuthera lang ang may kakayahan na makita siya ay hindi siya nag-abalang pigilan ang sarili sa pagtawa.

Zayn Eros smiled shyly.

***

Venus Lee is a girl with brown eyes shaped like half-moons and makes her look so charming with them; she is 5'4 and has a slim body. She is the hugotera of the group.

"Kung ako na lang sana ang iyong minahal hindi ka na sana muling luluha pa," mahinang pag-awit nito.

Hindi niya alam na ganito kahirap na magpatahan ng kaibigan na walang tigil sa pag-iyak sa harapan niya. Ang malala ay lalaki pa talaga kaya naman ay damang-dama niya. Isa pang masama ay ang isipin na umiiyak ang taong gusto niya dahil sa babaeng mahal nito ay nagpapahapdi sa kanyang puso.

Napasakit sa parte ni Venus. Doble ang sakit sa kanya. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita ang kaibigan na nagkakaganito at nasasaktan din siya para sa sarili.

Ang gusto niya ay hindi siya gusto. Ang iniiyakan niya ay iba ang iniiyakan.

Akala ba ng lalaki ay manhid si Venus?

Nasasaktan din siya kaya lang alam niyang wala itong ideya kasi akala nito ay kaibigan lang ang tingin niya rito.

Kaibigan.

Sadyang mas higit pa ang nararamdaman niya kaysa sa inaasahan nito.

Inayos ni Venus ang sarili. Kung may ipagmamalaki man siya sarili yun ay kahit siya ay nasasaktan ay walang tumutulong luha sa kanyang mga mata.

Subalit ang luhang iniipon sa puso ay mas nagpapabigat dito.

Ngumiti siya sa lalaki nang sa wakas tumigil na ito sa pag-iyak.

"Salamat."

"Salamat? Salamat dahil nandito na naman ako sa harap mo?" she mumbled.

Nagtatakang tumingin sa kanya ang lalaki. Nginitian niya itong muli nang makita na wala itong naintindihan sa binulong niya.

"Walang anuman," ang tanging nasagot ni Venus.

"Ikaw, ayos ka lang ba?"

Tumawa si Venus. Hinampas pa niya ang balikat ng lalaki.

Kahit sa hampas lang ay gusto niyang ipaalam kung ano ang nararamdaman niya.

"Bakit naman ako hindi magiging okay?" mahinahon niyang tanong. Sa loob ay malapit na siyang sumabog.

"Are you sure?" he asked earnestly, innocent in the belief that he was the source of her anguish.

"Don't worry, I'm perfectly okay. Sarili mo alalahanin mo, mas kailangan mo 'yon."

Sinilip ni Venus ang kanyang relos. Maglu-lunch na.

"Pupunta pa kami kila Eleuthera, sama ka?"

"Hindi na. Enjoy kayo."

Pagkatapos nilang magpaalam sa isa't isa ay sinalubong si Venus ng mga nagtatanong na mga mukha ng mga kaibigan niya.

"Woy," bati niya habang nakataas ang kamay sa ere.

"What happened, Venus? Mukha kang pinagbaksakan ng lupa," bungad ni Kris sakanya.

Kung ang ibang tao ay naloloko niya sa kanyang mga ngiti ay kabaliktaran doon ang kanyang mga kaibigan. Kahit hindi siya magsalita ay alam nito kung kailan siya hindi maayos.

"Nako, alam mo na 'yon. Tara na at humayo na tayo papunta sa isa pang dyosa!"

Habang nag-iingay ang iba ay bukod tanging tahimik sii Heavenzy Nakamura. Simula nang mawala si Rain na kapatid niya ay hindi na siya makausap nang matino.

Buhay na patay ang tamang description kay Heavenzy.

"Let's go," walang kabuhay-buhay na alok ni Zy.

Itinuro ni Kris ang sariling mga mata patungo sa mga mata ni Venus gamit ang dalawang daliri.

