Stay tuned for more updates.
Kira’s POVPagpasok ko sa department namin, agad akong sinalubong ng bulungan. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Naririnig ko pa ang mga mahihinang tawanan, at kahit hindi ko sila tingnan isa-isa, alam kong ako ang pinaguusapan.“’Yan ‘yung sinasabi ko. Pinabayaan ang pamilya sa probinsya, nakahanap lang ng mayaman.”“Kung hindi ba naman, tingnan mo. Limang buwan buntis, tapos parang siya pa ang bida.”Napalunok ako. Pinili kong maglakad nang diretso papunta sa table ko, pero bago pa ako makaupo, nakita ko si Bianca. Nakadungaw siya sa table niya kasama ang dalawa pang junior architects. Nakasandal siya sa upuan, nakangisi habang maingay na nakikipagkuwentuhan.“Kaya pala bigla siyang nagka-condo, branded na lahat ng gamit. Syempre, jackpot sa mayamang asawa. Wala na, iniwan ang pamilya niya sa probinsya. Pabaya. Kahit kapatid niya raw dati nagtrabaho sa bar, ‘di ba? Parang sila na talaga. Pare-parehong manggagamit.”Biglang nanikip ang dibdib ko. Hind
Kira's POV Katatapos ko lang kumain ng mangga. Binuksan ko ang TV, ngunit hindi ko inaasahan na tungkol sa pamilya ko ang nasa balita. Ayon sa balita, may dating kaso tungkol sa amin ng pamilya ko sa probinsya. Family lawsuit, at pinalabas ng media na ako raw ang dahilan kaya naging magulo ang pamilya ko. Kahit wala akong kasalanan, ginawang parang scripted na ako ang masama, at na ako raw ay gold digger na matagal nang may plano sa Salvatore fortune.Pinatay ko ang TV. Habang nakaupo ako sa salas ng bahay, hawak ko ang cellphone at binabasa ang headline, parang nanlamig ang buong katawan ko.“Gold digger daughter-in-law of the Salvatores exposed,” iyon ang nakasulat.Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung saan galing ‘yong narrative na ‘yon. Ni hindi ko nga hawak ang pamilya ko sa probinsya, tapos ngayon ginagawa akong kontrabida.Biglang bumukas ang pinto. Pagtingin ko, hindi ko inaasahan ang taong darating. Si Tita Rowena, na pilit pinapaalis ng maids namin dito sa bahay. Nag
Kira’s POVMonths had passed. Limang buwan na akong buntis at kahit na hindi biro ang pagbabago sa katawan ko, ramdam kong masaya si Anthony sa bawat progress ng pregnancy ko. Lalo na siya naging protective at mas lalong nag-focus sa trabaho, sa akin, at sa baby namin.Napalingon alo sa kaniya nang biglang nag-ring ang phone ni Anthony. Pagkasagot niya, napansin ko agad ang biglaang pagbabago ng ekspresyon niya.“Hello? Lolo?”Napatitig ako. Akala ko nasa Spain pa siya para mag-retire.“Bumalik ka na?” tanong ni Anthony sa kabilang linya.Hindi ko naririnig ang sagot pero halata sa mukha ni Anthony ang kaba at inis. “Okay. Pupunta kami.”Pagkababa niya ng tawag, agad siyang humugot ng malalim na hininga.“Kira, nandito na si Lolo. Kakabalik lang niya galing Spain,” mahinang sabi niya.“Talaga? Akala ko ba roon na siya maninirahan?” tanong ko. Bigla na naman akong kinabahan.“'Yun nga ang plano. Pero mukhang may binabalak siya. Gusto niya tayong puntahan sa office mamaya. At mukhang h
Kira’s POVExcited na excited si Anthony habang nasa biyahe kami papunta sa kilalang OB-GYN. Halos hindi siya mapakali sa driver seat. Kanina pa siya tanong nang tanong, parang siya ang buntis at hindi ako.“Baby, do you feel okay? Hindi ba masyadong mainit? Gusto mo ba dagdagan ko ng aircon?” tanong niya habang panay ang tingin sa akin kaysa sa kalsada.“Anthony, mag-drive ka nang maayos. Okay lang ako. At huwag kang OA, please. Kakapasok pa lang natin sa second month,” sagot ko, sabay hawak sa kamay niya para kumalma.“Pero baka kasi hindi ka comfortable. Hindi na puwede na hindi kita bantayan. I promised I’ll be a hands-on dad. And that starts now.”Napailing ako. “Hands-on dad agad? Ni hindi pa nga natin alam kung ilang weeks talaga itong baby.”“Exactly. Kaya nga tayo pupunta sa OB. I need to know everything. From what you should eat, hanggang sa kung paano kita tutulungan sa pagbubuntis mo.”Pagdating namin sa clinic, halatang kinakabahan si Anthony. Kanina pa siya paikot-ikot,
Kira’s POVKinakabahan ako habang hawak ang pregnancy test. Nasa loob pa rin ako ng banyo. Ramdam kong nanginginig ang kamay at tuhod ko. Sa labas, rinig ko ang boses ni Anthony. Kanina pa niya ako tinatawag. Excited na excited siya, samantalang ako, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang resulta.“Wifey, tapos ka na ba? Please, don’t make me wait too long,” sigaw niya mula sa labas.Napahugot ako ng malalim na hininga bago ginamit ang test. Umupo ako sa toilet bowl, nakatitig sa maliit na stick habang hinihintay ang ilang minuto. Ang tagal ng bawat segundo, parang ayaw lumipas. Nang makita ko ang dalawang linya, napahawak ako agad sa tiyan ko. Buntis ako. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatawa.Hinaplos ko ang tiyan ko at saka dahan-dahang binuksan ang pinto.Agad akong sinalubong ni Anthony. Halos pawisan siya sa kaba. Pabalik-balik siyang naglalakad pero nang makita niya ako, lumapit agad siya. “So? Ano na? Tell me, baby.”Hindi ako nakasagot agad. Iniabot ko lang sa kanya
Kira’s POVOngoing ang meeting sa conference room nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Parang hindi ko na kayang pigilan, kaya dali-dali akong tumayo at lumabas. Nakaramdam ako ng ilang pares ng mata na nakatingin pero wala na akong pakialam. Diretso akong nagtungo sa banyo. Halos mawalan ako ng lakas habang sumusuka. Pinunasan ko ang bibig ko at umupo saglit sa gilid ng lababo. Huminga ako nang malalim at kinumbinsi ang sarili ko.“Siguro dahil lang sa puyat. Hindi naman siguro ito kung ano…” bulong ko sa sarili ko habang nag-aayos ng buhok at mukha. Ayokong makita ng iba na mukhang wasak ako.Paglabas ko ng banyo, sakto namang nasalubong ko si Bianca kasama ang tatlo niyang alipores na mga junior architects. Nakakunot agad ang noo niya at mabilis na nagkomento.“Uy, guys, tingnan n’yo. Ang putla ni Ma’am Kira. Baka may nakakahawang sakit ‘yan,” sabi niya na may halong pang-iinsulto.Umiling ang isa sa mga junior na nakasunod sa kaniya. “Naku, baka nga. Kaya siguro laging absent o