เข้าสู่ระบบ"You need financial freedom. I need a bride. One signature—and your debt’s gone." *** Kira Navarro thought she had everything under control. Maayos ang trabaho, may konting ipon, at kahit papaano'y nakakaraos sa buhay. Dahil sa sobrang pagod at stress, napa-oo siya sa mga kaibigan na mag-unwind sa bar. Hindi niya inakalang ang simpleng gabing ‘yon ay mauuwi sa isang mainit na encounter kasama ang isang estranghero—na hindi niya alam, ay ang bagong CEO ng Salvatore Holdings, kung saan siya nagtatrabaho bilang architect. Kinabukasan, halos himatayin siya sa gulat nang makaharap ang lalaki sa opisina—ang cold and ruthless CEO na ngayon ay boss niya. Pero hindi siya pinansin. Parang hindi siya kilala. Parang walang nangyari. Pagbalik niya sa ospital kung saan naka-confine ang ina niyang may sakit sa puso, dumating ang mas masakit na balita—wala na ito. Cardiac arrest. Gumuho ang mundo ni Kira. Wala na ang ina niya. Nabaon siya sa utang. At nanganganib pa silang mapalayas sa inuupahan nila ng kapatid niya. Desperada siyang humingi ng cash advance sa HR, pero tinanggihan. Wala na siyang ibang malapitan kundi ang taong ayaw na ayaw sana niyang lapitan—si Anthony Salvatore. Pero sa halip na tulong o sermon, isang kontrata ang inabot nito. Pakakasalan daw niya si Anthony kapalit ng limang milyong piso at pagbabayad ng lahat ng utang nila. Sa harap ng mundo, asawa siya ng CEO. Pero sa loob ng mansion, parang boarder lang siya. Hanggang kailan niya kailangang tanggapin na papel lang ang ginagampanan niya sa buhay ng lalaking unti-unti niyang minamahal?
ดูเพิ่มเติมPagkauwi ni Audrey sa condo, nadatnan niya sina Allan at Alia na nakaupo sa carpeted floor ng sala. Nakabukas ang mga notebook nila, sabay silang nag-aaral ng homework. Napansin agad ni Audrey ang mga bagong gamit sa lamesa—isang bago at makintab na pencil case, dalawang makapal na notebook na may cartoon cover, at bagong tablet na nakapatong sa gilid. “Kuya Allan…” tawag ni Audrey, hindi maitago ang pag-aalala. “Saan galing ’yang mga gamit na ’yan?” Napatingin si Allan sa kapatid, medyo nahihiyang ngumiti. “Ah… Ate, binili po ’yan… ni Kuya Midnight. Pinadala niya kanina. May tumawag na tao niya, tapos iniabot po rito.” Napabuntong-hininga si Audrey. “Sinabi ko na sa inyo, huwag kayong tumatanggap agad ng kung ano-ano. Kailangan ko munang malaman.” “Ate naman,” sabi ni Alia, lumapit at niyakap ang braso niya. “Sabi po no'ng guard, okay lang daw. Saka… ang ganda po nang tablet. Puwede ko na pong gawin ang drawings ko roon.” Napaupo si Audrey sa sofa. Hinaplos niya ang buhok ng bat
Katatapos lang ng trabaho ni Audrey before lunch nang makarinig siya ng chismis sa kabilang mesa. Naririnig niya ang mahinang usap-usapan ng ilang empleyado habang kumukuha sila ng tubig sa dispenser. Hindi sinasadya pero umabot sa pandinig niya ang pangalan ni Midnight. “Uy, girl, sabi ni Ma’am Trina babalik na raw dito sa Pilipinas ang rumored long-time girlfriend ni Sir Midnight.” “Ano? ’Yung taga-Australia?” “Oo. Tatlong taon daw silang on and off, tapos biglang biglang bumalik daw sa Pinas si girl. Baka mag-propose na si Sir! Ang tagal na nilang magkasintahan.” “Grabe! Buti pa siya, may forever.” Napapitlag si Audrey. Parang biglang lumamig ang batok niya. Hindi siya dapat makinig, pero kusa nang kumislot ang puso niya. Nagpigil siya ng buntong-hininga at nagpatuloy sa pag-aayos ng laptop niya. Pero hindi niya napigilan ang paghaplos sa maliit niyang tiyan sa ilalim ng maluwag na blouse. Para bang pinapaalalahanan siya ng reyalidad. “Kung totoo man ang chismis… kung may gir
Hindi makatingin si Audrey nang diretso kay Midnight. Hindi niya alam kung saan niya ilalagay ang sarili. Nang marinig niya kanina ang sinabi ng binata, parang umikot ang mundo niya. “You’re pregnant, Audrey,” ulit ni Midnight, mas mababa ang tono. “You’re carrying my child.” Napakuyom ng kamay ni Audrey. Hindi siya makapagsalita. “You’re my responsibility,” dagdag ng binata. “’Yan ang dahilan kung bakit ayaw kitang mahirapan. Wala nang iba.” Napatingin si Audrey sa sahig. Inaasahan niya na magagalit si Midnight, magtatanong kung bakit itinago niya, kung bakit nagsinungaling siya noon. Pero heto ito, kalmado, hindi mataas ang boses, hindi siya minamasama. “Akala ko…” mahinang bulong ni Audrey. “Akala ko magagalit ka sa ’kin.” Umiling si Midnight. “Hindi ako galit.” Natahimik si Audrey, kinakapa ang sariling lakas ng loob. Lumapit ng isang hakbang si Midnight. “Audrey, alagaan mo ang sarili mo. Don’t stress yourself.” “Sir—” “Stop calling me Sir.” Matiim ang boses nito pero hi
Pagdating nilang lahat sa Maynila, halos hindi makapaniwala sina Allan at Alia sa laki ng condo. Nang buksan ni Midnight ang pinto, sabay-sabay napatingin ang mga bata sa malinis at malamig na loob ng unit. May sofa, malambot na carpet, kumpletong appliances, at amoy bagong linis ang buong lugar. “Ate… ang laki rito…” bulong ni Alia habang nakahawak pa sa damit ni Audrey. Tumawa nang mahina si Allan. “Parang hotel, Ate. Totoo ba ‘to? Dito na tayo titira?” Ngumiti si Audrey sa kanila kahit pagod na pagod ang katawan at isip. “Oo, dito muna tayo. Pero magpasalamat kayo kay Sir Midnight. Kung hindi dahil sa kanya…” Napakamot ng ulo si Midnight, halatang naiilang sa papuri. “Hindi kailangan ng pasasalamat. Mas gusto ko lang na kumportable kayo.” Lumapit si Alia kay Midnight at nahihiya pang yumuko. “Salamat po, Sir. Hindi ko po… hindi ko po alam paano mag-thank you nang tama… pero salamat po talaga.” Napangiti si Midnight. “Tawagin mo na lang akong Kuya Midnight para mas madali.” Na












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
คะแนน