Heavenzy looked up at the sky; it was clear, the air was frigid, and the wind was howling. She asked herself when it was going to be dark and when the clouds would drop the rain again. She missed the feeling that she was walking in the flowing rain.

As the group continues to step on their feet, Heavenzy catches a glimpse of her sisterhood after looking down from the sky. They are not complete yet, for their young one is in her own house.

Each one of them has a different story. A different yet almost identical way to tell.

Nagkasundo sila sa isang layunin at yun ay ang makalaya sa nakaraan.

"Opss."

Diretsong napatingin ang mga babae sa harap nila nang may humarang.

"It's been a while Gua—"

Hindi na natuloy ang sasabihin ng estranghero nang sumabat si Kris.

"What do you want and who are you?" Kris asked him and his companions.

"Nakalimutan niyo na agad kami? Woah!" sagot nito. Ito ang isang uri ng tao na gusto nang patahimikin sa kadaldalan ni Heavenzy.

"Paano ka namin makakalimutan kung hindi ka pa namin nakikilala?" Kris sarcastically asked him.

Magsasalita pa sana ulit si Kris kaya ay sumabat na si Heavenzy, "Enough. Let's go."

Nagpatuloy siya sa paglalakad pero mukhang linta na kumapit sa kanya ang isang lalaki kaya sa hindi sinasadya na pangyayari ay naibalibag ito Heavenzy.

"Ikaw!"

The other guy was about to punch Heavenzy's face, but she did not let it happen. Her fist was fast. She punched him straight in the nose.

Hindi mapigilan matawa ni Venus habang si Kris naman ay pangisi-ngisi lang.

"Bugbugin niyo na 'yan!" utos ng pinuno ng mga estranghero.

Gaya ng utos ng pinuno ay sumugod na ang mga kalaban. That's the sign the sisterhood was waiting for.

"Bakit sila lang bubugbog sa amin? How about you? Are you going to run?" pang-a

aasar ni Kris bago sumali sa gulo.

The air moved as the sisterhood went into action.

Hindi man lamang sila natamaan. Their opponents were not skilled enough to take them down.

Nakita ng mga lalaki kung paano napunta sa ibang direksyon ang mukha ng kakampi nila dahil sa tindi ng pagsipa ni Venus. Bago pa man ito matumba ay agaran na hinawakan ng babae ang kamay ng lalaki.

"Tsk. That's mine, Venus," nakangiwing turan ni Heavenzy kay Venus.

"Pahiram muna." Kumindat si Venus kay Heavenzy bago tinulak ang lalaking hawak.

Napailing na lang si Heavenzy at nanood na lang sa pakikipag-asaran ni Kris sa Leader ng grupo.

Malakas na tumawa ni Kris habang nakaturo pa sa kalaban ang daliri nito.

Hindi na maipinta ang mukha ng pinuno ng mga sumugod sa kanila dahil sa pagpatumba ng magkakaibigan sa mga alalay nito.

"Kulang pa kami niyan, ah! Hindi pa ako lumalaban at wala pa si Eleuthera. Paano na lang kaya kung lumaban kaming lahat? Sobrang astig no'n," gatong pa ni Kris.

"Tumigil kang babae ka! Kababae mong tao lakas mong tumawa!"

Minsan na nga lang tumawa nagagalit pa to, pagsagot ni Kris sa isipan na sinalungat naman ng kanyang ibang pagkatao.

"Woy! Ano? Hindi ka na tatakbo?" nakangising tanong ni Kris sa kanyang kalaban na mas ikinapula ng mukha nito.

"Ahhh! Bwisit kang babae ka! Hindi ka naman maganda!"

"Woy anong konek no'n sa pagtakbo mo? Tatakbo lang manlalait ka pa." Umayos ng tayo si Kris. "Hindi man ako maganda sa iyong paningin pero kaya naman kitang paluhurin sa lupa," maangas na linyahan niya.

"Are you going to run or are you going to hell?" Heavenzy asked their opponents.

Ayaw nang pahabain ni Heavenzy ang usapan.

Parang binuhusan ng sobrang lamig na tubig ang mga lalaki.Palihim na natawa si Kris pati na rin si Venus.

As long as na hindi kailangan ay hindi lalaban ang sisterhood nila, kaya hanggang sa pang-aasar lang si Kris.

Ayaw nilang masayang ang pinaghirapan nila sa isang laban lang.

"Hoy! Bangon na r'yan! Bilis o dadagdagan ko ang mga pasa niyo," pagmamadali ng pinuno sa mga kasamahan niya.

Mabilis pa sa segundo na pumasok sa kotseng parang tinapon na lang sa junkshop sa sobrang dumi.

Hindi na natapos ang pagtawa ni Kris nang biglang tumakbo ang kotse na nag-iwan pa ng sobrang duming usok.

Napamura ang tatlong babae habang nagpupunas ng tissue sa mukha pero sa kamalas-malasan hindi matanggal.

Pare-pareho silang tatlo na sumakay sa tricycle papunta kila Eleuthera habang hindi maipinta ang mukha dahil sa inis.

"Lagot ka sa akin, Kalbo. Pipintahan ko ang ulo mo ng buhok gamit ang grasa," nagngitngit na usal ni Kris.

PAGKATAPOS magkuwento at maglinis ng tatlong babae ay kumain na sila kasabay ang mga magulang ni Eleuthera. Hindi na nakisalo sa pagkain si Zayn Eros dahil magtataka ang mga magulang ni Eleuthera kung bakit may lumulutang na tablespoon at baso.

Sa hindi na alam na dahilan ay nakikita ng mga kaibigan ni Eleuthera si Zayn Eros.

Halos sumakit na ang ulo ni Zayn Eros kakaisip kung ano ba ang nangyari at ano ang gagawin. Mas mabibigyan pa niya ng explanation kung bakit hindi siya makita ng mga magulang ni Eleuthera. Naisip nita kanina na maaaring dahil sa hindi siya nabibilang sa panahon nila Eleuthera kaya ito lang ang nakakakita sa kanya. Nang dumating ang mga kaibigan ni Eleuthera ay gumulo ang lahat sa isip niya.

Bakit maging ang mga ito nakikita siya?

Zayn Eros leaned against the tree while watching how the clouds danced under the sky. In this state, his boredom always wants to strike him. And he admitted to himself that there was a little nervousness in him about what's going on in his life in this era where everything is not in his hand; he doesn't know how life runs here and doesn't have control of things, unlike in the future where in one snap Zayn Eros can have what he wishes.

Hindi malaman ni Zayn Eros kung maswerte ba siyang makapunta sa panahon na 'to.

Kalahating araw pa lang ang nakakalipas magmula nang nagising siya sa panahon na ito pero ang dami nang nangyari.

Narinig ni Zayn Eros ang tawanan ng magkakaibigan na tiyak na papunta sa kinakaroonan niya.

Nangunguna si Eleuthera. May dalang plato na puno ng kanin at ulam. May kutsara at tinidor rin. Si Heavenzy ay may dala-dalang plato at bote ng tubig.

Inabot ni Eleuthera ang plato kay Zayn Eros. Ang tubig naman ay nilapag ni Heavenzy sa gilid. Sa kanilang apat si Heavenzy ang pinakatahimik habang si Kris naman ang pinakamaingay, si Venus ay hugotera habang si Eleuthera ang pinaka-moody.

Inilatag ni Venus ang blanket na kulay royal blue. Nilapag niya ito sa harapan ni Zayn Eros at naupo silang lahat doon.

Si Eleuthera ang pinakamalapit kay Zayn Eros.

"Huwag mo titigan ang pagkain. Kumain ka na," utos ni Eleuthera na nakaupo na rin.

Nakatagilid ang katawan sa harap ni Zayn Eros. Sinunod naman ito ng lalaki.

"Hindi ko akalain na susunod ka kay Hera, Dude." Tumawa si Kris nang sobrang bigay na bigay.

Gusto nang magtakip ng tenga si Zayn Eros sa lakas ng boses ng babae.

He thinks the squad is peculiar. What is going to happen now that he's with them?

Zayn Eros silently prayed.

"Now, sabihin niyo na kung paano niyo siya nakikita?" masungit na utos ni Eleuthera.

"Mahabang kwento kasing haba ng oras na sinaktan niya ako," natatawang turan nii Venus habang nakatitig kung saan.

Napailing na lang si Eleuthera at tumingin kay Heavenzy na nagtatakang ibinalik ang tingin kay Eleuthera.

"Tinatamad akong magsalita, Eleuthera." walang ganang tugon ni Heavenzy.

Ginawa pa nitong unan ang hita ni Venus.

Tinakpan nito ang mga mata gamit ang braso.

Biglaang napalunok ng pagkain si Zayn Eros dahilan para mabilaukan siya.

Dali-dali naman binuksan ni Eleuthera ang bote ng tubig at binigay sa kanya.

Hindi niya akalain na ganito ang mga magkakaibigan mag-usap tila ba ay may mga sari-sariling mundo at napipilitan lamang magsama-sama.

Mukhang hindi magiging madali ang pananatili niya sa mundo na 'to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Shh, I'm Sleeping    Epilogue

    Six years later..."Are you ..." –He struggled to find the right words under his tongue–"surrendering your uniform?"Bumabalik pa rin sa kanya ang naganap ilang taon na nakakalipas nang personal siyang pumunta sa opisina ng heneral para magpaalam. Magpaalam sa minahal na rin niyang trabaho. May hapdi rin naidulot sa kanya ang desisyon na 'yon, may mga kasamahan siyang hindi siya pinansin ng isang buwan nang mag-ibang daan ang tinahak niya at pinili ang mapayapang buhay. Kalaunan din naman ay tinanggap ng mga ito nang buong puso ang kanyang naging pasya at limang buwan matapos niyang mag-resign ay nagpaalam na rin sa trabaho si Piper."Akala ko ba date natin 'to bakit lumilipad yata sa kabilang mundo ang isip mo, Eleu?"Ngumisi siya sa lalaki. Nakasuot ito ng formal attire, typically businessman ang porma. Natatawa si E

  • Shh, I'm Sleeping    Chapter Thirty One

    "He's ...he's." nanginginig ang boses na bigkas ni Eleuthera.Hinaplos ng babae ang pisngi niya."Ano ang mas reyalidad sa 'yo, Eleu?" malambing na pagkakatanong nito. Yumuko si Eleuthera mula sa pagkakatitig sa mata nito. May kung ano rito na parang hinihigop ang kaluluwa niya at natatakot siya sa pakiramdam na 'yon."Eleu? Kailangan mo na bumalik."Ginulo nito ang buhok niya. Tumayo ito at nilahad sa kanya ang kamay na tinitigan niya lang."Hindi namatay ang pamilya ko, ang lahat na tao...at ako noong sumabog ang mga bomba, tama?"Naalala niya na matapos sabihin ni Cameron na 'wag niya ito patawarin ay nakita niya pa na mabilis na tumatakbo papalapit sa kanya si Janus. May mga tumutulong luha sa mga mata nito na kahit kailan ay hindi niya nakita. May isinisigaw ito ngunit para siyang bingi na hindi marinig an

  • Shh, I'm Sleeping    Chapter Thirty

    "What a gago," Piper hissed.Ayaw niyang nakakakita ng isang babaeng sinasaktan at inaabuso kahit na ito ay masama. Dala ng pagkainis niya ay inasinta niya gamit ang sniper ang kaliwang paa ni Payton. Napangiti siya nang makita na napaluhod ito, nainis din siya nang makitang sumisigaw na naman ito."Relax lang, Piper," natatawang paalala sa kanya ni Lennox gamit ang earpiece."Shh," rinig niyang saway ni Auden sa ingay ni Lennox."Gusto ko nang matulog, tapusin na natin 'to.""Copy, Cap," sabay-sabay nilang sagot sa kapitan."Guys, 'wag kayo magpapatama ng bala o patalim. Gumagamit sila ng lason," singit ni Zayn Eros."Okay," they answered."Okay lang?" "Shh," saway rin ni Scout sa lalaki na alam ng lahat maliban kay Zayn Eros na sinadya. May kunting

  • Shh, I'm Sleeping    Chapter Twenty Nine

    "Why are you here?" He looked at his wrist watch. "It's 3 am in the morning."Wearing his pajama and tee shirt, he still handsome as ever. Kahit ang uniporme nila na madalas malagyan ng dumi ay hindi ito mukhang basahan kapag sinuot niya. A chukles escaped from the girl's lips. Itinaas pa nito ang kamay, at pinormang bato. "Two nights and three days, let's bring it on."Nakangiting tumango ang lalaki, hindi na ito nag-abalang magbihis. Lagi na kasing may extra silang damit sa sasakyan nito, they are always ready to go at samantalahin ang days off.Inakbayan niya ang babae at halos takbuhin na nila ang pagitan ng sasakyan nito. As usual he's the driver, ayaw niyang binibigay ang manibela sa babae. Alam niya kasing sobrang bilis nitong magmaneho na aakalain na may humahabol at race na nagaganap.Habang nagmamaneho ay hindi man lang silang dalawa nabal

  • Shh, I'm Sleeping    Chapter Twenty-eight

    Sa hindi na mabilang na kung ilang beses ay sumulyap ulit si Zayn Eros sa labas ng bintana ng sasakyan ng kapitan. Wala pa rin siyang makitang bakas ni Eleuthera.Matapos kasing alalayan nitong umalis si Scout ay naglaho ang dalawa sa dilim kaya hindi na niya nasundan kung saan ang mga ito nagtungo. Hindi rin kasi niya mapigilan ang sarili na makiusyoso sa kung anong hakbang ang gagawin ng kapitan sa myembro ng kino-command nito at siyang halatang umiibig kay Eleuthera.Sa tulong niya ay nadala nila ni Auden ang mga kasamahan nito sa kotse ng lalaki. Kahit nga lasing si Auden ay nagawa nitong kargahin na parang sako si Lennox habang siya ay kinarga na lang ng bridal style si Piper na magaan naman at hindi naman siya pinahirapan.Sa labas ng kotse ay makisig na nakatindig si Auden na daig pa ang security guard ng isang malaki at striktong kompany at sa nagbabantay sa isang presedente o maharlika sa pagmamasid nito sa paligi

  • Shh, I'm Sleeping    Chapter Twenty-seven

    To his wonder, his captain brought a bouquet of pink roses, and a scented candle. May date ba ang kapitan? Dapat ba ay hindi na siya sumama at baka maging third wheel siya? What kind of date anyway? Ang babae ang bumibili ng bulaklak at kandila na may aroma? What makes more creepier to him, the captain looked like an inlove teenager when she smiles from ear to ear nang makuha nito ang mga binili."May date po ba kayong dalawa?" Nagkatingin silang dalawa at sabay na natawa sa naging turan ng saleslady. "Hindi po ako ang ka-date niya." Nagkibit-balikat si Zayn Eros."Ayy...eh, sino ang ka-date mo iha?" baling nito kay Eleuthera."Nakalimutan mo na po ako ulit?" Mas natawa ang dalaga."Teka..." Mabuting pinagmasdan ng ale si Eleuthera. "Oh! Ikaw pala 'yan E...le...yu!"Eleyu? tanong ni Zayn Eros sa sarili. Na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status